Chapter 7

1610 Words
Everyone was busy. Everyone was doing this, doing that. Nakakapagtaka kung bakit sobrang aligaga ang mga tao sa tahanan nila. Hindi niya alam kung bakit nagkakagulo sa tahanan nila. Hindi niya alam kung ano ba ang pinaghahandaan ng mga kasambahay nila. Hindi naman niya birthday. Hindi rin birthday ng mga magulang niya. Hindi rin nila anniversary. So ano? May bisita ba silang darating? Masyado ba itong importante kaya ganoon na lamang ang mga ito sa paghahanda? Parang may fiesta eh! Bonggang-bongga! Tahimik siyang nakamasid mula sa stool na kinauupuan sa island counter ng kusina. She was eating her cereal while looking at the busy housemaids preparing for the meal. Kanina pa niya pinagmamasdan ang mga ito na nagkakagulo, nagkakalituhan at nagluluto ng kung ano-anong putahe para sa misteryosong pagdiriwang sa kanilang tahanan. "Manang Flor?" tawag niya rito habang nakasubo pa ang kutsara sa bibig niya. Ipinaypay pa niya ang kanyang kamay upang tawagin at lumapit ito sa kanya. Her Manang Flor was too busy. Aligagang-aligaga ito at hindi mapakali habang minamanduhan ang iba pa nilang kasambahay na nasa kusina. Magulo ang buhok nito at puno ng pawis ang mukha. Haggard na haggard ang dating nito at itsura nito. "Oh! Bakit, anak?" Lingon nito sa kanya ngunit ibinalik agad ang pansin sa ginagawa nito. Sumisilip kasi ito sa kalderong nakasalang sa lutuan. Kumukulo na ata iyon base na rin sa usok na nagmumula sa nakabukas na kaldero. "Anong ganap?" nagtatakang tanong niya pagkatapos ay sumubo na naman ng cereal. "Ay! Hindi mo alam?” balik-tanong nito sa kanya na ikinakamot niya ng ulo. “Manang, magtatanong ba ako kung alam ko? Kanina pa kayo aligaga. Anong oras ba kayo nagising? Pero sagutin mo muna ang tanong ko, Manang. Anong meron?” “Hindi ba sinabi sa’yo ng mommy at daddy mo?" balik-tanong nito habang patuloy ang ginagawang paghahalo sa niluluto. Napakamot na naman siya ng ulo dahil sa tanong nito sa kanya. Hindi ba nito pwedeng sagutin na lamang ang tanong niya at ‘wag siyang sagutin ng tanong din? Nakakaloka naman kasi ito. "Hmm. Wala naman silang binabanggit eh. Ano ngang meron?" pangungulit niya sa matanda. "May mga bisita kayo mamaya," sagot nito sa kanya. Mga? Ibig sabihin marami ang bisita nila mamaya. So ano ang okasyon at magkakaroon sila ng mga bisita. Wala kasi talagang nababanggit sa kanya ang mommy at daddy niya. Wala talaga siyang clue kung anong ganap ang meron sa bahay nila ngayong araw na ito. "Marami? Sino-sino?" muli niyang tanong. She was so eager to know who their visitors will be. Napaka-espesyal naman kasi ng mga ito. "Itanong mo na lang sa mommy at daddy mo. Itong batang ‘to. Huwag mo akong istorbuhin dahil marami pa kaming gagawin at lulutuin," wika nito sa kanya. “Seryoso, Manang? Nagtatanong lang naman po ako. Nakakainggit naman ‘yang mga bisitang sinasabi mo,” may pagtatampong wika niya sa matanda. “Bilisan mo na ang kumain at pumasok ka na sa opisina para hindi mo kami maistorbo rito,” turan ni Manang Flor sa kanya. “Ouch! Nakakasakit ka na ng damdamin ha, Manang!” kunwaring nasasaktang wika niya sa matanda na ikinailing na lamang nito. Nakasimangot na tinanggal niya ang kutsara sa bibig niya at ipinagpatuloy ang pagkain habang nakamasid sa mga ito na busing busy talaga. She doesn't know who their visitors are nor what would be the occasion. Her parents didn't tell her and that made her so curious but she didn't mind it. Baka makalimutan lang ng mga ito na banggitin sa kanya. Malamang ay mga business partner ng mga ito o kaya naman ay mga investor. But her parents don't usually do that kaya naman nagtataka talaga siya. They would invite their business partners but not on their home. Her mom didn't want to have anyone aside from them to be in the house because of the accident before. Kaya kahit gaano pa kalaki ang bahay nila ay sila lang na mag-anak together with the trusted helpers ang naroroon. Her parents were very cautious and overprotective with her which sometimes nakakasakal na but she knew it was for her own good. Okay naman iyon sa kanya, minsan lang kasi nasosobrahan na ng mga ito. But she can't blame them you know kaya hinahayaan na lamang niya ang mga ito sa kung saan ikakapanatag ng kalooban nila. She sighed with those thoughts running on her mind again. Hindi niya gustong balikan ang panahong iyon pero minsan hindi rin niya maiwasan at napapadaan pa rin siya sa mga alaalang iyon. "Oh sige, Manang. Mauna na ako dahil nakakaistorbo na ako sa inyo. Enjoy na lang sa cooking," wika niya rito at inabot ang bag niyang nasa ibabaw ng counter at mabilis na lumabas ng kusina at tinungo ang garahe. She stepped inside her mini-copper and drove off to the office. Office. Yes, she’s an office girl now. She's now working at her parents' company not as an executive but a mere employee who started from the bottom. Now she is the head of the HR Department. Kahit na gusto ng mga magulang niya na iluklok siya sa mataas na posisyon noong magtapos siya ng kolehiya ilang taon na ang nakakalipas ay tinanggihan niya dahil ayaw niyang may masabi ang mga empleyado ng kanyang mga magulang. Aside from that, she wanted to experience how to strive on her own way up. She wanted to know how to climb the ladder of success without the help of her parents. It will be a great experience for her especially that someday siya rin naman ang magmamana ng kompanya ng mga magulang niya. Pero hindi rin naman talaga mawawala ‘yung idea that she's the heir of the company kaya mayroon pa rin ‘yung kapit at say niya sa mga matataas na opisyal ng kompanya. Gusto rin sana niyang sa ibang kompanya na lang magtrabaho upang wala ganoong klaseng treatment but her parents didn’t let her. It’s either she will work on their company, or she will never work at all. So, wala na siyang choice kundi ang magtrabaho sa sarili nilang kompanya. Okay rin na piliin niya ang pangalawang option dahil mabubuhay siya kahit hindi siya magtrabaho pero nakakasakit iyon ng ego at pride. She wanted to live using her own salary although nagbibigay pa rin ang parents niya ng pera niya but she was just saving it. Gusto niyang gumastos ng sarili niyang pera, iyong galing sa kanyang pinaghirapan. Kung pwede nga lang din siyang bumukod ay ginagawa na niya but she was the only child and her parents won’t like and let her. When she arrived at the office building, she went to the elevator used by common employees in the company. Iyon ang madalas niyang gamitin dahil gusto niyang maranasan nakikipagsiksikan at nakikipaghabulan para makasakay sa elevator. But what surprised her was the scene a woman shouldn't experience. Biglang nagdilim ang tingin niya sa nakita niya. A male employee was forcing a kiss or more to a female employee that was now struggling to get away from the bastard. Biglang kumulo talaga ang dugo niya dahil sa naabutan. Hindi rin siya napansin ng mga ito dahil busy ang lalaki sa kalokohang ginagawa nito sa kawawang babae. She pushed the stop button preventing the elevator to move. Then she grabbed the guy by the collar and slammed him at the corner of the elevator at tinuhod ng walang alinlangan. Pagkatapos ay pinilipit ang isang braso nito patalikod. The guy shouted so loud due to the pain she inflicted on him. "Tarantado kang gag* ka. Dito mo pa pinili ‘yang kamanyakan mo," she angrily said at inundayan ng suntok ang lalaki. Wala namang umawat sa kanya habang ginugulpi niya ito. The female employee was just at the corner watching them while the others who tried to ride that elevator were just watching at them too like it was a scene from a movie. May shooting at siya ang bida! Nang makontento sa ginawa ay tumigil na siya. Duguan ang mukha ng lalaki at namimilipit ito sa sakit. Binalingan din niya ang babaeng minamanyak nito nab akas ang luha sa mga mata. "Next time, huwag niyong hahayaan na ganunin kayo ng mga lalaki. Do something for yourself. At ilabas niyo ‘yang gag*ng iyan at sisantehin," wika niya at pinulit ang bag na nalaglag kanina pagkatapos ay lumabas ng elevator. Andoon naman na ang mga guwardiya na nag-aabang sa labas ng elevator. Kaya isinenyas na lamang niya ang lalaki na nanghihinang nakaupo sa sahig. Kulang pa iyon sa kanya. She took the private elevator and saw the guy being dragged by the two security personnel of the company. Umiling na lang siya sa nangyari. Sigurado siyang magiging hot topic na naman siya dahil sa ginawa but she doesn't care. And true to her words, hot topic nga siya. Some said she did the right thing, others said she's just a brat at umandar na naman ang kanyang kabaliwan and so on and so forth. Pero hindi naman iyon bago sa kanya. Ilang beses na ba siyang nanggulpi ng mga empleyado? Kaya ipinagkibit-balikat na lang niya at tinataasan ng kilay ang mga tsismoso at tsimosang empleyado nila. As long as they are doing their job properly, wala siyang pakialam sa sasabihin nila. Kaya maghapon niyang inabala ang sarili sa trabaho. Mas marami ang dapat gawin kaysa sa makinig sa mga nonsense na opinions ng iba. Kaya naman iginugol niya ang buong maghapon sa pagtatrabaho dahil marami pa siyang dapat gawin. Wasting her time on useless things was not her cup of coffee. Kaya naman bahala na ang mga ito sa pagchichismisan. She doesn't care at all!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD