CHAPTER 3

1238 Words
"NAGTATAMPO sa 'yo si Mama." Napahinga siya nang malalim habang nakahalukipkip na nakatingin sa Kuya niyang si Kristofer. "Hindi ako nakapunta kay Papa kasi may ginawa lang ako noong isang araw. Tinapos ko lang iyon, Kuya." Aniya kay Kristofer. "Ano bang pinagkakaabalahan mo at parang busy ka na masyado? Hindi ka na nakakapunta kahit twice a week man lang sa bahay. Miss ka na ni Mama tapos, hindi mo rin binibisita si Papa sa sementeryo." Sabi ni Kristofer sa kanya. "Pupuntahan ko na lang si Papa maybe next week? May inaasikaso lang talaga ako." Sagot niya, "Nasa'an ba si Mama?" Tanong niya sa Kuya niya. Katunayan ay miss na miss na rin niya ang Mama niya, ang kaso lang ay nawalan siya ng pagkakataong mabisita ito. Marami kasi siyang inasikaso nitong mga nagdaang araw, tinapos lang niya ang mga iyon. "Nasa Kusina, nagluluto." Sagot sa kanya nito. Napatango na lamang siya at saka dumiretso sa kusina. Naroon kasi siya sa bahay nila para bisitahin ang Mama niya pati na rin ang Kuya niya. Napangiti siya nang makita niya ang Mama niya na nagluluto habang pakanta-kanta. "Mama..." Agad na napalingon ang Mama niya na si Kara sa kanya, napanguso ito na tila nagtatampo. Napatawa na lamang siya nang hindi siya pansinin ng Mama niya. "Mama.. Miss na miss na kita." Aniya sabay yakap kay Kara. "Namimiss mo ako, pero hindi ka man lang bumibisita dito?" Nakangusong sabi ng Mama niya sa kanya, "May iba ka bang inaasikaso sa bagong bahay mo?" "Wala, Ma." Sabi niya habang yakap-yakap ang Mama n'ya. "Next week, pupunta ulit ako dito, tapos bisitahin natin si Papa.." "Talaga?" Napangiti na si Kara, "Sige, basta pumunta ka dito, ah?" "Oo naman, Ma." Sagot naman niya at hinalikan sa pisngi ang Mama niya. Ganiyan naman kasi sila palagi. Sa tuwing magkasama sila ay lagi silang naglalambingan, pareho sila ng Kuya niya na Mama's Boy. "Kumain na tayo, Gutom na kayo ni Kristofer, panigurado." Ani Kara. Habang kumakain sila ay panay ang kwentuhan nilang tatlo. Namiss n'ya ang senaryong iyon! Aminin man niya o hindi ay gustong-gusto niya ang tagpong iyon. Paano pa kaya siguro kung naroon din ang Papa nila? Tiyak siya na mas masaya iyon... Ang kaso ay matagal na silang iniwanan ng Papa nila. Bata pa lamang silang dalawa ni Kristofer ay namatay na ang Papa nila na si Travis. Noong mga panahong iyon ay hindi niya alam kung bakit namatay ang Papa niya pero ngayon na malaki na siya at may isip na siya ay nalaman na niya ang katotohanan. Pinatay ng babaeng nagngangalang George ang Papa niya. Hindi lang naman si George ang kumitil sa buhay ng Papa niya kung hindi pati na rin ang mga tauhan ni George. Kaya nga nang makatapos siya sa kolehiyo ay nagplano siya kung paano niya nga ba mapaghihigantihan ang Papa niya. Gusto niyang pagbayarin ang lahat ng mga sala sa pagkamatay ng Papa niya. Matapos kumain ay tumambay na muna siya saglit sa bahay nila at pagkatapos ay nagpaalam na rin sa Kuya niya at pati na rin sa Mama niya. "KALLEAH! Halika muna rito na bata ka! H'wag ka magpapawis! Kapag nakita ka ni Sir Kris na ganiyan ay mapapagalitan ako.." Lumabas mula sa kanyang pinagtataguan si Kalleah. Naglalaro kasi sila ng mga kaibigan n'ya ng tagu-taguan. Mayroon na nga pala siyang Nanny. Tulad kasi nang nasabi ni Kris ay pababantayan siya nito sa isang Yaya para naman daw maasikaso si Kalleah. Ayaw kasi ni Kris na laging napapagod si Kalleah kaya naghanap siya ng Yaya para dito. Lumapit siya sa Nanny niya at saka kinuha ang isang towel at ipinunas sa sarili niya. "Ny, Hindi naman po ako nagpapapawis, eh." Aniya habang pinupunasan ang pawis sa likod. "Napapawisan na po talaga ako dati pa." "Hay nako na bata ka..." Ani Nanny, "Uminom ka muna ng tubig at magpahinga, sigurado akong pagod ka na dahil galing ka pa sa klase mo kanina." "Hindi naman po ako pagod, Nanny." Sabi ni Kalleah. "Hingal na hingal ka, oh." Sabi ni Nanny sa kanya. "Tumigil ka muna sa paglalaro, magpahinga ka na muna. Baka kasi biglang dumating si Sir na ganiyan ang itsura mo. Mapapagalitan ako 'non." Tumango na lamang siya at umupo sa tabi ng Nanny niya. "Nanny, Kailan po ba ulit pupunta si Kuya Kris dito? Ilang araw na kasi siyang di nagpapakita sa akin, eh." Aniya. Ilang araw na kasing hindi pumupunta 'ron si Kuya Kris niya. Nagtatampo tuloy siya. Ang sabi kasi nito sa kanya ay pupuntahan siya nito pero hindi naman nangyari. Lagi niya kasing hinihintay si Kuya Kris pero hindi naman ito dumadating. Kasalukuyan siyang naka-upo sa waiting shed sa may labas ng bahay ampunan. Kasama niya ang Nanny niya. "Pupuntahan ka rin naman ni Sir dito. Siguro ay may ginagawa lang siya." Sabi ng Nanny niya. "Sana pumunta na siya," Sabi niya, "Gusto ko na kasi makita boyfriend ko, eh." Nakangusong sabi niya habang pinagdidikit ang dalawang kamay niya. Nagulat naman ang Nanny niya kaya napahawak ito sa dibdib nito. "Ano kamo, Kalleah? Boyfriend?! Aba Jusko!" "Opo!" Tumango-tango siya, "Best friend ko siya na boy, eh. Kaya boyfriend." Napahinga naman nang malalim ang Nanny niya. "Akala ko naman ay kung ano na." Tumawa lamang siya sa reaksyon ng Nanny niya. Tinawag siya ng kaibigan niya na maglaro ulit sila pero pinagbawalan na talaga siya ng Nanny niya, kaya nanahimik na lamang siya sa isang tabi habang malungkot na nakatingin sa mga kaibigan niyang naglalaro. "Why so sad, little girl?" Agad na napabaling ang kanyang tingin sa Lalaking nagsalita sa tabi niya. "Kuya Kris!" Mabilis niyang niyakap ang Kuya Kris niya, naririnig niya lamang ang pagtawa nito sa tabi niya, "Hindi mo naman ako namiss masyado, noh?" Napanguso siya, "Na-miss kaya kita!" Napahalakhak na lamang si Kris at saka bumaling naman sa Nanny ni Kalleah na nagbabantay lang sa tabi niya. "Nanny Carol, Kamusta naman po si Kalleah? Nagkulit ba?" "Ay nako!" Sagot ni Nanny, "Hindi naman ho masyado. Madali naman ho siyang pagsabihan, eh." "Good." "Kuya, gusto ko sanang maglaro kasama ng mga kaibigan ko, pero sabi mo kay Nanny ay ayaw mo raw?" Sabi naman ni Kalleah. Tumango naman ito at pinisil ang pisngi niya, "Kasi baka atakihin ka na naman ng asthma mo.." Nanggigigil na sabi ni Kristian. "Hindi naman ako ina-asthma ngayon, eh." "Eh kasi naman ayoko lang na——" Hindi na naituloy ni Kris ang sasabihin niya dahil may babaeng dumating. Galing iyon sa labas ng gate. "Babe, ang tagal mo!" Naiinis na sabi ng babae. Kusang napa-kunot ang noo ni Kalleah habang nakatingin lamang sa papalapit na babae. Pagkatapos ay saka niya binalingan ng tingin ang Kuya Kris niya. Maganda ang babaeng iyon at kung ikukumpara kay Kalleah ay walang-wala siya rito. Sigurado kasi siya na magkasing-edad lamang si Kuya Kris niya at saka 'yung babae at isa pa, bagay sila kung titignan. "Tara na, babe. Di 'ba may pupuntahan pa tayo?" Napalayo siya nang bahagya sa Kuya Kris niya nang biglang yakapin ng babae si Kuya Kris niya. Nanlalaki ang mata n'ya lalo na nang makitang nagdikit ang labi ng babae pati na rin si Kuya Kris niya. "Shane, may bata. H'wag dito.." Nakaramdaman tuloy siya ng inis. Nawalan na rin siya ng gana kaya mabilis siyang tumalikod para pumasok sa loob ng ampunan. Bago pa siya makapasok ay narinig pa niya ang sigaw ni Kuya Kris niya. "Kalleah!" Hmp! Bahala siya sa buhay niya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD