Pagpasok nina Tatay Inggo at Nanay Krising sa Rural Bank of Imperial ay kaagad silang nakita ni Kurt. Tumayo mula sa likod ng kanyang office desk ang binata, at nakangiting sinalubong ang mag-asawa.
"Nanay Krising, Tatay Inggo, maupo po kayo," sabi nito na iminuwestra sa dalawa ang kinaroroonan ng kanyang desk.
Pinaupo niya sa dalawang guest chairs sa harap ng kanyang desk ang matatanda.
Isang puti na sobre ang dinukot ni Tatay Inggo mula sa bulsa ng pantalon nito.
"Treinta mil, ito, Kurt," anang nakatatandang lalaki. "Padala ito sa amin ng panganay kong anak mula sa Hong Kong. Pasensiya ka na sa kanya, ha? Talagang ayaw niyang pabawasan kahit kapiraso lang ang aming sakahan."
"Karapatan niya ho 'yon, Tatay Inggo," aniyang nakangiti pero sa loob n'ya kinikimkim ang hinanakit kay Teeny "So... kung gayon ho pala e tinutubos na ninyo ang sakahan n'yo?"
"Oo, iho." Ang asawa nitong babae ang sumagot. "Nahihiya kami sa 'yo. Iyon kasi ang desisyon ng panganay naming anak."
Tumango si Kurt. "Ang totoo ho, bilib din ako kay Teeny. Masuwerte na po kayo sa pagkakaroon ng anak na tulad niya."
Napangiti ang matatanda. At di malaman ni Kurt kung bakit pinuri pa niya sa mga ito si Teeny gayong inis siya rito.
Sumapit ang Oktubre. At nang umagang iyon, habang nagti-take-off sa paliparan ng Hong Kong ang airplane na maghahatid kay Madel pabalik sa Pilipinas, namuo bigla ang luha sa gilid ng kanyang mga mata sa sobrang tuwa.
"Bye, Hong Kong," aniya sa isip. "Salamat sa mga karanasan. Salamat sa mga pangungulilang nagbigay sa akin ng dagdag na pagpapahalaga sa sarili kong bayan. Yes, mas maunlad ka. Yes, mas magaling ang gobyerno mo. Pero paraiso pa rin sa Pilipinas. I could earn and save more. Pero ang natutuhan ko'y tama na."
Makaraan ang ilang oras na maayos na biyahe, bumaba na ito sa NAIA at kabilang si Teeny sa mga pasaherong sabik na bumaba ng eroplano.
Nag-taxi si Teeny mula sa airport patungo sa isang bus station sa Pasay City. Nang makarating sa station ay sumakay siya sa isang bus patungong Batangas Pier.
Alas-tres ng hapon nang dumating si Teeny sa pier. At nang makasakay sa barko ay saka lang siya nakaramdam ng gutom. Pero hindi siya pagod kahit na mahaba ang biyahe. Ang tanging nasa isip niya lamang ay makita ang kanyang magulang at mga kapatid.
Bumili siya ng nilagang itlog at isang boteng softdrink sa isang batang naglalako. Pagkuwa'y naupo na sa isang stretcher sa second passenger deck ng barkong maghahatid sa kanya patungo sa kanilang lalawigang isla.
Mga limang oras pa siyang maglalakbay bago makarating sa Sta. Dolores, di alam ng kanyang mga magulang na pauwi s'ya ng araw na iyon at natitiyak n'yang magugulat ang mga ito kapag nakita s'ya.
"Bakante pa ba yang stretcher sa tabi mo, Teeny?" tanong ng isang baritonong boses na ikinataas ng tingin niya.
Nang magtaas siya ng tingin rito ay nakangiti ito at naghihintay ng isasagot niya. Ewan niya ba kung bakit biglang nakaramdam s'ya ng kaba nang magtama ang paningin nila.
It was Kurt Vergara at ilang beses napakurap si Teeny sapagkat di siya makapaniwala kung sino ang nasa harapan niya.
Napatingin si Teeny sa bakanteng de-tiklop na upuan sa tabi niya. Pagkuwa'y bahagyang ngumiti kay Kurt. Ngunit naroon pa rin ang pagkagulat sa kanyang mukha.
"I think, wala pang nakakakuha sa upuang 'to," aniya.
"D'yan na lang ako sa tabi mo, puwede?" ani Kurt.
"Yeah, sure." Kibit-balikat niya.
Nang maupo si Kurt sa upuan, lalo nang bumilis ang t***k ng puso ni Teeny na kanina pa niya nararamdaman. Kanina pa din siya hindi mapakali sa kinauupuan n'ya.
Nag-mature ang mukha ni Kurt. Dati ay boyishly handsome ito. Ngayo'y higit itong gumuwapo lalo na't ang dating patpating pangangatawan ay naging mas atletikong tingnan. . Ibang-iba na ito kaysa dating
basketball athlete na nakapalagayang-loob niya noong
kanilang high school days.
"Kain ka..." alok niya rito ng nilagang itlog habang ang isa ay isinusubo niya na.
Lumuwang ang pagkakangiti nito. "Thanks," ang sabi sabay dukot ng isang itlog sa sisidlang brown paper bag na hawak niya. "Kanina pa nga ako nagugutom eh. Galing ako sa Central Bank... may nilakad ako roon."
"Negosyo?"
"Yah." seryoso nitong binalatan ang itlog. "Akala ko ba'y nasa Hong Kong ka?"
"Kadarating ko lang." Sumipsip siya ng softdrink sa straw. "Mula sa airport, deretso na ako sa Pasay Terminal. Tapos, heto na 'ko."
Tumango si Kurt. Kinagat nito ang nabalatan nang itlog. Pero nang lunukin nito ang unang kagat, halatang nahirapan ito sapagkat tuyo ang lalamunan ng binata.
Sininok ito. "Excuse me," sabi nitong natatawa. "Asan ba 'yong nagtitinda ng softdrink?"
"Ito na muna'ng inumin mo, oh," aniyang natatawa rin sabay abot ng bote. "Sige na't baka sinukin ka nang todo." Hindi niya ibinaba iyon hanggat hindi tinatanggap ni Kurt.
Naghintay sya ng ilang segundo dahil nakatitig lang ang binata sa mukha niya. Hindi niya tuloy alam kung may dumi ba s'ya sa mukha at baka iyon ang titiningnan ni Kurt.
Nakakahiya.
Hawak pa rin ni Teeny ang bote ng softdrink nang sumipsip ito. Walang kaarte-arteng sumisipsip ito sa straw na ang dulo'y may bakas pa ng kanyang lipstick. At halos maubos nito ang laman ng bote.
"Hayy," sabi nitong napatawa nang malakas pagkatapos. "Muntik na 'kong mabilaukan!"
Napahagikhik siya, lalo na't parang nanunudyo ang titig sa kanya ng binata.
"Mahirap kasing lunukin ang nilagang itlog kapag tuyo ang bibig mo," aniya. "Teka, maalala ko... me mineral water pa nga pala ako dito sa aking bag."
"Yon ang usong inumin sa Hong Kong, ano? Mineral water."
"Yah," aniyang ibinaba sa tabi niya ang supot ng mga itlog, binuksan ang kanyang de-zipper na bag, at inilabas ang plastic bottle ng kanyang mineral water. "Here..."
"Salamat," sabi ni Kurt.
Bahagyang nagkalapat ang ilang daliri ng kanilang mga kamay nang abutin ni Kurt ang bote ng mineral water.. Naisubo na nito ang natitira pang itlog, nginuya at nilunok. Saka direktang uminom ito sa bote. Nangingiting napatingin pa siya sa Adam's apple nito habang ito'y lumalagok ng tubig.
Napalunok siya. Wala sa loob na napasipsip naman siya ng softdrink sa straw. At huli na nang maisip niyang sa pamamagitan ng dulo ng straw ay para na ring nagkaroon ng kontak ang kanilang mga labi ni Kurt.
Titig na titig ito sa kanya nang tapos na itong uminom. Ninerbiyos siya. At dinampot niya ang paper bag sa tabi niya.
"Kain ka pa. Anim ang binili ko. Apat pa 'to."
Sinapo ni Kurt ng kaliwang palad ang kamay niya at ang isa pang palad nito ay dumukot ng itlog sa supot. Nanatiling magkatitigan ang kanilang mga mata.
"Thanks," mahinang sabi nito. "Ang suwerte ko dahil nakasabay kita rito sa barko. May dala akong kotse at nag-iisa lang naman ako. Sa akin ka na lang sumabay pagbaba natin sa Calapan Pier, ha?"
"Nakakahiya naman yata 'yon, Kurt," aniya. "Baka me makakita sa atin at magselos sa 'yo kung makita kang may kasakay na babae sa kotse mo."
"Wala," ani Kurt. "At saka alangan namang sa bus ka pa sumakay e nagkita na tayo. Ano na lang ang sasabihin sa akin nina Tatay Inggo?"
Hindi na s'ya umimik. Mayamaya'y may nagdaang boy na nagtitinda ng softdrink at sandwich. Bumili si Kurt ng dalawang softdrink at anim na sandwich na kakainin daw nila mamaya pag nagutom uli sila.
Mag-aalas-kuwatro na nang tumulak ang barko mula Batangas Pier tungong Calapan. Nawala na ang antok niya na kanina ay medyo nagpapabigat na sa talukap ng kanyang mga mata.
Patuloy kasing kinausap siya ni Kurt habang nasa biyahe. Hindi n'ya tuloy namalayan ang oras. Inusisa kung anu-ano raw ba ang mga karanasan niya sa pagdi-DH sa Hong Kong.
Hanggang sa yayain siya nito na tumanaw sila sa labas ng bintana ng barko. Tumayo ito at ibinigay sa kanya ang kanang palad. Tinanggap naman niya iyon, tumayo siya at namumula ang mga pisnging hinila ang palad niya nang patagalin ni Kurt ang paghawak doon.
"Umiwas ka sa lalaking yan," pagbibigay-babala niya sa sarili. "Hindi kayo magkauri. Kahit sabihin nang titulada ka ay nag-DH ka lang sa Hong Kong. Angkan ng mayayamang tao sa inyong probinsiya ang Kurt na 'yan. General manager ng rural bank na dating pinagsanglaan ng inyong sakahan. Teeny, huwag kang basta magti- tiwala!"
Ngayo'y magkatabi silang nakatayo sa gilid ng barko. Parehong nakahawak sa barandilyang bakal na pan- tay-beywang nila. Ginugulo ng hangin ang lampas- balikat na buhok ni Teeny, nakatabing ang ilang hibla ng kanyang buhok sa kanyang mukha. at iyon ay inaalis niya ng isang kamay habang pasulyap-sulyap sa kanya ang binatang matangkad na katabi n'ya.. Hanggang panga lang siya nito gayong ang taas niya'y five-four.
Ginugulo rin ng hangin ang buhok ni Kurt. Pero kahit tumitikwas ang ilang hibla ay nakaharang sa kayumangging noo, sinasaway n'ya ang puso niya na huwag humanga sa kaguwapuhan ng binatang banker.
Tumingin siya sa malayo. May naglalayag na oceanliner, ilang bangkang de-katig. Sa bandang kanan, tumatapat na ang sinasakyan nilang barko sa isang munting isla na natatamnan ng kugon at matataas na punong niyog.
Sa dalampasigan ng isla, naghanay ang mga bangkang pangisda na iba't iba ang kulay, at sa likod ng mga iyon ay ang mga bahay ng mga mangingisda.
Naramdaman niyang idinikit ni Kurt ang isang braso nito sa kanang braso niya. Gustong n'yang mapapitlag sa kuryenteng nalikha niyon sa buong katawan n'ya.
"Kung ganoon pala," sabi ng binata na nakatanaw rin sa munting isla na wari'y pagkalapit-lapit lang sa barko, "nag-DH ka sa Hong Kong para lang talaga matubos ang sakahan ninyo?"
"Oo." agad na sagot n'ya.
"Teeny—"
"Kaya kasi nasangla iyon e dahil naging magastos ang pagpapaaral sa akin ni Tatay sa kolehiyo."
"Huwag ka nang babalik doon, ha?" Ngumiti ito sa kanya.
"Bakit naman?"
"Kailangan ko ng emplyado sa Rural Bank of Imperial.."
"Kukunin mo 'ko?" Bumaha ang pananabik sa kanyang puso.
"Oo. Maaari akong gumamit ng isang clerk para sanayin bilang isang credit investigator. Sa tingin ko maaari kang maging qualified." Habang nakatingin sa malawak na karagatan. Pinagmasdan n'ya ang mukha nito habang hindi sa kanya nakatingin si Kurt.
Ninakaw n'ya ang sandaling iyon para pasadahan ng tingin ang kagwapuhan ng binata.
"Kurt..."
"Oo?"
"Seryoso ka ba dyan?"
Tumawa ito. "But of course...."
Tumitig siya sa mga mata nito at sinalubong nito ang kanyang tingin. Siya ang unang nagbawi ng tingin.
"Thanks," sabi niya. "Talagang wala na akong balak na bumalik sa Hong Kong, Kurt. At ang plano ko, maghanap ng trabaho sa Maynila, o kaya'y bumalik sa kompanyang dati kong pinapasukan bilang emplyada— kung puwede pa."
"Sa kin ka na lang magtrabaho," ani Kurt. "Magastos sa Maynila. Sa banko namin, siguradong tanggap ka kaagad... dahil ako nga ang manager."
Tumango siya. "Yes, boss."
"Don't call me that," natatawang sabi ni Kurt na ang buhok ay muling ginulo ng hanging mula sa karagatan. "Kapag nasa labas tayo ng ospisina, first name basis ang tawagan natin, Teeny."
Inalis ni Teeny,ang mga hibla ng buhok niyang idinikit ng hangin sa kanyang mukha. Ang barko'y lumalampas na sa tapat ng munting isla na ang kabuaan ay parang nakikita nila sa isang malaking screen mula sa pagkakatayo nila ni Kurt sa gilid ng barko.
Di nagtagal, dumaong na ang M/V Viva Peñafrancia sa pier ng kanilang lalawigan. Tinulungan ni Kurt si Teeny sa pagbibitbit ng dalawa niyang maleta na ang isa'y maliit lang.
Si Kurt ang bumuhat sa malaki niyang maleta, ipinasok iyon sa trunk ng kotse nito na kabilang sa maraming trak, jeep at iba pang sasakyang sakay ng ferry boat.
Ang barko ay may kapasidad na maglulan ng kahit sampung trak na may lulang mga agricultural products.
Bumaba sila sa barko na sakay ng kotse, kaagad nakarating sa Kapitolyo at mula roo'y may dalawang oras pa o magkakatabi sa unahan ng kotse ni Kurt sapagkat ang Imperial ay may 68 kilometro ang layo sa capital town.
Ngayo'y parang nagi-guilty s'ya kay Kurt.
Dahil sa kapirasong lupa na ipinipilit nitong mabawas sa kanilang sakahan na di niya ibinigay.
"Ano nga pala'ng nilakad mo sa Central Bank?" naitanong niya nang may isang kilometro na silang nakalalayo sa Kapitolyo. Palayan ang nasa magkabilang gilid ng aspaltadong highway.
"Permit na madagdagan ang capital stock ng banko," ani Kurt. "Lalakarin ko rin 'yon next week sa Securities and Exchange Commission, or maybe, si Atty. Suarez na lang ang palalakarin ko."
"Mukhang umuunlad ang banko n'yo."
"Medyo."
"Kailan mo gustong mag-umpisa ako roon, Kurt?"
"Magpahinga ka lang bukas. Then, sa sunod na araw ay magpunta ka na sa opisina."
Napatango siya.
Hindi niya akalaing pagdating na pagdating niya mula sa Hong Kong ay mapapasok agad siya sa trabaho. At sa sariling lalawigan pa nila.
Okey na ring maging trabahador o emplyaada siya sa isang bankong ang pag-aari'y kontrolado ng mga Vergara. Kaysa naman magtagal siya bilang Domestic helper sa Hong Kong. Talagang magpu-for-good na siya. Ang "for good" "ay isang kasabihang lagi nang gusto sambitin ng mga tulad niyang OCWs.