Chapter 5

2490 Words
Chapter 5 Bawat taong mapadaan ay napapatingin sa direksyon naming dalawa. May iba pa nga na huminto sa paglalakad para lang maki-usyoso sa amin. Pero wala akong pakialam dahil umagang-umaga, pinapa-init ng tarantadong ito ang ulo ko dahil ayaw niya akong isabay sa pag-pasok! Parehas lang naman kami ng University na pinag-aaralan! "Bakit ba ayaw mo pa akong isabay, ha? Pareho lang naman tayo ng pupuntahan, ah! Wala akong kotseng dala!" Inis na saad ko habang pumaparak. Ganito ako kapag masyadong naiinis. "Hindi ko na problema ang sasakyan mo, Jill. At lalong hindi ko problema kung hindi mo dinala ang sasakyan mo," Kalmado at natatawang wika nito at akmang bubuksan na ang pintuan ng kotse niya pero humarang ako. Malay ko ba na hindi pala niya ako isasabay sa tuwing papasok, kaya hindi ko na naisipang dalhin pa ang kotse ko! Bakit ba napakadamot nitong kumag na ito? Huwag niyang sabihin na nagtitipid siya ng gasolina dahil parehas lang naman ang gagamitin niyang gas kapag isinabay niya ako! "Ano ba, Ari! Look, late na ako!" Sigaw ko sakanya. Ngumisi naman ito at halatang nag-e-enjoy na pikunin ako. Mukhang nage-enjoy din naman 'yun mga tsismosa. They find this entertaining, huh? Psh. "Mag-commute ka nalang. I really can't give you a ride. May kasabay ako. See, two seater lang 'tong sasakyan ko." Saad nito. At sa sobrang inis, hinawakan ko ang collar ng suot niyang Polo shirt. "Kapag hindi mo ako isinabay ngayon, sasaktan kita," banta ko malapit sa mukha niya. At unti-unti din niyang inilalapit ang mukha niya kaya binitawan ko ang kuwelyo niya at itinulak siya palayo. Tumawa naman ito. "You don't expect me to get scared, do you?" Nakangisi nitong sabi kaya sinipa ko siya sa parteng binti pero hindi siya natinag. "ISABAY MO NA KASI AKO!!!" I shouted at his face. Pikon na pikon na talaga ako, at late na late na din! Bakit ba ako nagsasayang ng oras sa pesteng ito?! "Eh kung kanina ka pa nag-taxi, edi sana, nandoon ka na!" Bahagyang sigaw nito. Napansin ko naman 'yung guard na naglalakad palapit sa amin. Ugh! Nakalimutan kong nandito nga pala kami sa Parking lot! "Eh kung isabay mo nalang kasi ako, wala ng problema!" Gigil na wika ko. Stupid, Lamborghini owner! "May problema po ba tayo, Sir? Ma'am?" Tanong ng Guard ng makalapit siya sa pwesto namin. Hindi ako sumagot, at hindi din siya sumagot. Pinagpag lang niya ang pantalon niya dahil nadumihan ito. "Ma'am, Sir, dapat po ay pag-usapan niyo ang problemang iyan sa isang pribadong lugar. Hindi po dapat dito sa lugar na kung saan ay madaming nakakarinig sa problema niyong mag-asawa." Lalong tumaas at tumindi ang inis na nararamdaman ko dahil sa narinig kong salita mula sa guard. He's a big mouth! "Sumangsang-ayon akong may problema kami, Kuya. Pero hindi kami mag-asawa!" Gigil na pahayag ko. At bago ko pa mapigilan ang sarili ko, dumapo na ang kamao ko sa mukha ni Ari na ikinagulat niya kaya napaatras siya habang nakahawak sa panga. Nagulat din ang ibang nakiki-usyoso pati na ang guard dahil sa ginawa ko. "Screw you, Jerk! That's for wasting my time!" Singhal ko at naglakad paalis ng parking lot, ngunit napahinto ako nangg may humarang sa akin na isang babae na medyo pamilyar sa akin ang namumulang mukha dahil sa... galit? What did I do to her? Nagulat nalang ako nang bigla niya akong itulak kaya bahagya akong napaatras. And because I'm the clumsiest person I've ever known, naapakan ko ang sintas ng sapatos ko kaya na out of balance ako and I cursed as my butt fell on the hard ground. Jeez! "How dare you punch him, b***h! Sino ka ba sa akala mo, huh?" Galit na wika nito. Tumayo ako at pinagpag ang likuran ng jeans ko.  Hinarap ko siya. "And how dare you push me off the ground and call me b***h, huh? Sino ka din ba sa akala mo?" sigaw ko sakanya. Bakit ba siya nangingalam, ha? Ano bang alam ng babaeng 'to? Don't tell me, isa ito sa mga babae ni Ari? Tss! "Ma'am, ma'am, teka lang po! 'Wag po kayong mag-away dito!" Awat ng guard na pumagitna pa sa amin ng pakialamerang babae dahil akmang susugurin na ako. Sinamaan ko lang siya ng tingin at napansin ko si Ari na lumapit sa tabi ng babae. "You okay, Grace?" alalang tanong nito nang makalapit na sakanya. I rolled my eyes at them. Grabe! Napaka-walang hiya talaga niya! Ako 'tong itinulak at nasaktan, pero siya itong tinatanong niya kung okay lang! Tangina talaga! Umagang-umaga sira 'yung mood ko! Ang dami talagang pakialamero sa mundo! Badtrip akong lumakad paalis ng parking lot at iniwan sila. Hindi ko alam kung bakit ako pumayag na maging katulong ng punyetang iyon at ganituhin ako! Ugh. Nag-abang ako ng Taxi pero walang dumadaan. Kahit Jeep man lang ay wala din, kaya wala akong choice kung hindi ang maghintay -- na naman! Hanggang kailan ba ako maghihintay? Yup, I have some serious issue about waiting! May mga ilang kotse ang humihinto sa harapan ko at inaalok akong sumakay pero hindi ko sila pinapansin. Mukha ba akong Call Girl?! At this early? Tangina talaga! Napansin ko ang isang itim na kotse sa may di kalayuan na huminto. Bumusina pa ito, pero hindi ko alam kung sino ang binubusinahan niya dahil wala akong pakialam. Imposibleng si Ari 'yan, dahil kanina pa siya dumaan at pinanindigang hindi niya ako isasabay dahil 'yung babaeng tumulak sa akin ang isinabay niya. "JILL!" Tawag ng isang pamilyar na tinig kaya hinanap ko kung sino. "Jillian, here!" napansin ko ang isang pamilyar na mukha na kumakaway habang nakangiti at nakadungaw sa bintana ng itim sasakyan na nakahinto. "Britz!" Sigaw ko pabalik nang mapagsino ko at agad na tumakbo patungo sa kinaroroonan niya. "What are you doing here?" Takang tanong niya nang makalapit ako. "Obviously, waiting for some available taxi," Tugon ko. "New car?" tanong ko at pinasadahan ng tingin ang sasakyan niya dahil hindi naman ito ang kotse niya na alam ko. "Dad's. Sira 'yung kotse ko. Off to school?" Tumango ako. "Hop in! Papasok na din ako," Ngumiti ako ng malapad sa sinabi niya at mabilis akong umikot sa harapan ng kotse patungo sa kabilang side ng pintuan. "Thanks, Britz! Buti nalang talaga at dumating ka," Wika ko nang makapasok sa loob. Nagsimula na din kaming bumyahe. Britz is our friend. Napaka-inosente ng hitsura nito, pero napakagaling niyang mang-asar. "Call me your Angel," Wika nito kaya natawa ako. "Buti nalang talaga at napadaan ako. Walang dumadaang pampasaherong sasakyan doon. You need to walk a few blocks para makarating ka sa bus terminal. You're going to wait there for like forever," Ah. So that explains everything! Kahit pala mamuti na 'yung mga mata ko sa kakahintay, wala talagang dadaan. And DAMN THAT BASTARD!!! Alam niya siguro na walang dumadaan na pampasaherong sasakyan doon kaya ayaw niya akong isabay! Bakit ba niya ako pinapahirapan?! Ugh. "Buti nalang talaga, Britz! Tangina! Hindi ko alam, eh," Asar na sabi ko. Ngumisi ito. "So... I heard about the news. How's being a maid of the Great Mishari Hizon?" "Stop rubbing the word maid on my face, dude. Honestly, it's not good. Really," Tugon ko habang inaayos ang sintas ng sapatos ko. Hindi na ako magtataka kung bakit alam niya ang tungkol doon. Malamang ay itsinismis na ako ni Trisha. Dikit silang dalawa, eh. "Oh, yeah. Sino ba naman ang may gustong maging katulong ni Ari?" He chuckled. "You should've told me earlier. Edi sana, ako nalang ang tumulong sayo," Nakangiting sabi niya. "But of course, may kapalit." Habol pa niya kaya sinuntok ko ang braso niya. "Okay na 'to. Tsaka, sakanila naman kami may atraso, eh," Sabi ko. "Pero damulag talaga 'yang kaibigan mo!" Dagdag ko nang maalala ko na hindi ako isinabay ni Ari. Tumingin naman ito sa akin. "May ginawa siya sayo?" Tanong nito kaya tumango ako. "Grabe, Britz, kakalipat ko lang last night pero may nakaaway na ako kanina!" Sumbong ko. "At kasalanan ng pesteng Ari na 'yun!" Tumawa naman ito. "Ano bang ginawa niya? Kaya pala busangot 'yang mukha mo. Tsaka paano ka napaaway?" "Ayaw niya akong isabay kaya sinapak ko siya. Eh malay ko bang may mga fantards siya na nanonood doon. Ayun, nagalit!" I hissed. Pasalamat talaga 'yung babaeng iyon dahil humarang 'yung guard. Kayang-kaya kong bangasan ang mukha niya! "Whoa! Impressive!" manghang sabi niya. "Dati ikaw 'yung nagtatago at umiiyak sa likod ni Ari, at ipinagtatanggol niya sa mga nambu-bully sayo. But now? Ikaw na mismo ang sumasapak sakanya," Hindi ko pinansin ang sinabi niya. "And you know what? Iyong babaeng 'yun pa ang tinanong niya kung okay lang siya! Hell! Ako 'yung bumagsak sa semento dahil tinulak ako nung babaeng 'yun! At hindi man lang niya sinabi sa akin na wala palang Taxi or Jeep na dumadaan dito!" Gigil na saad ko. Kapag naalala ko talaga na napa-upo sa hard ground, naiinis talaga ako! "Be careful, Jillian. Madaming babae si Ari na nagkalat," paalala nito. Madami talagang babae si Ari dahil kilala siya ng karamihan dahil sa apelyidong dinadala niya. At bukod pa doon ay banda kasi sila, at siya 'yung lead vocalist and guitarist. And I must admit, he is good-looking son of his mom. At isa pang nakakapagpa-gwapo sakanya ay ang mga ngipin niya pati yung husky niyang boses. Actually, sila-sila lang din ang member nang banda nila -- mga barkada. Si Britz who played the drums, Marion is on the bass, and Andrei is the second leader, and he's playing guitar, too. Minsan ume-extra si Jamayma at Trisha sa pagkanta sa bar nung tito ni Andrei dahil doon sila madalas mag-perform every weekends. Part time job as they call it. "Yeah, right! Kaya nga siya iniwan ni Melissa dahil ang dami niyang babae!" I tsked.  "Madami siyang babae, true. Pero isang babae lang naman talaga ang mahal niya, eh. At handa siyang magbago kapag bumalik sakanya 'yung babaeng iyon. Handa niyang kalimutan ang mga pangarap niya para sa babae na iyon. That's the special thing about him. Kaya nga Idol ko siya, eh." seryosong pahayag nito. And it's Melissa he's talking about, I know. Pero kailangan ba munang bumalik ng mahal mo bago ka magbago? Mas lalong nasisira 'yung image niya, eh. Right? Sino ba naman kasing matinong babae ang babalik sa ex niya kung alam mong napaka-babaero niya, diba? Kahit pa sabihin niyang magbabago siya kapag bumalik ka. Mas maganda na 'yung kahit hindi pa siya bumalik, magbago ka na. And... well, save that for his opinion. May kanya-kanya tayong strategy. "Hindi na magbabago si Ari," walang emosyong sabi ko nalang. Natawa naman siya habang umiiling.  "Anyway, you know the girl?" I shrugged. "She looks familiar, pero hindi ko maalala kung saan ko siya nakita. But I heard Ari calling her Grace," tugon ko. I saw him mouthed oh pero wala na siyang sinabi. Ipinarada niya ang kotse niya sa parking lot ng University at nauna na akong bumaba sakanya. "Hahatid pa kita sa department niyo?" tanong nito habang nakangiti nang makalabas na sa kotse niya. Umiling ako. "Thank you, Britz. See you around!" sabi ko. Hindi ko na hinintay ang sagot niya dahil tumakbo na ako patungo sa Department building ko, at nasa third floor pa lang ang unang klase ko. Pagdating ko ay pumasok pa din ako kahit 30 minutes na akong late. Alam kong pagagalitan ako ng Instructor, pero pumasok pa din ako. It's better late than never, right? "So early for your next subject, Miss Arguelles," Puna ng guro sa harapan pagkakita sa akin. Hindi nalang ako kumibo at nagtuloy-tuloy sa paglakad patungo sa dulong bahagi ng kwarto. Hindi na ako muling binalingan ng tingin ni Mrs. Domingo dahil nagpatuloy na siya sa pagdidiskusyo. Pagkatapos ng klase ko sakanya ay pumunta agad ako sa Cafeteria dahil tinext ako ni Trisha at pinapapunta ako doon dahil may pag-uusapan daw kaming importante. "Jillian, dito!" sigaw ng isang babae at nakita ko si Jam na kumakaway kaya lumapit ako sa table nila. Masyado na kasing madaming tao sa cafeteria kahit hindi pa lunch break. "Yow," Bati ko sakanila. Nandito din sina Marion na katabi si Crizette. Si Trisha, Andrei at Jamayma. "Umupo ka. May pag-uusapan tayo," seryosong wika ni Andrei kaya umupo ako sa tabi ni Jam. "About what?" Curious na tanong ko. "Fifteen minutes lang ang free time ko," sabi ko pa dahil baka medyo mahaba-haba ang usapang ito at mahuli na naman ako sa next class ko. "Kamusta naman ang pagiging katulong, Jill?" Natatawang tanong ni Marion. I rolled my eyes at him. Akala ko kung gaano na ka-importante ang pag-uusapan, iyon lang pala. Christ! "It's not okay. Walang tao ang gustong maging alila ng kapwa tao," walang emosyong sagot ko. "So... bakit ka pumayag?" tanong naman ni Andrei. Huminga ako ng malalim bago sumagot. "For the nth time, I will say this. I had no choice," seriously, naiirita na ako sa paulit-ulit na tanong. Alam naman nila kung ano ang sagot. Tumango-tango naman sila. "Iyon ba ang importanting pag-uusapan natin, Trisha?" I eyed her. "Hindi! Epal lang si Marion at Drei," sagot nito. "Jam, sabihin mo na," utos nito kay Jamayma. "Okay. I need 100 thousand pesos," diretsong sabi nito kaya nagulat ako. "But hey, hindi sa akin iyon, no! Reaction mo!" Sabi nito sa akin sabay irap. "Continue, continue," Pagpapatuloy ko sakanya. Honestly, nagulat talaga ako. May problema din kasi kami financialy, eh. Pero ayaw ko naman sabihin sakanya iyon dahil alam na niya. Ayoko din naman siyang pangunahan. "Mapupunta naman 'yung 100 thousand sa orphanage. Alam niyo naman, I love childrens. May mga bata doon na may Leukemia at gusto kong mag-donate para sa pagpapa-chemo nila. Pero hindi ko kayang ibigay ng buo 'yung 100 thousand na iyon. Kaya naisipan ko na humingi ng tulong sa inyo. Hindi naman ako humihingi ng cash. Ano lang... 'yung mga damit na pinaglumaan niyo, or 'yung mga hindi niyo na gusto, baka kako gusto niyong ibigay sa akin at itinda nalang natin," paliwanag niya. Grabe, ha. Akala ko kung gaano na kaseryoso. "Okay lang! Ano ba! Akala ko pa naman kung ano na. Sige, hahalungkatin ko 'yung mga lumang damit sa bahay," sabi ko. Pumalakpak naman siya sa tuwa. "Thank you! Si Ari at Britz nalang ang hindi ko nakaka-usap," sabi nito. "Nag-donate na din ng 20 thousand si Andrei." Dagdag pa nito at tumingin sa jowa niya. Napangiti nalang ako. Supportive na boyfriend kasi Andrei, eh. Tss. Lovers! "Wala na ba?" tanong ko. "Meron pa!" tugon ni Marion. Tinaas ko naman 'yung kilay ko na sign ng naghihintay ng sasabihin niya. "Magkatabi ba kayo ni Ari sa kama?" mabilis kong kinuha ang lata ng coke na walang laman saka ibinato sakanya. Siniko naman siya ni Crizette. "Pasalamat ka naka-ilag ka," sinamaan ko siya ng tingin na tinawanan lang niya. "Sige na, pasok na 'ko. Nahuli ako kanina, eh," paalam ko saka tumayo. Tumango naman sila at kumaway pa 'yung mga Girls. "Baka ma-inlove ka kay Ari, ha! I heard you're gorgeous last night!" rinig ko pang sabi ni Marion habang naglalakad ako. Hindi ko nalang siya pinansin. "INALOK MO PA TALAGA SIYANG PAKASALAN KA, HUH!" Habol na sigaw pa nito. Tumingin ang lahat ng mga tao sa cafeteria sakin dahil narinig nilang lahat ang sinabi ni Marion. At gusto kong matunaw sa sobrang hiya. Binilisan ko nalang ang paglakad ko paalis ng cafeteria dahil baka hindi ako makapagtimpi at si Marion ang mabangasan ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD