It was passed seven in the evening when she finished her work. Hindi na niya namalayan ang oras dahil sa subsob na siya sa trabaho. Kung hindi pa tumunog ang cellphone niya ay hindi pa niya mamamalayan na gabi na pala. Ganoon siya ka-workaholic na tao. Hindi naman siya nag-aalalang magutom dahil panay pa-deliver ng mommy niya ng pagkain.
“Mom?” bungad niya sa mommy niya.
"Hija, aren't you coming home?" tanong ng mommy niya. She can picture her expression now. Nakasimangot na naman ito. Hindi na naman maipinta ang mukha nitong habang kausap siya lalo’t hindi na naman niya namalayan ang oras. Ginabi na naman siya. Nag-aalala na naman ito sa kanya.
"Mom, I'm just here at the office," sagot niya rito.
"Hija, you know how worried I am when you're alone especially at night. Ayokong ma---"
"Mom, I'm fine. Kaya ko na po ang sarili ko," putol niya sa sasabihin ng ina. Kung hindi niya kasi gagawin iyon ay hahaba at hahaba na naman ang sasabihin nito sa kanya with matching pakonsensiya effects pa.
"I'm just worried about you, hija," komento pa nito sa kanya.
"I'm coming home, Mom. So no need to worry," sagot niya at nagsimula na siyang magligpit ng mga gamit sa ibabaw ng kanyang lamesa.
"Isa pa 'yan, alam mo namang may bisita tayo anak," wika pa ng mommy niya.
"Bisita niyo. And Mom you didn't tell me about it. Kung hindi ko pa napansin ang pagkakaundagaga sila Manang Flor, hindi ko pa malalaman na may bisita ka," paniningil niya sa mommy niya.
"Hindi ko ba sinabi?" pagmamaang-maangan nito sa kanya. She rolled her eyes with that.
"Nope!" she said emphasizing the p.
"Umuwi ka na, anak. Andito na ang mga bisita. Ikaw na lang ang wala."
"Yes, Mom," sagot niya.
"You take care, hija. Drive safety," paalala nito sa kanya.
"Opo," she said before cutting the line.
She prepared her things and went down to the parking lot where she parked her car. Nakita niyang nagroronda na ang mga sekyu ng building nila. Tinanguan niya ang mga ito bago lumulan ng sasakyan at pinaharurot paalis.
She opened the radio while making her way to the road. Medyo bumibigat na ang traffic dahil rush hours na. Siguradong aabutin na naman siya ng siyam-siyam bago makauwi. Bakit kasi hindi na naman niya napansin ang oras. Ilang beses na niyang sinasabi sa sarili na maglagay ng alarm upang makauwi siya ng maaga ngunit hindi naman niya nagagawa.
I miss your love, since you've been gone
I found it hard to go on
Biglang lumungkot ang ihip ng hangin dahil sa kantang pumailanlang sa ire. Well, she missed someone from a long time ago. Matagal na panahon na rin niyang hindi ito nakikita o nakakausap man lang. It’s been ten long years maybe.
Hindi niya mapigilang sabayan ang awitin. Feel na feel talaga niya iyon at kahit na lakasan pa niya ang kanyang boses ay okay lang naman dahil mag-isa lang naman siya sa kanyang sasakyan. Wala namang makakarinig sa kanya.
She wondered how he was. She wondered kung naalala ba siya nito. He never called her, not even once. Even when she went into a coma ten years ago, he never said a thing to her or kinumusta man lang. Nakakasakit ng damdamin iyon dahil hindi man lang siya naaalala nito. Busy na ito sa buhay abroad nito.
She was cursing him for not even caring for her. Paulit-ulit niyang tinatanong ang mga magulang kung tumawag na ba ito para kumustahin siya but her parents often said "no". Hinanap niya ito noong magkamalay siya mula sa pagkaka-coma ngunit walang sinasabi ang kanyang magulang. Talagang nakalimutan na siya nito.
But despite that, she missed him. And she even memorized her words for him kapag nagbalik ito. She memorized all the questions she will ask him. All the "whys". Isusumbat niya lahat ng mga iyon kapag bumalik ito. Well, ang tanong, babalik pa ba ito? Mukhang hindi na nito kilala ang Pilipinas. Nawili na ata ito sa abroad at wala nang balak umuwi pa. Ni hindi nga nito madalaw ang mga magulang.
Her thought was snapped because of her phone. She connected it to the bluetooth speaker of her car.
"Yes, Mom? I'm on my way home. Traffic lang," pauna na niya sa ina.
"Hija, alam mo--"
"Mom, bisita mo ang mga iyan. I'll just meet them next time," putol niya sa sasabihin nito.
"Hija, hindi pwedeng mag-overnight ang Tito Armand mo dahil luluwas sila patungong Singapore bukas," sagot ng ina niya.
She rolled her eyes. So ang Tito Armand at Tita Maribeth pala niya ang bisita nila at hindi man lang nito sinabi agad. How she missed them. Madalang na kasi ang mga ito kung bumisita sa kanila. Kung hindi busy sa negosyo ay busy sa pag-to-tour ang mga ito. Or marahil sa pagbisita sa anak dahil hindi naman nito dinadalaw ang mga magulang.
"Mom, bakit kasi hindi mo agad sinabi na sila ang bisita mo?" nagtatampong tanong niya sa ina.
"It slipped on my mind, hija. Akala ko nasabi ko na," sagot nito sa kanya.
She again rolled her eyes with her Mom's answer. Seryoso ba talaga ito sa sinabi? Mukhang sinadya naman ata nitong hindi sabihin sa kanya.
"I can't argue with you with those remarks of yours, Mom," sagot niya rito in defeat. "Just say hi to them and that I missed them, in case I can't make it because of this heavy traffic I'm in right now."
"Yeah! Your Tita missed you too. Be safe, hija. Huwag kang makipagkarerahan," paalala nito sa kanya.
She sighed before ending the call, disappointed that her mom didn’t tell her that their visitors were them. Kung nalaman lamang sana niya ay mas maaga siyang nakauwi at hindi na nag-overtime pa. Ngayon kailangan tuloy niyang maabutan ang mga ito. She looked for an alternate route to escape from the heavy traffic. Gusto rin niyang makita ang mga ito. She went to possible routes but ended up being jammed again dahil sa dami ng sasakyan kaya imbes na mapabilis ang pag-uwi niya ay mas lalo pang napatagal na ikinairita niya.
Think of me when you're out when you're out there
I'll beg you nice on my knees
Sinasabayan niya ang kantang pinapatugtog sa radio upang hindi mainip habang hinihintay ang pag-usad ng traffic. Halos mag-iisang oras na ata siyang nakasiksik sa kabigat na traffic. Sinabayan na naman niya sa pag-awit ang kanya. She wondered if she will would love someone so deep that she will beg for him to stay just like what the song wanted to say.
"Bakit ba ganyang ang mga kanta mo, DJ? Bitter ka ba? Nandadamay ka pa!" reklamo niya na para bang naririnig siya ng DJ ng radio. “Para sabihin ko sa iyo wala akong lovelife ngayon kaya nakaka-bitter ‘yang pinapatugtog mo.”
Medyo naging light ang atmosphere sa sumunod na kanta. Mukhang narinig siya ng DJ. Narinig nito ang pasaring at reklamo niya kaya umiba ang ihip ng hangin. Mabuti naman iyon dahil ayaw niyang umuwi na panay sad ang feeling niya ng dahil lang sa mga kantang naririnig mula sa radyo.
You'll never know dear, how much I love you
Please don't take my sunshine away
Panay ang pagsabay niya sa mga kantang ipinapatugtog sa radyo. The songs were now on melorock genre kaya hindi na masyadong lonely sa feeling. Medyo napapa-head bang nga siya kung minsan. Pero okay lang iyon. Gaya nga nang sabi niya kanina, solo naman niya ang sasakyan at walang magrereklamo.
At sa wakas ay nakarating na rin siya sa kanilang tahanan. Uminat-inat siya dahil sumakit ang kanyang likod dahil sa mahabang pagkakaupo sa loob ng sasakyan. She looked at her wristwatch and it was almost ten o' clock in the evening then stepped out of her car. Pansin niyang wala na ang mga bisita nila dahil tahimik na ang buong paligid. Wala rin siyang makitang bagong sasakyan sa garahe. Nalungkot siya dahil doon. Sayang!
She was a bit disappointed that she didn't have the chance to see their visitors. Bigla niya tuloy nasisi ang mommy niya dahil rito. Hindi man lang niya nasilayan ang mga ito at hindi na naman siya nakatanong kung kumusta na ang mga ito at ang nakapagtanong nang tungkol sa unico hijo ng mga ito. Sayang talaga, sabi ng isip niya.
She fished her keys inside her bag. May sarili siyang susi kaya naman hindi na niya problema kung sino ang magbubukas ng pinto sa kanya at dahil ayaw niyang masermunan ng mommy niya everytime she went home late from work or from late- nights gimmick.
She was about to put the key on its keyhole when it suddenly opened. Ipinikit niya ang mga mata habang nakabitin ang kamay sa ere waiting for her mom to give her big time homily to her. Paniguradong grabeng sermon na naman ang abutin niya rito. Kaya naman inihanda na niya ang sarili. Handang handa na ang sarili niya but…
"What took you so long, Flower? Gabing-gabi na at ngayon mo lang naisipang umuwi?" That baritone voice welcomed her.