KABANATA 16

1559 Words
Napaawang ang bibig n'ya dahil sa gulat. Lumapit ito sa sala kung saan s'ya nakatayo. "What are you doing here?" Natikom n'ya ang bibig at napalunok ng laway. Naikuyom n'ya ang palad sa likod ng kanyang likuran. "Mayette!" saway rito ni Kurt. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanilang dalawa. "What is she doing here?" maarte nitong tanong kay Kurt. "Hindi ba dapat ako ang nagtatanong n'yan sa 'yo, Mayette?" maawtoridad na sabi ng nobyo n'ya. Napapitlag si Mayette dahil sa naging attitude ni Kurt. Hindi ito umimik. Natigilan ito ng ilang sandali at nang makabawi ay masama ang tingin nito sa kanya. "Masama bang dalawin kita rito. Hindi mo man lang sinabi na may bisita ka pala," sarkastikong wika ni Mayette. "Si Teeny ba? Eh, soon to be wife ko na s'ya. Hindi na s'ya bisita rito, Mayette." seryosong saad nito. Namilog ang mata ng babae at agad na natahimik. "Ano ba ang sadya mo?" "Nothing. Sa susunod na lang ako babalik." Masama ang tingin nito sa kanya matapos tumalikod at lumabas ng bahay. Napakibit-balikat na lamang siya. Napakamot ng noo si Kurt ng lingunin siya nito. "Pasensya ka na Teen. Hindi ko alam kung bakit pumunta rito si Mayette," Pilit siyang ngumiti. "It's okay. Naiintindihan ko naman." Pagkatapos niyon ay naging awkward na rin ang namagitan sa kanila. Naupo siya sa sala. Ramdam n'ya pa rin ang panginginig ng kamay n'ya. Hindi dahil sa takot kay Mayette kundi dahil pinipigilan n'ya na sumabog ang galit n'ya rito. Kailangan bang lagi na lang ipamukha sa kanya na nag- DH s'ya noon. Ganun na ba kababa ang tingin sa mga OFW? Na hanggang katulong lang? Na hanggang doon lang? Kung wala lang doon si Kurt kanina sa pagitan nilang dalawa ay siguradong hindi na s'ya makakapagtimpi ng galit n'ya. Tiyak na lilipad ang palad n'ya sa porselanang mukha nito. "Anong gusto mong kainin? Magluluto ako, Teen." untag ni Kurt. Natigil ang pag-iisip n'ya ng tumabi ito sa kanya sa sofa. Umiling s'ya. "Nothing. I just want to go home. Uuwi muna ako, naalala ko bigla na may iniuutos pala si Tatay sa akin." "Pero—" Pinutol n'ya ang sasabihin pa ni Kurt nang bigla s'yang tumayo ng akmang yayakapin s'ya nito. Hindi naman s'ya tanga apra hindi mapansin na kahut ganoon ang trato nito sa dating nililigawan ay tila ba concern s'ya para dito. Kung wala siguro s'ya sa bahay nito ay matagal na mag-i-stay si Mayette doon. "Sige na. May gagawin pa kasi ako. Sa susunod na lang siguro natin pag-usapan 'yung tungkol sa kasal." "Teen...." Malambing nitong tawag sa kanya. Inabot niyo ang kamay niya. Nakatayo lamang sya roon at nakaupo pa rin si Kurt sa sofa. Nakatingala na nakikiusap sa kanya si Kurt. "Please.. I'm sorry. Hindi ko sinasadya yung kanina at 'yung kay Mayette naman ay hindi ko alam kung bakit s'ya pumunta rito." Hinayaan n'yang hawakan at haplosin ni Kurt ang kamay niya. " It's okay, Kurt. Hindi mo naman kailangan ulitin sa akin. Nasabi mo na 'yong dahilan kanina, 'di ba?" Natikom ni Kurt ang bibig na tila napahiya ito. "Hmmm.. May pasok pa ako bukas sa Banko n'yo kaya mauuna na ako." Paaalam niya ulit. Kusang binitawan ni Kurt ang kamay n'ya, hudyat na pumapayag ito. Kinuha n'ya ang maliit na shoulder bag sa table at naglakad palabas ng bahay ng nobyo. Hindi na siya muling nakarinig ng pagtawag nito sa pangalan n'ya. Natigil s'ya sa paglalakad ng makalayo sa bahay ni Kurt. Napabuntong-hininga s'ya at mahigpit na humawak sa bag n'ya. Nakatutok lang ang tingin n'ya sa daan pero ang isip n'ya ay nakatuon sa nobyo. Ayaw n'yang maging marupok. Napakurap-kurap ang mata n'ya ng maramdaman n'ya ang namumuong luha doon. Nagsimula s'yang maglakad pauwi sa bahay nila sa may bayan. Hindi man talaga s'ya sinubukan na sundan ng loko. Hindi man lang s'ya inalala na maglalakad s'ya ng mag-isa pauwi ng bahay nila. Tutal ay ilang kilometro lang naman ang layo. Napailing na lang s'ya sa isipin na iyon. Hindi nga siguro s'ya ganoon ka-special kay Kurt. Sa di kalayuan ay natanaw niya ang isang kulay pulang sasakyan. Nasa highway iyon kaya hindi niya pa gaanong naaaninag kung sino ang lulan niyon. Ngunit parang pamilyar ang nasa driver seat. Tinted ang window niyon kaya hindi n'ya maaninag ang nasa loob. Nakatingin ito sa gawi n'ya. Kaya mas lalo s'yang nagtaka. Lumingon s'ya sa likod n'ya dahil baka may tao roon, ngunit wala, tanging s'ya lang ang naroroon. Nang makatungtong sa highway ay inayos niya ang pagkakatali ng kanyang mahabang buhok. At ang konting buhok na nakatabing sa kanyang mukha. Lumingon s'ya sa gawi ng kotse ngunit hindi pa rin iyon umaalis doon. Kahut bumaba ng kotse ang driver doon ay hindi. Hanggang sa may dumaan na tricycle sa tapat n'ya, nagpasya na s'yang sumakay. Mabilis na pinaandar ng driver ang tricycle. Hindi na s'ya muling lumingon kung nasaan ang kotse. "Nay, Tay, mano po!" "Saan ka galing , anak?" tanong ni Nanay. "Kina Kurt ho." "Napaaga yata ang uwi mo." "May inasikaso lang ho ako dun, tapos ay nagpaalam na ho ako agad." "Kung ganoon ay kumain na tayo at narito ka na rin naman," anyaya ni Tatay. Magtatanghali na kasi ng makarating s'ya. Maaga nga ang uwi niya, wala rin sina Maymay at Eric dahil nasa skwelahan pa ito. Tuwing tanghali ay hindi ito umuuwi dahil nay baon na silang lunch sa school. "Sige ho, Tay. Ilalagay ko lang 'tong bag sa kwarto." Tumango lamang sina Nanay Krising at Tatay Inggo. Saka s'ya mabilis na naglakad papasok ng silid. Ayaw niyang isipin ng mga magulang na may alitan sila ni Kurt kaya lumabas agad s'ya pagkalatag ng bag. "May nakuha na po ba kayong katulong sa bukid, Tay?" tanong ng maupo sa hapag. "Wala pa anak, pero 'yung sinabi ni Kurt baka dumating na." nakakamot sa batok si Tatay Inggo. Tumango s'ya. Hindi nga pala n'ya iyon natanong kanina kay Kurt. Masyadong occupied ang utak n'ya kanina. Tsaka hindi pa naman sila totally mag-asawa kaya hindi s'ya aasa muna rito. "Kailan daw ba ang kasal n'yo ni Kurt anak? May petsa na ba?" "Hindi pa po namin sigurado, Nay. Baka po unang linggo." Matapos kumain ay nagtungo s'ya sa kwarto. Wala rin naman s'yang ginawa buong maghapon. Ginawa n'ya lang iyon na dahilan kay Kurt para maniwala ito sa knaya. Naghintay s'ya hanggang magdamag kung magti-text o tawag sa kanya si Kurt pero wala man lang kahit isa. Marahil ay nainis ito sa kanya. Tinext niya itong nakarating na s'ya sa bahay. Ngunit wala pa ring reply si Kurt. Ilang katok ang narinig n'ya sa pinto.. "Ate?? Are you there?" mahunang sigaw ni Maymay. Marahil ay kararating lang nito mula sa skwelahan. Agad naman s'yang umayos ng upo sa kama. "Bukas 'yan," sambit n'ya. "Kanina ka pa rito, Ate?" naguguluhan na tanong nito sa kanya. "Oo, bakit? Kanina pa akong tanghali dito sa bahay." "Eh, mukhang may bisita si Kuya Kurt,akala ko andun ka," ibinaba nito ang bag na dala saka naupo sa tabi niya "Siguro, hindi na ako bumalik doon kanina eh," "Ganun ba? Eh, kanino 'yung pulang kotse?" usisa nito. Biglang kumunot ang noo n'ya. "Hanggang ngayon ay naroon pa rin ba iyong kotse?" Interesado nitang tanong. "Andoon sa tapat ng bahay ni Kuya Kurt." Bigla s'yang nakaisip ng kakaiba at tila kinabahan. Isa lang ang nasa isip n'ya kung kanino iyon. Pero ayaw niyang mag-assume dahil baka guni-guni n'ya lang. "Hindi ko na masyadong nakita dahil mabilis ang takbo ng tricycle, eh." "Okay lang 'yun baka kaibigan n'ya lang." "Hindi Ate. Parang hindi naman. Bakit nakapatay yung ilaw nila sa loob. Walang kahit anong nakabukas na ilaw. Eh, alas sais na." Biglang kinabahan sya sa sinabi ni Maymay. Biglang siyang bumangon mula sa kama at tumingin sa bintana. Medyo nanginginig ang kamay niya habang inilalayo ang kurtina upang silipin ang direksyon ng bahay ni Kurt sa di kalayuan. "Wala namang ilaw?" bulong niya sa sarili. Nakita rin niya ang pulang kotse na naka-park sa tapat ng bahay nito. "Maymay, sigurado ka bang wala kang nakitang ibang tao na pumasok o lumabas doon?" tanong niya habang pilit inaayos ang tono ng boses upang hindi maipakitang kinakabahan siya. "Oo, Ate. Kanina pa akong nasa tricycle, pero parang tahimik masyado sa bahay ni Kuya Kurt," sagot ni Maymay, sabay kagat sa labi. Hindi niya mapigilan ang kabog ng kanyang dibdib. Pakiramdam niya’y may mali, pero ayaw niyang magpadala sa sariling hinala. Kinuha niya ang cellphone niya at tinawagan si Kurt muli, ngunit tulad ng inaasahan, walang sumasagot. "Maymay, dito ka lang muna sa bahay. Pupunta lang ako sandali sa bahay nila, kung hanapin man ako nila Nanay at Tatay sabihin mong may binili lang ako sa tindahan," utos niya habang nagmamadaling isinuot ang jacket niya. "Ate, teka!!" pigil ni Maymay, pero binalewala ito ni Teeny. Pagdating niya sa tapat ng bahay ni Kurt, ramdam niya ang mas lalo pang lumalakas na kaba. Pinindot niya ang doorbell, ngunit walang sumagot. Sinubukan niyang pihitin ang doorknob—at sa kanyang pagkagulat, hindi ito naka-lock. Pinihit niya nang dahan-dahan ang pinto at tumawag, "Kurt? Andyan ka ba?" Ang katahimikan sa loob ay tila mas nakakasakal. Ngunit nang tumapak siya sa sala, nagulat siya sa sumalubong sa kanya ang isang pares ng sandals at kulay asul na floral dress at mga under garments.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD