It was almost past ten in the evening but Rose wasn't home yet. Her mother said that she was stuck in the traffic due to rush hours. Kung bakit ba naman kasi ito nag-overtime sa trabaho gayong alam naman nito na darating sila. Galit na ba ito sa kanya dahil sa pag-iwas niya rito? O baka hindi na talaga nito gusto ang presensiya nila dahil ganap na itong dalaga at may sarili ng buhay? He can’t blame her with that. It’s just natural.
But then according to what he had heard awhile ago while they were having their dinner ay hindi sinabi ng mommy nito na darating sila rather nakalimutan nitong sabihin na darating sila to be exact. Na-excite raw kasi masyado ang kanyang Tita Rosalyn na nakalimutan nitong sabihin sa dalaga na darating sila. Panay telebabad din kasi ito kausap ang kanyang mommy kung kaya’t hindi na nito nabanggit sa anak ang tungkol sa kanilang pagdating. Nanghihinayang talaga siya ngunit mukhang mas okay na rin ang ganito.
Another, he even heard what had happened to her this morning. What she did at the office this morning to one of their employees. Hindi sana niya ito pagtutuonan nang pansin ngunit anlakas nang pagkakakwento ng mommy nito sa mommy niya. Hindi niya alam kung sinadya ba nitong iparinig sa kanya ang ginawa ni Rose o hindi. Natuwa siya sa ginawa nito, infairness. Dapat lang talaga iyon sa lalaking iyon. He can't help but smile at that because Rose can now defend herself and others too. Hindi man ito bihasa sa martial arts but she knew some self-defense now to protect herself from people trying to harm her. He was proud, so proud of her.
Mag-isa na lang siya sa sala ngayon dahil umakyat na sa kwarto ang mga magulang nito. His parents went home too because they have a flight to catch early in the morning. Parang hindi napapagod ang mga magulang niya sa kaka-travel abroad. He sighed and stared at the ceiling. Nakapatay na ang mga ilaw at tanging ang lampshade na lamang ang nakabukas upang maging liwanag sa sala kung saan niya hinihintay ang dalagang nais makita, sabik na makita.
Nag-insist pa ang mommy nito na samahan siya at makipagkwentuhan but he also insisted not to, at siya na lang ang maghihintay sa dalaga pagkatapos ay uuwi na siya. Alam din niya kasing pagod ito dahil sa paghahanda sa simpleng salo-salo nilang mag-anak. Isa pa kaya na niyang asikasuhin ang sarili.
He wanted to personally give his gifts to her and he wanted to see her personally, up-closed. Ten years was too long. Sampung taon niya itong hindi nakita ng personal. He kept coming back in the country but he didn't had a chance to see her tuwing umuuwi siya. Aside from the fact that, baka kapag nakita niya ito ay hindi na siya bumalik pa sa Amerika. Kaya naman kahit gusto na niyang magpahinga dahil kagagaling lang niya sa byahe ay hindi niya magawa because of the excitement of seeing her, meeting her after a decade.
He kept on glancing at his wristwatch from time to time. Naiinip na siya. Pero nahintay naman niya ito ng ilang taon kaya hihintayin na niya ito ng ilang minuto na lang. Titiisin niya ang ilang minuto o oras na paghihintay. Parang napakabagal nang takbo ng oras habang hinihintay niya ang dalaga, inip na inip na siya until he heard a roaring sound of a car. Tumalon sa tuwa ang puso niya at hindi niya mapiligan ang ma-excite. Pinakalma niya ang sarili dahil bigla siyang kinabahan at biglang bumilis ang t***k ng puso niya. He rose from the coach and quietly headed to the front door and opened the door for her.
Mukhang inaasahan na nitong may pagbubukas ng pinto. And to his amusement, he saw her with eyes closed maybe anticipating that her mother would scold her for arriving late. Nakabitin pa sa ere ang kamay nitong may hawak na susi. She was so adorable and cute and beautiful on that state. Sulit ang paghihintay niya rito. Sulit na sulit talaga for she really grown to be a beautiful lady. Napangiti niya habang nakatingin sa dalagang nasa harapan niya.
"What took you so long, Flower? Gabing-gabi na at ngayon mo lang naisipang umuwi?" he said in a firm and cold voice like a nagging mother.
Nais niyang matawa sa itsura ito but he kept his face formal and blank. Dahan-dahan nitong iminulat ang isang mata at isinunod ang isa pa. Mukhang hindi pa ito makapaniwala sa nakikita at ikinurap-kurap pa nito ang mga mata. Her lips were opened staring at him like he was sort of a ghost, a handsome ghost.
"Isara mo ‘yang bibig mo, Flower at baka pasukin ng langaw," dagdag pa niya. Itinikom naman nito ang bibig at muling ibinuka na parang may sasabihin ngunit wala naman itong maibigkas marahil dahil sa hindi ito makapaniwala na nasa harapan siya nito.
"Get inside. It's getting late. Next time huwag kang uuwi ng ganitong oras lalo't kababae mong tao. Hindi ito uwi ng matinong babae," he said to her and stepped aside to make her way to enter.
Hinintay niyang makapasok ito sa loob ng bahay na hindi pa rin makapaniwala at wala pa ring masabi, bago siya lumabas ng pinto.
"You've grown, Flower. You’ve grown gorgeously," wika niya bago tuluyang isinara ang pinto at nilisan ang bahay ng mga ito.
When he reached his home, he laid on his bed unable to get some sleep. Nasa balintanaw niya ang dalagang nasilayan na ng kanyang mga mata. Sampung taon. Sampung taon niyang tinikis na makita ito and it's worth it. Hindi nasayang ang paghihintay niyang makita ito. He was all satisfied with what he saw awhile ago.
May ngiti sa labi niya habang paulit-ulit na binabalikan ang eksenang nadatnan niya kanina. Though she was a woman now, andoon pa rin ang childishness nito dahil takot pa rin ito sa mommy nito. This will be a sleepless night, he thought.
------
Pabaling-baling si Rose sa kanyang higaan. Hindi mawala sa isip niya ang lalaking sinorpresa siya sa kanyang pag-uwi. Hindi niya talaga akalain at lalong-lalong hindi niya inaasahan na nagbalik na ito after ten long years of not seeing him or hearing from him.
Lumukso talaga ang puso niya. Hanggang ngayon nga ay hindi pa ata bumabalik sa dibdib niya dahil napatalon talaga ito sa gulat. Malandi! At saan naman napunta ang puso mo? Sa kanya? Bumalik na pala! Napulot ko na kanina! Okay, nag-mo-monologue na siya. She was speechless hanggang sa makaalis na ito. Hindi talaga siya makapaniwalang nasa harapan niya ito. Hindi siya makapaniwalang bumalik na ito. Akala niya multo ang nakikita niya. Unbelievable!
Ang buong akala kasi niya ay ang Tito Armand at Tita Maribeth lamang niya ang bisita nila. Ganoon kasi talaga ang nakagisnan na niya mula noong umalis ito. Tanging ang mga magulang lamang nito ang dumadalaw sa kanila. Kaya naman gulat na gulat talaga siya at hindi makapaniwala.
Hindi siya makatulog dahil doon. Bigla siyang tumayo at binuksan ang ilaw then stood infront of her lifesize mirror. She studied her face, her body. Hanggang ngayon at namumutla pa rin siya dahil rito. Bigla siyang na-concious sa sarili. Ano na lang ang sasabihin ng binata sa kanya na ganito ang ayos niya? Ni hindi talaga siya nag-ayos man lang. Super haggard pa naman siya dahil sa traffic. Tapos hindi pa niya nagawang mag-ayos ng sarili because all she thought tulog na ang mga kasambahay niya.
"Nakakahiya ka talaga! Ano ba naman ‘yan. Rose!" wika niya sa sarili. Pagkatapos ay umikot-ikot sa harapan ng salamin at inayos ang buhok. She kept on twirling and twirling in front of the mirror like a giggalo. She even tried some OOTD sakaling sumulpot na naman ito nang biglaan.
Nang mapagod ay muli siyang nahiga sa kanyang kama. She tried to get some sleep but she was so unlucky because she kept thinking of him until she can't remember how did she get some sleep.
She woke up because of the alarm. Five AM. Tinatamad pa siyang bumangon dahil napuyat siya kagabi. She lazily got up because the alarm kept ringing and ringing non-stop. Nais niyang ibato ito but sayang dahil gift ito ng mommy niya sa kanya. Ang cute pa naman nito dahil Tasmanian Devil ang design nito, which was one of her favorite cartoon characters.
She got up and opened the door in the balcony of her room. Nakagawian na niya itong gawin at magpalipas ng ilang minuto bago niya gawin ang ritwal na ginagawa sa umaga. She opened the door with her eyes slightly closed due to sleeplessness. The cold fresh air welcomed her. She inhaled them as she stretched her arms upward in the air. Hindi rin niya pinigil ang hikab niyang gustong kumawala. Inaantok pa talaga ang diwa niya at ang kaluluwa niya.
"Got sleepless night, Flower?" That baritone voice again.