KABANATA 18

1611 Words
Hindi pa rin mapakali si Teeny sa kama. Kahit nakahiga na s'ya at mahimbing na din na natutulog si Maymay sa tabi n'ya ay hindi pa rin s'ya dinadalaw ng antok. Dahil nga may load ang cellphone ni Maymay ay naki-hotspot na lang s'ya rito para matingnan n'ya kung kanino nanggaling ang video at kung ano ang laman niyon. Pag-open n'ya ng video ay nagngitngit sa galit ang naramdaman n'ya. Napatiim bagang ang panga n'ya at gusto n'yang sumigaw sa sobrang pagkamuhi ngunit hindi n'ya magawa. Nanginginig ang kamay n'ya. Si Mayette ang naroroon habang nakahubad sa harap ng kanyang nobyo. At ang mas ikinainit pa ng dugo n'ya ay nakatitig lang si Kurt rito. Mula ulo hanggang paa ay pinasadahan ni Kurt ng tingin si Mayette. At masasabi n'ya ngang may maibubuga talaga ang katawan nito. Kumpara sa kanya na tama lang ang laki ng kanyang hinaharap. Lumapit si Mayette rito, at pumaibabaw sa binata habang nakahiga ito sa kama..Ni hindi man lang ito pumalag o pinigilan si Mayette sa gusto nito , bagkus mas inilapit nito ang katawan sa babae. Batid n'yang hindi nito alam na may camera. Pumaibabaw ito. Hinawakan ni Kurt ang malulusog na d*bd*b ni Mayette. Napaliyad ang babae. Sarap na sarap ang dalawa habang baba-taas na iginagalaw ng babae ang pang-upo nito sa ibabaw ni Kurt. Bigla n'yang pinunasan ang pagtulo ng luha n'ya sa pisngi. Binitawan niya na rin ang kanyang cellphone dahil hindi na niya kayang panoorin pa ang kababuyan ng dalawa. At ang kapal talaga ng mukha ng babaeng iyon para isend pa sa kan'ya ang s*x video nilang dalawa. Tahimik siyang napahikbi. Isinubsob n'ya ang kanyang mukha sa pagitan ng kanyang tuhod at doon tahimik na humagulhol. Deserve n'ya ba ito? Wala silang problema ni Kurt at kung may hindi sila pagkakaunawaan ay iyong akmang paghubad nito sa damit n'ya kaninang umaga habang naghahalikan silang dalawa. 'Yun lang,! Dahil lang doon? Hindi yun sapat na dahilan para lokohin s'ya nito. Dinelete n'ya ang video at blinock ang number ni Mayette, gayundin sa f*******:. Hindi niya maatim na makita nya si Kurt kinabukasan sa trabaho nila. Humiga s'ya sa tabi ng kapatid n'ya at patuloy pa rin na humihikbi. Hindi man lang siya dinadalaw ng antok, nakatulala lang s'ya sa kisame ng bahay nila. Hanggang sa maramdaman niya ang pagbigat ng talukap ng kanyang mga mata. Kinabukasan, na-late na siya ng gising. Nang lingunin niya ang pwesto ni Maymay sa tabi n'ya ay wala na ito roon. Ang bigat ng dibdib n'ya pagkagising. Puro tilaok ng tandang ang maririnig sa labas ng bahay. Tinatamad pa siyang bumangon. Wala siya sa mood para pumasok sa trabaho. Balak n'ya sanang puntahan si Edgar ng umagang iyon ngunit naalala niya na umalis nga pala ito ng Sta. Dolores. Pagkatapos ng ilang minutong pag-iisip habang nakahiga pa rin sa kama at nakatalukbong ng malambot na kumot ay napagtanto ni Teeny na kailangan n'yang bumangon at 'wag magpaapekto sa nangyari. Mas sapat nga na ipagpasalamat niya pa iyon dahil nahuli niya agad ito bago pa sila ikasal. Wala siyang mararating kung magpapadala siya sa mga ito. Bumangon siya sa kama at dumiretso sa banyo para magmumog. Habang nagmumumog siya, tumingin siya sa salamin at napansin niya ang pamumugto ng kanyang mga mata. Ang pangit ko na, bulong n'ya sa sarili. Pinigilan niya ang luhang gustong kumawala sa mata niya. Pagkatapos niyang maghilamos, bumalik siya sa kwarto at nagbihis nang matamlay. Hindi niya kayang harapin si Kurt, hindi pa ngayon. Ngunit hindi rin niya maaaring ipakita sa mga katrabaho niyang apektado siya. Kailangan niyang magpanggap, kahit para sa sarili na lang. Pagkalabas niya ng bahay, naroon si Maymay na nakaupo sa upuan na gawa sa kahoy at kumakain ng pandesal. "Ate, hindi ka ba papasok?" tanong nito, habang ngumunguya pa. Napabuntong-hininga si Teeny. "Papasok ako. Ikaw? Dito ka lang ba buong araw?" "Oo. Wala akong klase ngayon," sagot ni Maymay, sabay abot ng pandesal sa kanya. "Kain ka muna, para may laman ang yiyan mo." Nginitian lang ni Teeny ang kapatid kahit wala siyang ganang kumain. "Si Nanay at Tatay?' tanong niya rito. "Wala. Maagang umalis papuntang bukid. Sumama si nanay dahil walang katuwang si Tatay. Naroon nga rin si Eric. Bakit Ate?" Umiling siya. "Wala naman." Matapos mag-asikaso ay lumakad na siya papunta sa sakayan, nagpasya na ring pumasok sya sa trabaho kahit mabigat ang pakiramdam. Habang nasa tricycle, pinilit niyang alisin sa isip ang nangyari kagabi. Ngunit parang pelikulang paulit-ulit na bumabalik ang eksena sa kanyang isipan—si Mayette, si Kurt, ang kanilang kababuyan. Ngunit kailangan niya ng pera. Kailangan ng katuwang ni Tatay Inggo sa bukid kaya dapat doble kayud s'ya para kahit paano ay may makuha siyang trabador kahit arawan lang. Sa probinsya ,fahil mahirap ang ilan ay nagpapabayad ang mga tao roon kapalit ng pagtulong sa bukid o kahit sa pagaani ng mga palay, pagtatanim o kahit anong pwedeng pagkakitaan para may pambili lang ng pagkain ng pamilya ng mga ito. Kaya kailangan niyang nagtrabaho para may mahanap siyang trabahador na magiging katulong ng kanyang Tatay. Pagdating sa opisina, agad niyang napansin ang kakaibang tingin ng mga tao sa kanya. Parang lahat sila’y may alam, ngunit ayaw magsalita. Mas lumakas ang kabog ng kanyang dibdib. May nagsabi kaya kay Kurt na napanood niya ang video? O baka naman si Mayette mismo ang nagkalat ng video? Pilit niyang nilibang ang sarili sa trabaho. Binuksan niya ang computer at sinubukang ituon ang pansin sa mga papeles na kailangan niyang tapusin. Ngunit ilang minuto pa lang, may narinig siyang pamilyar na boses sa likuran niya. "Teeny, pwede ba tayong mag-usap?" Si Kurt. Hindi siya lumingon. Ayaw niyang makita ang mukha nito. Ngunit naramdaman niya ang bahagyang pagyuko nito sa tabi niya. "Teeny, please," pakiusap nito, ang boses ay halatang puno ng pag-aalala. "Hindi ko alam kung anong ipapaliwanag ko sa 'yo pero sana naman pansinin mo ako." Napapikit si Teeny. Gusto niyang sigawan ito, gusto niyang iparamdam ang sakit at galit na nararamdaman niya. Ngunit pinili niyang maging propesyonal sa trabaho. Huminga nang malalim bago magsalita. "Wala akong oras para makipag-usap sa'yo, Boss. Marami pa ho akong gagawin na trabaho," malamig niyang sagot, nang hindi tumitingin dito. "Kung gusto mo ng paliwanag, tanungin mo si Mayette." Natigilan si Kurt. "Si Mayette? Walang kami, Teen." Mahinang bulong nito. Talaga lang,huh! Walang relasyon pero nakipag-siping sa ibang babae, bulong niya sa sarili.. Sa wakas, nilingon siya ni Teeny, at sa unang pagkakataon mula nang makita ang video, hinarap niya ito nang direkta. "Huwag mo akong gawing tanga, Kurt. Alam ko na ang lahat. At hindi mo na kailangang magpaliwanag pa. Tapos na tayo. Nandito ako para magtrabaho kaga pwede ba..." Kitang-kita niya ang gulat sa mukha nito, ngunit wala siyang pakialam. Tumayo siya mula sa kanyang upuan at lumabas ng opisina, naiwan si Kurt na nakatayo, tila hindi alam ang gagawin. Sa labas, hindi niya napigilan ang pagbagsak ng kanyang luha. Tumakbo siya papunta sa pinakamalapit na coffee shop, umupo sa isang sulok, at doon niya ibinuhos ang lahat ng kanyang sama ng loob. Habang nakatingin siya sa kawalan, biglang tumunog ang kanyang telepono. Si Edgar. "Teeny," sabi nito nang sagutin niya ang tawag. Napangiti siya nang bahagya. Si Edgar ang laging nandiyan kapag kailangan niya ng kausap. Ngunit hindi pa rin niya kayang sabihin dito ang totoo. "Okay lang ako," sagot niya. "May mga iniisip lang." "Kung gusto mong may makausap, nandito lang ako," sabi nito. "Hindi na rin ako masyadong busy ngayon." "Salamat, Edgar. I-appreciate ko 'yan. Nasaan ka ba?" "Lumuwas ako ng Maynila para maghanap ng magandang opportunity." "Ganun ba? Good luck Ed." Pagkatapos ng tawag, naramdaman niyang kahit papaano, ay gumaan ang kanyang pakiramdam.. Pagbalik niya sa opisina, ramdam niya ang panlalamig ng lahat. Ngunit nagulat siya nang makita si Mayette na nakatayo sa harap ng kanyang lamesa, ang mukha nito ay puno ng yabang. "May problema ba, Teeny?" tanong nito, na parang wala lang. Hindi siya sumagot. Ngunit bago siya makalampas kay Mayette, bumulong ito sa kanya, "Napanood mo, 'di ba? Ang ganda ko, 'no?" Doon na siya sumabog. Mabilis niyang hinila si Mayette palabas ng opisina, walang pakialam sa mga nakakakita. "Anong gusto mong mangyari, ha?!" sigaw niya kay Mayette pagdating nila sa parking lot. "Sinira mo na ang relasyon namin, gusto mo pa akong gawing katawa-tawa?!" Ngumisi lang si Mayette. "Sinira? Ako? Baka gusto mong sabihin, si Kurt ang nanira. Ako? Napasaya ko lang siya." Mabilis na umigting ang kamao ni Teeny, ngunit pinigilan niya ang sarili. Hindi niya kayang bumaba sa antas ni Mayette. Huminga siya nang malalim, pilit na kinakalma ang sarili. "Alam mo, Mayette," sabi niya, ang boses ay malamig at puno ng poot. "Magpakasaya ka na. Dahil pagkatapos nito, hindi mo na mararanasan ang respeto ng mga tao rito." "Bakit anong gagawin mo? Ipapakita mo sa ibang tao na ako ang kasama ni Kurt ng gabing iyon?" Sarkastikong sabi nito. Tumawa siya. "Bakit takot ka ba na malaman ng lahat na kaladkarin ka?" Nag-igting ang panga ni Mayette. At matalim itong tumitig sa kanya. Akmang sasampalin siya nito ngunit agad niya iyong nasangga. Naluluha na ngumusi siya. "Ayaw kong padapuin ang malinis kong palad dyan sa nakapakadumi mong katawan, hayaan nating malaman ng ama mong gobernador ang kahihiyan na ginawa mo." Hinila ni Mayette ang kamay nito ngunit hindi niya iyon binitawan. Mahigpit niya iyong hinawakan. "Kahit DH lang ako noon sa Hong Kong, kaya kitang paliparin dyan sa kinatatayuan mo, kaya huwag mo kong minamaliit. Para kang higad! Ayusin mo nga yang ugali mo." gigil na sabi niya rito. At sa huling pagkakataon, tinalikuran niya si Mayette, iniwang nakatulala at siya na ang nakangisi rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD