KABANATA 10

1518 Words
Napadaing s'ya dahil napahigpit lalo ang pagkakahawak nito sa kamay n'ya. "Edgar, nasasaktan ako!" Binitiwan siya ng binata. Pairap siyang tumalikod dito at itinuloy ang ginagawa sa cooking table. Habang pasimple n'yang hinaplos ang mag bakat ng kamay ni Edgar. "Hindi mo ako kailangang pagsabihan pa, Ed. Alam ko kung saan ako nakatayo at kung ano man ang desisyon ko, labas ka na ron.." "Saan, Teen?" "Sa lupa. Sa mababa pero matibay na lupa ng realidad. Ed, huwag kang mag-alala dahil hindi ko nakakalimutang anak lang ako ng isang magsasaka at si Kurt ay isang Vergara, ang tinitingala at mayaman rito sa lalawigan natin." "Paano kung niloloko ka lang niya? Paano kung niligawan ka lang niya at ngayong siyota ka na niya'y hingin na niya sa 'yo ang tunay niyang gusto?" Marahan siyang napalingon kay Edgar. "Ano ba talaga ang gusto mong sabihin?" "Ang alam ko, gusto niyang mabili ang kapiraso sa sakahan ninyo para ang bahay niyang ito ay magkaroon ng bakuran sa likod. Maliit lang ang gusto niyang bilhin. Pero ngayon, kahit ang malaking parte makukuha na lang niya nang di na kailangang makiusap." Nag-init ang kanyang mukha. "Hindi ganoon kababa si Kurt, Edgar! Hindi ganoon kababaw mag- isip ang isang tulad n'yang edukado!" Mariiin at medyo napataas na ang boses niyang sambit rito. Hindi n'ya na napigilan ang kanina pang inis na tinitimpi n'ya. Namula si Edgar. Tumalim ang tingin nito at nagtagis ang mga bagang. Saglit itong napabuga ng hininga. Pagkatapos ay kaagad nawala ang talim ng paningin. Tumagilid ito at malungkot na yumuko. "Sorry. Nakalimutan kong di nga pala ako nakapag-aral at ang kaharap ko ay isang titulada." Napairap s'ya sa sobrang inis. Bakit ba ganun na lang kababa ang tingin nito sa sarili. "Bakit ba ganyan ka kung magsalita?" naiinis pa ring sabi niya. "Akala ko ba'y magkaibigan tayo? Ano ba'ng ipinagkakaganyan mo?" Hindi n'ya maintindihan kung bakit bigla na lang naging mainitin ang ulo ni Edgar at laging kinukumpara ang sarili kay Kurt. Naguguluhan s'ya. "Itatanong mo pa ba 'yan?" Ngayon ay mahinahon na ang boses nito. Napatalikod siya. Hindi niya alam kung bakit bigla s'yang nakaramdam ng awa para rito. Dapat kasi si Edgar sana ang gusto niya kung hindi sila nagkaunawaan ni Kurt. Ito sana ang manliligaw n'ya mula ngayon. Pero hindi n'ya kayang diktahan ang kan'yang puso. Ipinagpatuloy na n'ya ang paghihiwa ng carrot. "Kung ang gusto lang ni Kurt ay magkaroon ng dagdag na sukat ang lupang kinatatayuan ng bahay na ito," aniyang parang nagsasalita sa isang bata, "bakit kailangan pa niya akong maging nobya?" "Maganda ka," mabilis na sagot ni Edgar. "Edukada. At sinong mayamang binata ang di maghahangad na maangkin ka kahit sa loob lang ng isang gabi. Lalo na nga kung ang mangyayari ay iyong kasabihan na hitting two birds with one stone." Nilingon niya si Edgar at nginitian nang mapakla. "Salamat sa paalala mong 'yan. Hayaan mo.. ikaw ang unang makakaalam kapag ganoon nga lang pala ang intensiyon sa akin ni Kurt.." Saglit na muling tumalim ang mga mata ni Edgar. "Hindi ko ipinapanalangin na maging gano'n nga ang intensiyon sa 'yo ni Kurt, Teen. Dati ay wala akong duda sa kanya. Pero nagkausap kami ni Tatay Inggo at nabanggit niyang gusto pala ni Kurt na madagdagan ang bakuran ng bahay na 'to at mangyayari lang 'yon kung papayag kang mabawasan ang inyong sakahan." "Dahil lang sa kapirasong lupa ay paiibigin na `ko ni Kurt?" sarkastikong ngumiti siya. "Ed?" "Di nga siguro gano'n ang mga edukado," sarkastiko ring tono ni Edgar. "Pero ang mas malamang, naapakan mo ang pride n'ya dahil sa ginawa mong pagtanggi sa kanya. Posibleng gumaganti siya sa 'yo." "Alam kong malalim kang mag-isip,Ed. Pero mas magiging kapani-paniwala ka kung wala ka ring pansariling interes." Saglit na nagtagis ang mga bagang ng binata. "Pwes! Huwag mo 'kong paniwalaan. Pero ibigay mo sa sarili mo ang benefit of doubt." Pagkasabi nun ay lumabas na si Edgar. Wala pang alas-dose nakatapos na siya sa pagluluto. At habang wala pa si Kurt, napagpasyahan niyang bigyan ng niluto niyang chopsuey si Edgar. Nagulat pa ito nang makita siya papasok na sa nakabukas na pinto ng kanilang kamalig. Nakaupo ito sa isang lata ng gatas habang kumakain na. Plastik ang plato. Ang ulam ay kamatis at pritong tuyo lamang. Nagkakamay lamang ito. Nakaramdam s'ya ng awa sa binata. "Dinalhan kita ng iniluto ko," aniya. "Heto, tikman mo." Namumulang napangiti ang binata. "Salamat, Teen." Tinanggap ni Edgar ang chopsuey, isinalin nito iyon sa isang plastik na mangkok din. "Pasensiya ka na sa mga sinabi ko sa 'yo, ha?" nakatawang sabi nang ibalik na sa kanya ang chinese bowl. "Gano'n lang naman ako talaga, di ba?" Ngumiti siya. "Ed, ayoko namang masira ang dati nating pagkakaibigan. Lalo na nga ngayon katulong ka na ni Tatay sa pagbubukid nitong aming lupa." Tumango si Ed. Ang maluwang na ngiti'y marahang napawi at napalitan ng bahagyang lungkot. Tumalikod na siya rito at makailang hakbang lang ay nasa pinto na uli siya ng kusina ng bungalow. Naroon si Kurt. Pormal na pormal. Matalim ang tinging isinalubong nito sa kan'ya. "Saan ka nanggaling?" pormal na pormal na tanong ni Kurt, parang may sinag ng galit sa mga mata ng nobyo n'ya. "Dinalhan ko lang ng gulay si Ed," aniya, at ngumiti siya sa nobyo. Napangiti na rin ito at inakbayan siya. Nang nasa may lababo na sila, bigla na lang siyang kinabig ni Kurt, mahigpit s'ya nitong niyakap at hinagkan sa mga labi. "Maghain ka na," pagkuwa'y masuyong saad nito. "Nagugutom na ako." At lumabas na sa kusina si Kurt. Nag-umpisa na s'yang maghain ng pagkain. Pagtingin n'ya sa bintana, natanaw niyang nakatingin si Edgar sa kanya mula sa kamalig. Nakita ni Edgar ang paghahalikan nila ni Kurt! Namumulang minadali n'ya ang paghahain. At nang tawagin na n'ya sina Kurt at Aling Rosing, saka pa lamang n'ya napansin na hindi na nakatanaw si Edgar sa kanila mula sa tabi ng kamalig na matatanaw sa labas ng bintana ng bungalow. Puring-puri nina Kurt at Aling Rosing ang mga putaheng iniluto niya. "Tiyak na tataba ako kapag misis na kita," ani Kurt."At ang suwerte ko ho pala, Aling Rosing. Winner sa pagluluto ang magiging misis ko." "Masuwerte ka kay Teeny, hijo," sabi naman ng labandera. "Bukod sa napakaganda at napakabait ng batang 'yan, hindi nakakalimot sa mga dating kasama. Mababa ang loob." "Naku, Aling Rosing, ha," namumulang sabi niya at nakangiting medyo napairap pa. "Sobra naman ang papuri ninyong iyan." "Totoo naman ang sinabi ni Aling Rosing, sweetheart. At sa birthday ng Daddy ko, next week na 'yon, ang gusto ko ay formal na nating ihayag ang ating pagpapakasal sa darating na January next year." Napamulagat siya kay Kurt. "Ano? Pakakasal na tayo sa January?" "E bakit ayaw mo pa ba?" "E...masyado naman sigurong mabilis," Napatingin siya kay Aling Rosing. "Di ho ba't bata pa ho ako para mag-asawa, Aling Rosing?" Umiling ito. "Nasa tamang edad ka na." Ngumiti siya kay Kurt. "Hindi ka ba nagbibiro?" "Nope. Gusto kong next year na tayo pakasal. Maliban na lang kung ayaw mo pa." "Well..." "Anong well?" "Sige na nga," aniyang parang di pa rin makapaniwala na mapapasubo na siya sa pag-aasawa." "Yes, let's get married in January." "Akala ko ay ipapahiya pa ako ni Teeny, Aling Rosing," ani Philip sa tono ng pagbibiro. "Pagkatapos ng birthday celebration ng Daddy, mamamanhikan na kami sa inyo, Babe." "Totoo?" Nakangiti siya nang tikom ang mga labi dahil para pa ring nagbibiro si Kurt. Tumango ito. "Pasakalyehan mo na si Tatay Inggo, ha?" kunwari ay pabulong pa nitong sabi. "Baka mabigla dahil mag-aasawa na ang dalaga niya." "A-alam na niyang me relasyon na tayo." "Ano'ng pakiramdam mo sa kanila,Teen?" "Siguraduhin ko raw na talagang seryoso ka sa akin, sabi ni Nanay." "At si Tatay, ano'ng sabi?" "Wala naman." ""Wala?" "Tumangu-tango lang nang malamang mag-boyfriend na tayo." "Palagay ko ay may tiwala sa disposisyon mo ang matanda." "Oo. Si Dad yun. Sa tuwing gagawa ako ng personal na desisyon, wala siyang pakialam. Sumingit sa usapan nila si Aling Rosing. "Kurt, paano naman makakatanggi si Inggo sa isang tulad mo? Aba'y dapat pa ngang matuwa 'yon dahil isang tulad mo ang mapapangasawa ni Teeny." "Gano'n nga kaya 'yon?" baling ni Kurt sa kanya. "Siguro," aniyang dinampot ang serving plate ng kanin, sinalinan pa ang pinggan ni Kurt.. "Kumain ka pa,`oy." "Salamat." "Ang sweet n'yo naman," tudyo ni Aling Rosing. "Pareho kayong masuwerte sa isa't isa." "Salamat ho, Aling Rosing," ani Kurt. "Talaga hong napakasuwerte ko dahil di ko ho akalaing magkakatagpo uli kami ni Teeny na wala pa siyang nobyo." "Ang ibig mong sabihin, hijo" ani Aling Rosing, "noon ka pa me gusto kay Teeny?" "Second year pa lang ho ako sa high school, love ko na siya." "Ang bolero talaga nito," aniya na natawa at kinurot pa nang pino ang binata sa hita. Pero ikinataba ng puso niya ang sinabing iyon ng kanyang nobyo. Lalong nakumpirma sa isip niya na mali ang mga suspetsa ni Edgar. Wala nang ibang motibo pa si Kurt sa kanya. Mahal na mahal siya nito. At kung hindi bakit ang gusto nito'y pakasal na sila agad?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD