Chapter 3
"What the hell is going on?!" hysterical na sigaw sa akin ni Jamayma -- habang si Trisha at Crizette ay walang pakialam dahil busy sila sa pagiging call center ngayon. Like, duh? Naiintidihan kaya nila ang mga kausap nila sa phone, eh samantalang magkatabi lang sila, at pareho pa silang nagsasalita? Tsk.
Nandito kami ngayon sa isang coffee shop dahil nakipag-kita ako sakanilang tatlo para ipaliwanag ang kasunduan namin ni Ari. After all, kailangan nilang malaman ito dahil baka sa iba pa nila malaman. At kung alam ko lang na walang pakialam itong dalawang babaeng 'to, hindi ko nalang sana sila tinawagan kanina!
Wala man lang akong nakitang any violent reaction sakanila! It's not like gusto ko ding sigawan nila ako katulad ni Jamayma ngayon. But hell! They just don't care about what I'm saying! Hindi man sila nag-react kahit umarte lang silang nabigla!
Nai-kwento ko na din sakanila 'yung pinag-usapan ni Kuya at ni Ari kagabi. Sinabi kasi sa akin ni Kuya kanina nang ihatid namin si ate sa airport. Binalaan lang daw ni Kuya si Ari na huwag kikilos ng masama kapag nasa condo na niya ako.
Dalawa naman daw ang room sa unit ni Ari, at ipinaliwanag lang daw niya 'yung about sa deal namin. Pero hindi ako masyadong kumbinsido dahil matagal-tagal din silang nag-usap kagabi. Ginising ako ni kuya around 12am para lang sabihin na umuwi na si Ari. Naka-dalawang bote din sila ng Jack Daniel's kagabi.
"Can you tone down your voice, Jam? You're irritating my ears!" Sita ni Crizette sakanya pagkatapos makipag-usap sa phone. Sinamaan naman siya ng tingin ni Jam.
"I'm not the who's irritating your damn ears, Zette! Kanina ka pa may kausap sa phone! Mind you!" Jam retorted. Umismid lang si Crizette at uminom ng Frappuccino niya.
"Ano na naman ba kasing isinisigaw-sigaw mo diyan, ha? Ayaw mo ba non? Hindi na problema nila Jillian 'yung company nila?" sabi pa ni Crizette after uminom.
"Yes, I'm thankful at least, nabawasan ang problema nila. Pero tama ba na gawing katulong ni Ari si Jillian? Hello! Kaibigan niya siya! And one more thing, ano nalang ang sasabihin ni Melissa kapag nalaman niya ito? At titira pa sila sa iisang condo unit!" tugon naman ni Jam. Humigop nalang ako sa Cappuccino at kumain ng blueberry cheesecake.
"Melissa? What about that b***h? Melissa was never our corncern! Hindi ko talaga alam kung bakit naging sila ni Ari, eh! She's a real b***h!" Zette said while rolling her eyes heavenwards. I know, they hate each other. Since High School pa naman, ayaw ni Crizette kay Melissa. But because she's my cousin, I feel the urge to defend her.
"Careful with words, guys! Melissa's my cousin. Baka nakakalimutan niyo," paalala ko sakanila.
"Oh, yeah. Melissa is the b***h cousin of yours! Damn that Girl! Naiinis talaga ako kapag naririnig at binabanggit ko ang pangalan niya!" sabi pa ni Crizette at hinawi ang bangs.
"Why do you hate Melissa ba? Mabait naman siya, ah," sabat ni Jam. Kunwari namang nasuka si Crizette sa sinabi nito.
"I loathed that girl, too. Hindi ko din maintindihan kung bakit naging pinsan mo siya," singit naman ni Trisha pagkatapos niyang makipag-usap at tumingin sa akin.
Malapit kaming dalawa ni Melissa sa isa't isa. Well, honestly, ako lang 'yung malapit sakanya sa aming magpi-pinsan. Hindi ko alam kung bakit ayaw ng iba naming pinsan sakanya. Siguro dahil siya 'yung laging pinupuri sa amin kapag may mga family gatherings kami. Akala nga ng iba naming mga pinsan ay may namumuong kompetisyon sa aming dalawa kahit na wala naman.
Kaya nga medyo kinakabahan ako sa naging desisyon ko dahil baka malaman ng buong pamilya namin ito. Baka may masabi sila sa akin at pati sina Daddy madamay sa sinang-ayonan ko.
At naiintidihan ko ang dahilan ni Crizette kung bakit ayaw niya kay Melissa. Minsan na kasi niya itong pinahiya sa harapan ng maraming tao. But Trisha's reason? Wala akong idea. Pero malay ko ba kung may nagawa si Melissa na hindi nagustuhan ni Trisha na hindi ko alam.
"Wait lang, ha? Pinsan ko 'yung pinag-uusapan niyo. Kaibigan din natin siya, at kaya ko kayo pinapunta dito ay para pag-usapan kung tama ba ang naging desisyon ko o hindi. Hindi para laitin 'yung pinsan ko!" suway ko sakanila dahil naiinis na ako sa mga naririnig ko.
"Alam na ba ni Melissa 'yan?" Tanong ni Jam sakin. Napansin ko namang nag-make face si Crizette.
"Oo, I emailed her this morning pero hindi pa siya nagre-reply," Sagot ko. In-explain ko naman lahat sakanya kung bakit ako pumayag. Sana nalang ay maintindihan niya. Pero hindi ko na sinabi 'yung 'Marry me' thing. Nababalot ako ng hiya sa katawan kapag naaalala ko iyon.
"Alam mo, Jill, hindi mo na dapat problemahin pa 'yang pinsan mo. Like, duh? Kung makitid ang utak niya, siguradong hindi niya maiintidihan 'yung desisyon mo," Said Crizette. I tsked. Mabait naman si Melissa, eh.
"So ikaw, naiintidihan mo?" sarcastic na sabi ni Jam. These two! Kapag hindi ako nakapag-pigil, bibigyan ko ng itak ang dalawang ito!
"Of course! Ano pa't naturingan akong best friend kung 'yung simpleng bagay lang, hindi ko maiintidihan, diba? Kaya nga hindi ako nag-react noong i-kwento niya, eh!" ani Zette sabay irap kay Jam.
"Alam niyo, kayong dalawa, kapag hindi kayo tumigil sa alitan niyo, pag-uumpugin ko 'yang mga ulo niyo! Nakakarindi na kayo!" sita ko sakanilang dalawa. Pareho naman silang tumahimik na dalawa.
"Listen, Jillian, about your decision, it's right. Because seriously, walang desisyong mali. Nasa utak lang naman natin 'yon, eh. Nagiging mali lang ang desisyon, kapag inisip mong mali, at pinanglabanan mo," Pahayag ni Trisha. "About naman kay Melissa--"
"Enough of Melissa! Hayaan nalang natin siya. After all, kaibigan pa din naman natin siya, eh. Okay?" Hindi sila sumagot sa sinabi ko. Ilang segundo ang lumipas nang magsalita si Crizette.
"How about the 'Marry me' thing?"
"College students pa lang naman tayo, ah. And Ari was right. Marriage is a serious matter. Hindi lang basta-basta," Tugon ni Jam. Tumango-tango naman kaming dalawa ni Trisha.
Nag-usap pa kami pero hindi na tungkol sa deal, kundi tungkol sa mga Hot Crushes nila kaya hindi na ako sumali at nakinig nalang. Pagdating naman sa ganitong bagay, nagkakasundo silang tatlo. Single pa naman si Crizette at Trisha pero may mga ka-fling-fling sila. Si Jam naman ay may boyfriend -- si Andrei -- barkada namin. Well, I'm the forever-alone girl sa barkda. Bukod sa wala akong crush, lalong wala akong boyfriend.
Ilang minuto pa kaming nagtagal sa loob ng coffee shop hanggang sa mapag-desisyonan namin na magsi-uwian na.
Naunang umalis sina Crizette at Jamayma at naiwan kaming dalawa ni Trisha sa may tapat ng coffee shop kung saan nakaparada ang mga sasakyan namin.
"Can I come with you?" seryosong sabi nito. Okay, this is serious. Tumango nalang ako at nauna na siyang sumakay sa kotse ko at sumunod ako.
"How about your car? Iiwan mo diyan?" takang tanong ko. May kanya-kanya kaming sasakyan na dala.
"I'll just text my driver to get that from here. Ayoko ng mag-drive," tugon niya. Iiling-iling kong pinaandar ang kotse paalis.
Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa makarating kami sa bahay. Kuya is nowhere to be found. Pumunta kami sa kwarto ko at inihanda ang mga gamit ko.
"You sure about this?" seryosong tanong nito habang palakad-lakad sa harapan ko. Hindi man lang niya ako maisipang tulungan na mag-impake!
"Wala na akong ibang choice, Trish," Simpleng sagot ko. Huminto siya sa paglakad at umupo sa tabi ko.
"I know," huminga siya ng malalim at hinawakan ang mukha ko. "Be careful, okay? You know, I'm not worried about you. I'm worried about Ari. Baka hindi na siya sinagan pa ng araw," sinamaan ko siya ng tingin at tinabig ang kamay niya sa mukha ko.
"Stop being so serious, Trish. You're creeping me out! Akala ko pa naman kung ano ang sasabihin mo! Mabuti pa, tulungan mo nalang akong mag-ayos," inirapan ko siya at tinawanan lang naman niya ako.
"Hindi ako pumunta dito para tulungan ka. I came here to see the hot brother of yours. Nasaan ba siya?" I rolled my eyes at her.
"So, pumunta ka dito para lang makita 'yung Kuya ko? What the hell, Trish? May balak ka pang agawin siya kay Jam?" Natatawang sabi ko.
Guwapo kasi si Kuya at medyo maganda ang katawan. Patay na patay sakanya 'tong mga girlfriends ko. Buti nga at hindi na sila masyadong pumupunta dito ngayon, eh. Minsan, masu-surprise nalang kami sa biglaan nilang pag-punta dito sa bahay pag walang pasok.
"Speaking of Jam... Matawagan nga 'yung bruhang 'yon! Iinggitin ko siya," inilabas niya ang phone niya mula sa pouch at may pinindot sa screen. "Oh hey, babe! I'm with the hot brother of Jillian..." humagikgik pa ito. "Yes... Grabe, Jam! He's shirtless now! Kita ang abs!" napa-iling nalang ako sa trip ng babaeng 'to.
"No, no, no... Don't you dare! I'll hung up now... I'm sorry sweetie, I got him first. Good bye." pagkatapos niyang makipag-usap kay Jam ay tumawa ito ng malakas.
"Grabe 'yung imagination mo, no?" Natatawang sabi ko. "Anong sabi niya?"
"Pupunta daw siya dito!" saad niya saka humagalpak sa tawa. "Nagiging single si Jam kapag 'yung kuya mo ang pinag-uusapan, eh," pumalatak pa ito.
Tinulungan niya akong mag-ayos sa mga gamit na dadalhin ko at pagkatapos ay inaya niya akong pumunta sa kwarto ni Kuya para tignan kung nandoon siya. Nandoon kasi sa garahe ang kotse niya. But unfortunately, wala siya kaya lugmok na nilisan ni Trisha ang bahay namin. Nagpasundo siya sa driver nila at saktong pagka-alis niya, dumating naman si Kuya. Let's talk about malas.
"Who's that?" Tanong niya pagkababa ng kotse. 'Yung kotse pala ni Daddy ang ginamit niya.
"Trisha. She was looking for you," wika ko. Nagkibit-balikat lang siya at umakbay sa akin saka kami sabay kaming pumasok sa loob.
Single pa si Kuya at madaming mga babaeng humahabol sakanya pero wala siyang panahon para sa mga iyon. At hindi naman lingid sa kaalaman niya na gustong siya ni Trisha. Since High School pa. Malakas ang tama niya, eh. Pero mas malakas ang tama ni Jamayma kahit may boyfriend na.
"Have no time for girls now," he stated. "Nakahanda ka na?" Tanong niya. Inirapan ko lang siya at tumungo sa kwarto ko. Since hindi ko na makakasama ang kama, comforter at mga unan ko, might as well susulitin ko na ang mga oras na nandito ako sa bahay.
Isa-isa kong niyakap ang mga unan ko. I have 6 pillows in my bed. Gusto ko kasi na nagsu-swimming ako sa mga unan. Pero according to reader's digest: The person who's sleeping with two or more pillows are the loneliest. But I don't believe that.