Chapter 7 Pag-dating namin sa bar ay malakas na ang tugtog sa loob. Medyo madami na din ang mga tao, at halos karamihan ay mga babae -- mga babaeng pang ramp model ang ganda at katawan. And yep, namin. Kasama ko si Ari at isinabay nalang niya ako. Gabi na daw kasi at alam niyang kaskasera ako mag-maneho. Gusto ko nga siyang sapukin nang sinabi niya iyon, eh. Kung hindi ko lang naisip na nakasakay ako sa kotse niya, sinapok na talaga siya. Eh ang kaso, baka sipain niya ako palabas. "Hi, hottie!" bati nang isang babae kay Ari na kasabay ko sa paglakad ngayon. Huminto siya para kausapin ang babae kaya huminto din ako. Sinuri ko ang hitsura nito habang nag-uusap sila. Medyo matangkad, pale at makinis ang balat, mahaba ang blonde na buhok, matangos ang ilong, naka-false eyelashes kaya magan