Chapter 1

1035 Words
CARA DARK. The sky was dark and it's looks like the heavy rain is about to pour when I arrived at Hacienda Argovia. I saw a few people trying to get our horses back to the stable. I looked around and found the grass freshly cut and the wild flowers looked as adorable as ever. My friends and I used to run around here a lot when we were little. As I drove closer to the big, white farm house, I can't help but feel sad. I miss my mom and up to now I can still see her smiling while waiting for me to come home from school.  Naputol lang ang pananariwa ko sa nakaraan ng ihimpil ng driver ang kotse at patayin ang makina. Dahil imbes na ang aking ina ang naghihintay sa aking pagbabalik, ay ang aking madrasta -- si Tita Amanda. Sinalubong n'ya ako at sabik na niyakap. Minsan ay hindi ko maintindihan kung bakit magaan pa rin ang loob n'ya sa akin kahit palagi kong ipinaparamdam sa kanya ang aking pagkadisgusto.  "Welcome home, Cara," masuyong bati n'ya sa akin. Hindi ko pinansin ang sinabi n'ya, bagkus ay tinanong ko kung nasaan ang aking ama.  "Ang Papa?" Kahit walang bahid na kahit anong emosyon ang aking boses ay nagawa pa rin n'yang ngumiti. Nakita ko sa gilid ng aking mata ng kunin ng driver ko ang akin maleta sa trunk at ipasok sa loob ng bahay.  "Nasa bayan pero mamaya ay babalik na s'ya agad. Nagugutom ka ba? Nagpaluto ako ng mga paborito mo."  Hanga ako sa tyaga n'ya sa akin. Kasi, kung ako ang may stepdaughter na katulad ng ugali ko -- sa una pa lang ay baka napalo ko na s'ya ng tumino. But that's the thing, Tita Amanda has always been kind to me. She was a pre-school teacher who obviously loved children. Hindi mayaman ang angkan nila at panganay s'ya sa apat na magkakapatid. Noong una, inisip kong yaman lang namin ang dahilan n'ya kung bakit s'ya nagpakasal kay Papa kahit na sampung taon ang pagitan nila ng edad nila. Pero nagkamali ako, talagang mahal n'ya ang aking ama. Nalaman ko rin ng hindi sinasadya na may pinirmahan s'yang pre-nuptial agreement noong magtapos ako ng kolehiyo. Aksidente kong narinig ang pinaguusapan ni Papa at ng kanyang kaibigan. Dala na rin ng hiya ko sa kanya at sa aking sarili, hindi ko na nagawang makipaglapit sa kanya. Pakiramdam ko ay nagtataksil ako sa alaala ng aking yumaong ina.  "Kumain na ako sa eroplano," nakita ko kung paano lumambong ang kanyang mga mata kaya naman hindi ko maiwasan na hindi maguilty. "Pero mukhang masarap ang amoy ng pagkain kaya kakain ako ulit." Bakas ang kasiyahan sa mukha ng aking madrasta. "Talaga? Sige, ipapahanda ko na ang mesa para makakain ka na." Nandito na kami sa loob ng bahay at paakyat na ako ng hagdan para magtungo sa kwarto ko ng narinig ko ang sarili kong inaalok s'yang sabayan ako. "Kumain ka na ba?" Mukhang nagulat ko rin s'ya dahil ito ang unang beses na nagtanong ako.  Ang totoo ay bihira ko s'yang kausapin at palagi ko s'yang iniiwasan sa bahay at maging sa labas.  "Hindi pa." "Sabay na lang tayong kumain. I'm just going to take a quick shower and changed. I'll be down in a bit." "Sige." Napansin ko ang mga mata n'yang hindi maiikubli ang kasiyahan sa ginawa ko. Jeez! What's happening to me? Cara, hindi mo s'ya gusto remember? Why are you being nice to her now?  Hindi ko binigyang pansin ang nasa isip ko at diretsong nagtungo sa kwarto ko. Kaparehas pa rin 'yon ng dati at walang naibo kahit isa. Mukhang bagong linis rin at malinis ang kobre kama. Ni gabok ay wala. Inihagis ko ang bag ko sa kama at saglit na naupo bago magtungo sa banyo.  Nang makapaligo ako ay inilugay ko lang ang mahaba kong buhok. Binuksan ko ang closet at pinili kong isuot ang isang maiksing maong na shorts at puting long sleeves. Nakita ko ang paborito kong cowboy boots sa gilid at isinuot rin 'yon. Gusto kong mangabayo mamaya at pumunta sa ilog -- kung makikisama ang panahon. Namiss ko ang dati kong tambayan kasama ang mga kaibigan ko.  Pagbaba ko ng hagdan ay nakita ko si Tita Amanda na may dalang pitsel ng melon juice. Isa 'yon sa mga paborito ko. Gusto ko yung may gatas at maraming yelo. Hilig kong ipabili 'yon sa Mama kapag isinasama n'ya ako papuntang palengke.  "You look fresh and beautiful as always. Halika, kumain na tayo," nakangiting aya n'ya sa akin.  Tipid ko s'yang nginitian. Si Papa lang ang umuupo sa kabisera at ang upuan ko ay palaging sa kaliwa n'ya. Si Tita Amanda na ang umuupo sa kanan na dati ay lugar na para sa aking ina lamang. I dismissed that thought. I didn't want to spoil her happiness, kahit ngayong araw lang na ito. Hindi s'ya nagbibiro ng sabihin na ipinaluto n'ya ang mga paborito ko. Bistek, ginulay na mais at pritong tilapya -- ang laki bigla ng gutom ko. Tahimik kaming kumain pero hindi mapagkit ang ngiti sa labi n'ya. Ang dali lang pala n'yang pasayahin. I should do this more often. Kahit hindi kami mag-usap, magkasalo lang sa pagkain ay okay na. Nang matapos kami ay naisipan kong ipaalam sa kanya kung saan ako pupunta. Pabalik na s'ya papuntang kusina para ipaligpit ang mesa.  "Mangangabayo lang ako papuntang ilog, hindi rin ako magtatagal." Kumunot ang noo n'ya at tumingin sa labas. "Mukhang uulan, sigurado kang gusto mong mangabayo papuntang ilog?" Tumango ako pero ang mukha ko talaga ay madamot sa ngiti. "Hindi na siguro tutuloy 'yan. Kanina pa madilim pero hindi naman pumapatak ang ulan. Saglit lang ako, babalik din kaagad. Dala ko ang cellphone ko just in case." "Sige, mag-iingat ka." Mga sampung minuto ang layo ng ilog sa bahay namin kapag sumakay ka ng kabayo. Mabilis kong narating 'yon at agad na bumaba. Itinali ko ang kabayo sa malaking puno at hinayaan itong kumain ng damo. Pero ang hindi ko inaasahan ay ang makita ang lalakeng dahilan ng pag-alis ko sa bayang ito.  "Anong ginagawa mo rito," nakakunot ang noo na tanong ko sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD