Prologue

1592 Words
MABILIS NA tinakbo ni Rose ang tagong parte ng garden nila nang marinig ang humintong ugong ng sasakyan sa kanilang garahe. Sigurado siyang dumating na naman ang Tita Maribeth niya. Her Tita Maribeth was her mom’s best friend since she was in high school kaya naman sobrang close na close silang dalawa. Kung pwede nga lang na tumira ang mga ito sa iisang bahay ay gagawin nila ito but then both have family already. And according to her mom’s story, sobra raw ang iyak ng Tita niya nang ikinasal ito, not because mahihiwalay ito sa family niya but because hindi na raw sila makakapag-sleep-over. Akalain mo ‘yun?  As simple as that, iniyakan eh ‘di sana hindi na nag-asawa. But then kahit kasal na ito at maging ang mommy niya ay hindi naputol ang friendship nilang dalawa. Their bond became stronger lalo na’t magkaibigan naman ang mga napangasawa nila. Both are businessmen. At ito nga, kapag may pagkakataon ay nandito ang family ni Tita Maribeth niya, kompleto kasama ang asawa nitong si Tito Armand at ang nag-iisang anak na si Loui. Sometimes sila naman ang pumupunta sa bahay ng mga ito. See? Friendship goals talaga ang mga ito. And you know what’s funny? They want her and Loui to be the best of friends too. But that won’t happen. Mas binilisan pa niya ang paglakad-takbo papunta sa garden upang hindi makita ng mga ito. Kapag hindi siya nakita ng mga ito, aakalin ng mommy niya na lumabas siya at nangapitbahay kina Angela, her best friend, and lived just two blocks away from their house. Nang makarating siya sa garden ay dali-dali siyang lumusot sa mga mayayabong na halaman ng mommy niya at doon nagtago. Of course prepared na siya dahil pinaayos pa talaga niya iyon sa hardinero nila para maging kubli but spacious sa loob nito. May kurtina itong waterproof para kapag nagdilig ang mommy niya o ang hardinero ay hindi mababasa ang kutson at mga unan sa loob.  May mga gamit na rin niya roon at mga libro at junk foods kung sakaling matagal siyang magtago. Walang ibang nakakaalam ng lugar na iyon kundi siya at ang hardinero nila. Perfect get-away place. Siguradong hinahanap na siya ng kanyang mommy at mas nasisiguro niyang hinahanap na rin siya ni Loui hindi upang mag-bonding sila kundi para asarin siya at gawan ng kalokohan. Worst, walang alam ang mga magulang nila sa kalokohang ginagawa nito sa kanya. Eh ang galing nitong magkunwari. Sobrang bait nito kapag nasa paligid ang mga magulang pero kapag wala roon ay lumalabas ang sungay at buntot nito. Bigyan mo ng malaking tinidor at papalitan na nito si Satanas. Nang nakapwesto na siya ay doon na lang siya nakahinga. “Safe na ako. Safe na,” bulong niya sa sarili. Humiga siya at kumuha ng isang libro at sinimulang binasa iyon. Sigurado siyang hinahanap na siya ng binata para may mapaglaruan na ito. Kaya naman kailangan niyang magtago upang hindi siya nito makita. Hindi pwede sa kwarto niya dahil siguradong papasukin siya nito at wala siyang kawala roon. “Tahimik siyang nagbabasa nang mag-vibrate ang cellphone niya. It was Angela. She opened her message. Angela- I saw you have visitors. Tita Maribeth? Rose- Yes as usual. Don’t come para akalain nilang pumunta ako sa bahay niyo. Angela- Nagtatago ka na naman. Kasama ba si Pogi? Pogi? That’s her petname for Loui. Pogi naman talaga ito. Matangos ang ilong nito, mapupula ang mga labi at ang mga mata nitong nakakatunaw kung tumingin. His gray eyes create a mysterious, silvery hue na talaga namang nakakaakit. Binagayan pa ito ng makapal na kilay na mas lalong nagpapogi sa mukha nito. He’s also tall at maganda ang pangangatawan although not that totally developed yet. His just twenty years old by the way at kung mas magkakaedad pa ito, paniguradong mas pagkakaguluhan pa ito ng mga kababaihan. Marami rin itong syota sa unibersidad na pinapasukan nito. Rose- Sinabi mo pa. Kaya ‘wag kang magpapakita ha? Angela- Oo na. Pero bakit mo ba kasi pinagtataguan? Rose-Alam mo namang gagawan lang ako ng kalokohan noon. Last time ibinitin ako noon nang patiwarik sa sariling kwarto ko pa. Angela- Hahaha oo nga pala ‘no? At nakapalda ka pa? Rose- Sige tumawa ka pa! Yes, you read it right! Loui hang her upside down while she was wearing a maxi skirt. She went to Angela para sa project nilang dalawa and that was Sunday. Maghapon siya roon kaya naman she’s expecting na kapag nakauwi na siya ay wala na ang mga ito. Hindi naman sa ayaw niyang makita ang pamilya ni Tita Maribeth but seeing Loui and being with him was a disaster for her. At iyon nga, mali siya ng akala. They are still in their house when she arrived home. Doon daw ang mga ito magdi-dinner dahil aalis ang mga ito patungong Singapore for a week tour. Nakampante siya dahil nasa sala ang binata at busy sa panonood ng tv kasama ang daddy nito at ang daddy niya. Hindi rin niya nito pinansin. First time ‘yun kaya sobrang saya niya at makakaligtas siya sa kademonyohan nito sa kanya. She happily climbed up the stairs at dumiretso sa kwarto niya. And that’s it! She opened the door of her room and took a step forward to enter but bigla na lang siyang nagulat dahil sumabit ang isang paa niya sa lubid at nahila siya nito pataas habang ang ulo niya ay nasa baba. In short, nabitin siya nang patiwarik and worst she’s wearing a freaking skirt na bumaba ang laylayan hanggang sa dibdib niya. Mabuti na lang at nakasuot siya ng cycling short kung hindi ay kita na ang panty niya. Nagsisigaw siya upang makahingi ng saklolo. At talagang minalas siya dahil ito pa talaga ang sumaklolo sa kanya. At mas minalas pa siya dahil nang makita siya nito ay kinuhanan pa siya ng litrato ng g*go. Pinagmumura niya ito dahil ang lapad ng ngisi nito. Kita ang ngiping nitong pwedeng gawing model sa toothpaste commercial. “Kuya Loui, ibaba mo ako rito!” sigaw niya sa binata. Yes kuya dahil trese- anyos pa lang naman siya. Pitong taon ang agwat nilang dalawa. “Huwag na. Ang ganda ng pwesto mo diyan eh,” nakangising wika nito sa kanya. “Isusumbong kita sa mommy at daddy mo. At pagnakita nila ako rito siguradong grounded ka na naman,” banta niya rito. “Hindi ka nila makikita dahil hindi sila aakyat dito. Andito na’ko,” nakangisi pa rin ito sa kanya at pinapanood lang siyang nahihirapan. Pilit niyang itinataas ang laylayan ng kanyang palda para takpan ang maselang bahagi ng kanyang katawan. “Ibaba mo ako rito, Kuya Loui,” pakiusap niya rito ngunit bingi ito sa kanya. Umupo pa talaga ito sa harapan niya at naglaro ng cellphone nito. Nalulula na siya at siguradong namumula na rin ang mukha niya. “Kuya!” tawag niya rito. “Just stay there. Huwag kang maingay baka matalo ako,” sabi nito tutok na tutok ang tingin nito sa cellphone. “Kuya! Kuya!” tawag niya rito pero hindi pa rin siya nito pinapansin. “Kuya, nahihilo na’ko,” sabi niya dahil hindi na talaga maganda ang pakiramdam niya. Halos fifteen minutes na rin siyang nakabitin. Dahil sa narinig, dali-daling tumayo ang binata at walang pakundangang inihagis ang cellphone nito sa kung saan. Lumapit ito sa kanya at isinampay siya sa balikat nito habang tinatanggal ang tali sa kanyang isang paa. May pagmamadali ang kilos ng mga kamay nito. Nang matanggal ay pinangko siya nito patungo sa kanyang kama at marahang inihiga roon. He even took a glass of water na nasa bedside table niya at inalalayan siya nito habang iniinom niya ito. Dinagdagan din nito ng unan ang uluhan niya para mas tumaas ang level nito kaysa sa ibang bahagi ng kanyang katawan. Hindi ito umiimik. He intensely looked at her examining her face. Nang unti-unti nang bumabalik ang kulay ng mukha niya ay tumayo ito at tinanggal ang taling ginamit nito para ibitin siya. After that, he went to sit beside her. Inabutan ulit siya nito ng tubig na tinanggap naman niya. He looked at her then he went to looked for his phone at walang sabi-sabing iniwan siya sa kwarto. Angel- Hoy hindi ka na nagrereply. Nagde-daydreaming ka na naman diyan. Rose- Naalala ko lang! Angel-Ano ang naalala mo? ‘Yung pagbitin niya sa’yo nang patiwarik o ‘yung pag-alala niya sa’yo? Rose-Syempre ‘yung pagbitin niya. Alangan naman. Ikaw kaya ang mabitin nang patiwarik. Angel-Kunwari ka pa! Ang sabihin mo naalala mo ‘yung pag-aalala niya sa’yo dahil doon nagsimula ang crush mo sa kanya. Loka-loka talaga ito. Pero tama siya, doon nga siya nagka-crush sa binatang walang ibang ginawa kundi ang pagplanuhan siya ng kalokohan. When she saw the panic in his eyes when she said that she was dizzy at kung paano siya nito hindi pinabayaan kahit ito naman ang may kagagawan sa nangyari sa kanya, that was the time her heart raced not because she was worried but because she had a crush on him. At sinabi niya agad ‘yun sa bestfriend niya. Kaya naman dalawa na silang may crush sa binata. She was about to reply on Angela’s message when someone snatched her phone from her hands. Awtomatikong napabalikwas siya at nakita ang lalaking pinagtataguan niya na busy sa pagbabasa ng mga text messges nila ni Angela. Tumingin ito sa kanya. His gray eyes were playing different emotions. Then ngumisi ito nang pagkaloloko. “Crush mo ako?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD