CARA
SI MIGUEL ang may-ari ng kubo na ito? So, he wasn't lying when he said he owned this land? F*ck! Ako na talaga ang dakilang trespassing at kanina ko pa s'ya tinatarayan. It was a mistake going in to the river. Kung nakinig lang ako kay Tita Amanda kanina ay hindi sana kami magtatagpo ni Miguel at hindi rin ako aabutin ng malakas na ulan.
"My shirt looks good on you."
I smirked. "Matutuyo na rin ang dami ko mamya. Ibabalik ko na lang ang damit mo kapag napalabhan ko na."
"You can keep it."
Umiling ako. "I don't want to. Kung hindi ka naman nagsusuot ng nasuot na ng iba ay papalitan ko na lang ng bago."
"Ikaw ang bahala."
Sandaling katahimikan ang namagitan sa aming dalawa. Ang ulan ay unti unti ng humuhupa at kapag ambon na lang ay tatakbuhin ko na lang ang kabayo at uuwi na ako.
"Wala bang gayuma itong kape mo?"
He snorted. "Hindi ko na kailangang lagyan ng gayuma 'yan dahil alam ko naman na wala pa ring nagbabago."
I rolled my eyes. "Ang dami mong alam."
"Kumusta ka na? Ang tagal mong nawala."
Hindi ko sinagot ang tanong n'ya. Sa halip ay kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at tiningnan kung may tumawag o nagmessage sa akin. Nang makitang wala ay inaliw ko na lang ang sarili ko sa pagbrowse ng social media. Daming memes at kung ano anong post.
"Cara."
"What?" Ni hindi ako nag-abalang tumingin sa kanya.
"Can we talk?"
"Aren't we talking already?"
Nakita ko s'yang ngumiwi. "Ako lang ang nagsasalita. Hindi mo ako sinasagot."
Pinatay ko ang cellphone ko at ibinalik ko sa bulsa saka s'ya hinarap. "Anong gusto mong pag-usapan?"
"Kinukumusta lang kita. Ang tagal nating hindi nagkita."
"As you can see, I'm doing well."
"Hindi mo ba ako tatanungin kung kumusta ako?"
"Kailangan pa ba? You look well. As a matter of fact, you seemed to have everything now."
"No. Not everything. Isa na lang ang kulang."
"Oh, I'm sure you're going to have it."
Napansin ko na tumila na ang ulan kaya ibinaba ko ang tasa ng kape sa coffee table at tumayo na.
"Uuwi na ako. Salamat sa kape."
"Ihahatid na kita."
"Hindi na. Kaya ko na."
Hinagip ko ang medyo basa ko pang polo at mabilis na naglakad palabas ng kubo. Narinig ko ang pagbuga n'ya ng hangin at sumunod sa akin. Sinabayan n'ya ako paglalakad. Nang marating ko ang puno kung saan ko itinali ang kabayo ay tinanggap ko ang tali saka mabilis na sumampa sa likod.
"Cara."
Saglit ko s'yang tiningnan. "Ano?"
"Welcome home."
I felt the warmth in his voice. At hindi ko alam kung guni-guni ko lang ang naramdaman kong pagkasabik n'ya sa akin. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya kaya tumango na lang ako at saka mabilis na pinatakbo ang kabayo ko.
Tuliro ako ng makauwi sa bahay. Mabuti na lang at walang tao akong nakita. Magtataka sila kung saan nanggaling ang suot kong tshirt. Although I don't really care what they think, ayaw ko pa rin pag-usapan nila ako at baka saan pa mauwi. Dumiretso ako sa kwarto ko at naligo na naman. Nabasa ako ng ulan kanina at baka trangkasuhin pa ako. Iinom na rin ako ng gamot. Matapos kong maligo ay nagpalit ako ng pangtulog at tinuyo ang buhok ko. Ngayon ako nakaramdam ng pagod at parang idinuduyan sa antok.
Nagising lang ako sa katok sa pinto ng isa sa kasambahay namin.
"Ma'am Cara, malapit na po tayong maghapunan. Inihahanda na po ang mesa."
"Hindi ako nagugutom."
"Ma'am, sabi po ng Papa n'yo may bisita daw po na dadating at kailangan na kasabay nila kayong kumain."
Napahilamos ako sa mukha ko. Sino naman kaya ang napakaimportanteng bisita na 'yon at kailangan ko pang harapin?
"Sige, pakisabi susunod na ako."
Pupungas pungas akong bumangon at umupo sa kama. Antok na antok pa talaga ako at pagod. Kung hindi lang ako nahihiya sa Papa ay kaya ko pa harapin ang bisitang 'yon. Bumangon ako at naghilamos para magising ang diwa ko. Sinuklay ko ang buhok ko at pinusod. Nag apply lang ako ng lip gloss at hinayaan ko ng walang kolorete ang mukha ko. Madalas ay naka-make up ako, lalo na sa New York. Pero tinatamad ako ngayon at wala ako sa mood. Binuksan ko ang closet ko at pumili ng itim na bestida na ang haba ay hanggang taasa ng tuhod. Walang manggas ito at medyo hapit sa katawan.
Narinig ko ang boses ni Tita Amanda na tinutulungan ang mga kasambahay sa paghahanda ng mesa. Si Papa ay may kausap na lalake. Ang piguro nito ay pamilyar sa akin. Imposible naman na pumunta s'ya dito. Nakita ako ni Papa.
"Hayan na pala ang prinsesa ko. Cara, welcome home anak," nakangiting bati sa akin ng aking ama at itinaas ang dalawang braso para sa isang yakap.
Naglakad ako papunta sa kanya at niyakap. Nang makita ko kung sino ang kausap n'ya ay kumunot ang noo ko. "What are you doing here?" It's Miguel. Again.
"Your father invited me for dinner."
So s'ya ang bisita ni Papa. Napamura ako sa isip ko. S'ya ang napakaimportanteng bisita na kinailangan kong babain para makasabay kumain? Seriously? Tahimik kaming dumulog sa mesa at sila lang ang nag uusap madalas ni Papa. Ilang beses kong nahuli ang mga pagsulyap ni Miguel sa akin at lahat ng beses na 'yon ay inirapan ko s'ya.
"Cara."
Narinig ko ang boses ni Papa. "Ano 'yon, Pa?"
"Why are you toying with your food? Ayaw mo ba ng ulam?"
Nang tingnan ko ang plato ko nagkaluray luray na ang pechay. Bulalo kasi ang ulam namin ngayong gabi.
"Sorry, Pa," napangiwi ako at nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko ang sinusupil na ngiti ng bwiset sa buhay ko. Ibinaba ko ang kubyertos at saka uminom ng tubig. "What are you doing here anyway?"
"Are you talking to me?"
"May iba pa bang hindi nakatira sa bahay na ito bukod sa 'yo," pasuplada kong sagot sa kanya.
"Cara."
"Sorry, Pa."
Nanggigigil na talaga ako sa kanya. Aba, kanina pa s'ya sulpot ng sulpot kung nasaan ako at gusto kong malaman kung bakit s'ya nandito.
"Okay lang po, Pa."
Ano daw? Pa? Papa rin ang tawag n'ya sa aking ama? What the f*ck is going on here? I looked at Tita Amanda and she looked uneasy. She knows something, I can tell.
"Well," untag ko kay Miguel.
"I'm here because I want to formally asked your father for your hand. I want to marry you."
Biglang nanuyo ang lalamunan ko kahit kaiinom ko lang ng tubig. Anong pinagsasasabi nito? Ni hindi ko s'ya nobyo.. at bakit ko naman s'ya pakakasalan?!