KABANATA 15

1417 Words
Nang sumunod na araw ay pumunta si Edgar sa bahay nila noong araw ng linggo. Dahil walang trabaho sa bukid ay hindi pumasok si Edgar sa sakahan nila. Tiyak na nabalitaan na nito ang tungkol sa pag-announce ng nalalapit na kasal nila ni Kurt noong nasa party. Humingi ito ng pasensya dahil nagkamali ito sa nasabi n'ya at nahusghaan n'ya kaagad si Kurt. "Wala iyon, Ed." aniya. "Congrats sa inyong dalawa. Natutuwa ako na s'ya ang pinili mo, Teen," saad nito. "Salamat," natutuwa s'ya dahil masaya para sa kanya si Ed ngunit nasasaktan s'ya para sa binata. Una pa lang ay nagparamdam na ito ng pagmamahal sa kanya. Naging mabait rin ito sa kanya at iba kung ituring s'ya nito. Ngunit mas nauna niyang nagustuhan si Kurt. Dahil nga sanay siyang palangiti si Edgar ay nanibago siya ngayon, dahil sa lungkot ng mga mata nito. Gusto n'yang sisisihin ang kanyang sarili dahil ni hindi niya man lang ito binigyan ng pagkakataon para manligaw sa kanya. Pero mas tama nga sigurong hanggang magkaibigan lang silang dalawa. Bumuntong-hininga ito bago nagsalita. "Teen," Tawag nito sa pangalan n'ya. Sumandal ito sa likod ng sofa. " Pwede mo ba akong tulungan na magpaliwanagsa Tatay mo?" Napakunot-noo s'ya. "Huh? Magpaliwanag? Anong ipapaliwanag mo Ed kay Tatay?" Matagal itong natahimik bago sumagot. "Gusto ko sanang umalis muna rito sa Sta. Dolores." "Eh.... Bakit?" Nagtaas ito ng tingin. Pero saglit lang itong tumitig sa kanya. Muli itong yumuko at tumitig sa sahig. "Alam mo naman ang dahilan,eh. G-gusto kong malayo sa 'yo. Gusto kong hindi muna kita nakikita. N-naiintindigan mo ba ako?" Saglit s'yang natigilan at mayamaya lang ay tumango. "Ed, kailangan ni Tatay ng katulong sa pagbubungkal ng lupa sa sakahan at ikaw lang ang maasahan doon. Kailangan ka namin. ...." saglit s'yang huminto. "Pero kung gusto mo talagang umalis muna ng Sta. Dolores, ikaw ang bahala." Mapait itong ngumiti. "Salamat, Teen. Ikaw na ang bahalang magpaliwanag kay Tatay Inggo tungkol sa sinabi ko." "Oo. Maiintindihan ka agad ni Tatay, Ed kung 'yun Ng desisyon mo." Tumayo ito. "Kung ganoon ay mauna na ako." "Yun lang ba ang sadya mo rito?" malungkot n'yang sabi. "Yap! Hanggang sa muling pagkikita." Lumabas ng pinto si Ed ng walang lingon-lingon. Sinundan n'ya ito ng tingin habang papalayo. "Sorry, Ed," bulong n'ya sa sarili. " Sana ay makatagpo ka ng babaeng magmamahal sa 'yo tulad ng pagmamahal mo." *** Kinabukasan, sa bahay nu Kust sila kumain ng tanghalian. Wala ng tao sa kamalig nila na nasa likod lang ng bahay ni Kurt. Kung dati-rati ay nakikita niya roon si Edgar, ngayon ay tila malungkot ang kamalig ng wala ito roon. Kagabi rin nagpasya si Ed na umalis. Talagang seryoso ito at hindi na magpapapigil pa. "Problema na naman ngayon ni Tatay ang makakatulong sa bukid, Kurt," aniya. "Kung sana ay binata na si Eric, eh s'ya na sana ang katuwang ni Tatay roon." "Kung katulong lang sa bukid ang problema ni Tatay," wika ni Kurt na ganadong kukakain dahil ang ulam ay ginataang alimango na may dahon ng malunggay. " Kahit bukas din ay may mairerekomenda ako sa kanya, Babe." "Sino?" tanong n'ya. "Tatlo sa aming mga tauhan sa niyugan." "Tatlo? Bakit naman ang dami ata?" "Para mapabilis ang sistema ng pagtatanim. Saka... Ayaw mo ba niyon? Tatlo kaagad ang mabibigyan natin ng trabaho." Tumango s'ya. "I think, you're right, Kurt. Kailangan din sigurong labor intensive ang pagsasaka. Di bale nang lumaki ang gastos sa labor kung mababawi rin naman sa dami ng ani." "Yah. Tama ka nga." "Kurt..." "Hm??" "Ang gusto ko ay malaki pa doon sa binabalak mo ang maging backyard nitong ating bahay. Patatamnan ko ng maraming gulay." Natawa ang binata sa sinabi n'ya. "Ngayon ay hindi lang kapiraso ang gusto mong ibawas sa sakahan niyo, ha." "Eh, ano ngayon?" natatawa ring sabi n'ya. "Basta ang gusto ko ay maluwang ang bakuran natin. Ipapalipat ko kay Tatay ang kamalig banda roon." "Bahala ka." Tumango s'ya. "Salamat." "It's alright. Your wish is my command." Napatitig s'ya sa mukha ng binata. At hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin s'ya makapaniwala na katuwang na siya ng lalaking ito sa pagdedesisyon sa buhay. Ngunit nabahala siya sa mensahe noong nakaraang gabi. Hindi n'ya pa rin iyon natatanong kay Kurt. Kung sino ba ang nag text sa kanya. Kahit nga mahirap lamang siya at naging DH sa ibang bansa ay hindi iyong nakakahiyang ipaalam sa iba. At mas tumaas ang confident n'ya sa sarili na kahit mahirap lamang s'ya ay may mayaman rin pala na magkakagusto sa kanya Hindi kailangang ang mahirap ay mananatiling mahirap at laging inaapi ng mayayaman. Ang bawat nilikha sa mundong ito ay may karapatang manindigan sa sarili. Karapat-dapat siya sa isang tulad nu Kurt. "Teen?' mahinang untag sa kanya ni Kurt ng ipagtaka nito ang mahabang pananahimik niya. "Anong iniisip mo?" Ngumiti siya ng maluwang. "Iniisip ko na hindi lang pala hardin ang gusto kong nasa loob ng ating bakuran, Kurt." "At ano pa ang gusto mo?" "Swimming pool. Can we afford it?" Muling natawa si Kurt. At mas malakas iyon kaysa kanina. "Yeah. We can afford it," wika nito. "Teen, marami pang bagay ang hahangarin mo at ang lahat halos ng mga iyon ay matutupad. Alam mo kung bakit?" "Bakit?" "Kasi, hindi ka lang umaasa. Nakapagpaplano ka kaagad oras na makakita ka ng kahit konting posibilidad. Positive thinker ka na ngayon. Hindi tulad noon na tulad ka rin ni Edgar.Inuuna ang mga negative kaysa positive." "Matututo rin siya, Kurt." Napangiti na lamang si Kurt sa sinabi n'ya. "Kurt??" "Bakit, Teen?" Napakagat llabi muna s'ya bago nagsalitang muli. "M-may binigyan ka ba ng number ko?" Seryosong napatingin sa kanya si Kurt. "Wala naman, bakit?" "May nagtext kasi sa akin nung nakaraang gabi. Hindi nakaregister sa contacts ko kaya nagtataka ako kung sino yun." Tila biglang nag-iba ang emosyon ni Kurt. Kumunot- noo ito. "Anong sabi ba?" "Wala. Baka na wrong send lang," tila na nauutal niyang sabi. Kahit ang totoo ay para sa kanya talaga ang mensahe na iyon. "Hiniram kasi ni Mona 'yung cellphone ko noong birthday ni Daddy dahil makikitawag lang daw siya sa kanila," bakas sa mukha nito na naghihinala kay Mona. "May I see?" Ayaw niya ng gulo kaya, nagpalusot na lang s'ya. "Nabura ko na, Kurt." mabilis niyang sagot rito. " Parang wrong send nga eh. Hindi naman sa akin yung laman ng text. Kaya dinelete ko na." "Ganun ba." malalim ang iniisip nito. "Hmmm. Forget it." sambit n'ya. Niyakap s'ya ni Kurt mula sa likuran at dinampian siya ng halik nito sa leeg. "Don't stress yourself, Teen. Magiging asawa na kuta soon so just relax, magiging akin ka na." Natapik naman niya ito sa kamay. Kung saan saan kasi naglilikot ang kamay nito. May kung anong naiisip siya dahil silang dalawa lang naman ang nasa bahay ni Kurt kaya natutukso s'yang halikan rin ito. Lumalim ang halik ni Kurt sa kanya. Tinugon n'ya iyon. Nang akmang huhubarin na ni Kurt ang pang-itaas na blouse n'ya ay bigla niya itong pinigilan. Hinawakan niya ang kamay ng nobyo saka napayuko. "Don't." saway niya rito. Ayaw niyang maging rude siya sa eksenang iyon pero kahit na mahal niya si Kurt ay hindj niya nakakalimutan ang payo ng Tatay at Nanay n'ya. Na hanggat hindi ikinakasal ay hindi niya isusuko ang p*gk*b*b** n'ya hanggat hindi pa s'ya kasal. Napatiim-bagang ang nobyo niya at saka huminga ng malalim. Mapungay ang mga mata nito at habol ang hininga. "Fine. I'm sorry. Masyado siguro akong nadala sa bugso ng damdamin ko, Teen. I-im sorry." Namumula naman s'yang tumango. "It's okay.. Hanggang kiss lang tayo sa ngayon, hindi na pwedeng lumagpas pa roon." Aniya. "I understand. And I respect you, Teen." malumanay na saad nito. Habang hinahaplos ang balikat n'ya. Maya-maya pa ay lumayo sila sa isa't-isa. Napasabunot pa sa buhok si Kurt nang tumalikod ito sa kanya. Parang nakonsensya tuloy s'ya dahil sa ginawa niyang pagpigil rito. Ilang minuto s'yang nakatayo roon at hinfi man lang gumalaw. Matapos niyang ayusin ang nagusot na blouse ay sumunod s'ya kay Kurt sa sala. Ngunit nagulat s'ya nang madatnan n'ya na naroroon si Mayette sa may pintuan. Kausap nito si Kurt. Siguro dahil sa nangyari kanina ay hindi n'ya napansin ang pagdating nito roon. Hula niya ay kadarating lamang nito dahil saktong paglabas n'ya ng kusina ay kakabukas lang ng pinto ni Kurt para papasukin si Mayette. "What the heck? Anong ginagawa ng DH mong employee rito?" eskandalosang sambit nito ng makita siya sa sala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD