Malamig ang simoy ng hangin na dumampi sa kanyang mukha nang buksan niya ang pinto sa kanyang balkonahe. Nakagawian na niya iyon tuwing umaga at maglalagi siya roon hanggang sa bahagyang sumikat ang araw. Pagkatapos noon ay babalik na siya sa loob ng kwarto upang maghanda para sa pagpasok sa opisina. But today may bagong naidagdag sa nakasanayan niyang iyon. Ngayon kasi ay may nakikinig siyang pamilyar na tinig na kumausap sa kanya. "Got sleepless night, Flower?" That baritone voice again. Narinig niya ang boses na iyon kagabi at hindi nga siya nakatulog dahil doon. Well, nakatulog naman siya ngunit ilang oras lang. Hindi iyong usual hours of sleeping time niya. Hanggang sa paggising ba naman hindi siya nito tinantanan? Puyat na siya! Ano pa ba ang gusto nito? "Hey!" Muli niya na na