Chapter 5

1801 Words
“Hija, hindi ka ba talaga sasama sa amin ng daddy mo?" tanong ng mommy niya sa kanya habang nakadapa siya sa kama. They will attend a charity ball tonight. Last week pa ito sinabi sa kanya but she was lazy to come lalo't hindi naman niya kasama ang Kuya Loui niya na madalas na nag-e-entertain sa kanya kapag nasa party sila. Madalas kasi silang magkasama sa tuwing dadalo ng charity ball dahil nasa party din ang mga magulang nito. No doubt because nasa iisang mundo lang naman ang ginagalawan ng mga magulang nila. One thing, nasanay na siyang kasa-kasama ang family ni Tito Armand niya. Aside from that, she will be bored there because walang Kuya Loui niya ang mangungulit sa kanya just to entertain her, hindi rin naman kasi siya nakikisalamuha sa ibang mga bisita. Bigla tuloy niyang na-miss ang Kuya Loui niya. It's been eight months na wala na ito and not even once na tumawag man lang ito para kumustahin siya. Nakakatampo dahil nakalimutan na ata siya nito at nawili na sa mga dayuhang kaibigan nito. "Hindi na po, Mommy. Dito na lang po ako. Just enjoy the party, Mom," wika niya rito habang patuloy na nagbabasa. "Okay sige. Andito naman si Manang Flor. Just tell her what you need okay?" her mom said before giving her a kiss on the forehead. "I love you. Take care always okay. You need to be strong habang wala kami ng daddy mo. I know you can. And call us if anything happens. Anything," bilin nito sa kanya. "Siyempre naman, Mommy. I'll wait for you here. Para namang magtatagal kayo sa party," wika niya rito. "I just don’t feel at ease right now. Anyway ‘yung bilin ko ha? I love you, baby. Remember that I and your dad love you always." "Yes, Mom. I love you too. Both of you," sagot niya sa lambing ng ina. "Si Daddy nga po pala?" "May kausap lang anak sa phone," sagot nito sa kanya. "Oh, nandito na pala ang daddy mo." Her dad has this expression on his face na hindi niya nawari. Mukhang galit ito na hindi niya alam. May kaaway kaya ito? "Something wrong?" tanong ng mommy niya. Napansin din pala ito ng kanyang mommy. "Just business. May konting problema lang," tipid na sagot ng daddy niya. Then his expression changed into the usual face she often sees, the caring and loving daddy in the whole world. "Hindi ba talaga sasama ang baby ko?" tanong nito sa kanya. "Naku! Simula nang wala na si Loui tinatamad na ‘yang lumabas," komento ng mommy niya na ikinaingos niya. Kailangan ba talaga nitong sabihin iyon? Hindi rin naman obvious eh! "Mommy, naman! Wala naman po akong kasama roon. Siyempre busy kayo sa mga business partners niyo," she reasoned out na ikinatawa ng daddy niya at ikinailing naman ng kanyang mommy. "Oo na, anak. We got you're point. Pero dapat lang na masanay ka. Someday you will take our place kaya dapat matuto ka habang bata ka pa," paliwanag ng daddy niya sa kanya. "I know dad. But I'm too young for that. Thirteen pa lang po ako. At malakas pa kayo kaysa sa kalabaw kaya matagal pa iyon. When the time comes, I’ll do it." "Wala na kaming sinabi ng Mommy mo. Anyway, take care always. I love you remember that," wika nito sa kanya bago siya niyakap at hinagkan sa ulo. "I love you too, Dad and Mom. Ingat po kayo and enjoy the party," wika niya sa mga ito bago siya iwan ng kwarto. She continued doing her homeworks para maaga siyang makatulog. Marami pa naman siyang gagawin bukas dahil may practice sila sa bandang sinalihan niya sa school as the drummer. Kaya naman kailangan niya i-manage ang oras niya para magawa pa rin niya ang pagsali sa banda at the same time para maayos pa rin ang pag-aaral niya. She doesn’t want to disappoint her parents dahil sobra-sobra ang pag-aalaga ng mga ito sa kanya at ibinibigay ang lahat ng pangangailangan niya maging ang luho niya. Iyon lamang ang tanging paraan para masuklian niya ang mga paghihirap ng mga ito, ang mag-aral nang mabuti. The moment she finished her work ay naghanda na siya sa pagtulog. Siguradong magigising din naman siya mamaya kapag dumating na ang mga magulang. Nakaugalian na kasi ng mga ito na dumaan sa kwarto niya kapag dumating ang mga ito galing sa party o kung saan man. They will check on her. She laid herself on the bed and grabbed her phone. She went to the contacts and stared at the number flashed on the screen. She's fidgeting if she would dial the number or not. It was Loui's number. According to her Tita Maribeth, he still used the same number. He got it on roaming mode para mas madali raw itong makontak in case na may emergency. Ilang minuto din niya itong pinagmasdan bago muling ibinalik ang cellphone sa ilalim ng kanyang unan. Ilang beses na niyang binalak na tawagan ito ngunit lagi siyang umaatras. Maybe she will call him some other time. Hindi pa ngayon dahil baka busy ito sa pag-aaral. Nabalitaan din kasi niyang may exam daw ito kaya mas minabuti na lang niya na matulog na lamang. She was asleep for a short while nang may marinig niyang kalabog sa ibaba. Nagising ang diwa niya sa ingay na iyon. Maybe her parents were home naisip niya. She glanced at the wall clock and it was one in the morning already. Baka nga talaga nasa bahay na ang mga magulang kaya binalewala niya ito. Naupo siya sa kama dahil mas tumindi ang kalabog na naririnig niya sa ibaba. Her room wasn't soundproof kaya naman naririnig niya ang ganoong klaseng ingay. Isa pa kapag ganitong pagkakataon na wala ang kanyang mga magulang ay madali lamang siyang nagigising. She stood up and went out of the room to check what’s going on. She was welcomed with darkness na hindi naman niya nakasanayan. Usually, the house was lighted dimly dahil na rin sa takot siya sa dilim. Siniguro ng kanyang daddy na may ilaw pa rin siyang nakikita kapag bumababa siya sa kusina tuwing gabi. "Manang Flor?" tawag niya. Nagbabakasaling gising pa ang matanda at nasa kusina lamang ito. "Manang Flor?" muli niyang tawag ngunit hindi ito sumasagot. She decided to go to the kitchen sakaling nandoon ito. Maingat na bumaba siya ng hagdanan ng muling makarinig ng mga kalabog muli na nagmumula sa kusina. Bigla siyang kinabahan dahil kakaiba na ang ingay na naririnig niya. Bumilis ang pagtibok ng puso niya. Maingat na tinungo niya ang kusina nang muli siyang nakarinig ng ingay mula sa kusina at biglang tumambad sa kanya ang duguang katawan ni Manang Flor na nanghihinang kumakapit sa hamba ng pintuan. Itinakip niya ang mga kamay sa bibig upang pigilin ang malakas na pagsigaw. Malalaki ang mga mata niyang nakatunghay sa kasambahay na pilit na kumakapit sa may pintuan. "Manang Flor?" mahina niyang tawag. Mabilis naman siyang nakita nito. "Takbo, Rose. Magtago ka dali!" nanghihinang wika nito sa kanya. Hindi niya pinakinggan ang sinabi nito. Instead, she went closer to her at inakay ito patayo. "Magtago ka na dali," mahinang wika nito sa kanya. Puno na ito ng dugo sa buong katawan. “At ‘wag na ‘wag lang lalabas at mag-iingay.” "Manang?" naiiyak niyang wika. Nanghihinang itinulak siya nito paalis. "Hindi ko po kayo iiwan, Manang." Umaagos na ang mga luha niya dahil sa nakikitang kalagayan nito. "Magtago ka na. Iligtas mo ang sarili mo," wika pa rin nito. She tried to help her nang makarinig ng mga yabag papunta sa kinaroroonan nila. "Magtago ka. Ang akala nila ay wala kayo rito. Dali magtago ka na," utos nito sa kanya sabay tulak palayo. Mabilis siyang tumango. She doesn't want to leave her but she needed to ask for help. Maingat ngunit nagmamadali ang kilos niyang tinungo ang hagdanan. She was in the middle of the stairs nang mahagip siya ng kung sino man at mabilis na tinakbo ang kinaroroonan niya. Mabilis siyang tumakbo papunta sa kwarto niya at ini-lock ang pinto ng kanyang kwarto. Mabilis na mabilis ang t***k ng puso niya habang hinahanap ang cellphone. Nagsimula na ring umagos ang kanyang mga luha. Halos pigilan niya ang paghinga upang hindi makagawa ng ingay. She can hear footsteps and opening of doors. Mabilis siyang nagtago sa loob ng closet niya nang makarinig ng ingay mula sa doorknob ng kanyang pinto. Pilit itong binuksan. She prayed. She doesn't know what to do dahil na rin sa paglukob ng takot sa buong sistema niya. "Alam kong nandiyan ka sa loob. Buksan mo na itong pinto. Hindi ka naman namin sasaktan eh. Mag-e-enjoy ka pa nga," narinig niya wika ng kung sinuman ang nasa labas ng pinto. She dialled her parents number but they were not picking up. Pilit niyang pinipigilan ang paglakas ng hikbi dahil na rin sa ayaw niyang gumawa ng ingay. She dialled and dialled her parents number but still can't reached them. Nanginginig na ang kanyang katawan at halos hindi na rin niya mahawakan ang cellphone. Takot na takot siya lalo na sa nakitang kalagayan ni Manang Flor. She prayed silently. "Sige na buksan mo na!" sigaw nito. Whoever was in their house now was now banging the door forcing it to open. Mabuti na lamang at siniguro ng mga magulang niya na hindi basta-basta mabubuksan ng kung sino man ang pinto ng kwarto niya maging ang iba pang pinto ng bahay. She tried to calling her besty pero kagaya ng mga magulang niya ay hindi ito sumasagot. Fear consumed her already lalo't panay pa rin ang pagpupumilit ng kung sino man na buksan ang pinto ng kanyang kwarto. Nanginginig na siya sa takot. Kinakapos na rin ang kanyang hininga. Sobrang takot ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Her parents weren't here at the moment at hindi niya ito matawagan. Naisip din niya si Manang Flor. The picture of her awhile ago was now consuming her senses, ang duguang katawan nito. Hindi ito mawala sa isip niya at natatakot siyang baka ganoon din ang mangyari sa kanya. Itinakip niya ang mga kamay dahil sa paglakas ng paghikbi niya dulot ng takot. She dialled her parents' number but couldn't reach them. Then with all her fear and frustration and desperation to ask for help, she dialled his number. It rang and rang and rang. Palakas naman nang palakas ang ingay mula sa pilit na pagbukas ng pinto ng kanyang kwarto. Then he answered, luckily he answered. "K-Kuya Loui, h-helped m-me. S-someone's a-at...b-banging the d-door," mahina at paputol-putol na wika niya. "P-please, K-kuya!" mangiyak-ngiyak na wika niya. "Sorry, who's this? Loui's not here." A woman’s voice answered. Then the banging stopped for the door finally did open.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD