CARA
NGUMITI s'ya sa akin at nag-akmang lalapit ng pigilan ko s'ya. Ang mukha n'ya ay bakas ang pagtataka at hindi maintindihan kung bakit ganoon ang pakikitungo ko sa kanya.
"I said, what are you doing here?"
"I come here all the time, Cara."
Kumunot ang noo ko. All the time? "Sagrado sa amin ng mga kaibigan ko ang lugar na ito. You shouldn't be here."
"You took me here once."
"That was a long time ago. Hindi na nga naulit hindi ba? Leave. I want to be alone."
Ang totoo ay hindi namin pagmamay-ari ang tabing ilog na ito -- kahit ang mga Juera at Escarra. Hindi namin alam kung sino at tunay na nagpapakamisteryoso pa.
Tumikhim ito bago nagsalita. "Parte pa ba ng Hacienda Argovia ang lupang ito?"
"Hindi."
"Then why are you asking me to leave?"
"Because this is my spot," napapadyak ako sa inis sa kanya.
Tumawa ito ng malakas. "Kay tanda mo na ay ganyan ka pa rin kapag naiinis."
"Pake mo naman? Umalis ka na nga."
Tumikhim uli ito at bahagyang pumormal. "I can't."
"And why is that," mataray kong tanong sa kanya.
"Because I own it."
What the f*ck? Kailan pa? "Niloloko mo ba ako? Hindi ka nakakatawa."
Pumunta ako sa may ilog at tinalikuran s'ya. Nilaro laro ko ng kamay ang tubig. Malinis pa rin 'yon at kay linaw ng tubig na umaagos. Naramdaman ko ang presensya n'ya sa likod ko at init ng tingin mula sa mga mata n'ya.
"Mukhang malakas ang ulan, umuwi na tayo."
Kanina, sa kanya ang kinatatayuan ng ilog. Ngayon naman ay sinabing umuwi na 'tayo'.
"Mauna ka na. Hindi ko kailangan ng kasabay umuwi. May dala naman akong kabayo. Besides, mukhang ikaw ang kailangang magmadali dahil maglalakad ka pa."
Hindi ko s'ya nilingon at patuloy ang paglalaro ko ng tubig sa aking mga daliri. There's something in this river that makes me calm. Noong mga bata pa kami ay ganito rin ang ginagawa ko. Tapos sasabuyan ako ni Anton -- palayaw ni Antoinette. Mapipikon ako habang patuloy n'ya akong aasarin kaya manggigitna sa amin si Jessica. Pero bago kami umuwi, bati na kami ulit. Ang sayang balikan ng nakaraan noong hindi pa masyadong kumplikado ang buhay.
"Hindi ako uuwi ng hindi kita kasama."
Hindi ko s'ya sinagot at patuloy lang ang paglalaro ko ng tubig.
"Baka rayumahin ka sa iksi ng shorts mo," tudyo n'ya sa akin.
Tumayo ako at hinarap s'ya. Nakahalukipkip s'ya ngayon habang hindi inaalis ang mga mata n'ya sa akin. "Baka ikaw ang tuluyang mabulag kapag hindi mo inalis ang tingin mo sa akin."
"Bakit ang sungit mo sa akin ngayon? May regla ka ba? You were chasing me not too long ago."
I rolled my eyes at him. "Exactly. That was a long time ago. Leave it at that. At anong regla ang pinagsasasabi mo d'yan? Can't you just leave --- ahh!"
Biglang bumuhos ang ulan at hindi ko alam kung saan ako susuling para hindi mabasa. He quickly grabbed my hand and run to the left. Hindi ko napansin na may kubo pala sa may di kalayuan dito.
"Bilis!"
"Ito na nga, tumatakbo na! Gusto mo pa yata akong madapa!"
Kakainis ang lalaking ito. Nanggigigil talaga ako sa kanya. Kung mautusan ako, akala mo naman may karapatan s'ya sa akin. Nang marating namin ang kubo ay basa na ang polo ko pati ang kamiseta n'ya. Gusto kong hubarin at isampay pero ayaw ko rin naman na maghubad sa harap n'ya. Sa New York ay madaming beses akong nag suot ng two piece pero sa beach 'yon at kapag minsan na nagroller blades ako -- pero sa boardwalk pa rin 'yon malapit sa dagat.
Napansin ko na malinis ang kubo at may maliit na banyo sa gilid. May maliit din na kusina at kasama ng salas. May mga kagamitan dito, buti at hindi nawawala. May isa pang pintuan -- baka kwarto ito. May nakatira ba dito? Kanino ang kubong ito? Oh my gosh! Ayaw kong matrespassing!
"Take off your shirt. Baka tuluyan ka ng mapulmunya at hindi lang rayuma."
"Nababaliw ka na ba? Bakit naman ako maghuhubad sa harap mo?"
Pinagmasdan n'ya ako. "Tingnan mo nga, nanginginig ka na sa lamig."
Iniwan n'ya ako sa salas at pumasok sa kwarto. Pagbalik ay may dala ng tuwalya at puting tshirt. Tinitigan ko 'yon at hindi tinanggap. Yakap ko ang sarili ko habang nanginginig.
"Kanino 'yan? Huy! Huwag ka ngang mangialam ng gamit dito. Baka mamaya ay tuluyan na tayong makulong. Kauuwi ko lang ay disgrasya na agad."
"Could you not be stubborn for once and change your clothes? The room is right there. Doon ka na magpalit."
"Kanina ka pa -- utos ng utos. Nakakarami ka na ha," hinablot ko ang binibigay n'ya sa akin at mabilis na lumakad papuntang kwarto na itinuro n'ya.
Jeez! This room is huge. Kung titingnan mo ang kubo sa labas ay normal lang 'yon. Pero dito sa loob ay kapansin pansin na ang mga kagamitan ay moderno at mukhang mamahalin. The interior boasts a rustic design.
Mabilis akong nagpalit saka lumabas ng kwarto habang tinutuyo ng tuwalya ang mahaba kong buhok. Ang tshirt na binigay n'ya ay malaki sa akin at medyo mahaba pero ok lang. Binuhol ko na lang kaysa naman magmukhang saya sa akin. Saya agad? Hindi ba pwedeng bestida lang muna?
I saw him brewing coffee. Ang aroma ng kape ay humalimuyak sa buong kabahayan. At ngayong umuulan ng malakas ay masarap ngang inumin 'yon. Pero teka, bakit s'ya nangingialam sa kusina ng may kusina? Diyos ko naman, talagang kung sinong may-ari ng bahay na ito ay tuluyang na kaming mababagansya.
"Bakit ka nangingialam d'yan? Nagpapalipas lang tayo ng ulan dito at pwede na akong umuwi. Ikaw bahala ka na sa buhay mo. Kanino bang bahay 'to? Feel at home ka rin ha."
Nang humarap s'ya sa akin ay may dala s'yang dalawang tasa ng kape. Umuusok pa 'yon sa init.
"Maupo ka muna habang nagpapatila tayo dito."
"Hindi ako mauupo hangga't hindi mo sinasabi sa akin kung kaninong herodes ang bahay na ito? Baka sa tanda ko ng ito ay mapalo pa ako ng Papa kapag nakulong ako sa bayan. Trespassing kaya ang ginawa natin," humalukipkip ako at umismid sa kanya.
Halatang nagpipigil s'ya ng tawa. "Hindi kita ipapakulong."
"Anong sinabi mo?"
"Ang sabi ko, hindi kita ipapakulong. Maganda ka na sana, bingi ka lang. Uminom ka muna ng kape at hindi na masarap inumin kapag malamig na," umupo s'ya at kinuha ang tasa ng kape.
Tang*nang 'yan. Kanina pa matalinhaga ang mga pahaging n'ya sa akin.
"Can you stop talking in riddles? Kaninong bahay 'to?"
Ibinaba n'ya ang tasa ng kape at nabigla ako sa isinagot n'ya.
"Ako. Ako ang may-ari ng bahay na ito."