Chapter 10 Nakahiga ako sa couch na parang suman dahil binalot ko ang sarili ko sa kumot habang nanunuod ng palabas sa telebisyon at kinaka-usap si kuya Tristan sa phone. Multi-tasking. "Are you sure you're okay now? Hindi na kita kailangang puntahan?" tanong nito at may pag-aalala pa din sa tono ng boses niya. Ilang ulit na ba niya akong tinanong? "Yeah. I feel better," sagot ko. Hindi na mabigat ang pakiramdam ko at hindi na din ako masyadong mainit. Bumaba na ang temperature ko kompara kaninang umaga. Hindi na din ako masyadong nilalamig pero trip kong ibalot ang sarili ko sa makapal na kumot dahil ang warm sa pakiramdam. Tumalab yung pinagawa ni Ari sa akin na maghilamos ng malamig na tubig. "Okay. Just give me a call kapag sumama ulit ang pakiramdam mo," sabi nito. "Hindi pa ba b