Pauwi na siya sa trabaho ng biglang sumulpot si Kurt sa likuran n'ya. Nag-aayos siya bg mga files bago tuluyang umuwi at tanging sila lang ni Kurt ang tao roon dahil nauna ng nagsiuwian ang mga empleyado. "Teen, I'm sorry. Please forgive me," malambing na pagsusumamo ni Kurt. Hindi siya umimik. Nagpatuloy siya sa ginagawa kahit tapus na rin naman iyon. "Mayette was nothing," pilit na paliwanag ni Kurt. " She means nothing to me. Please, let me fix this." Humarap siya rito ng marinig ang sinabi nito. "Nothing? Kurt, nakita ko mismo kung gaano ka kasaya habang magkayakap kayo sa kama mo noong gabing iyon. Tapos sasabihin mo, she means nothing to you?" She paused for a while. "Huwag mo nga akong gawing tanga!" asik niya rito. "Teeny, makinig ka naman sa akin! Alam kong nagkamali ako,