Chapter 6

2756 Words
Warning! Sensitive scenes! Read at your own risk! "One, two!" The line was still flat. "Again!" sigaw ng doctor. "One, Two!" Still. Flat line. "Isa pa! One, two!" The machine was beeping so loud. Flat line. The doctors and nurses lost hopes on this life now. They were reviving her for how many minutes already yet there was no response from her. Sumuko na ang mga doctor lalo't nakatamo siya ng napakatinding mga sugat sa katawan. Milagro na lamang ang kailangan para sa kanya. Her parents were crying outside the operating room. Napakalakas ng hagulgol ng kanyang ina sa labas habang panay ang panalangin nito para sa kanyang buhay. Ang kanyang ama naman ay halos isumpa ang sarili dahil sa nangyari sa gabing iyon. The doctors went out of the room, shoulders’ low, paled face and lonely eyes. "I'm so sorry. She didn't make it." Iyon lang at umalis na ang mga ito sa harap ng kanyang mga magulang. Her mother rushed towards her. Hugged her bloody body so tight, screaming her name so loud. While her father tightly hugged her mother from the back also screaming her name. Napuno ng hinagpis ang kwartong iyon. "My baby. Please wake up!" malakas na sigaw ng mommy niya. "Please, baby!" malakas ang hagulgol nito habang yakap-yakap siya. "Baby! We're so sorry. Hindi ka na lamang sana namin iniwan. We should persuade you to come then this wouldn't happen." Iyak ng kanyang ama. Puno ng pagsisisi ang mukha nito habang walang buhay ang tinig. The room was filled with sadness. The crying, the screaming of her name. "Wake up, anak! You're Kuya Loui will be coming home. Wake up, Baby! Wake up!" mahinang bigkas ng kanyang ina. Puno ng pagmamakaawa ang tinig nito habang yakap ang kanyang duguang katawan. Sabay na nakikiusap ang kanyang mga magulang habang puno ng pagmamakaawa ang buong paligid. Halos iyon na lamang ang naririnig sa mga oras na iyon. Napakalungkot at napakasakit na iyak at hinagpis ng mga taong nagmamahal. Puno ng pagmamakaawa! Mga sigaw na nakakapunit at nakakadurog ng puso kapag ito’y maririnig. Then, the machine suddenly blinked and beeped so loud. Heartbeat. Yes, heartbeat. There was a heartbeat. The line wasn't flat anymore. It started moving up and down. Up and down. Up. Down. "Rose! Baby! Tumawag ka ng doctor, Carmelo!" malakas na sigaw ng mommy niya. "Carmelo!" malakas na tawag nito sa kanyang ama na hindi pa rin gumagalaw sa kanyang kinatatayuan. "Si Rose! Ang doctor!" sigaw nito and her father started running out of the door. Nagkakagulo. She can hear them. The footsteps. The voices. The shouting. The calling of her name. The beeping of the machines. She can see faint light. Then there was total darkness. Everything went black and silent. ------ "HOW IS SHE, Tita?" tanong ni Loui sa kanyang Tita Rosalyn habang nakatunghay sa nakahigang katawan ng dalagita. Napakaraming aparato ang nakakabit sa maliit na katawan nito. "There was still no response from her, hijo. It's been a month now pero hindi pa rin siya nagigising," naiiyak na wika nito sa kanya habang nakahawak sa kamay ng anak. "Kasalanan namin ito. Kung sana pinilit namin siyang sumama, she wouldn't end up like this." Nagsimula na itong humagulgol. "Rosalyn, no one expected this to happen." Narinig niyang sagot ng mommy niya sa kaibigan. He just got home from abroad. Hindi kasi siya makauwi because of the exams he had to take but he was dying to go home since that night. Uwing-uwi na siya ng mga oras na iyon. Kung hindi lamang siya pinakiusapan at kinunsensiya ng mga magulang gamit ang pangalan ng dalagita ay lilipad at lilipad siya pabalik ng bansa. The hell with his exams. Ang importante sa kanya ay ang dalagita. Katatapos lamang ng isang exam nila so he left to the restroom. Pagbalik niya ay napakaputla na ni KC while holding his cellphone. Bahagya ring nanginginig ang mga kamay nito maging ang bibig nitong nakatingin sa kanya. "Gray?" mahinang tawag nito sa kanya. "What happened?" nag-alalang tanong niya rito. "Y-you're g-girl," mahinang wika nito. Nagsimula nang dumaloy ang luha nito sa kanyang mga mata. Biglang lumukso ang puso niya sa kanyang dibdib dahil sa narinig. Nagkakarerahan ang t***k ng puso niya.Bigla siyang nanghina sa hindi niya malamang dahilan. "What happened?" tanong niya rito but KC somewhat lost her senses. "What happened, Blue?" Niyugyog na niya ito at mukhang natauhan naman ito. "Call for help. She's in danger, Gray. Tumawag ka ng tulong. She's in danger!" malakas na sigaw nito sa kanya at namalisbis ang mga luha at nanginginig na ito. Mabilis ang kanyang galaw at inagaw ang cellphone niyang hawak nito. He dialled his dad's number and luckily he picked up the first ring. "Dad! Call the police. Flower is in danger. Oh God help her. Now, dad. Now!" malakas na sigaw niya. Natataranta ang buong sistema niya. At sa mga oras na iyon ay gustong-gusto na niyang tumakbo papunta sa airport upang makauwi. Sa mga oras na iyon pakiramdam niya ay wala siyang silbi dahil wala siyang nagagawa para mailigtas ang babaeng tinatangi sa kapahamakang hindi niya masabi. He was lost. Pagkaraan ng halos isang oras ay halos madurog ang puso niya nang malaman mula sa ama ang nangyari sa dalagita nang gabing iyon. Worst he wasn't there for her. He wasn't there when she needed her. To protect her. He wasn’t there with her. He was useless. So useless. At mas lalong nadurog ang puso niya nang malaman ang kalagayan nito. She was in critical condition. She was in coma. He wanted to fly back home pero hindi siya makauwi dahil sa exams nila at hindi pumayag ang kanyang ama. And it took him a month bago pa nakauwi. At heto nga siya nakatayo sa harapan ng dalagitang walang malay. Naikuyom niya ang mga kamao nang maalala ang sinapit ng kawawang dalagita sa kamay ng mga halang ang bituka. Madiing ipinikit niya ang mga mata habang nakakuyom ang mga kamao. Hindi niya mapapalampas ito. Hahanapin niya saan mang sulok ng mundo ang gumawa nito sa dalagita. Lintik lang ang walang ganti. Pagbabayaran ng mga ito ang ginawa ng mga ito sa kanyang pinakamamahal. Magbabayad ang mga ito ng malaki. Kulang ang buhay ng mga ito sa ginawa nila. Kaawa-awa ang sinapit nito. Just looking at her state now and you will tell how hard it was for her, all alone in that big house. Halos paulit-ulit na sumasagi sa kanyang isipan ang sinapit nito. Naninikip ang dibdib niya tuwing naaalala ang sinapit nito batay na rin sa ginawang eksaminasyon ng mga doctor sa mga sugat na natamo nito. She was tortured inside her room, tied in her bedroom. He can picture her state. Duguan ang katawan nito dahil sa natamong mga saksak, putok ang mga labi nito, sabog ang buhok at duguan ang ulo. May mga bale rin ito sa ibat'-ibang parte ng katawan. Punit-punit ang damit pantulog nito. She could die. Good thing, hindi ito pinagsamantalahan or rather hindi natuloy ang pananamantala ng mga ito sa dalagita because help came on time. On the right time. Thank God, it came on the right time. He slowly walked beside her bed, beside her. The black and blues all over her body already faded but there were some na halata pa rin. "Hey, F-flower." He started. Bakas ang garalgal sa boses niya na pilit niyang itinatago. "You should get up now. Hindi ba masakit ‘yang likod mo sa kakahiga? I'm here now," wika niya rito sabay pisil sa kamay nitong hawak-hawak na niya ngayon. "Ikaw na muna ang magbantay sa kanya, hijo. We'll just grab some lunch," wika ng mommy niya sa kanya. He nodded. His Tita Rosalyn doesn't want to go and leave her daughter but he assured her that he will not leave. "I'm so sorry I wasn't there, Flower," he said when he was alone with her. Pumatak na ang luhang kanina pa niya pinipigilan. "I promise. I will make them pay for what they did to you. Iisa-isahin ko sila. Hahanapin ko sila saan man sila naroroon. I will make them pay." He promised to himself na hindi niya palalampasin ito. Not until they end up in jail. "So wake up now. Hindi mo ba kami na-mi-miss? Iyak nang iyak ang mommy mo. She doesn't eat well nor sleep well thinking of you. Nag-aalala na kami para sa’yo. Nag-aalala akong baka iwan mo na kami, iwan mo na ako. Hindi ka pa nga nagkaka-boyfriend. Wala pa akong ginulpi. Wake up and enjoy life," wika niya rito ngunit wala naman siyang kahit anong nakikitang reaksiyon mula sa dalagita. "Wake up. I miss you so much. Don't leave me. Hindi ko makakayang iwan mo ako. Hindi pa nga tayo nakakapagsimula. Please wake up. Please don't make this hard for me, for us. Please." Nakatukyok na ang ulo niya sa braso nito habang panay ang patak ng luha niya. He can't help it. Thinking she will leave, permanently, was like a knife stabbed on his heart. Hindi niya kakayanin. Every night he kept on praying she will wake up. Kahit wala siya sa tabi nito, paulit-ulit ang panalangin niya na gumising na ito and be herself again. He was pouring his heart out in despair that he didn't notice that slight movement of her finger. He begged her to wake up kahit bago man lang siya bumalik sa Amerika. He only has three days to stay. "Hijo?" tawag sa kanya ng kanyang ina. Hindi niya namalayan na nakabalik na ang mga ito. Hindi niya namalayan na nakatulog na siya habang nakayukyok ang ulo sa kama hawak-hawak ang kamay ng dalaga. "Ang mabuti pa ay umuwi ka na muna para makapagpahinga ka. Kagagaling mo lang sa byahe," wika ng Tita Rosalyn niya. "Kayo ho ang dapat magpahinga, Tita," tugon niya sa ginang. "Ako na ho ang bahala sa kanya habang naririto ako. Nandiyan naman ho lahat ng gamit ko kaya huwag na ho kayo mag-alala sa akin." "Pero, hijo---" "Please, Tita. I only have three days to stay here," pakiusap niya sa ginang. "Let him stay, Rosalyn," wika ng ina niya. His Tita Rosalyn sighed in defeat. "Sige. Aasikasuhin ko na lang muna ang pagtulong kay Carmelo sa kaso. Ikaw na muna ang bahala sa kanya." "Hindi pa rin ba sila nahahanap, Tita?" tanong niya. The woman's face hardened. Puno ng galit ang mukha nito maging ang mga mata nito. Kahit naman sinong ina ay ganoon ang mararamdaman sa kung sinumang gumawa ng ganoon sa anak nito. If she could k*ll those fvckers, she will do it herself. At ramdam niya ang nararamdaman nito dahil ganoon din ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon. "Wala pa rin hanggang ngayon, hijo. Talagang pinagplanuhan nila ang pagpasok sa bahay dahil lahat ng CCTV ay nasira sa mga oras na iyon." Patango-tango lamang siya sa mga kwento ng ginang sa kanya ngunit nakakuyom ang kanyang mga kamao. He will definitely hunt them. He will never stop until all of them will be buried six feet underground. "How's Manang Flor, Tita?" pagkunwa'y tanong niya rito. "Ligtas na siya sa awa ng Diyos," sagot nito sa kanya. "Wala ba siyang namumukhaan sa mga nanloob sa inyo, Tita?" "The culprits were all wearing bonnets on their head. Tanging ang mga mata lang ng mga ito ang nakikita. And it was dark kaya hindi rin niya naaninag ang mga mukha ng mga ito," malungkot na wika nito. "So what's your plan, Tita?" tanong niya rito. "Carmelo and I were planning to sell the house. Ayaw naming kapag nagising si Rose ay maalala niya ang mapait na karanasang naranasan niya sa bahay na iyon. It was a nightmare especially for her." Nagsimula na namang mamuo ang mga luha nito sa mga mata. "We already bought a house on a subdivision with tight security. I don't want this thing to happen again. Kaya sana gumising ka na, hija." Pinagmasdan nito ang anak na wala pa ring malay. "God is good, Tita. Huwag tayong mawalan ng pag-asa," pakikisimpatya niya sa ginang. "And I thank you for that, hijo. Mabuti na lang at natawagan ka niya. Kung hindi ay hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko. She tried to call us, both, but we were so busy chatting about business. And thank God Armand went to the restroom. Thank you, hijo." "I was nothing, Tita," sagot niya rito. "It wasn't me who got her call. I got so worried that I called Dad at hindi kayo," maikling paliwanag niya rito. "Utang namin sa iyo ang pagkakaligtas niya." "No need for that, Tita. Ang importante ay magkamalay na siya ngayon." He looked at her. He prayed for her to wake up. To wake up soon. Kahit bago man lang sana siya bumalik ay makita niyang gumising na ito. "So maiwan na kita, hijo. Ikaw na muna ang bahala sa anak ko. Call us in case," bilin sa kanya ng ginang. "Yes, Tita. Don't worry ako na ang bahala sa kanya.” Two days had passed ngunit wala pa ring senyales na gigising na ang dalagita. She was still in coma but according to the doctor, she was already safe. She improved from the last state she was. Tinanggal na nga ng mga ito ang ilang aparato sa katawan nito. They were just waiting for her to wake up. Some of her wounds were already healed aside from the fracture and deep wounds she had but they assured them that she was in good state now. According to the doctors, maybe she was experiencing trauma that her mind doesn't want to wake up. Hindi naman niya ito masisisi dahil sa hirap na dinanas nito. But he was praying for her to wake up soon. He kept on talking to her every single minute, telling her the things he did and experienced while studying abroad. Para na nga siyang baliw na nakikipag-usap sa hangin pero hindi niya ito alintana. He wanted her to know that he didn't forget her. He also asked her forgiveness for not calling her. The reason why he didn't call. "Hey, Flower. Hindi ka pa ba gigising? Wala na akong makausap dito. Naubusan na rin ako ng kwento sa’yo," reklamo niya rito. He squeezed her hand gently and brought it to his lips. "Gumising ka na. I miss your smile already. Your frowning. Gusto ko na ring makita kung nag-improve ka na sa pagda-drums mo. Your friends missed you already. And PJ too. Gusto ko sanang gulpihin ‘yung batang iyon but I know magagalit ka. Don't you miss the fun? Wake up. But hey! Kapag nagising ka na, pagmagaling ka na, enroll yourself in martial arts at bugbugin mo lahat nang magloloko sa’yo okay?" Pinahid niya ang luhang nalaglag na naman sa kanyang mga mata. "Please wake up." Inabala na naman ang buong araw sa pag-aalaga sa dalagita. He never left her side. Hindi na rin siya umuwi sa bahay nila. He stayed at her side waiting for her to wake up. Until his last day, hindi pa rin ito nagigising. God knows how he wanted to stay but he couldn't. Masakit para sa kanyang iwan na naman ito lalo sa ganitong kalagayan. "Hey, Flower. Aalis na ako. Babalik na ako sa States pero hindi ka pa rin nagigising. I'm dying to stay but I can't. I wish I can para andito ako sa tabi mo kapag nagising ka na. Pero habang wala ako, I promise that I will keep you safe. I will not let anything happen to you again. Not under my watch now. So please wake up now. Please. Please wake up. I'll be waiting for you to grow up. Don't leave while I'm away." Hanggang sa huling sandali niya sa tabi ng dalagita ay hindi pa rin ito nagigising. Mabigat sa kalooban niyang nilisan ang kwarto nito at lumulan sa sasakyan. "You’re okay, son?" tanong sa kanya ng ama. "I wish I am, Dad," maikling sagot niya sa ama. His dad just patted his shoulder. "I have a favor to ask, Dad," he said seriously to his dad. Tumango naman ang ama niya matapos marinig ang nais niyang sabihin. Kaya kahit mabigat man ang dibdib niyang lumulan sa eroplano pabalik sa Amerika ay kampante siyang magiging safe ang dalagita habang wala siya sa tabi nito. His phone rang on his pocket before he had a chance to turn it off. It was Rose's mother. Bigla siyang kinabahan dahil sa pagtawag nito. He immediately answered the call but was welcomed but her crying. "Hijo, si Rose! My Rose!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD