Napako siya sa kinatatayuan, hindi s'ya makapaniwala sa kanyang nasaksihan. Ang kanyang mga mata ay nakatuon sa nakakalat na damit sa sahig, isang asul na fitted dress na alam niyang hindi kanya, isang pares ng sandals, at ang mas nakakabigla, ang magkasamang underwear ng babae at lalaki.
Pakiramdam niya’y biglang umikot ang kanyang paligid. Nagngingitngit ang kanyang puso habang pilit iniiwasan ng utak niya ang alam na niyang katotohanan.
Kurt… paano mo nagawa ito? bulong n'ya sa sarili.
“Kurt?” tawag niya ulit, pero mas mahina na ang boses niya ngayon, nanginginig at puno ng hinanakit.
Wala pa ring sagot. Sinundan niya ang bakas ng mga damit, na tila nagbigay ng ruta papunta sa kwarto ni Kurt. Habang papalapit siya, mas lumalakas ang kabog sa kanyang dibdib ay parang sasabog anumang oras.
Pagbukas niya ng pinto, ang nasaksihan n'ya ay parang sumaksak sa kanyang puso. Si Kurt ay nakahubad mula sa baywang pataas, at isang babae na naka-suot lang ng kumot, nakasandal sa kanyang dibdib. Ngunit pamilyar ang babae.
Halatang nagulat ang dalawa sa pagpasok niya, pero walang alinlangang nagsalita si Kurt sa kanya habang hawak-hawak ang kumot. Tinabing nito ang babae na nakasandal sa dibdib nito. Tila nagising ito, kaya nag-angat ito ng tingin sa akin. Nang magtama ang paningin namin ay mas lalong umawang ang bibig niya ng makilala kung sino ang katalik ng nobyo n'ya.
It was Mayette. Hindi nga siya nagkamali. Hindi nagkamali ang kutob n'ya simula pa lang nung isang araw. Lalo na nung makita n'ya kanina ang pulang kotse sa labas ng bahay ni Kurt.
Nanginginig ang kamay n'ya pero pinipigilan n'ya na gumawa ng eskandalo d'un. Sa isip n'ya ay pinapatay n'ya na ang dalawa.
Hindi n'ya magawang humakbang palapit sa dalawa para sabunutan o saktan man lang sina Kurt at Mayette. Para s'yang tuod na nakatayo sa tapat ng pinto.
“Anong ginagawa mo rito?”nanginginig na tanong niya, iritado niyang tanong sa babae, pero hindi maitago ang pagkabalisa ng babae..
Hindi ito makasagot. Ang sakit ay tila naging sobrang bigat, na kahit isang salita ay hindi niya magawang bitawan.
“Mali ang iniisip mo, Teen,” depensa ni Kurt, ngunit halata sa mukha nito ang pagsisinungaling. Ang babae ay tahimik lang na nakatingin, hawak ang kumot para takpan ang kanyang katawan. O mas tamang sabihin na nakangisi pa ito na nahuli sila ni Teeny.
Napailing siya, mga luha’y tumulo nang hindi niya namamalayan.
“Mali? Paano mo ipapaliwanag ito, Kurt? Ang mga damit, ang nakikita ng dalawang mata ko mula sa damit ninyo sa sahig pati rito sa kwarto.?! Magkatabi kayo at hubad pa!” bulyaw niya, nanginginig ang boses n'ya.
Kumuha s'ya ng lakas ng loob para magsalita sa natitira n'yang lakas sa nakakuyom n'yang mga kamao.
“Hayaan mo muna akong magpaliwanag,” pilit ni Kurt, ngunit sa puntong iyon, hindi na siya handang makinig pa.
“Kahit anong paliwanag mo, tapos na tayo” aniya, nanginginig pa rin ang boses n'ya.
Tumalikod siya, hindi na s'ya naghintay ng sagot. Ang mga hakbang n'ya ay mabibigat, parang pasan niya ang buong mundo—ang mundo na gumuho dahil sa pagtataksil ni Kurt.
Mabilis niyang nilisan ang bahay ni Kurt. Malinaw na sa kanya ang lahat na hindi nga sa kanya seryoso ang nobyo. Kahit pa inanounce nito ang kasal sana nila sa buong Imperial, hindi pa rin iyon sapat dahil nagtaksil sa kanya si Kurt.
Pinaniwala lang s'ya nito na walang namamagitan sa kanila ni Mayette. Ngayon n'ya lang napagtanto na katawan lang ang habol sa kanya ni Kurt. Na lupa lang ang habol nito kaya madali itong nagpasya na pakasalan s'ya.
At sya naman si tanga, naniwala agad. Di sin sana'y naniwala s'ya kay Edgar noon pa. Hindi sana s'ya nasasaktan ngayon.
Pinahid n'ya ang luha na patuloy na tumutulo sa kanyang pisngi. Mabilis siyang naglakad pauwi sa kanila. Pinahid niya ang kanyang luha at baka mahalata ng magulang n'ya na umiiyak s'ya.
"Ate?" tawag ni Eric nang mapadaan siya sa harap ng tindahan nila.
"Oh? Bukas pa rin ang tindahan hanggang ngayon? Anong oras na oh," pilit niyang pinasigla ang boses.
"Pasara pa lang , Ate. San ka ba galing?"
"Dyan lang kina Steff may hiniram lang ako," palusot n'ya.
Napagtanto niya nga na mali pala ang sjnabi niya kanina kay Maymay kung sakaling hanapin siya ng Nanay at Tatay nila.
Naalala niya nga pala na may tindahan sila. Napailing na lang siya habang iniisip ang naging reaksyon niya kanina. Nataranta pa s'ya kaya hindi na maayos anb mga bilin niya kay Maymay.
"Sina Nanay at Tatay??"
"Maagang natulog, maaga pa si Tatay na pupunta ng bukid, kaya ayun, nauna na sa kwarto." Patuloy na sagot ni Eric.
Binaba na nga nito ang bintana para matakpan ang tindahan nila. Yari lamang iyon sa kahoy kaya madaling naibaba ng kapatid n'ya.
Dumiretso na nga siya sa kwarto at nadatnan doon si Maymay na hindi mapakali sa kama.
"Ate!!" sigaw nito.
"Bakit?"
"Namumugto ang mga mata mo, ha? Pinaiyak ka ba ni Kuya?" Nag-aalalang tanong nito.
Tumawa siya ng pilit. "Hindi ha. Napuwing lang ako. Tumakbo kasi ako pauwi. Eh, wala ngang tao roon."
"Weh? Hindi naman ganyan ang puwing. Umiyak ka , 'no?"
Umiling siya. "Hindi. Ano ka ba? Matulog ka na nga at may pasok ka pa bukas."
Pinipigilan niya na gumadalgal ang boses n'ya kaya as long as na kaya niyang pigilan ay pipigilan n'ya.
Madaldal pa naman 'tong kapatid n'ya . Baka kung ano pang sabihin kina Nanay at Tatay kung sakali.
Hinawakan nito ang balikat niya at pinaharap siya rito.
"Tumingin ka nga sa akin, Ate. Ano bang nadatnan mo dun?" serysong tanong nito hababg nakatitig sa mga mata niya.
"Wala." maikli niyang sagot.
"Yung totoo nga. Dapat kasi ay sinama mo ako, para hindi na kita kinukulit ngayon. I'm sure na, umiyak ka talaga ."
Umiling siya at yumuko. Hindi niya kayang makipagtitigan sa kapatid ni'ya. Baka mas lalong bumigay siya.
"W-wala namang tao roon." Paguulit ni Teeny.
"Eh, bakit ang tagal mo?" pangungulit pa nito.
"Ang layo ng nilakad ko, May. Matulog ka na nga at may pasok pa tayo bukas."
Umismid ito.saka ngumuso. "Kay Ate Mayette yung kotse," sabi nito.
"P-paano m-mo nalaman?" nauutal niyang sabi.
"Nakita ko yun nung nasa party tayo ng mga Vergara. Nakita kong sakay s'ya noon." Paliwanag nito.
Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib n'ya. May pagka-ususera talaga itong kapatid n'ya.
Hindi niya tuloy alam kung matatawa siya o maiiyak, eh.
"Si Ate Mayette ba ang bisita ni Kuya Kurt, Ate?"
Napatigil s'ya bigla. Kung pwede lang sanang sagutin ng diretso sinagot niya na. Pero ayaw niyang pag-isipan ng masama ng pamilya niya si Kurt kahit pa nagtaksil ito sa kanya. At mas lalong hindi katanggap tanggap kung sasabihin niyang nakita niya mismo itong nakikipagtalik sa iba.
Pinilit ni Maymay na maghintay ng sagot sa tanong nito, ngunit nanatili s'yang tahimik.
Nagbuntong-hininga si Maymay, tila hindi maitanggi ang kuryosidad.
"Ate, alam mo naman na hindi kita huhusgahan, 'di ba?" Hinawakan nito ang kamay ng kapatid. "Pero, kung may problema, sana sabihin mo. Kahit papaano, baka matulungan kita."
Napatingin siya kay Maymay, ramd.Pilit niyang nginitian ang kapatid, pero halata ang lungkot sa kanyang mga mata.
"Wala na, May. Hindi na mahalaga 'yun," mahinang sagot niya, pilit na iniiwasan ang mas malalim na usapan.
"Pero, Ate..." Nag-aalangan man, nagpatuloy si Maymay. "kung si Kuya Kurt yun, at si Ate Mayette... Alam ko na siguro 'yung mga nangyayari." Naputol ang tinig ni Maymay tila ayaw idiretso ang hinala.
Biglang napuno ng katahimikan ang paligid. Hindi sya makapagsalita.
"Maymay, pwede ba? Tama na," mahina ngunit may bigat na pakiusap nya rito.. "Kailangan ko lang ng oras para makapag-isip. Huwag mo nang guluhin ang isipan mo sa mga bagay na hindi mo pa lubos na naiintindihan. Masyado ka pang bata."
Nag-aalangan si Maymay ngunit tumango na lang. Alam niyang hindi niya mapipilit ang Ate niya, pero batid niyang may kinikimkim ito.
Pagod na rin siya sa pagpapaliwanag. Ang bigat sa dibdib niya ay tila nagiging mas mabigat habang sinusubukan niyang itago ang lahat ng sakit.
"Tulog na tayo, May." mahinang sabi niya habang tumayo mula sa kama. "May pasok pa tayo bukas."
Tumango ang kapatid n'ya.
Samantala, siya naman ay nanatiling gising. Ang mga alaala ng nakita niya kanina ay paulit-ulit na bumabalik sa isipan niya, tila mga tanikalang humihila sa kanya pababa.
Alam niyang kailangan niyang magdesisyon – magpatawad, magpakumbaba, o tuluyan nang bumitaw. Ngunit sa gabing iyon, pinili niyang manahimik.
Dahil hindi siya makatulog ay nilingon niya ang cellphone niya ang tumutunog. Ilang ulit iyong nag beep. Baho niya kinuha.
Video ang nakalagay sa message niyon. Galing pa sa isang unknown number. Yung number na nagtext sa kanya nung nakaraang araw..
Dahil wala siyang load ay hindj niya iyon napanood. Sigurado siyang kay Mayette iyon galing.