KABANATA 5

1551 Words
NANG puntahan na niya si Edgar sa kanilang sala, di naiwasan ni Teeny na lihim na ikumpara si Edgar at si Kurt. Parehong guwapo ang dalawa, nakababata si Edgar pero sa tingin niya ay parang kasing edad din ito ni Kurt. Batak ang katawan ni Edgar sa trabaho dahil halata ang malalaki nitong muscle sa kanyang bisig. Kapit na kapit din ang matitipuno nitong dibdib sa suot nitong sando. At mas ikinaagaw ng pansin niya ang tattoo nito sa kanang braso. Malaki iyon kaya napansin n'ya kaagad kahit hindi pa naman siya tuluyang nakakalapit sa lalaki. "Lalo kang gumanda, Teeny," sabi nito matapos lumagok sa ibinigay niyang kape. "Iba na talaga ang nakapag-a-abroad." Biro nito. "Sus, may bola ka pa diyan," nakangiti niyang sabi. Saka s'ya naupo sa katapat na upuan. "Wala ba 'kong pasalubong?" Birl ni Edgar. "Sorry. Naubos na ang pera ko, Ed. Nasa Hong Kong pa lang ako, broke na ako agad." diretso n'yang saad. "Bakit naman?' "Ipinantubos namin sa sakahan ang naipon ko sa pagtatrabaho roon." "Nakasangla noon sa banko ang lupa n'yo?" Lumagok uli ng kape si Edgar." "Oh." Ibinaba ni Edgar sa center table ng sala set ang kape, inihaplos sa medyo kulot na buhok ang isang palad. At napuna ni Teeny ang pagkakaiba ng buhok ni Kurt at ni Edgar. "Kung me sakahan lang akong tulad ng sa inyo," sabi nito na nagpakita kay Teeny ng isang malungkot na ngiti, "hindi na ako maghahanap pa ng ibang trabaho." "Tamang-tama ang pagparito mo," aniya. "Nangangailangan si Tatay ng katulong sa pagbubukid at silbing taong-kamalig na rin. Gusto mo ba?" Nangislap ang mga mata ni Edgar. "Bakit hindi? Ngayon pang heto ka na, willing akong maging katulong ni Tatay Inggo? Bakit ako aayaw, 'diba?" Bahagyang nagpasikdo sa dibdib ni Teeny ang makahulugang sinabi ng binata. "Kakausapin ka nga sana ni Tatay sa inyo," aniya na parang nahihiyang ngumiti s'ya kay Edgar. "Pero andito kana. So..." "Sige,Teeny. Sabihin mo sa kanyang payag ako na maging katulong niya sa pagbubukid ng sakahan n'yo. Kaya nga pala ako naparito e dahil nag-iimbita sina Nika at Nilda na magpiknik tayo sa Pili Beach." "Talaga?" "Oo." "Kelan?" "Sa sunod na Linggo. Teka, may lakad ka ba bukas?" Tumango siya. "Pupunta ako sa opisina ni Mr. Kurt Vergara." Marahang napawi ang ngiti sa mga labi ni Edgar. "Kasabay mo raw siya nang dumating ka kagabi," anito. "Oo. Nagkita kami sa barko." "Bakit pupunta ka sa opisina niya bukas?" biglang seryosong tanong nito. Ang kaninang excited nitong mukha ay biglang naging malungkot bigla ng mabanggit n'ya ang pangalan ni Kurt. Sinabi ni Teeny ang dahilan. Bumuntunghininga si Edgar. "Mabuti ka pa, magiging emplyada na pala sa banko." Ngumiti lang siya. "O, pa'no magpipiknik tayo sa Sunday, ha?" "Hindi ako sigurado pero susubukan ko." "H'wag ka nang mag-abalang magdala ng baon. Ako na lang ang bahala. Isama mo sina Maymay at Eric." "Sige. Pero kami na'ng bahala sa softdrinks natin, ha?" "Yeah, ikaw ang bahala." natatawa nitong saad. "Tatawagin ko na si Tatay?" Tumango si Edgar. Iniwan niya ito sa sala. Kumatok siya sa kuwarto ng kanyang mga magulang. Nang itulak niya pabukas ang pinto ay nakadungaw si Tatay Inggo sa bintana. Lumingon agad ito sa kan'ya. "Payag ho si Ed, Tatay. Kausapin n'yo na ho s'ya." Isang maluwang at natutuwang ngiti ang nagbigay- liwanag sa mukha ng ama n'ya. "Para na rin akong nagkaroon ng dagdag na anak." **** Kinabukasan, sakay ng tricycle ay nagtungo si Teeny sa Rural Bank of Imperial. Pasado alas-otso nang madatnsn n'ya si Kurt nang umagang iyon. "Mag-uumpisa ka na ngayon," sabi nito matapos pasadahan s'ya nang tingin mula ulo hanggang paa na nasisiyahan nang makita s'ya. "Formality na lang ang pagpi-fill-up mo ng application form. Yon ang magiging desk mo." At itinuro nito ang isang bakanteng office table di kalayuan sa sariling desk nito. "Thanks," aniya. "Pero hindi mo ba ako ibi-brief o iu-orient man lang sa trabaho ko?" "Mamaya. Heto ang form. Paki-fill up na lang." Sabay abot ng puting bond paper. Tinanggap niya ang application form, naglakad s'ya palapit sa desk na tinurk sa kan'ya ng binata. Pinil-apan n'ya iyon at makaraan lang ang wala pang kalahating oras ay ibinalik na niya iyon sa binata . "Okay, that's it, "masiglang sabi nito. "Halika! Ipakikilala kita sa ating mga kasamahan dito." Ipinakilala s'ya ni Kurt sa mga ibang employee ng banko. At pagkatapos ay ipinakilala rin s'ya nito sa ama ni Kurt na si Victor.. "Dad, si Teeny ho." sabi nito. "She's a major in Banking & Finance." Kinamayan s'ya ng ama ni Kurt. "Welcome to my business family, iha." "Thank you, sir," pangiting tanggap niya sa palad ng nakatatandang Vergara. "Kurt," baling nito sa anak, "para madali siyang matuto ay isama mo na sa lakad mo bukas." "Yes, Dad!" sagot nito. Habang pabalik na sila ni Kurt sa magkalapit nilang mga office desk, sinabi nito ang tungkol sa lakad nito para bukas. "Pupunta tayo sa Punta Alegre. May gustong mangutang doon na nagmamay-ari ng sampung ektaryang niyugan. limbestigahan natin, Teeny."" Pansamantala'y pinagtype muna siya ni Kurt ng mga sulat para sa mga may utang sa rural bank. Bago nag-alas-dose ng tanghaling iyon, ang mga nagawa na n'ya ay ibinigay n'ya sa binata para mapirmahan nito. "Sabay na tayong kumain mamaya ha?" sabi sa kanya ni Kurt habang pinipirmahan na ang mga sulat. "Alam mo, laging kami na lang ni Daddy ang magkasabay sa panananghalian. For a change, gusto kong tayo naman ang magkasabay." Mas ikinagulat n'ya ang huling sinabi nito. Mas nailang tuloy s'ya, the way he treat her. Ang pagkakkaalam n'ya ay hindi naman s'ya ganoon itrato ng dating boss n'ya noong nasa construction pa s'ya nagtatrabaho. "Isabay na rin natin ang daddy mo," suhestyon n'ya rito. Hindi pa rin s'ya komportable na sila lang dalawa ng binata ang magkasama. Kahit pa sabihin na Boss n'ya ito. "Huwag na. Saka na lang." diretsong sagot nito. "E sino'ng makakasabay niya ngayon?" "Uuwi na lang 'yon at sa bahay kakain. Sa restaurant na lang tayo, para tuloy maituloy ko ang briefing mo sa work." She didn't mind na nga lang. Baka ngayon lang s'ya nito yayain dahil tungkol sa trabaho n'ya ang pinag-uusapan at baguhan lang din s'ya sa trabaho. Kailangan n'ya nga talaga ng guide. Tumango siya. "Anong oras nga pala tayo pupunta sa Punta Alegre bukas?" "After lunch. One hour lang namang magbangka hanggang doon, di ba?" "Mahigit isang oras. Baka gabihin tayo roon." "Gagamitin ko ang speedboat namin." Tumango siya. "Imi-mail ba natin ngayon ang mga sulat na 'yan?" "Well." Magkasalo nga sila sa panananghalian nang araw na iyon, at napansin ni Teeny na laging masaya ang kanyang boss simula pa kaninang umaga.. Sa tuwing tumatawa ito nang patingala na parang bata, napagsasabihan n'ya ang sarili dahil naaakit s'ya sa kagwapuhan nito. Kahit gustuhin man n'ya ay ayaw niyang maakit sa binatang ito. Mas gugustuhin pa niya si Edgar. At least, ka-level niya si Edgar. Wala siyang tiwala sa mga binatang tulad ni Kurt na kaybilis magpaibig ng mga babae. Nang gabi din iyon, pumunta si Edgar kinagabihan sabahay nila. Kinumusta nito ang tungkol sa kanyang pag-aaplay na empleada sa Rural Bank of Imperial. At sinabi n'ya sa binata na tanggap na siya at nag-umpisa na ngang mag- trabaho. "Pansamantala'y umaakto muna akong sekretarya ni Kurt," aniya. "Pero ang talagang pupuwestuhan ko ay ang posisyon ng CI." "ANO?" Kumunot ang noo ni Edgar. "Credit investigator ba?" "Oo." Medyo bumiling ito sa pagkakaupo sa kanilang sofa. Napatingin ito kay Maymay na mula sa sala ay naglakad ito patungo sa kusina. "Kelan ka nga pala mag-uumpisa bilang katulong ni Tatay sa pagsasaka?" tanong n'ya. Ngumiti uli sa kanya si Edgar. Simpatiko itong pagmasdan kahit naka-t-shirt lang. "Magiging kapitbahay ko na Kurt Vergara, ang boss mo. Kasi, pinalilipat na ako ni Tatay Inggo sa inyong kamalig. At ang kamalig ninyo ay nasa likod lang ng bahay ni Kurt," sabi nito. Napatawa siya. "Oo nga, ano? Para pa ngang lumilitaw na ang may-ari ng kamalig at ng kanyang bahay ay iisa dahil wala namang bakod sa likod si Kurt. "Eh, napakakipot naman ng kanyang lote. Bakit kaya doon nakaisip magpatayo ng bahay si Kurt? At binata pa, nagpatayo na ng sariling bahay." Nagkibit s'ya ng balikat. "Sa mga may-kaya, ang pagpapatayo ng bahay o ano mang gusali siguro ay di na binibigyan pa ng maraming panahon ng pag-iisip. Kaya niyang magpagawa na ng sariling bahay, nagpagawa na siya." Tumango si Ed. "Ang pugad ng pag-ibig, para sa akin, ay dapat itatag ng dalawang mag-asawa." "Palagay ko, tama ka, Ed," aniya. "Ang tahanan ay dapat na itayo ng mag-asawa. Bihira ang mga binatang tulad ni Kurt na inuuna pa ang pagpapagawa ng sariling bahay kaysa paghahanap ng asawa." Tumango at napangiti nang maluwang si Edgar. "Pero may nililigawan na yata si Kurt, balita ko." Bigla nakaramdam ng kirot s'ya sa dibdib. Di niya namalayan, nabawasan ang kislap sa kanyang mga mata at marahang napawi ang kanyang ngiti. "Talaga, Ed?" "Oo, eh. Yun ang pagkakaalam ko." Bigla siyang natahimik. "Yong anak ni Gobernador." Napabuntong-hininga s'ya. "Dapat ngang ang maging asawa ni Kury ay isang tulad din nilang may kaya din sa buhay at maipagmamalaki rin ng kanilang pamilya.." Muling tumango at ngumiti si Ed. "Baka pinupuyat kitang masyado, Teeny. Mauna na muna ako." Hindi na niya pinigilan ang binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD