Chapter 8 "Ugh! Ang sakit ng ulo ko!" reklamo ko habang naglalakad pabalik sa institute building kasama ang kaklase ko. Masyado kasi akong nag-enjoy kagabi at nakalimutan ko na may pasok pala ako ngayong araw, kaya heto ako ngayon, puyat na, kulang pa sa tulog. Kung hindi pa siguro nag-ayang umuwi si Ari kagabi, hindi na talaga ako makakapasok ngayon. Ugh! Parang naghanap lang ako ng sakit ng ulo. Tsk. Hindi naman masyadong madami ang ininom ko, pero parang sasabog ang ulo ko ngayon! And speaking of Ari, pagka-hatid niya sa akin sa condo niya kagabi ay umalis din agad siya. Hindi ko alam kung saan siya pumunta dahil hindi na din ako nagtanong pa. At sigurado akong hindi siya natulog sa unit niya dahil paggising ko kanina, hindi ko siya nakita. "Ano ba kasi ang ginawa mo at masakit yan