MAG-AALAS-NUWEBE nang tanggapin ni Teeny sa Hong Kong ang overseas call ng kapatid. Nanonood siya ng isang beta film sa kanyang kuwarto nang katukin siya ni Chao, anak na dalagita ng kanyang mga amo.
"May tumatawag sa 'yo, Teeny," ang sabi. "Overseas from Philippines."
"Thanks, Chao," aniya.
Ini-off niya ang VTR at gayundin ang TV set. Dinampot niya ang pulang ex tension phone sa side table, kadikit ng kanyang de kutsong kama at patungan ng kanyang lampshade.
"Hello?" saad niya , nang mailagay ang telepono sa tainga.
"Hello, Ate Teeny?" narinig agad niya ang malambing na bises ng kapatid. "Maymay?"
"Yah. "
"Bakit ka napatawag, May?"
Dahil binabayaran ang bawat minuto ng kanilang pag-uusap, hindi na nagpaliguy-ligoy pa ang kanyang kapatid. Ang overseas call ay tumagal lang nang limang minuto, pero malinaw na naipaliwanag ni Maymay ang proposal ni Kurt Vergara upang matubos na sa pagkakasangla ang kanilang lupa sa Imperial rural bank.
At malinaw rin ang naging pasya at desisyon ni Teeny.
"Pakisabi sa Kurt na 'yon na ni kapirangot, hindi ko gustong mabawasan ang ating sakahan. Pundar 'yon nina Nanay at Tatay. Kaya lang nasangla 'yon ay dahil sa pag-aaral ko sa kolehiyo. Tutubusin ko 'yon matapos ang buwan ng Marso."
Hindi na ipinagpatuloy ni Teeny ang panonood ng beta film matapos ang pag-uusap nila ng kapatid sa telepono. Sumubsob siya sa kanyang kama at tagis ang bagang na pumikit.
"Nag-domestic helper ako sa Hong Kong... sa impiyernong British Colony na 'to para nga matubos namin agad ang aming sakahan sa banko," aniya sa sarili na ang nasa isip ay ang guwapong mukha ni Kurt.. "Bakit naman kaya pumayag agad sina Tatay at Nanay sa proposal ng lalaking 'yon?"
Kilala niya si Kurt, ang binata Ball captain ng basketball team nila sa Imperial High school noon. At siya naman ang muse.
May pagkakataon noon na akala niya ay may gusto sa kanya ang binata, at akala rin niya sa kanyang sarili ay crush niya ito.
Pero nang magtagal, tinanggap na n'ya sa sarili na ang pamilya ng mga Vergara sa kanilang bayan ay may ibang daigdig na ginagalawan. Kabilang sa mayayaman ang mga pamilya nito kumpara sa kanila na mahirap lamang. Isang kahig, isang tuka lang.
Nasa high school pa lang s'ya, nagdesisyon s'yang magkagusto man sa kanya si Kurt, gagawin niya ang lahat para iwasan ang bunata at di matutuhang mahalin.
Lalo siyang nakadama ng pagkaalangan sa binata nang mabalitaan niyang isinangla ng kanyang mga magulang sa Rural Bank nina Kury ang kanilang sakahan.
Narito siya sa Hong Kong para makaipon ng perang maipantutubos sa lupa. At balak pa palang bawasan iyon ng mga Vergara.
Naoasabunot s'ya sa kanyang buhok at paimpit na sumigaw sa unan habang nakasubsob doon. Ngunit walang anumang ingay ang lumabas sa kanyang bibig.
Hinding-hindi siya makapapayag.
Araw ng linggo, mula sa bahay ng kanyang mga amo na nasa 7th floor ng isang mass housing condominium, matatagpuan sa Wanchai District ng Hong Kong, ay malungkot na nilakad ni Teeny ang patungo sa pinakamalapit na MTR subway station.
Nag-subway train s'ya papuntang Kawloon Peninsula, bumaba s'ya sa isang lugar sa Tsimshatui District, at nilakad ang isang maikling kalye na kinaroroonan ng Mabuhay Cafe.
Ang coffee shop ay pag-aari ng isang Kapampangan, at doon nagtatrabaho bilang waitress—si Maureen, matalik niyang kaibigan at dating kaopisina sa MegaBuild Corp. nang nasa Pilipinas pa sila.
Mag-aalas-diyes ay naroon na si Teeny. Day off din ni Maureen kaya nakapag-usap sila sa kuwarto nito na nasa itaas ng coffee shop.
Ipinagtapat niya sa kaibigan ang kanyang problema. At itinanong dito kung matutulungan siya nito.
"May naitatabi akong HK$1,000," ani Maureen na isang taga-Tarlac. "Pero alam mo, Teeny, sinave ko 'yon na pang-tuition ng kapatid ko sa school nila. Kulang pa nga 'yon, e. Anyway, matagal pa naman ang pasukan. Gamitin mo muna." Nakangiting sabi ng kaibigan.
Nangingiting napahawak siya sa braso ng kaibigan. Pinisil niya ito. "Thanks,"aniya. "Maidaragdag ko na rin yon sa naiipon ko."
"Bakit naman napakalaki `ata ng sangla sa sakahan n'yo?"
"Ewan ko nga ba. Ang alam ko'y malaki naman ang inaani nina Tatay sa lupang iyon. Dalawang beses pang umani taun-taon. Kasi nama'y pinag- dorm pa ako ni Tatay nang ako'y nagka-college pa."
"Oo nga. Ang mas malaking gastos ng mga taga-probinsya na nag-aaral sa Maynila e 'yong boarding house, saka ang daily expenses at allowance. E....Bakit di ka pa pumayag sa proposal n'ong sinasabi mong Kurt?"
"I hate that man, Maureen."
"Why, Teeny? Dahil lang anak siya ng may-ari ng banko na kinasasanglaan ng inyong lupa, you hate him?"
Umiling siya. Lumagok s'ya sa softdrink na de-lata na pagdating niya kanina'y kaagad ibinigay sa kanya ni Maureen.
"Galit ako sa mga nagsasamantala sa kagipitan ng kanilang kapwa," aniya.
Tumango si Maureen. "Sabagay, lumilitaw ngang parang sinasamantala ni Kurt ang kagipitan n'yo. E, kelan mo balak magpadala ng pera sa parents mo?"
"Bago matapos ang March."
"Thirthy thousand pesos?" tanong ni Maureen.
"Oo."
"Whew! Mga sampung libong Hong Kong Dollars iyon, Teeny."
"Yah. Mahigit sampung libo."
"Ilan na'ng naiipon mo?"
"Kasama 'yong one thousand na ipapautang mo, aabot na ng HK$4,500."
"Ala pa sa kalahati ng kailangan mo."
Tumango siya. Lumagok uli sa kanyang canned softdrink. "Makakaipon pa ko hanggang bago matapos ang Marso, Maureen." Nakangiting sabi niya.
"At kapag nakadelihensiya pa 'ko, di lang one thou sand ang maipauutang ko sa 'yo. Ngayon mo na ba kukunin ang HK$1,000?"
" Saka na lang."
"Okay. Mamasyal tayo. Lipat tayo sa Hong Kong side. O kaya, mag-window shopping tayo sa may Ocean Terminal. baka makakita tayo roon ng mga turistang Pinoy na kakilala natin."
"Halika..."
Nagpaalam si Maureen sa may-ari ng Mabuhay Cafe at pinayagan naman sila nito tutal ay day off naman ni Maureen. Nag-subway train sila mula sa pinakamalapit na MRT station tungo sa Hong Kong Island.
Sa bukana ng isang MRT station doon, nakihalubilo sila nang ilang minuto sa maraming Pilipina DH na doon nagkikita-kita kung araw ng Linggo.
Makaraan ang ilang araw, isang overseas call ang tinanggap ni Teeny mula sa Imperial. Mag-isa siya sa bahay ng kanyang mga amo nang matanggap niya iyon, mag-aalas-kuwatro ng hapon.
Hindi na s'ya nagulat nang malamang si Kurt ang tumatawag.
"How are you,Teeny?" tanong nito makaraang makapagpakilala. Halatang ito'y nakangiti base sa tono ng pagsasalita.
"Mabuti," anya. "Bakit ka napatawag?"
"Sa tingin ko alam mo kung bakit."
"No." Sumimangot siya, tumingin sa chandelier na nakabitin sa puting kisame ng sala.
"Tungkol sa kapirasong lupa na gusto ko sanang makuha mula sa inyong sakahan sa Sta. Dolores. Nabili ko na kasi 'yong bahaging nakadikit sa highway. Pero makipot 'yon, di ba?"
"Ang ibig mong sabihin, Mr. Vergara, di pa nasasabi sa 'yo ni Maymay ang desisyon ko tungkol doon?"
"Nasabi na niya. At kaya nga ako tumawag—"
"Hindi na magbabago ang pasiya ko tungkol doon, Mr. Vergara."
"Bakit ganyan mo ako tawagin, Teeny? Bakit mo ko minimister e dati naman tayong magkabarkada noon sa high school at kamember pa kita sa dramatic guild?"
"I'm sorry. Business kasi ang pinag-uusapan natin at ang alam ko'y bank manager ka na samantalang ako'y DH lang dito sa Hong Kong."
"Teeny, walang ganyanan. Magkaiba lang ang trabaho natin pero naniniwala akong pantay naman ang ating pagkatao."
Napangti siya. "Okay, I'm sorry, Kurt. Well, tulad ng nasabi ko na .. di na magbabago ang aking pasiya tungkol sa kapirasong lupa na gusto mong ibawas sa sakahan namin."
"Bakit, Teeny? Akala ko'y naging magkaibigan din naman tayo noon at magkaibigan pa rin ngayon. Gasino na ang kapirasong lupa sa magkaibigan?"
Di muna agad nLakapagsalita si Teeny. Napatingin siya sa isang bintana ng apartment. Isa ring mataas na tenement house an
g katapat niyon.
"Hello Teeny?"
"Sorry, Kurt," aniya. "Wala namang koneksiyon 'yong pagiging magkaibigan natin noon sa aming sakahang lupa, di ba?"
"Ang mababawas lang naman doon kung sakali ay otso por beinte metros. It's just one-hundred-sixty square meters. At kailangan ko nga lang 'yon bilang karag- dagan sa loteng nabili ko para naman magkaroon ng backyard ang ipagagawa kong bahay."
"Bakit doon mo gustong magpagawa ng bahay? Malayo yon sa kabayanan... at labas na rin ng Sta. Dolores." Mataray na tanong niya sa binata.
"Oo. Pero along the highway rin naman at darating ang panahong magiging congested nang masyado sa kabayanan. It's really a nice place for a residential house."
"I'm sorry, Kurt. Di ko puwedeng mapabawasan ang aming sakahan, maliban kung si Tatay na mismo ang magpasiya. At tutubusin ko naman ang pagkakasalangla niyon sa rural bank ninyo bago matapos ang Marso. Naisangla iyon nina Tatay dahil sa akin. Naging magastos din ang pagkokolehiyo ko kasi."
"Ang hinihiling ko lang naman ay kapirangot na lupa, Teeny," ani Kurt na ngayo'y nasa tono ng pagsasalita ang hinanakit. "At kapalit niyon ay ang pagkakatubos ng buong sakahan n'yo sa pagkakasangla."
"I know. But I'm sorry, "matigas niyang pagpapasiya. Narinig niyang bumuntunghininga ang binata. "Alam mo, maramot ka rin pala. Ngayon ko lang nalaman. Hayaan mo hinding-hindi na ako kailanman hihingi ng ano mang pabor sa 'yo. And thank you just the same. Goodbye." Ibinaba ni Kurt ang telepono matapos sabihin iyon.
Saglit na natulala si Teeny. Halatang malaki ang pagdaramdam ni Kurt. At hindi alam ni Teenykung bakit parang siya'y nababahala ngayon.
Matamlay na ipinagpatuloy ni Teeny ang paglilinis sa sala ng kanyang mga amo. Mayamaya'y tumayo siya sa tabi ng bintana.
Mula sa 7th floor na iyon ng condominium building na nasa isang panig ng Wanchai District, ang kabilang panig ng Hong Kong ay natanaw niya kahit nagtataasan sa paligid ang matataas na gusali.
Kapag nalulungkot siya, iniisip na lamang niya na ang mga bundok sa banda roon ng Kowloon Peninsula ay ang mga bundok na natatanaw niya kapag siya'y naggigiik ng palay noon sa likod ng kanilang kamalig sa Sta. Dolores.
Maganda lang ang Hong Kong sa mga turista, naisip niya. Pero sa kabila ng mga neon lights, matataas na gusali, malalaking barkong nakadaong sa Victoria Harbour at sa mga magagandang old Chinese temples, sa isipan niya'y may isang pangit na mukha ang Bri tish colony na ito.
Ito ang pugad ng mga Pilipinang nagpapaalila sa ibang tao na ni hindi nila kababayan.
Isang purgatoryo.
Marami nang mga DH ang natutong magmahal sa Hong Kong. In a way, mahal na rin niya ang lugar na ito. Dito siya nakatagpo ng ilang mababait na kaibigan tulad ni Maureen, Cathy, Dimple at Michelle na tulad niya ay mga DH din.
Pero mas mahal niya ang Sta. Dolores. Siguro, kahit sa Europe siya makarating, mananatiling walang kapalit sa kanyang puso ang kanilang nayon, na simple ang buhay, malinis ang tubig, mabango ang palay kapag namumulaklak na, at ang simoy ng hangin ay hindi amoy sunog na gasolina.
Mabayaran lang niya ang mga utang niyang personal, uuwi na siya sa Pilipinas. At wika nga ng mga Overseas Contract Worker na tulad n'ya, magpu-for-good na s'ya, na ang ibig sabihi'y di na uli luluwas pa ng bansa.
Pabuntung-hiningang iniwan n'ya ang tabi ng bintana. Itinuloy na n'ya ang pagpapaandar ng vacuum.. At nang mapansing malapit nang mag-alas- kuwatro'y nagtungo na s'ya sa kusina para magluto.
Kung may isang bagay siyang gusto sa pagiging Hong Kong domestic helper, iyon ay ang pagkakatuto niya ng pagluluto ng iba't ibang Chinese cuisine.
Maganda rin ang kultura ng kanyang mga amo.