CARA WHAT the f*ck is going on? Nagpalipat lipat ang tingin ko sa aking ama at kay Miguel. "I have no time for your lame jokes." Tuluyan na akong nawalan ng ganang kumain. Naawa ako sa gulay sa plato ko dahil luray luray na 'yon. Sa intensity ng inis ko ngayon ay inimagine kong si Miguel 'yon. Kababalik ko lang ay may pasabog na agad? "Wala naman akong sinabi na joke," katwiran n'ya. Pasulimpat ko s'yang tiningnan saka humarap kay Papa. "Can I be excused? I'm done eating." "Cara, please remain on your seat," narinig ko ang pagbuntong hininga n'ya. "I'm sorry, Miguel sa inaasal ng anak ko. Pagod lang sa byahe." "Pa, I'm not —" He was quick to cut me off. "Cara," he gave me a warning tone. I know that too well because he's been using that since I was little. I wonder if he is still go