Chapter 12 Nakasakay ako sa kotse ni Marion pabalik sa condo ni Ari. Galing kami sa isang grocery store upang mamili ng mga makakain dahil binago nila ang plano na dapat sana ay kakain kami sa labas, but they chose Ari's crib instead since hindi pa daw nila nasisilip ang unit nito kaya doon nalang nila naisipang gawin. Hindi naman siya masyadong madamot kaya pumayag siya. But it is still Jamayma's treat as a way of saying thank you sa mga ibinigay naming mga damit. Kami lang dalawa ni Marion ang nautusang bumili. "Wala ba tayong nakalimutan?" tanong Marion habang nag-mamaneho. "Wala na siguro. Yan lang yung mga nilista nila na bibilhin, eh," tugon ko at nilingon ang limang plastic bags sa backseat. Nang makabalik na kami sa unit ay abala ang mga lalaki sa paglalaro ng baraha habang ang