Malalim ang buntong-hininga ni Victor, pilit pinapakalma ang sarili, naglalakad habang hinihimas ang sentido nito, at nakaigting anc panga. "Kurt, alam mo bang anong klaseng kahihiyan ang idinulot ng eskandalo mo? Sa pangalan ko? Sa pangalan ng bangko natin?" Umiwas ng tingin ang binata, pilit nananatiling kalmado. "Dad, I'm sorry. Hindi ko rin naman ginusto na umabot sa ganito—" Agad siyang pinutol ng ama, mas malakas na ang boses nito. "Hindi mo ginusto? Sabihin mo nga sa akin, paano hindi mo ginusto? Nagdala ka ng babae sa bahay mo, tapos nahuli ka ni Teeny! Ano bang iniisip mo, Kurt?!" Suminghap ito, halatang nabigla sa tono ng ama. "It was a mistake, okay? I wasn't thinking straight. Natukso ako, Dad. Pero hindi ko sinasadya!" Biglang hinampas ang mesa, nagngangalit na ang bo