Chapter 4
Nakatayo ako sa harapan ng pintuan ng magiging bagong tirahan ko habang naghihintay na pagbuksan ako ng pintuan nang pesteng magiging amo ko. Limang beses na akong nag-doorbell at hanggang ngayon ay hindi pa niya binubuksan. Nangangawit na ako dito sa kinatatayuan ko dahil 15 minutes na yata akong naghihintay at bitbit pa ang mga gamit na dala ko! Ugh.
Pinindot ko ulit ang doorbell at naghintay na buksan niya ang pintuan pero wala pa ding nagbubukas! That guy is really getting on my nerves! Napipikon na naman ako! Ayoko ng pinaghihintay ako, pero wala akong choice kung hindi ang maghintay! Bakit ba hindi pa ako nasanay? Mainipin kasi akong tao, eh. Tss.
Ibinagsak ko ang bag na hawak ko at marahas na kinuha ang cellphone ko sa bulsa. Punyetang lalaking iyon! Tinawag-tawagan akong pumunta na dito, hindi naman pala niya bubuksan ang pinto! Nakaka-ubos ng pasensiya!
Mabilis kong hinanap ang pangalan niya sa mga contacts ko at nang makita ko ay agad ko siyang tinawagan. Nakaka-limang ring na nang maisipan niyang sagutin!
"Bwisit ka! Pinapunta mo ako ng ganitong oras dito sa condo mo, wala ka naman palang balak na pagbuksan ako ng pintuan! Bwisit ka talaga!!" Gigil na pahayag ko bago pa man niya matapos ang 'Hello' niya. Narinig ko naman na maingay sa kabilang linya pero sa kabila ng ingay na 'yun, narinig ko pa rin ang punyetang pagtawa niya.
"Haven't received my text? Try to check your inbox, Jill. I already sent you the code!" napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Medyo sumisigaw na siya dahil maingay sa impyernong kinaroroonan niya. Malamang ay nasa isang bar itong gagong 'to.
"Anong code?!" gigil pa din na sabi ko.
"Passcode sa unit ko! Why are you so stupid?" alam kong nakangisi siya habang sinasabi niya ang mga salitang iyan.
"Screw you, bud!" Saka ko tinapos ang tawag. Nag-browse ako ng messages at nakita ko ngang may message siya kaya binuksan ko.
Ari
Hey, I'm at the bar. We have a gig tonight. Here's my passcode: 81624575. Don't sleep yet. We have a lot of things to discuss. I'll be at home by 10:30
Pagkatapos kong basahin ang makabagbag damdaming message niya ay hindi ko na pinalipas ang segundo at mabilis kong tinayp ang passcode para mabuksan ang pintuan. Dali-dali kong hinila papasok ang dala ko at umupo sa couch sa may living room. Napansin kong medyo malaki ang unit niya kaya naisipan kong maglibot.
May living room na may isang Plasma T.V, set of couches, medyo malaki ang kitchen, bar counter... Umakyat ako sa taas dahil may twelve step stairs ito. Dalawa 'yung room. Binuksan ko ang unang kwarto na nasa bandang kaliwa na mauuna mong madaraanan. Malaki din ito at mayroong King Size bed at sa tingin ko, kay Ari ito dahil may tatlong guitar sa sulok. Mayroon ding sariling C.R at mayroong malaking walk-in closet. Maayos na din 'yung mga gamit dito. May maliit din itong balcony.
Tumungo naman ako sa isang kwarto na kung hindi ako nagkakamali ay magiging kwarto ko. Malaki din siya, pero mas malaki 'yung sa kabila. May sariling C.R din ito sa loob. Color sky blue ang paint ng wall. Hindi masyadong malaki ang kama. Umupo ako dito at tinantsya kung malambot, at malambot naman nga. There's a mini walk-in closet -- well more like janitor mop closet size, actually. Pumasok ako sa loob ng C.R. at wala man lang siyang bathtub. Unlike 'yung kay Ari, mayroon!
Nang malibot ko na ang buong unit ni Ari ay bumalik ako sa living room at humiga sa couch habang naghihintay sakanya. Isang oras pa bago siya dumating dito! Anak talaga siya ng tatay niya!
"Hey, wake up... Jill..."
Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko dahil sa tinig na naririnig ko at ang mahinang pag-yugyog sa balikat ko. Naaninag ko ang mukha ni Ari kaya napa-upo ako at nagkamot ng ulo.
"Kanina ka pa ba?" Inaantok na tanong ko habang pinipigilang pumikit ang mga mata. Nakatulog na pala ako ng hindi ko man lang nalalaman.
"Nope. Kadarating lang. Kumain ka na ba?" umiling ako. Napansin ko naman siyang umupo sa katabing upuan. "Let's eat first bago tayo mag-usap," tumayo siya at umalis. Sinundan ko lang siya at umupo sa isang stool.
Napansin kong naka-pantalon pa siya at long sleeve na kulay Grey. Mukha ngang kadarating lang niya, ah. May kinuha siya sa fridge at inilagay sa microwave. After tumunog ng timer ay hinapag niya ito. Kumuha siya ng dalawang placemat, pinggan, kutsara't tinidor, at baso.
"Juice or water?" tanong niya.
"Water," simpleng sagot ko. Kinuha niya ang isang pitcher ng malamig na tubig sa fridge at umupo sa tabi ko.
"So... maayos na pala 'tong unit mo. Bakit mo pa ako naisipang kunin bilang isang kasambahay mo?" tanong ko na binigyang diin ang salitang 'kasambahay' pagkatapos kong lunukin 'yung pagkain sa bibig ko. Wala na kasi talaga akong makitang mali dito, o kaya naman ay magulo. Maayos na ang lahat pati sa dalawang kwarto.
"Two weeks ko ng ipina-ayos 'to," tugon nito habang pinaglalaruan ang pagkain sa plato niya gamit ang tinidor.
"Eh bakit mo sinabi sa akin na kailangan mo ng tutulong sayo para maayos ang mga gamit mo dito?" Tanong ko pa. Ganoon din kasi ang sinabi niya sa Ate ko.
"Gusto mo na bang magback-out sa deal? It's okay with me. You can always leave anytime you want," sagot nito ng hindi pa din tumitingin sa akin. Inirapan ko nalang siya kahit hindi niya nakikita.
"After kong mag-impake ng mga damit, pinapaalis mo ako? Wow, ha. Iba ka talaga!" iiling-iling na sabi ko saka uminom ng tubig. "Tapos na akong kumain, ano 'yung pag-uusapan natin?" tumayo ako sa may gilid niya.
"Ligpitin mo muna 'yan," utos nito pagkatapos uminom ng tubig saka nilisan ang kitchen. Sinikap kong huwag kunin ang platong pinagkainan niya para ibato sakanya.
Pagkatapos kong ligpitin at hugasan ang mga pinagkainan namin ay tumungo ako sa living room. Nadatnan ko siya na naka-upo at naka-de kwatro. Napansin ko din na bagong ligo siya dahil basa ang buhok niya. Ganoon na ba ako katagal mag-hugas ng dalawang pinggan? Ah, right. Kung anu-ano pa kasi ang kinalikot ko sa kitchen niya.
"I'll tell you your 'Do's and Dont's, so listen carefully," seryosong saad nito habang nakatingin ng diretso sa mata ko. Tumango nalang ako at umupo sa couch na nasa harap niya. "Do's: You'll wash my clothes... and of course, yours, too. Ihiwalay mo ang puti sa de-color, ha? Clean this unit when you had free time. You'll do the house chores. Clean my C.R... ayoko ng marumi. Iron my clothes. 'wag na 'wag mong susunugin!" pahayag nito.
"Oo! I'm not stupid!" I snapped.
"Pwede kang umuwi sa inyo during weekends. Pero dapat na-ipaglaba mo ako ng mga damit ko. And just make sure na babalik ka ng sunday morning or afternoon. Huwag lang gabi," tumango ako. "Linisin mo 'yung room ko, at room mo. Siguro naman nakapag-wander ka na dito, right?" tumango ulit ako. "Good."
"Don't's?" wika ko.
"Don't cook by yourself. I know you. You're a kitchen jinx. Last time na sinubukan mong mag-luto, muntik mo ng masunog ang bahay nina Melissa," inirapan ko siya sa sinabi niya dahil nahiya ako. Bakit ba niya kailangang ipaalala iyon? Tss.
"Bilis! Sabihin mo na lahat!" pagmamadali ko sakanya.
"Don't interfere with my personal life. Kung sino man ang kasama kong uuwi dito, you have no say to that. Hindi din kita pakikialaman sa personal mong buhay,"
"Oh, tapos? Alam mo, hindi mo na kailangang sabihin sakin 'yan dahil kahit sino pa ang i-uwi mo dito sa condo mo, hindi kita pakikialaman... kung hindi na kayo ng pinsan ko," ano ba sa tingin niya? Na pati personal na buhay niya, pakikialaman ko? Ha! Pakialam ko ba kung magpatira pa siya ng sampung babae dito.
"Don't worry, hindi na kami," Sagot nito kaya tumango ako. "Huwag ka din pa lang lalabas kapag dis-oras ng gabi,"
"What? Akala ko ba walang pakialaman sa personal na buhay? Bakit pati paglabas ko ng gabi, bawal? Tatay ba kita? Ha?" Kunot-noong sabi ko.
"Bakit? May kakilala ka bang katulong na lumalabas ng gabi, ha?" sabi nito malapit sa mukha ko kaya sumandal ako sa upuan. Ang bango ng mouthwash niya.
"Wala nga. Pero bakit hindi pwede?"
"My house, my rules. Now, if you don't want to--" Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya dahil alam ko na.
"Oo na!" I waved my hand. "Bawal na akong lumabas kapag gabi!" Bitter na sabi ko. "Pwede din bang pumasyal sina Jam dito?" Tanong ko. Tumango naman siya. "Eh paano kapag gagala kami ng gabi, pwede din ba?" Tanong ko pa.
"Let me think about that," Sabi nito.
"Alam ba ito ng mga magulang mo?" Tanong ko. Umiling siya. "Okay. So we have to keep this between us. I mean, I know, alam na ng mga kaibigan natin, ng pamilya ko at ni Melissa. Pero sana... hindi na ito lumabas. Baka kasi malaman ng mga magulang ni Melissa 'to, eh. And you know... Si lola... favorite si Mel... gustong-gusto ka nila for her..." may pag-aalalang sabi ko.
"Wala akong planong ipag-sabi ang tungkol dito," tugon nito.
"Thank you," sabi ko.
"Go to your room now," wika niya saka tumayo at kinuha niya ang maletang dala ko at ang isa pang bag. Ako nalang ang nagdala sa back pack ko. Pinasok niya sa kwarto ang mga gamit ko saka na siya lumabas at isinarado ang pinto. Kumag na 'yon!
Inayos ko na din ang gamit ko at inilagay sa closet ang mga damit. Ipinatong ko sa study table ang mga libro ko, pati na din 'yung laptop ko, at iba pang gamit.
Pumunta na din ako sa C.R para ilagay ang mga toiletries na dala ko dahil bago ako ihatid ni kuya dito ay namili na ako ng mga iba pang mga gamit ko.
Twelve-thirty ng matapos kong ayusin ang mga gamit ko at naisipan kong buksan ang laptop ko para makapag-check ng e-mails. Baka nag-reply na si Melissa. Nang may masagap na Wifi ang laptop ko, kaagad ko 'yung kinlick pero may password. Ang damot ng Ari na 'to!
Tumayo ako at lumabas sa room ko. Tumungo ako sa harapan ng kwarto niya at kinatok iyon. Hindi ko alam kung gising pa siya sa mga oras na ito, pero binuksan naman niya agad ang pintuan.
"Anong password ng wifi mo? Grabe, ha. Ang damot mo!" Wika ko. Inirapan lang niya ako bago sumagot.
"Eleven na 1," Sagot nito. Tumango nalang ako at umalis sa harapan niya. Agad kong in-input ang eleven na 1 at ayun nga, nag-connect sa 'AR1x5455' na pangalan ng Wifi niya. Duh!
Agad akong nag-open ng e-mail account ko at may isang e-mail galing kay Melissa. Bigla akong kinabahan dahil baka kung ano na ang reply niya. Tatlong beses akong huminga ng malalim bago buksan, at napangiti nalang ako ng mabasa ko ang details ng reply niya.
Hi, cuz! Sorry if I responded at your message just now. I'm kind of busy and have no time for checking my e-mails. But don't worry, I understand your reason why you have to do that. In fact, Ari already told me about that, and he explained every details. He phoned me! Though I don't like his idea on how you can re-pay him. But don't worry, I won't tell a soul 'bout your deal. Well, just watch Ari for me, okay? You know I still love him. I know that you'll not stir him away from me. Kidding aside. But of course, I love you, too. Take care always. Tell our friends I said Hi.
Love, Mel.
Ang bait talaga ni Melissa! Akala ko ay galit siya dahil dito, pero hindi! See? Naintindihan niya ako. Kaya nga hindi ko ma-gets kung bakit ayaw ni Trisha sakanya, eh. Well, that's another story. Pero may dalawang bagay pa ang gumugulo sa utak ko.
Una, anong sasabihin ko sa mga magulang ko kapag bumalik na sila? Sure, ie-explain ni Kuya. Pero sigurado akong ako pa din ang gustong maka-usap ni Mommy at Daddy. Pangalawa, isusumbong ko ba si Ari kay Melissa kapag may inuwi siyang babae dito? O mananahimik nalang ako at huwag nalang makialam? Jeez!
Nagra-rumble kasi ang utak ko kapag naaalala ko 'yung mga sinabi niya kanina, at 'yung sinabi ni Melissa, eh. Bahala na nga! Mas mabuti na ngang hindi ko nalang sila pakikialaman. I have my own life to live!
Sinarado ko ang laptop at nagtungo sa banyo para makaligo at makatulog na. May pasok pa ako bukas ng maaga at kailangan ko ng magpahinga.