PAGDATING nila sa unang bayan mula sa capital town ng probinsiya, pinaliko ni Kurt ang kotse. Lumihis sila sa highway.
Kunot-noong napatingin siya sa binata. "Nagugutom uli ako," ang sabi. "Magmeryenda muna tayo sa isang restaurant dito."
"Sige, ikaw ang bahala," aniya. "Pero mag-aalassais na... gagabihin tayo sa daan."
"Ngayon pa ba tayo kailangang magmadali?" sabi ng binata, na ngumiti at sumulyap sa kanya. "Kung sabagay, galing ka pa sa Hong Kong. Miss na miss mo na siguro ang mga magulang mo at mga kapatid."
"Pati nga 'yong pusa namin, miss na miss ko na. Pero, I think, medyo nagugutom na rin ako. Saka... I think I could use a CR."
"Ako din.
Pumasok sila sa isang restaurant. Umorder sila ng fried rice, steamed sugpo at nilagang baka. They decided na gumagabi na rin lang, ituloy na sa paghahapunan ang kanilang pagkain.
Habang hinihintay ang kanilang order, naunang magtungo sa comfort room si Teeny.. Nang magbalik siya sa kanilang mesa, naka-served na ang kanilang mga drinks. Softdrink sa kanya at beer kay Kurt.
"linom ako ng dalawang beer, "sabi nito. "Or maybe more."
"Okay," aniya. "Kung di ka malalasing. Remember... nagmamaneho ka."
"Two to four beers won't affect my driving, anang binata. "Para hindi ka nerbyusin, di na lang ako magpapatakbo nang mabilis."
Halatang pinatatagal ni Kurt ang kanilang pagbibiyahe. Pasado alas-siyete na silang naroon sa restaurant. Naisip ni Madel na darating sila sa Sta. Dolores ng lampas alas-otso.
Gayunman, masarap ang pakiramdam niya dahil nabusog s'ya sa treat ni Kurt, bumiyahe na sakay ng isang air-conditioned car, at dahil nakainom ay naging palabiro sa kanilang pag-uusap si Kurt.
Mag-aalas-nuwebe na nga nang dumating sila sa nasasakupan ng Sta. Dolores.
Nagmenor si Kurt at inihinto ang sasakyan sa tapat ng isang bungalow na ang gate ay halos kadikit na ng kanal sa gilid ng highway.
Napakurap-kurap si Teeny. Dahil gabi na't matagal na rin namang di siya nakuuwi sa kanilang probinsiya, di agad rumehistro sa isip niya ang bahaging iyon ng Sta. Dolores.
"Narito tayo sa tapat ng sakahan ninyo," sabi ni Kurt.
"Ang nasa unahan ng lupa ninyo ay makipot na loteng nabili ko kay Mang Mariano. Two months ago, natapos ang bungalow na ipinatayo ko riyan. Walang likod-bakuran dahil halos kadikit na ng kamalig ninyo ang likod ng bungalow."
Tumango siya. "I see. So what's the point, Kurt?" Takong niya habang nasa loob pa rin sila ng kotse at nakayingin sa unahan.
"Nothing. Gusto ko lang makita mo ang bungalow ko. Diyan na ako nakatira ngayon,Teeny. Di na tayo papasok sa bahay. Pwede mong tingnan mula rito sa kalsada."
Bumaba sila sa kotse. Magkatabing hinagod nila ng tingin ang harap ng bungalow. Isang simpleng dreamhouse, naisip ni Teeny. Bakit parang ipinag- yayabang sa kanya ni Kurt iyon?
'Di ba dapat ay hinatid na lang siya nito sa bahay nila kaysa ipakita pa sa kanya ang bungalow ng binata.
"What do you think? Okay ba itong napili kong lugar, Teeny?" Tumingin sa kanya si Kurt. "May lote rin naman ako sa kabayanan. Pero dito ko gustong magtayo ng bahay."
Tumango siya.
"Ang balak nina Tatay," aniya, "ay ilipat dito 'yong bahay namin. Pero noon pa 'yon."
"Kung ililipat nina Tatay Inggo ang bahay n'yo sa lugar na to, mas praktikal. Dahil di na siya maglalakad nang malayo para lang marating ang inyong sakahan."
"Oo nga."
"Teka, Teeny, gumagabi nang masyado. Halika na.." anyaya sa kanya ni Kurt.
Hinawakan siya ni Kurt sa isang siko at sinamahan hanggang sa kabilang pinto ng kotse. Binuksan nito ang pinto.
"Thanks," aniya nang sumakay na. "Maganda ang bungalow mo. Mabuti ka pa dahil me sarili na agad na bahay kahit binata pa."
Ngumiti lang nang maluwang ang binata. Isinarado nito ang pinto. Lumapit ito sa unahan ng kotse para makasakay sa may driver's seat.
Nagulat ang mga magulang at kapatid ni Teeny paghinto ng kotse ni Kurt sa harap ng bahay na may munting sari-sari store.
"Ate, bakit kasama mo si Kurt?" tanong sa kanya ni Maymay na siyang unang nakalapit sa kanya. Yuma- kap agad sa kanya ang kapatid. "Ginulat mo kami. Ang alam namin dalawang buwan ka pa sa Hong Kong."
"Talagang gusto ko kayong sorpresahin," aniyang yumakap din sa kapatid. "Nakasabay ko lang si Kurt sa barko,
"That's right, "ani Kurt. "Teka't kukunin ko na sa trunk ang mga maleta mo."
Mayamaya lamang, ang harap ng sari-sari store ay marami nang tao nang-uusyoso pagdating ni Teeny mula sa Hong Kong na ang kasama sa pag uwi ay isang binatang bank manager sa Imperial.
Gayunma'y hindi na nagtagal si Kurt sa kanila.. Matapor makapagpaalam kina Nanay Krising at Tatay Inggo, nag-drive na pabalik sa sariling bahay ang binata.
******
Kinabukasan, habang nag-aagahan sila, ay ipinagtapat na niya sa mga magulang ang tungkol sa trabahong ibinigay sa kanya ni Kurt.
"Magiging emplyada ka sa banko, Ate Teen?" excited na tanong ni Maymay.
Tumango at ngumiti siiya sa kapatid. "Ayoko nang bumalik sa Hong Kong."
"Ay, salamat naman," ani Tatay Inggo.. "Di ko naman talaga gusto rin 'yong doon ka namamasukan, anak."
"Alam ba ng mga amo mo na di ka na babalik, Ate?" ani Maymay.
"Nagpaalam ako na may planong di na bumalik. Bakit?"
"Kasi, gusto ring mag-DH doon ng History teacher namin."
"Sino, si Miss Rosalez?" tanong ni Nanay Krising.
"Oho," ani Maymay na sumulyap lang sa ina. At humarap uli kay Teeny. "Baka puwede mo siyang irekomenda sa mga amo mo, Ate."
Tumango siya. "Puwede. Pero bakit kailangan pa niyang mag-DH sa Hong Kong gayong me permanente na siyang trabaho rito?"
"E siyempre naman, Ate," si Eric ang nagsabi. "Ang liit ng suweldo ng mga teacher dito sa atin. Yong iba nga d'yan, nagbibenta pa ng lupa para lang makapagtrabaho sa abroad, e."
Malungkot ang ngiting napailing si Teeny. "Nag- DH ako sa Hong Kong para matulungan sina Tatay na matubos sa pagkakasangla ang ating sakahan. Kung nawawalan tayo ng lupa... ayoko. Ang gusto ko, madagdagan pa ang ating sakahan nang di na ako magpapaalila ibang bansa."
"Bakit, Teeny, ang gusto mo bang maging asawa e isang magsasaka ring tulad ng ama mo?" Ngumiti si Nanay Krising kay Teeny.
Bahagya siyang napairap sa ina. "Wala pa ho sa isip ko ang tungkol sa pag-aasawa, Nay."
"Bakit ni kapirangot e ayaw mong mabawasan ang sakahan ng ama mo?"
"Maliit pa ho kasi."
"Nahihirapan na nga ang ama mo na bukirin, ang may dalawang ektaryang lupa natin, e."
"Nanay, kaya ho gano'n e walang katulong si Tatay sa pagbubukid. Kung may isa o dalawa siyang katulong, kahit limang ektarya ang kanyang bungkalin at tamnan e di siya mahihirapan. Marami tayong maaani, makakatulong pa tayo sa rice production ng bansa."
Napatangu-tango si Tatay Inggo sa huling sinabi ni Teeny. Hinagilap nito ang tingin ng dalaga. Madalin nilunok ang sinangag at itlog na paborito nitong almusal.
"Napagpasyahan ko na'ng tungkol na sa bagay na 'yan, anak," ang sabi na muling kumutsara ng pagkain. "Nasa Hong Kong, nagbabalak na akong kumuha ng makakatulong sa pagbubukid, na magiging taong-kamalig na rin natin. Doon siya titira na sa kamalig."
"Yon ho ang dapat, Tatay," aniya.
"Kakausapin ko na mamaya si Edgar," sabi ni Tatay at tumingin kay Nanay Krising. "Palagay ko ay magugustuhan niyon ang magbukid kesa mag-buy-and-sell ng kung anu-ano."
Tumango si Nanay Krising. Magsasalita sana ito pero napilitang iwan sandali ang almusalang mesa dahil may bumibili sa sari-sari store na nasa harap ng bahay.
Si Teeny ang nagtanong sa ama. "Tatay, akala ko ba'y nasa Saudi si Edgar?"
Umiling si Tatay Inggo."Hindi natuloy sa pagsa Saudi si Edgar, Teeny." ang sabi. "Naraket siya n'ong recruiter."
"Oo nga, Ate," sabi ni Maymay . "Ibinenta niya 'yong tricycle niya para lang ibayad sa placement fee... pero fake naman pala 'yong recruiter."
Parang nawalan ng gana sa pagkain si Teeny. Magkakahalong emosyon ang dumaloy sa puso niya. Naawa s'ya sa nangyari kay Edgar. Kaibigan nila si Edgar, naging kaklase niya mula pa nang sila'y grade one hanggang makatapos sila ng elementary.
Bakit may mga taong naaatim na magsamantala sa kapwa? Bakit may mga fake recruiters?
Kawawa naman ang mga Pilipino. Para lamang umasenso sa buhay, ang nakararami'y kailangan pang maglingkuran sa ibang bansa.
Katulad nga niya. Para lang matulungan ang mga magulang na matubos agad sa pagkakasangla ang kanilang sakahan, nag-DH siya sa Hong Kong. Mula sa trabahong pang-opisina, nag-DH siya, nagpaalila sa mga Intsik na stall-owners sa isang shopping center doon. Nagtitinda lang ng mga sitsirya pero "can afford" na umupa ng maid na college graduate mula sa isang bansa sa Southeast Asia na diumano'y matatalino ang tao at magagaling pang u- mingles.
Kahit nasa harap ng pagkain ay gustong mapa- buntunghininga ni Teeny.
"Ano na ho ang trabaho ngayon ni Edgar, Tatay?" tanong niya sa ama.
"Buy and sell pa rin. At ayaw na niyang mag-Saudi."
"Palagay ninyo e papayag 'yon na maging katulong ninyo sa pagbubukid?"
"Palagay ko, anak. Kakausapin ko mamaya."
"Tatay, tiyak na pupunta ngayon 'yon," ani Maymay.
"Siyempre mababalitan niyon na nakauwi na si Ate Teeny mula sa Hong Kong. At pupunta kaagad iyon dito."
Tumingin si Tatay Inggo kay Teeny na nagtatanong ang mga mata. Napatingin si Teeny sa kanyang pinggan. Sinasaid na niya ang natitirang sinangag sa kanyang pinggan pagkattapos na siyang mag-almusal.
"Matalik kaming magkaibigan ni Ed, Tatay," aniya. "Di ho ba?"
"At hihintayin ko na lang siya rito?" sabi ni Tatay Inggo. "Di ko na pupuntahan sa—"
Natigil sa pagsasalita si Tatay Inggo nang mula tindahan nila'y magbalik sa may kusina si Nanay Krising..
"Teeny, anak , tapos ka na bang kumain?" tanong nito.
"Oho."
"Nandito si Edgar."