Chapter 1
Nakatayo ako sa harapan ng isang full length mirror habang sinusuri ang reflection ko. Naka-curl ang ibaba ng buhok ko, naka-make up na light lang ang pagkaka-apply, kulay pula ang mga labi ko at pinkish ang magkabilang cheeks ko.
And this khaki colour mini dress' compliment my skin tone -- which is annoying because I don't usually wear something like this. Hindi bagay sa attitude ko ang pagsusuot ng dress. And as if I had a choice! Kailangan kong magmukhang presentable because I'm meeting that hell of a damn guy!
Umalis ako sa harapan ng salamin at umupo sa gilid ng kama. Inabot ko ang isang box sa may ilalim at kinuha ang laman nito. Okay. Alright! Can I just wear flat shoes instead of this chunky black heeled shoes? Ni hindi ko nga alam kung paano ipang-lakad 'to! Ang ganda pa man din sana, pero baka matapilok ako at mabalian ng leeg at mamatay kapag isinuot ko ito! Pointed pa naman 'to at ang taas ng takong. Tsk! But then again, wala akong choice.
Tinignan kong muli ang sarili ko sa salamin kung bagay ba ang chunky black heeled shoes sa khaki color dress na suot ko ngayon and... yeah. Bagay nga. Pero dahil hindi naman isang palapag lang ang bahay namin at kailangan ko pang bumaba sa 20 steps stair, hinubad ko ulit ang sapatos ko at binitbit, at naka-paang bumaba patungo sa working room ng ama ko.
"Wow! You look... stunning, Jill!" puri ng Ate ko pagkapasok ko sa working room ni Daddy. Tumayo pa siya at lumapit sa akin. Well, lahat naman sila nagulat sa transformation ko. Even my Kuya who's sitting next to our father.
"Thanks, Ate. But I'm not comfortable wearing this! Parang nakikitaan ako, eh," I said while looking at the dress. Hindi naman siya masyadong masagwang tignan. Above the knee ang haba nito at hindi naman litaw ang cleavage ko.
"Oh, come on, Darling! You look fabulous!" wika naman ni Mommy at hinawakan ako sa balikat at tinignan mula ulo... at huminto ang paningin niya sa kamay ko kung saan ko hawak ang mga sapatos. "Well... tell me you're gonna wear these," ngumiti ito at kinuha sa kamay ko ang mga sapatos at inilapag sa sahig.
"Of course! Later?" sabi ko na hindi sigurado.
"You don't have to do this," sabay-sabay kaming napalingon sa gawi ng Daddy ko dahil sa sinabi niya.
"What do you mean, Dad?" Tanong ng Kuya ko.
"Jillian do not have to meet Mishari and talk to him asking for his help. I already talk to Marcus," he stated seriously.
Well, hindi ko naman masisisi si Daddy kung pagbawalan niya ako. Nilapitan niya na kasi si Mr. Hizon at kinausap na kahit ilang buwan lang ay bigyan niya kami ng palugit pero ayaw niya. Masyado siyang matigas dahil malaking pera ang nawala sakanya kaya gusto niyang kunin ang kumpanya ni Daddy. Masyadong malaki ang investement ni Mr. Hizon sa Arguelles kaya ganoon nalang ang paghahabol niya. But what the hell! We're not running away!
And damn that Mr. Fernandez! This is all his fault! Kung hindi niya lang itinakas ang pera ng Arguelles company, hindi sana namomroblema si Daddy ngayon. Hindi na sana niya kailangang maki-usap pa dahil labag iyon sa kalooban niya. Knowing my father, he has the highest pride! At hindi ko na sana kailangang kausapin si Ari tungkol dito.
Lumakad ako palapit kay Daddy at umupo sa harapan niya. I slightly squeeze his hands. I will not just sit my ass here kung alam ko naman na may magagawa ako. At determinado akong kausapin 'yung pesteng 'yun para hingin ang tulong niya na kumbinsihin ang Daddy niya na bigyan kami nang kahit ilang buwan. We don't even know where to get 65 million for oxygen's sake!
"Dad..." sambit ko habang nakangiti. Tumingin naman ito sa akin. "Only for you, I will wear this," I gesture to my dress. "And only for you and for our company, I will talk to the Son of Mr. Hizon and ask for his help. And it will work. Trust me." Saad ko kahit hindi ko alam ang magiging resulta ng pag-uusap namin ng lalaking iyon.
At kung hindi ko man siya mapapayag sa normal na paraan, dadaanin ko siya sa dahas kung kinakailangan. Hindi ko papayagan na mawala ang kumpanyang pinalago at minahal ng ama ko. Nasuklay na lamang ng tatay ko ang mga daliri niya sa buhok.
"I don't understand why he wants to talk to you!" Bulalas nito na nakapagpa-isip sa akin.
Yeah. Why me? Kina-usap na siya ni kuya Tristan but he refuses to help... hangga't hindi ako ang nakaka-usap niya.
Bakit nga ba ako? Maybe because... we were classmates since kinder-garten until high school? Because he was my cousin s***h bestfriend's ex-boyfriend? Or maybe because... we were bestfriends back then? And what happened?
Oh, that thought has nothing to do with this. Hanggang ngayon pa naman magkaibigan kami, eh. Pero hindi na tulad ng dati. Well... it doesn't matter why the hell me. Ang importante, mapapayag ko siya na kumbinsihin ang ama niya na bigyan ng palugit ang Daddy ko.
"You need to go, Jill or you'll be late," pahayag ng Kuya ko at inalalayan akong tumayo. Nag-paalam na din ako sakanila, pero bago ako tuluyang lumabas ng kwarto, lumapit ulit ako sa Daddy ko at hinalikan siya sa noo.
"I'm your daughter, and I want you to trust me in this." Sabi ko at ngumiti dahil alam kong hindi pa siya masyadong kumbinsido.
Inabot sa akin ng kuya ko ang isang pares ng sapatos bago ako tuluyang lumabas dahil seryoso akong mamaya ko sila isusuot dahil baka ma-aksidente ako kapag nag-drive ako ng naka-heels. Hinagis ko sila sa passenger's seat nang makasakay na ako dahil may tsinelas naman akong suot.
Binuhay ko ang makina at huminga muna ng malalim bago ko paharurutin ang sasakyan. Ito 'yung dahilan kung bakit ayokong isuot ang heeled shoes ko. Dahil hindi ako makakapag-maneho ng mabilis at maayos.
Dahil walang masyadong traffic dahil sabado, mabilis lang akong nakarating sa isang fancy restaurant kung saan ko kikitain si Ari, pero medyo late pa din ako sa oras ng usapan namin. Kung hindi ko lang talaga kailangan ng tulong niya, hindi ako makikipag-usap sa tulad niya. He is a devil for his own good!
Ipinarada ko ang kotse ko sa bandang kaliwa ng parking lot at bago tuluyang lumabas ng sasakyan, isinuot ko ang sapatos ko. I kept my cool wearing these shits while walking.
Pagkapasok ko sa loob ay may mga ibang tao na at kaagad kong hinanap ang isang lalaki pero hindi ko siya makita, kaya nagtanong na ako sa receptionist.
"Excuse me, is there any reservation for Mr. Mishari or Ari Hizon?" Tanong ko sa isang receptionist na babae.
"Yes, Ma'am. You must be Miss Jillian Arguelles?" tumango ako. "Follow me, please," she said in a sweet tone of voice.
Sinundan ko siya, at nakarating kami sa dulong bahagi ng restaurant. Katabi lang ng glass wall ang table namin and it's good for two. At akala ko ay nandito na ang lalaking kikitain ko ngayon, pero wala pa pala.
"Where is he?" Takang tanong ko.
"Papunta na daw po," Tumango nalang ako saka umupo. Umalis na din 'yung babaeng receptionist at iniwan ako.
At dahil naiinip ako, and at the same time, nagugutom na, tumingin-tingin ako sa menu at humanap ng kakainin. Pero nang maisip ko na may hinihintay pa pala ako, pinigilan ko muna ang kumakalam kong sikmura.
"Can I take your order, Ma'am?" Wika ng isang waiter na lumapit sa akin. Nakangiti ito at kita ang ngipin niya. At ang cute niyang ngumiti dahil sa sungki niya.
"Can I have water first? I'm still waiting for someone," at ngumiti ako. Tumango naman siya at umalis.
Pero habang naglalakad siya patungo sa kung saan ay nakatingin pa siya sa akin at nakangiti kaya inalis ko ang tingin ko sakanya. Jeez! He's creeping me out!
Nang makabalik na siya na dala ang tubig na hiningi ko ay hindi ko na siya muling tinignan pa dahil nawi-weirdohan ako sakanya.
Ilang oras na ang lumipas at naka-ilang tubig na akong hiningi sa mga waiter na dumadaan para lang malagyan ng laman ang sikmura ko ay wala pa din siya. Damn that jerk! Akala ko ay ako na ang late pero mas late pala siya! Damn him! Hindi ko maiwasan ang mapamura kapag tinitignan ko ang oras sa orasan na nakasabit sa wall ng restaurant.
Maya't maya pa ay nagulat nalang ako ng may i-serve ang isang waiter sa mesa ko. Hindi na ito 'yung waiter na hiningan ko nang tubig kanina. Cute din naman ito at ang seryoso ng mukha. And dammit! My mouth starts to water! Pero hindi ko in-order ang mga ito.
"I didn't order anything yet," sabi ko sa sakanya dahil puro tubig lang ang hiningi ko kanina. Hindi ko matandaan na um-order na ako.
"Pinapa-serve na po ni Mr. Hizon. Mauna na daw po kayong kumain dahil baka ma-huli siya," Parang napantig ang tenga ko sa sinabi niya. I'm waiting here for like 3 f*****g hours!
"Baka mahuli siya?" ulit ko habang nakangiti tumango naman ito. "Pakisabi sa Ari na 'yan, kapag hindi niya ako sinipot ngayon, susunugin ko siya!" gigil na wika ko.
I'm starving to death but I endured it dahil baka ma-bad shot ako sakanya kapag nauna akong kumain. Tapos...? Demonyo talaga siya!
Ngumiti nalang ang waiter na parang natakot sa sinabi ko at umalis. Hindi talaga bagay sa attitude ko ang dress! At kapag naiisip ko na nag-effort akong mag-suot ng dress dahil lang makikipag-kita ako sakanya, lalong umiinit ang ulo ko, dahil parang pinaghihintay niya ako sa wala!
Huminga ako ng malalim para mapakalma ang sarili ko at kinuha ang fork and knife at sinimulang kumain ng kalmado. Uubusin kong lahat ito, at siya ang magbabayad. At aalis ako dito kapag hindi siya sumipot! I will not pay for this! Never mind that I waited for him!
Sa kalagitnaan ng pagkain ko, may isang lalaki ang umupo sa upuan sa harapan ko. Tumigil ako sa sa pag-subo at tinignan siya ng mataman. He's wearing blue collar long sleeve na bukas yung dalawang butones sa taas. May suot din siyang beanie pero may mga nakasilip pa ding buhok niya. Well, wow. Nahiya naman ako sa isinuot ko!
"Oh, I'm sorry for being late. I'm busy," pahayag nito habang nakangiti ng nakaka-insulto. Hindi ako kumibo. "Did I disturb you? Continue eating. You must be starving--OUCH! What's f*****g wrong with you?!" Galit na sabi niya dahil sinipa ko ang binti niya.
At nakakasigurado akong masakit iyon dahil 'yung takong ng suot ko ang talagang pinatama ko.
"Be thankful na hindi bumaon sa buto mo ang heels ko," I hissed at him.
"Well, well, well. I thought it's not you who's sitting in here. Seriously, hindi kita nakilala," komento nito habang hinahaplos ang parte ng binti niya na sinipa ko pero hindi ko pinansin ang sinabi niya.
"Why are you late? Alam mo bang kulang pa ang pag-sipa ko sa'yo sa pagpapahintay sa akin ng tatlong oras?" seryosong wika ko. He just smiled.
"I told you, I'm busy. Pasalamat ka nga, na-isiksik pa kita sa schedule ko, eh," he smirked. Ang yabang talaga! Huminga ako ng malalim at uminom ng tubig.
"You need to help me, Ari," diretsong sabi ko pagkatapos kong uminom at tinignan siya ng diretso sa kanyang mata. Ayoko ng magpaligoy-ligoy pa dahil ayoko ng makita ang kumag na ito dahil lalong umiinit ang ulo ko.
"I can tell that your Dad didn't succeed talking to my Dad," He said flashing his crooked grin. I rolled my eyes at him.
"Yeah, right. Sa tingin mo ba kung pumayag lang ang ama mo, uupo ako dito at maghihinay ng tatlong oras para lang sa'yo?" I said sarcastically. Naiinis talaga ako sakanya! Umarte naman ito na parang nasaktan.
"Oh... You are really sure on how to hurt my ego, baby," wika nito at ngumiti ng nakakaloko. "But in case you forgot why the hell you're here... I will remind you that... you need something from me. So, throw away your bitchy side," this bastard! I let out a small sigh.
"Yes, and you're going to help me. Alam ko naman na kaya ako 'yung gusto mong maka-usap ay dahil may kailangan ka din sa akin," tumango-tango naman ito na parang alam ang sinasabi ko.
But to be honest, ako mismo, hindi ko alam kung ano ang kailangan niya sa akin at gusto niya pang ako ang maka-usap niya.
"Of course! I'm a businessman, Miss Arguelles. Hindi ako basta-basta tumutulong ng walang kapalit," he smiled devilishly. "So, what can you offer?"
"I can help you with Melissa. We both know that you still love her," diretsong pahayag ko. Napataas naman ang kilay niya sa sinabi ko. Alam kong mali ang idamay ang pinsan ko dito pero siya nalang ang alas na hawak ko na alam kong hindi tatanggihan ni Ari.
"And we both know that I can have her back without your help, right?" ngumiti ito ng nakakaloko. "Anytime, Jillian. I can have her back." Biglang sumeryoso ang mukha niya. "Any brilliant idea out there?" Ugh! Hindi ba siya pwedeng magpanggap na mahihirapan siyang makuha ulit si Melissa? Jeez!
"Pwede kitang sirain sakanya. Remember that we're cousins," I smirked. Hindi ko naman kayang gawin iyon, eh. Pero kung iyon lang ang paraan para pumayag siya na tulungan kami, why not!
"Are you threatening me, Miss Arguelles?" Wika nito at tumawa ng nakaka-insulto. Nauubos na talaga ang pasensiya ko!
"Ari, look. Aanhin niyo pa ang kumpanya ng Daddy ko when you own all the prestigious company around the globe? Iyon nalang ang natitira sakanya, eh. Buwan lang naman ang hinihingi namin sa inyo, eh. Bakit ba hirap na hirap kayong ibigay? We're not running away!" Sigaw ko sakanya.
Ubos na ubos na talaga ang pasensiya ko sa taong 'to! Hindi ko naman planong maging ganito ang takbo ng usapan namin, eh. Hindi ko planong mag-drama lalo na sa harapan niya!
"My Dad have plans for Arguelles in the future. Malaking pera ang itinaya ng Daddy ko sa kumpanya niyo, at kailangan niyo iyong bayaran. Sure, you're not running away. But if you can't pay him, ang Arguelles ang magiging kabayaran," seryosong sabi nito.
"And who will handle Arguelles? Ikaw? Alam naman natin na ayaw mong humawak ng kompanya, 'di ba? And you're still studying! I know that you can hire someone to handle Arguelles... but Ari, kompanya iyon ng Daddy ko. You can't just take that away from him!" Gigil na saad ko at hinampas ang mesa.
"Give me some proposals so I can help you," napahid ko nalang ang noo ko sa sobrang inis! At bago ko pa mapigilan ang bibig ko, nasabi ko na ang salitang nabuo sa utak ko.
"Marry me," wika ko na ikinagulat niya. Alam kong mali, pero wala na akong ibang maisip na iba pang ideya. Alam ko naman na hindi siya papayag but I'm just trying my damn luck! Mula sa pagka-gulat ay bigla siyang tumawa ng malakas na ikinairita ko.
"The biggest arrogant girl in town is asking me to marry her? What a news!" Malakas na sabi nito sa kabila ng pagtawa. Damn this guy! Pinagtitinginan na tuloy kami ng mga tao!
"You're insane!" I hissed at him. And I want to burry myself in deepest of the ground! Jeez! Paano ko hinayaan ang bibig ko na palabasin ang mga salitang iyon?!
"I'm Ari," tatawa-tawang sabi nito habang nakahawak sa tiyan. I want to raised my middle finger in front of him pero baka lalong hindi niya ako tulungan.
"Damn it, Mishari! What I really need is your f*****g help! Not your disgusting laugh!" Pikon na sabi ko dahil sa kahihiyang nararamdaman ko ngayon. Hindi siya sumagot at pagkaraan ng ilang segundong pagtawa niya ay naging seryoso ang kanyang mukha.
"Marriage is a serious matter, Jillian. I'm sorry to say this, but I have to take that proposal down. Anytime, handa akong magpakasal. But she is not ready yet, but I am willing to wait for her until she's ready. Madami siyang pangarap na gustong matupad, eventhough I'm out of the long list, I'm still willing to wait for her," Napakagat nalang ako sa ibabang labi ko.
How so stupid of me to say that without thinking about Melissa's feelings! Alam ko naman na siya ang tinutukoy niya, eh. Nakakainis dahil bukod sa napahiya ako, nakakaramdam pa ako ng guilt feeling ngayon.
"I think, this conversation is over," Mahinang sabi ko saka tumayo. Hahanap nalang ako ng ibang paraan para mabayaran ang 65 million ng tatay niya. Kung alam ko lang na walang patutunguhan ang usapang ito, hindi nalang sana ako nag-hintay ng tatlong oras para sakanya!
Nakaka-ilang hakbang na ako ng biglang may humila sa braso ko kaya napahinto ako. Lumingon ako at tinignan siya.
"It's not over yet," Wika nito. "I have something in store for you," Sabi niya saka ako pina-upo sa pwesto ko kanina.
"What is it?" Takang tanong ko. Sumilay ang mala-demonyong ngiti sa kanyang mga labi na ikinabilis ng pagtibok ng puso ko. Ugh. Nagsisisi na akong nakipag-usap sa taong 'to! Inilabas niya ang phone niya at may kinalikot na siya lang ang nakaka-alam.
"Well, you're gorgeous tonight..."
"Ari, kung ano man ang iniisip mo, hindi ako papayag!" Sigaw ko sakanya habang dinuduro-duro siya. Muli akong tumayo at akmang aalis na sana pero napatigil ako nang magsalita siya.
"What? Hindi pa ako nagsisimula!" Protesta nito at inilapag ang phone sa mesa. Sinamaan ko lang siya ng tingin. "Umupo ka nga muna," utos nito sa akin kaya umupo ako. Tumawag naman siya ng waiter para linisin ang table namin at um-order na din ng one bottle of wine.
"Ari, kung kalokohan lang ang iniisip mo, kahit 'wag mo nalang kaming tulungan," walang emosyong wika ko at tinignan siya. Knowing this bastard, mahilig siyang makipag-laro ng apoy!
Dumating na 'yung tinawag ni Ari at sinimulang linisin ang table namin. Dala na din niya 'yung wine at dalawang glass wine.
"Bro, I think that area's already clean. Do you mind if I ask you to clean this, too?" Bruskong sabi ni Ari sa kawawang waiter. Tinignan ko ito at namukhaan. Siya 'yung waiter na may sungki ang ngipin kanina. Nilinis naman agad niya ang tinuturo nito.
"What now?" Wika ko ng makaalis na na 'yung waiter. Tumingin naman si Ari sa akin ng nakangiti habang nilalagyan ng laman ang dalawang baso. Swear, kapag hindi ko nagustuhan ang sasabihin niya, hindi ako magdadalawang isip na hubarin ang sapatos na suot ko at itarak sa lalamunan niya ang takong nito.
"May binili akong condo malapit lang sa University. And I will move there the next day..." Hindi ko na siya pinatuloy sa pagsasalita dahil naiinip ako.
"Can't you say it straight to the point, Dude? Gusto ko ng umuwi," Masungit na sabi ko at uminom ng wine. Sumasakit na din 'yung paa ko.
"Whoa! Impatient, aren't we?" He smirked. "So, as you wish... here it is. I need someone to help and accompany me. So I think, you're the perfect one. Since you also need my help, right?"
"What do you mean?" mahigpit kong hinawakan ang baso.
"I want you to live with me... and work for me," Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Live with me and work for me? Ano siya?!
"Are you kidding me? You just refuses my proposal to marry me, tapos gusto mo akong tumira kasama ka? Come on, Ari! Paano kapag nalaman ni Melissa at ng barkada? Gago ka ba? At anong work ang sinasabi mo? Taga-linis ng unit mo?" Bulalas ko. Well, yes, we have the same circle of friends. Funny, isn't it? At kapag nalaman ni Melissa na pumayag akong tumira kasama siya, ano nalang ang sasabihin ko? Tss. And hindi ako papayag na mahing katulong ng kutong-lupang ito!
"You're afraid that Melissa knows about this?" Nakakalokong tanong nito. Hindi ako sumagot. "Did you ever think about Melissa when you asked me to marry you?" ngumiti ito ng nakaka-insulto kaya muli ay nakaramdam ako ng hiya sa katawan.
"Fine! Pero, hello? Nag-aaral pa ako--tayo! Ano nalang ang sasabihin ng mga magulang ko kung sakaling pumayag ako sa gusto mo?" Tanong ko. Ano ba ang tumatakbo sa utak ng pesteng ito?!
"Your parents are not my concern. You just need to live with me and work for me for five months. And rest assured that you don't need to pay the 65 million. Ako na ang bahala sa Daddy ko," Napanganga ako sa sinabi niya. That's it! That's brilliant! Pero...
"Anong ipinagkaiba nang sinabi kong 'Marry me' sa gusto mo ngayon?" I tilt my head to the other side. Wala naman kasing pagkakaiba, hindi ba?
"Differences are: walang kasalang magaganap. Hindi ka lang basta titira dahil magtatrabaho ka sa akin. Is that what you wanted to hear?" He said with evil smirk.
"Oo, alam kong walang kasalang magaganap. Pero titira pa din tayo sa isang bubong! Anong sasabihin ko sa mga magulang ko? Baliw ka ba?" I impatiently said.
"I told you, your parents aren't my concern... at all. Alangan namang tulungan pa kitang magpaliwanag sakanila?" Napakamot nalang ako sa batok ko. "Now, take it... or leave it?"
"Can you give me some time to decide?!" I asked at tuloy-tuloy na ininom ang laman ng baso. Jeez! Parang gusto kong mag-back-out, ah! Kaya ko bang tumira kasama siya? And for cheesecake's sake!!! Gagawin niya akong katulong?! Ano bang alam ko sa gawaing bahay?!
"I can, and I will give you one week to finalize your decision," He shrugged. "But my father is the impatient person I've ever known, so, I want your answer now." Napamaang ako sa sinabi niya. Ginigipit ako ng pesteng ito!! Kung may iba lang akong malalapitan, hindi ako papayag na makipag-usap sa gagong ito!
Think, Jillian. Think! Nandiyan na 'yan. Siya nalang ang pag-asa niyo. Hindi ko kakayanin ang makita ang tatay ko na malungkot at hindi ko papayagang mapasakanila ang Arguelles. Damn it! I took a deep breath before answering.
"Fine! I'll take it!" Sumilay ang nakakainis na ngiti sa mga labi niya. It's final. "But in one conditon," Tumango naman ito na parang hinihintay ang kondisyon na gusto ko. "Gusto kong maibalik na kaagad sa Daddy ko ang Arguelles sa lalong madaling panahon! At ayokong matulog sa iisang kwarto kasama ka!"
"Be thankful for being completely gorgeous... for this night 'cause I just can't leave you here not helping you. But, I don't want to sleep in one room with you either," Inalis ko ang tingin ko sakanya dahil naramdaman ko ang pag-init ng magkabilang pisngi ko dahil sa sinabi niya.
"Shut up, Mishari!" I hissed.
"Alright. So, deal?" Tumayo ito at inilahad ang kanyang kanang kamay. I took and shook it as I say,
"Deal."
Yes, that's final. I'm on to this stupid deal!