KABANATA 19

1860 Words
Napabuntong-hininga siya habang papasok sa loob. Medyo gumaan ang loob n'ya ng mailabas ang galit kay Mayette kanina. Hindi siya lumingon dito, dire-deretso lang siyang naupo sa desk n'ya. Hindi niya na rin pinagkaabalahan na hanapin pa si Kurt dahil wala ng nagungulit sa kanya. Baka napagod na iyon. Mabuti nga sa kanya, bulong niya sa sarili. Nang sulyapan niya ang mga kasamahan niya sa office, nag-iwas ito ng tingin at nagkunwaring busy sa trabaho. Napataas ang kilay n'ya nang makarinig ng bulong-bulongan. Medyo malakas iyon kaya naririnig niya ng malinaw ang tsinitsismis nito. "Alam mo ba Marz, hindi naman talaga siya ang pakakasalan ni Sir," bulong ng isa. "Yung nga rin ang sabi ng mga kapitbahay namin," dagdag pa ng isa. "Kung ako kay Sir, huwag na lang. Mas okay pa naman ang anak ni Governor. Bagay pa silang dalawa." Sabi pa ng isa. Tumikhim s'ya. Tarantang nagsibalikan ito sa kanya-kanyang ginagawa. Ki umagang-umaga, ang pangit agad ang bungad sa kanya. Puro tsismisan, tskkk.. nakakahawa ng bad vibes. Nagpatuloy s'ya sa pagtipa sa keyboard, habang hawak-hawak ang isang folder ng mga dokumento. Nag-dial s'ya sa telepono. "Hello! Good morning po, ito po si Teeny mula sa Imperial Bank. Gusto ko lang pong kumpirmahin ang impormasyon tungkol kay Mr. Prince dela Cruz, na nag-apply para sa housing loan sa aming bangko. Siya po ba ay nagtatrabaho pa rin sa inyong kumpanya?" "Opo, empleyado namin siya sa loob ng limang taon." sagot ng nasa kabilang linya. Ngumiti siya. "Salamat po. Hihingi rin po sana ako ng salary verification report, kung maaari. Maraming salamat sa inyong oras." Ibinaba niya ang tawag at nag-type ng notes sa kanyang report. Pagkatapos ng ilang saglit, tumingin siya sa assistant secretary para sa follow-up. Nag-hire si Kurt ng assistant secretary n'ya. Imbes na siya ang nasa pwesto ay humindi s'ya rito. Tumingin siya kay Claire. "Claire, pakicheck naman sa branch manager kung okay na ang documents ng loan application na ito. Mukhang kailangan pa nilang mag-submit ng additional collateral documents." Nasa tabi ng printer si Claire, habang nag-oorganizeng mga papeles. "Sige, Teen. Teka lang, isesend ko muna itong mga pinirmahan niyang dokumento para sa loan approval process." Tumayo si Claire at nagpunta sa cubicle ng branch manager bitbit ang isang envelope ng mga dokumento. Pagbalik nito, agad itong lumapit sa kanya. "Na-confirm ko na kay Manager. Kulang pa nga raw ang insurance documents, kaya’t baka matagalan nang kaunti ang approval. Pakisabi na lang din kay applicant para ma-submit nila agad." "Salamat, Claire. Tatawagan ko na sila ngayon para hindi na madelay." Kumuha siya ng telepono at tinawagan ang kliyente para sa updates. Sumulyap siya sa office ng manager nila.Nakaupo habang nakakunot-noo na nakatitig si Kurt sa screen ng desktop. Mabuti at tumigil din ito sa kakakulit sa kanya.. Wala na siyang pakialam, dahil sa tuwing nakikita niya ito ay nasusuka siya sa kababuyan na ginawa nito at ni Mayette. Samantala, bumalik si Claire sa kanyang desk para i-check ang schedule ng branch manager at mag-set ng appointment para sa susunod na client meeting. Habang abala si Teeny sa tawag sa kliyente, napansin niyang muli ang bulungan ng kanyang mga kasamahan sa opisina. Sa pagkakataong ito, tila mas malakas at direkta ang sinasabi ng mga ito. Bagama’t sinubukan niyang magpokus sa trabaho pero hindi niya maiwasang marinig ang usapan dahil sinasadya rin nila na iparinig iyon sa kanya. “Sigurado ako, hindi magtatagal 'yan dito. Ang dami nang reklamo laban sa kanya,” sambit ng isa. Simula pa lang ng i-hire s'ya ni Kurt bilang CI ay madami na ang nagpakita ng pagka-dis gusto sa kanya. “Bakit kasi hindi pa siya mag-resign? Ang dami nang issue. Napapahiya na ang kumpanya dahil sa mga personal na buhay ng empleyado,” dugtong pa ng isa. Napahinto s'ya sa ginagawa. Ramdam niya ang bigat ng mga salitang iyon. Tila baga lahat ng mata sa opisina ay nakatuon sa kanya, naghuhusga, at naghihintay ng bawat pagkakamali na gagawin niya. Halos araw-araw na lang ay puro pangungutya ang naririnig n'ya mula sa mga bibig nito. Konti na lang ay parang gusto n'ya na lang na magresign sa trabaho, kung hindi n'ya lang kailangan ng pera. Ngunit sa kabila ng naririnig n'ya, pinili niyang magpokus. Hindi siya magpapadala sa intriga. Hindi nagtagal, bumukas ang pinto ng manager’s office, at lumabas mula roon si Kurt. Agad na tumahimik ang buong opisina, na para bang nag-freeze ang oras. Tumitig si Kurt sa gawi n'ya ngunit sa halip na ang dati niyang nakakaasar na ngiti, isang malamig na ekspresyon ang nakapinta sa mukha nito. “Teeny, sumunod ka sa office ko,” utos nito sa malamig na tono. Tumango s'ya, walang emosyon sa mukha. Tumayo siya at sinundan si Kurt papasok sa opisina nito. Pagkapasok niya, isinara nito ang pinto. Naupo siya sa harap ng desk ni Kurt, habang ang lalaki ay tumayo sa gilid, nakapamewang at salubong ang kilay. Nakaramdam s'ya ng tensyon , ngunit hindi niya pinahalata. “Teeny,” panimula ni Kurt. “Alam kong hindi maganda ang nangyari... sa pagitan natin at sa sitwasyon dito sa opisina. Pero gusto kong maging malinaw na trabaho ang prioridad natin. Ayokong masira ang performance ng branch dahil sa personal na isyu natin..” Tumikhim si'ya. Tumitig siya kay Kurt nang diretso. “Kung trabaho ang usapan, Kurt, ginagawa ko ang trabaho ko. Hindi ako ang nagdadala ng problema sa opisinang ito.” Napaurong si Kurt sa tapang ng sagot n'ya ngunit mabilis din nitong nabawi ang postura. “Hindi mo ba naiisip na ang mga kasamahan natin dito ay naapektuhan ng tensyon na dala ng mga personal mong isyu?” So, parang kasalanan n'ya pa ata. Tsaka wala siyang pinagsabihan kahit sino tungkol sa gabing nasaksihan niya sa kwarto ni Kurt. Nakapagtataka naman siguro na updated ang mga katrabaho n'ya. “Personal kong isyu?” Napataas ang kilay niya. “Baka nakakalimutan mo, Kurt, na ikaw at si Mayette ang nagdala ng iskandalo dito. Ako ang biktima sa sitwasyong ito. Kung hindi mo kayang akuin ang responsibilidad mo, mas mabuting manahimik ka na lang, Boss.” Halos hindi makapagsalita si Kurt. Ang init ng diskusyon ay tila nagbigay ng mas malalim na tensyon sa maliit na opisina. Ngunit bago pa man makasagot si Kurt, biglang bumukas ang pinto. “Sir Kurt, sorry po,” sabi ni Claire na halatang nag-aalangan sa pagsulpot sa gitna ng pag-uusap nila.. “May urgent meeting po kayo kay Regional Manager.” Agad na bumalik si Kurt sa pagiging propesyonal, tumango ito kay Claire at saka tumingin sa kanya. “That's all for today.. Pero Teeny, sana magtulungan tayo para sa ikabubuti ng branch.” Tumayo si Teeny, hindi na nagsalita pa. Lumabas siya ng opisina na mataas ang noo. Hindi niya hahayaan si Kurt na magdikta ng takbo ng kanyang buhay—lalo na pagkatapos ng lahat ng ginawa nito sa kanya. Pagbalik niya sa kanyang desk, tumuloy siya sa pagtawag sa kliyente. Ngunit hindi rin nagtagal, isang hindi inaasahang bisita ang dumating sa branch—ang anak ng Governor na si Mayette. Hindi pa pala ito umaalis mula kanina. Pumasok si Mayette na parang isang reyna, naka-high heels at suot ang isang mamahaling damit. Agad siyang lumapit sa desk ni Kurt, ngunit bago pa makarating, sumulyap ito sa kanya na masama ang tingin. “I need to talk to Kurt. It’s urgent.” Lahat ng tao sa opisina ay napatingin kay Mayette, habang s'ya naman ay nanatiling walang ekspresyon. Hindi niya kayang basahin ang intensyon ng babae, ngunit ramdam niyang may ipinunta ito roon. Lumabas si Kurt mula sa opisina at sinalubong si Mayette. “Mayette, bakit ka nandito?” tanong nito na halatang nagulat. “Kanina pa kita hinahanap. We need to talk,” sabi ni Mayette, sa malamig na tono, ngunit ang mga mata nito ay tila sinadyang i-scan ang buong opisina, at natigil iyon sa tapat n'ya at mariin na nagsalita. “In private.” Nakita niya kung paano nagbago ang ekspresyon ni Kurt. Ang pagiging pormal nito ay biglang napalitan ng kaba. Tumango ito at inalalayan si Mayette papasok sa opisina. Habang nagsasara ang pinto, muling bumalik ang bulungan sa opisina. Ang mga kasamahan n'ya ay halatang may mga haka-haka na sa nangyayari. “Ayan na naman si Madam,” bulong ng isa. “Siguro totoo ngang may something sila ni Sir.” “Hindi kaya siya ang dahilan kung bakit hindi matutuloy ang kasal ni Sir kay Teeny,” dagdag ng isa. Lalo lang tumindi ang tensyon sa paligid. Ngunit nanatiling kalmado. Kinuha niya ang headset at nagpatuloy sa pagtawag sa mga kliyente. Hindi niya hahayaan ang mga usapan na makagulo sa kanya lalo na sa trabaho n'ya . Makalipas ang ilang minuto, bumukas muli ang pinto ng opisina ni Kurt. Linuwa si Mayette ng pinto, taas-noo pa rin itong nakapostura. Ngunit ng tumigil ito sa tapat ng desk niya ay may ibinulong ito. "Teeny," anito sa malamig ngunit mapanuyang tono. "Baka naman gusto mong sumama at pakinggan ang usapan namin ni Kurt, since mukhang ikaw ang sentro ng lahat ng tsismis dito." Hindi siya natinag. Tumayo siya, tinapik ang ilang papel sa desk para ayusin, at tumitig ng diretso kay Mayette. "Pasensya na, Miss Mayette. Mas marami akong kailangang tapusin kaysa makisali sa mga bagay na wala akong kinalaman." Pormal niyang sagot rito. Halos lahat ng kasamahan nila ay napanganga sa tapang ng sagot niya. Kita sa mukha ni Mayette ang panandaliang gulat, ngunit mabilis ding nakabawi. Ngumiti ito ng pilit bago tuluyang lumakad palabas, iniwan si Kurt na nakamasid mula sa loob ng opisina. Pagkatapos noon, biglang nanahimik ang buong opisina. Pakiramdam ni Teeny, ang bawat hakbang ni Mayette palabas ay tila nag-iiwan ng alingawngaw na hindi agad mawawala. Ngunit nagpatuloy siya sa kanyang trabaho, iniisip na kahit gaano kalala ang sitwasyon, hindi siya bababa sa antas ng mga taong nananakit sa kanya. Makalipas ang ilang oras, matapos niyang tapusin ang lahat ng kliyenteng kailangan niyang tawagan, tumayo si Claire mula sa desk nito at lumapit sa kanya. "Teeny," anito, nag-aalangan, "pasensya ka na sa mga naririnig mo kanina. Alam kong hindi madali ang pinagdadaanan mo." Nagulat siya sa sinseridad ng tono ni Claire. Bagama't hindi sila ganoon kalapit, ramdam niya ang awa at malasakit nito. "Salamat, Claire. Pero ayos lang. Hindi ko hahayaang sirain nila ang araw ko." Ngumiti si Claire. "Kung may kailangan ka, andito lang ako." Sa wakas, nagkaroon s'yw ng kahit kaunting kaibigan sa kabila ng gulo sa paligid. Ngunit habang bumabalik siya sa pagtatrabaho, hindi niya maiwasang isipin kung ano ang pinag-usapan nina Kurt at Mayette. Ano pa ba ang pwedeng mangyari pagkatapos ng lahat ng gulong iyon? Sa puntong iyon, naputol ang pag-iisip niya nang makarinig siya ng notification mula sa email. May bagong mensahe—galing kay Regional Manager. "Teeny, I need to speak with you regarding your performance and certain office concerns. Please report to my office tomorrow morning." Nanlaki ang mata niya. Ano pa kaya ang problema? Sa kabila ng kanyang pagtatangka na panatilihin ang professionalism, tila hindi pa rin siya tinatantanan ng intriga. Ngunit imbes na kabahan, nagpasya siyang harapin ito nang may dignidad—gaya ng lagi niyang ginagawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD