Chapter 2
After naming mag-usap at magka-sundo sa gusto niya, umalis na kaagad ako sa restaurant. That bastard! Tama ba ang naging desisyon ko? At anong sasabihin ko sa pamilya ko?! Wala naman talaga sa plano ko ang pumayag sa mga gusto niya, eh, dahil siya ang pinapasunod ko sa gusto ko! But he got me no choice! Siya nalang talaga ang pag-asang hawak ko. Napag-isipan ko naman iyon, eh. Pero bakit parang mali? Gosh!
Alam kong magagalit ang pamilya ko sa desisyon ko na ito, pero 'yun nalang talaga ang pag-asa namin para hindi mawala sa amin ang Arguelles. At pinaghandaan ko na ang speech ko for this night. Hindi ko lang alam kung paano ko uumpisahan ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung papayag sila sa deal namin ni Ari! Ugh! Sumasakit 'yung ulo ko!
Lightning dark skies
Open your eyes
Run to me like you never did---
Kinuha ko ang cellphone ko na tumutunog at sinagot nang hindi man lang inaabala ang sarili na tignan kung sino ang tumatawag.
"Bakit?" Bungad ko. Hindi ako 'yung taong maghe-hello muna kahit pa yata presidente ang tumatawag. Hindi ko talaga nakasanayan.
"Arrogant as ever," komento ng isang pamilyar na tinig mula sa kabilang linya. Tinignan ko ang screen ng phone ko only to find out who's this jerk calling me! Tsk.
"Thanks for your warm remark, Ari. But I can't talk to you right now. I'm driving, Idiot!" Inis kong tinapos ang tawag saka ibinalibag sa katabing upuan ang phone. Arrogant! The hell with that guy!
Katatapos lang naming mag-usap, tumatawag na agad? Don't tell me, ngayon na niya ako pinapalipat sa condo niya? Hindi ko pa nga naipapaliwanag sa mga magulang ko ang nagpag-kasuduan namin, eh.
Ipinarada ko ang kotse sa tapat ng bahay namin at bago bumaba ay kinuha ko ang sapatos at phone ko sa katabing upuan. Alas nuebe na din pala! Naka-tsinelas lang akong pumasok sa bahay at nadatnan ko ang Kuya at Ate ko na nag-uusap sa sala. Napatayo silang dalawa ng makita nila ako. Agad namang lumapit sa akin ang ate ko and she gives me a tight hug na muntik ko ng ikamatay.
"Gosh! Nag-alala na kami sayo! Bakit hindi mo sinasagot ang phone mo?" Alalang tanong nito ng humiwalay siya sa akin.
"I'm fine. Grabe! Muntik na akong mamatay sa yakap mo, Ate!" saad ko habang umuupo sa couch. Ipinatong ko ang dalawang paa ko sa center table at isinandal ang ulo sa headrest. Okay. How can I tell them?
"What happened? How was it?" tanong ni Kuya while sitting on the couch opposite me. "Put your feet down, Jillian," seryosong sabi nito kaya mabilis kong ibinaba ang mga paa ko sa sahig. Nakalimutan kong naka-dress pa pala ako.
"We've got a deal," simpleng sagot ko at hindi ipinahalata na kinakabahan ako.
"What... kind of deal?" si Ate ang nagtanong. Umayos ako ng upo. Nasaan ba 'yung mga salitang ipinraktis ko kanina? Bakit parang biglang nawala? Jeez! "Jilll?" Tawag pa pa niya.
"Okay..." huminga ako ng malalim at tinignan silang dalawa. "He wants me to live with him..."
"What the hell?" Gulat na wika ni Kuya.
"Well, not only to live with him. He also wants me to work for him... for five months. Siya na din daw 'yung bahalang makipag-usap sa Daddy niya, basta kailangan ko daw tumira kasama siya, at magtrabaho para sakanya. May binili siyang condo malapit lang sa University kung saan kami nag-aaral. Doon daw ako -- kami titira," paliwanag ko.
"Pumayag ka?" seryoso na din si Ate. Tumango nalang ako. As if I have a choice.
"Bakit ka pumayag? Come on, Jillian! I can't let you live with him! There was no way! Kaya siguro ikaw ang gusto niyang maka-usap dahil 'yan ang gusto niyang mangyari!" hysterical na wika ng Ate ko.
"Tone down your voice, Pauleen," suway ni Kuya dahil halos rinig na rinig ang matinis niyang boses kahit yata nasa daan ka.
"That's the only choice that we had! Ayoko namang makita si Daddy na lugmok sa utang. Ngayon pa nga lang na nakikita ko siyang malungkot at laging malalim ang iniisip, para akong mababaliw, eh," wika ko. I'm a Daddy's girl, and I'm so proud of it.
"I completely agree with you, Jillian. Wala sa atin ang gustong makakita sa ama natin na malungkot at namomroblema. And... I trust Ari Alam kong tutulungan niya tayo," sang-ayon ni Kuya.
"But Kuya..."
"No but's, Pau. May kailangan tayo sakanila. Natural lang na humingi sila ng kapalit. Buti na nga lang at iyon lang. Pero hindi ko gusto ang ideya ni Ari na maging kapalit. Pero wala na tayong magagawa," ani Kuya at tumingin ito sa akin. "Now, Jillian, what will you say to Mom and Dad about this?" I shrugged my shoulder.
Hindi ko talaga alam kung paano ko ipapaliwanag sa mga magulang ko. Baka kasi kung anong isipin nila. Sana katulad nalang sila ni Kuya na madaling nakuha ang sinabi ko.
"Guess, I will be the one to explain this," tumayo si Kuya at lumapit sa akin. "Don't worry. They will understand." he gave me his assuring smile at hinaplos ang buhok ko. Tumango ako sa sinabi niya at ngumiti din pabalik. Ni-relax ko ang likod ko sa sandalan.
Now, ang problema ko nalang ay kung paano ko ipapaliwanag sa barkada ko -- namin ito! Pati na din kay Melissa. 'wag nalang sana niyang bigyang malisya ang tungkol dito. Alam ko naman na maiintidihan niya ako, pero natatakot talaga ako sa kung ano ang magiging reaction niya kapag sinabi ko sakanya ito.
"Oh, by the way, where are they?" takang tanong ko dahil hindi ko pa nakita 'yung mga magulang namin. Imposible namang tulog na sila sa mga oras na ito.
"We told them to catch some fresh air. Dad really need to unwind. Masyado siyang na-stress, at kailangan niyang maglibang," said kuya Tristan.
"What?" Gulat na sabi ko at napabalikwas. "Nandito pa lang sila kanina, ah? And where did they go?"
"Macau," Simpleng sagot naman ng Ate ko habang nakangiti. Napailing nalang ako.
"You know, bunso, magbihis ka na. Hindi bagay ang dress sayo," Pang-aasar ni Kuya. Sinuntok ko ang braso niya at padabog na umalis sa sala at tumungo sa kwarto ko.
Naghanda ako ng susuotin para maligo dahil masyadong makati sa mukha ang make-up na in-apply ni Ate kanina. Baka lalong dumami ang pimples ko kapag hindi ko ito kaagad na tinanggal. Bumaba ako sa sala pagkatapos kong maligo. Nadatnan ko pa silang dalawa na nag-uusap.
"Kailan sila babalik?" Tanong ko ng maka-upo ako sa tabi ng Ate ko.
"One week lang sila doon," lang? Nila-lang nila ang one week? Dammit! "Makakapag-isip na ako ng sasabihin sakanila... kailan ka daw ba lilipat sa condo niya?" nagkibit-balikat lang ako sa tanong ni Kuya.
"Hindi ko alam. Hindi naman niya sinabi, eh," Pahayag ko.
"Alis na nga pala ako bukas," nakangiting wika ng Ate ko.
Flight attendant kasi siya at madalang lang umuwi dito sa bahay. Yup, she's living out with her luggages. But her job is also about having breakfast in Paris, dinner in Japan and drinks in New York.
"Yeah, right. At ako nalang ang maiiwan dito," inirapan lang kami ni Kuya.
"Eh, ano pala ako?" I rolled my eyes at him.
Civil Engineer si kuya Tristan at nagta-trabaho na. While me, I'm still studying at Marketing ang kinukuha kong kurso.
Wala sa amin ang humahawak ng kumpanya. Si Daddy lang talaga. Pero alam kong si Kuya na ang magte-take over sa pwesto ni Daddy next year... kung maayos namin ang problema. Nag-stop operation na kasi ang Arguelles dahil nga sa nangyari.
"Aalis ka din naman, hindi ba? Edi ako nalang ang maiiwan dito," Ngumisi pa siya kaya binato ko siya ng throw pillow.
"Hindi pa ako umaalis! Pwede ba, drop that s**t off! Naiinis ako, eh," Pikon na sabi ko at ginulo ang basa kong buhok. "Saan ang destinasyon mo bukas, Ate?" tanong ko.
"England," inirapan ko siya.
"Wala pala akong pakialam," walang emosyong tugon ko.
Natawa nalang silang pareho sa naging sagot ko at maya-maya ay pare-pareho kaming napatingin sa may door way ng may biglang nag-doorbell. Tumingin ako sa wall clock. 9:50 na, ah. Sino naman kaya ang bisitang ito? Ginabi siya, ah.
"May hinihintay po ba tayong bisita?" Takang tanong ni Ate nang mapadaan si Manang Sila na patungo sa may front door.
"Wala naman," iiling-iling na sagot nito at halatang nagtataka. Tumango naman si Ate at umalis na din si Manang para tignan kung sino 'yon.
Pare-pareho kaming nakatingin sa pintuan at naghihintay kay Manang at kung sino man 'yung nag-doorbell sa labas. At halos lumuwa ang eyeballs ko ng makita ko kung sino ang kasama nito. Nagulat din sina Kuya nang makita ito. What the hell is he doing in here?
"Ari? What brought you here? Have a seat," ani Kuya nang makahuma na sa pagka-gulat. Prente naman siyang pumasok sa loob at umupo sa tabi ni Kuya. "Manang, please, serve us some drinks," utos nito kay Manang. Tumango naman siya at tumungo sa kusina.
"I came here to tell you that..." bigla akong kinabahan sa kung ano man ang sasabihin niya. Baka mamaya, nagbago na ang isip nito at hindi na niya itutuloy ang deal namin. O kaya, hindi niya nakumbinsi ang Daddy niya. s**t!
"What?" naguguluhang tanong naman ng Ate ko. Tumingin naman ito sa akin.
"You need to move to my unit tomorrow night, Jillian." napanganga ako sa sinabi niya. "I assume you already told them about our deal. I already talk to my Dad. Hindi niya pakikielaman ang company niyo but right after five months ng pagtira mo sa unit ko, doon pa lang ulit pwedeng mag-start operation ang Arguelles." he said smiling.
"We know about your... deal. Pero bakit ang bilis naman yata ng pagpapalipat mo sa kapatid namin kasama ka?" Tanong ng Ate ko.
"I'm moving in there tomorrow. Kailangan ko din ng kasama dahil madami akong gamit, at hindi ko kayang ayusin ng mag-isa. That's why I offered her that, kapalit ng pag-tulong ko to clear out your father's name." tumango-tango naman si Ate. Dumating na din si Manang na dala ang fresh juice at inilagay sa ibabaw ng mesa. Umalis din ito pagkatapos.
"But why so fast?! Kakasabi mo lang kanina, ah! Ano ba, Ari! Hindi ko pa nga nasasabi sa mga magulang ko, eh!" Protesta ko dahil talagang nagulat ako! Hindi siya sumagot sa sinabi ko dahil nagsalita si Kuya Tristan.
"Can we talk outside?" seryosong sabi nito at ramdam ko ngayon ang pagiging kuya niya. Tumango naman si Ari at naunang lumabas. Tumungo naman ito sa may bar counter at kumuha ng isang bote ng Jack Daniel's, dalawang baso at inutusan akong isunod sakanila ang isang bucket ng Ice. Well, Boy's talk.
"Anong pinag-uusapan nila?" Tanong ni Ate pagkabalik ko sa sala. Umiling lang ako at umupo sa may tabi niya.
"Hindi ko alam. Nasa may garden sila, eh. Nilagay ko lang 'yung ice sa mesa sa labas," wika ko.
"It looks like a serious matter to talk to," iiling-iling na wika ng Ate ko habang nakangiti. Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya. "I'm going to sleep, Jill. Maaga pa akong aalis bukas. Matulog ka na. Kuya Tristan can handle that," aniya at hinalikan ako sa pisngi. Tumango nalang ako habang nakatingin sakanya na naglalakad paakyat sa taas.
Ano kaya ang pinag-uusapan nila? Jeez! Mukhang seryoso nga dahil hindi naman yayayain ni Kuya ang isang tao na uminom habang nag-uusap. Kahit kaming dalawa nga ni Ate, yayayain kaming uminom kapag may importante kaming pag-uusapan, eh.
Ilang minuto akong naghintay sakanila, pero hindi pa din sila tapos kaya napag-pasyahan ko nalang na umakyat sa kwarto dahil inaantok na ako.
Tatanungin ko nalang si Kuya bukas.