CHAPTER 4

1182 Words
"KALLEAH Ramirez, your report will be on next week- About Human Brain." Paalala sa kanya ng kanyang guro sa Science. Agad siyang tumango habang sinusulat ang kanyang topic. "Sige po, Gagawa na po ako ng report ko." Sabi niya sa kanyang guro. Class dismissal na rin naman para sa subject na english. Breaktime na kasi nila. Pagkatapos niyang isulat ang kanyang topic sa pahina ng kanyang notebook ay napatingin siya sa labas ng kanilang classroom. Nakita na naman niya ang Nanny niya pati na rin si Kuya Kris na tila naghihintay. Napahalukipkip siya, Pangalawang araw nang gano'on si Kuya Kris niya, pero hindi pa rin niya ito pinapansin. Napapansin niya na sa tuwing break time niya ay binibisita siya ni Kuya Kris niya pero hindi naman niya ito pinapansin. Nang makalabas siya mula sa classroom ay agad niyang nilapitan si Nanny niya. "Nanny. Hindi po yata ako makakapag-serve sa chapel mamaya kasama sina Sister. May gagawin kasi akong report mamaya, eh." Sabi niya sa Nanny niya. "Ah gano'on ba? Sige, sasabihin ko na lang kay Sister Milagros." Sagot ng Nanny niya, "Kanina ka pa hinihintay ni Kuya Kris mo." Pahabol na sabi nito. Napakibit-balikat siya at hindi niya tinapunan ng tingin si Kuya Kris niya na nasa tabi. "Kalleah! Kalleah! Tara, laro muna tayo? Break time pa naman, eh!" Aya sa kanya ng kaibigan niyang si Gizelle. Agad siyang tumango at muling ibinaling ang tingin sa Nanny niya, "Ny, Laro lang kami saglit, ah?" Bago pa maibuka ni Nanny ang bibig niya ay nagtatakbo na agad si Kalleah kasama ng kalaro niya. Naglalaro sila ng matamataya, at ang kaibigan niyang si Trina ang taya. Takbo siya ng takbo at sa kakatakbo niya ay hindi niya namalayang may mababangga pala siya, buti na lang at hindi siya napa-upo sa sahig. Nang iangat niya ang paningin niya ay agad na namilog ang mata niya. Si Kuya Kris niya kasi iyon. "Hindi mo sinusunod ang Nanny mo..." Anito habang seryosong nakatingin sa kanya, "Ganiyan ka ba, kapag nagagalit sa akin? At kapag wala ako?" Napanguso siya, Sasagot na sana siya nang biglang may humawak sa kanya. "Taya!" Na-taya siya ng kaibigan niyang si Trina, tatakbo na sana siya para habulin ito pero mariin siyang hinawakan sa braso ni Kuya Kris. Tinawag nito ang kanyang kaibigan, "Hindi muna makikipaglaro sa inyo si Kalleah." Seryosong saad nito sa mga kalaro niya. Napakagat siya sa ibabang labi niya habang tinitignan ang mga kalaro niya na paalis na. "M-Maglalaro lang naman ako, eh." Nang iangat niya ang kaniyang paningin kay Kuya Kris ay kunot-noo ito. Parang badtrip na. "Kapag hinika ka na naman, iiyak ka ulit? Tapos, hindi ka na naman makakapasok sa school kasi may sakit ka?" "Hindi naman ako hinihika, eh!" Umupo siya sa isang bench at tumabi naman sa Kuya Kris niya na may hawak palang bottled water at sandwich. "Kumain ka na muna, binili ko ito sa canteen. Sabi ni Nanny mo, paborito mo raw ang Sandwich na tinitinda sa canteen?" Tumango siya, "Kainin mo na lang 'yan! O kaya ibigay mo kay Ate Shane.." Muling kumunot ang noo ni Kuya Kris, "Di 'ba, in-explain ko na sa 'yo no'ng isang araw yung tungkol kay Shane?" Sabi nito sa kanya. "Kaya nga! Eh 'di, ibigay mo na lang sa girlfriend mo." Aniya at napatingin sa malayo. "Bakit ka ba nandito na naman? Di 'ba, naalis kayo ni Ate Shane?" "Kasi galit ka eh." Mabilis na sagot nito sa kanya. "Nakakainis ka kasi, Kuya eh." Unti-unti siyang napayuko. "Sabi mo kasi, ako lang 'yung girlfriend mo? Tapos.... Meron ka palang ibang girlfriend.." Ngumungusong sabi niya. Napa-iling na lamang si Kuya Kris niya at napakamot sa ulo. Paano ba nito maipapaliwanag kay Kalleah ang tunay na ibig sabihin ng girlfriend at boyfriend? "Ang daya mo talaga! Sige... Para hindi ka na madaya, maghahanap din ako ng ibang boyfriend ko! Para hindi lang ikaw!" Sabi niya at saka nag 'bleh' pa siya sa Kuya Kris niya. NAPAHAWAK sa sentido si Kris nang marinig niya ang sinabi ni Kalleah. Ang sakit na sa ulo. Marami na nga siyang problema, dinagdagan pa ni Kalleah. Hindi niya na alam kung paano susuyuin ang bata. Ayaw naman niya kasing magalit ito sa kanya. "Tamang-tama! Sabi ni Aaron na Grade 11, gusto daw niya akong maging girlfriend kasi daw mabait daw ako tapos maganda, sige sasabihin ko sa kanyang girlfriend na lang niya ako tapos boyfriend ko pa siya!" Nagmamayabang na sabi ni Kalleah. Muli siyang napa-iling sa frustration. Napatingin sa kalangitan dahil sumasakit na ang batok niya. Nang malaman kasi ni Kalleah noong isang araw na girlfriend niya si Shane ay nagalit ito. Ramdam niya iyon dahil hindi siya nito pinapansin sa tuwing pupuntahan n'ya ito. Naalala niya kasi ang usapan nilang dalawa ni Kalleah na siya lang daw ang magiging girlfriend nito, at siya din daw ang magiging boyfriend nito. Hindi naman niya alam na ganito pala ang kalalabasan. Nakakainis lang kasi kung bakit pa niya isinama sa ampunan si Shane noong pinuntahan niya si Kalleah. Nakakapang-sisi, dapat pala ay hindi na niya ito sisinama para hindi na nakita ni Kalleah. Kahapon ay nakipag-break na siya sa girlfriend niya- Ex girlfriend pala dahil hindi na sila. Hindi naman niya talaga ito mahal. Ginagamit niya lang naman ang babae sa tuwing kinakailangan niya ang mga ito. "Umalis ka na, Kuya Kris... Pupuntahan ko kasi si Aaron, eh. Sasabihin ko sa kanyang boyfriend ko na siya." Ani Kalleah at saka tumayo. Agad na nanlaki ang mata niya nang akma itong aalis kaya muli niyang hinawakan ang kamay ni Kalleah, "Hindi mo alam ang ibig sabihin ng girlfriend at boyfriend, Kalleah. Itigil mo 'yan." "Nakakinis ka kasi! Sabi mo, ako lang girl na friend mo!" "Kaya nga!" Napakamot siya sa kanyang batok, hindi na niya maiwasang magtaas ng boses. "Kapag nakipag-usap ka sa ibang lalaki, bukod sa akin ay hindi na kita kakausapin kahit kailan." Namilog ang mata ni Kalleah, "Talaga?" "Hindi ako nagbibiro, Kalleah." Tumango naman ito sa kanya, "Okay, Hindi na lang ako kakausap ng ibang boys, bukod sa 'yo at sa mga friend ko... Hmmmm... Kilala mo naman sila Tristan at Jeremy di 'ba? Friend ko din sila, mababait naman." "Okay," Huminga siya ng malalim. Kilala niya kasi ang dalawang iyon, ipinakilala sa kanya ni Kalleah, Mukha namang mapagkakatiwalaan. "Pwede mo silang kausapin.." Napapalakpak si Kalleah, "Yehey!" Muli siyang napamasahe ng kanyang sentido. Sumasakit talaga ang ulo niya kay Kalleah. "Basta laging mong tatandaan na kapag may nagtanong sa 'yo kung pwede ka ba nilang maging girlfriend, sabihin mo ay hindi pwede. Bawal kang makipag-boyfriend sa iba, kasi bubugbugin ko sila." "Talaga? Bugbog? Pero masakit 'yon?" Tumango siya, "Para hindi sila mabugbog, dapat hindi mo sila kausapin, okay?" "Opo, Kuya." "Kapag may nanligaw sa 'yo, sabihin mo ay bawal ka. Maliwanag ba?" Kumunot naman ang noo ni Kalleah, "Ano 'yung Ligaw, Kuya?" Bahagya siyang napangiti, so innocent. "H'wag mo nang alamin, Bawal sa bata 'yon, okay?" Muling tumango si Kalleah, "Sige, Kuya." "At laging mong tatandaan na ako lang ang boyfriend mo, Walang iba." Please do VOTE and COMMENT, thank you!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD