CARA SUMAKAY ako ng kotse n'ya pagkatapos kong ibigay ang susi ko. Seriously, he makes me head spin. Hindi ko alam kung dahil sa alak ba o masyado lang s'yang malapit sa akin. Amoy na amoy ko kasi 'yong sabon na ginamit n'ya. That's the thing — wala s'yang ginamit na pabango pero pakiramdam ko ay lalo akong nalasing. Napansin ko din hindi s'ya maburloloy. He has a watch — an expensive one at that, but other than that wala na. Hindi ko naorasan kung gaano katagal s'yang nagdrive. Ang alam ko lang, paminsan minsan nahuhuli ko s'yang nakatingin sa akin. Dati rati naman ay — nevermind, ayaw ko ng balikan ang nakaraan. Pumasok ang kotse n'ya sa isang exclusive subdivision. Hindi ko matandaan kung ilang beses kaming lumiko pero pero humimpil ang kotse n'ya sa isang isang malaking moderno na