Chapter 11 Mag-isa akong naglalakad tungo sa room kung saan ang unang klase ko ngayong umaga. Naisipan ko nang pumasok ngayong araw dahil maayos na ang pakiramdam ko. Ang aga ko ngang nagising, eh. Para lang maiwasan ko ang pag-krus ng landas namin ni Ari which is impossible dahil makikita't makikita ko pa din naman siya. Medyo sumama kasi ang loob ko sakanya. Ang tagal na niya akong kilala at alam kong alam niya na hindi ako ganoong klase ng babae, pero hindi man lang niya ako dinepensahan! Sabagay, bakit nga naman niya gagawin iyon. At gusto ko ding komprontahin si Melissa tungkol doon kung bakit niya naisip na aagawin ko sakanya ang lalaking mahal niya, pero mahina ang loob ko. Hindi ako ganoon katapang pagdating sa mga ganoong bagay. Napatingin ako sa lalaking sumasabay sa paglakad