NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS
Chapter 3
“SHUTAAA! Ito na ba ang mansion ni Sir Bill, Kuyang driver na mas mukhang robot?” Namamanghang turan ni Aimie nang rumehistro sa kanyang paningin ang isang mansion na mayroon engrandeng exterior design matapos ang halos dalawang minuto na puro halaman lang ang nakikita niya mula nang makapasok sila sa higanteng gate.
Mas malaki pa yata ang mansion na iyon kaysa sa bagong itinayong mall sa bayan na pinagmulan niya.
“Ito na nga ho, ma'am.” Kaswal na sagot ang natanggap niya mula sa chauffeur ni Don Bill Bancroft. Hindi ito ang driver ni Don Bill na nahmamaneho no'ng nabangga siya. Iba ito ngayon.
Bumungisngis si Aimie at tinusok ang braso ng drayber. “Iyon naman pala ay hindi ka naman pipi, Kuys. Mula pa no’ng umalis tayo sa ospital hanggang dito ay hindi ka kumikibo. Nakakapagsalita ka naman pala, Kuya.”
Naipalagay na niya talagang de remote itong chauffeur ni Don Bill. Sa halos kalahating oras na biyahe nila ay hindi niya ito napansing kumislot ang mukha o kahit ang bibig. Siya ang nasa shotgun seat kaya walang choice ang kanyang mga mata at napapalingon talaga siya sa nagmamaneho.
Mahaba-haba rin iyong dinaldal niya pero mukhang wala na namang naririnig ang driver. Wala rin kasi siyang ibang madadaldalan dahil ang dalawang may asim pang senior citizens sa backseat ay tila may sariling mundo.
Kung hindi niya idi-distract ang kanyang sarili sa buong biyahe kanina ay baka napuno na ng kalandian ang utak niya dahil sa uri ng usapan mayroon ang dalawang matanda sa likuran.
“Sa kanila lahat itong malawak na yarda? Sayang naman. Ang kaunti lang ng mga halaman sa parteng iyon. Kung sa ‘min iyan ay tatamnan ko r’yan ng talbos ng kamote. Mapapakinabangan na iyang malawak na espasyo, may panglamang tiyan pa. Sa’n ka pa?” Patuloy na daldal ni Aimie na hindi maawat ang mga mata na igala sa paligid.
“Tapos sa ibang bakanteng lupa, p’wede rin akong magtanim ng mga herbal plant para sa rayuma nang sa gano’n madali tayong makakalap ng gamot sa mga senior citizens na dinaig pa ang sukang Ilocos sa asim.”
Humimpil ang kanilang sinasakyan sa harapan ng entrada ng mansion. Naunang lumabas ang chauffeur upang pagbuksan si Don Bill at Donya Agatha. Kaya si Aimie ay nanatili sa loob.
Feel na feel talaga ni Aimie ay nasa isang telenovela siya at siya ang hampaslupang napadpad sa mundo ng mga maharlika. Ngunit kung sa mga telenovela ay madalas inaapi ang mga bida, puwes siya ay hindi. Mamumuhay maharlika rin siya. Siya ay magiging si Señorita Aimie Grace Santillan sa mansion ng mga Bancroft.
Kaya, Kuyang chauffeur, open the car door for me. Ahora mismo. Bwahahahaha...
“See, Bill? I told you that we should get her checked by a psychiatrist.”
Napakurap si Aimie nang marinig ang eksaheradang boses ni Donya Agatha.
“She is cleared, Agatha sweetheart. The Evarésti’s doctors couldn't be wrong.” Malumanay namang sabi ni Don Bill. He glanced at Aimie and smiled.
They heard her laugh like a witch which she was not aware that she's actually doing. Dapat ay sa kanyang isip lang siya hahalakhak ng gano’n. Idjut!
Inayos niya ang sarili nang makababa ng kotse. She done it alone! Aba’t... Bakit hindi rin siya pinagbuksan ni Manong driver?
Ang unfair ha!
Tinapunan niya ito ng masamang tingin ngunit naawat din kaagad niya ang sarili dahil nakamasid sa kanya si Donya Agatha— ang magiging kontrabida sa buhay niya at hahadlang sa pagiging Señorita niya sa mansion na iyon. Echuserang butterfly ang lola n’yo!
Dalawang unipormadong kasambahay ang sumalubong sa kanila sa malapad na entrada ng mansion.
“Get her things, Rita.” Utos ni Don Bill sa isang kasambahay.
Tumalima ang babaeng tinawag na Rita ng Don at humakbang patungo kay Aimie. Ang isang kasambahay naman ay inutusan ni Donya Agatha na kunin sa sasakyan ang mga pagkain na binili ng mga ito kanina bago siya sunduin sa Evarésti Medical Center.
Aimie smiled at the maidservant. “Ako na ho, Ateng kamukha ni Rita Avila. Ang shala! ‘Di lang kayo tukayo no’ng artista, magkahawig talaga kayo.”
“Ay talaga, ‘Day? Si Rita Avila ba talaga ang kamukha ko? Sabi kasi ng marami na mas kamukha ko raw si Heart Evangelista.”
“Baka nagkakamali lang siguro ako, Ate Rita. Gutom kasi ako kaya malamang ay apektado ang paningin ko. Baka mamaya ‘pag nakakain na ako, maging kamukha mo nga si Heart sa paningin ko.”
Excitement sparked in the woman's eyes. Mukhang makakasundo niya ito. “Marami kaming inihandang masasarap na pagkain. Kumain ka ng todo, baka kapag nabusog ka si Taylor Swift na ang maging kamukha ko.”
Nagmaktol ang sikmura ni Aimie nang marinig ang salitang masasarap na pagkain. Hindi naman talaga siya sobrang gutom, slight lang. Pero sino bang hindi matatakam sa masasarap na pagkain lalo na kung pang-mayaman?
Kahapon pa rin kasi nagrereklamo ang tiyan niya sa mga pagkain sa ospital.
Ang Donya Agatha kasi ay ibinilin sa mga staff na gulay at prutas lang daw ang i-serve para sa kanya. Hospital suite nga ang tinulugan niya sa loob ng limang araw pero kung umabot pa siya ng dalawang linggo roon ay baka tunog kambing na rin siya.
Baka kapag nakipag-s*x siya ay hindi na siya makaungol kundi tunog ng kambing na lang ang lumabas sa bibig niya.
“Hello mga Marites na tunay, maaari bang mamaya na ang daldalan at kayo ay kumilos na.” Sikmat ni Donya Agatha sa dalawa.
“Ihatid mo muna si Aimie sa kanyang silid sa itaas at bumaba ka kaagad para maihanda n’yo na ang hapag, Rita.” Mahinahon na atas pa ni Don Bill kay Rita.
Mahinahon at mabait ang Don na makitungo sa mga kasama nito sa mansion. Lahat siguro ng kasambahay ay gugustuhing mamasukan dito kung posible lang. Ang suwerte niya talaga. Kung mabubundol man siya ulit sa kalsada, gusto niyang si Don Bill ulit iyon.
“Sa itaas ho ang kwarto ko, Sir Bill?”
“Yes, Aimie Grace. Your room is next to my grandchildren’s nursery room. Kailangan na malapit ka sa mga bata because you'll be their Nanny.”
“May aircon ho? Iyong circulating at hindi maingay? Ayaw ko ho kasi ng maingay kasi madalas ko hong kinakausap ang sarili ko. Baka maistorbo kami.”
“Yes.” Natatawang sagot ni Don Bill.
“Malambot ho ba ang kama? Ayaw ko ng matigas na higaan, ha? Gusto ko kasinlambot no’ng higaan sa ospital ni Doc Eliaz. Atsaka hindi naman ho sa pagmamalabis, Sir pero sana lagyan niyo rin ako ng sarili kong ref sa kuwarto ko.”
The old man chuckled quietly samantalang si Donya Agatha ay kagyat na napataas ang kilay.
“Kung gusto mo, hija ay doon ka nalang kaya tumira sa ospital. Ipapabalik kita sa driver doon ahora mismo. Malambot ang kama roon at may sarili kang refrigerator.”
Aimie made a silly chuckle. “Ay huwag naman ho, Donya A. Hindi na ho kayo mabiro.” Nag-peace sign si Aimie sa Donya. Mainit talaga ang dugo nito sa kanya. Siguro ay dahil natatalbugan niya ang ganda nito at mas mukha siyang reyna.
“Siya kilos na.” Nai-stress na napahilot ang Donya sa noo nito.
Inihatid si Aimie ng kasambahay sa ikalawang palapag ng mansion. Hindi na tumigil ang dalawa sa daldalan at si Donya Agatha ang kanilang naging pulutan.
Iniwan si Aimie ni Rita sa kuwarto na ookupahan niya. The room, as what she expected it to be, is quite spacious. Ang neutral pa ng wall paint at may sarili pang bedroom chandelier. Sosyal!
Tinalon niya ang kama nang makuntento siyang igala ang mga mata sa paligid ng silid. She took a deep breath and stared at the ceiling.
Fulfilment drove within her but she couldn't afford to fight off the fear rising across her system, too.
Tama bang naroon siya sa mansion na iyon? Bakit nakakaramdam siya ng takot ngayon na naroon na siya sa teritoryo ng mga Bancroft? Sa isang iglap lang ay pinagdududahan na ni Aimie ang kanyang sarili. Ngayon pa kung kailan abot-kamay na niya ang kanyang sadya.
Ano ba itong pinag-iisip niya? Wala siyang panahon para sa karuwagan. She's already there and there's no point in running away. At hindi biro ang kanyang pinagdaanan mapalapit lamang sa Bozz Battalion Bancroft na iyon!
Aimie expelled a sigh and collected herself. Hindi niya kailangan ng negatibong enerhiya. Wala siyang mapapala sa gano’n.
Tumayo siya at ang huling siniyasig ay ang banyo. Napanguso siya nang makitang walang bathtub doon.
“Nakakatampo naman si Don Bill,” anang ni Aimie.
Hindi na nagbihis si Aimie at lumabas din siya ng silid. Kailangan niyang bumaba para mag-dinner—este tulungan pala ang mga kasambahay sa paghahanda ng hapunan.
“Nasaan ang senior citizens lovers, Ate Rita?” Untag niya sa kawaksi nang makarating sa malawak na komedor.
The table was done splendidly and the luscious foods are already prepared. Parang mahihiya kang kumudlit ng pagkain sa lamesa kasi baka masira ang table settings.
“Nasa sala de bisita, Aimie. Hinihintay pa si Sir Battalion at ang mga batang makukulit. Ipinasyal kasi ni Sir Battalion iyong makukulit niyang mga anak.”
Ngumuso si Aimie. “Isang babala na ba ‘yan sa akin, Ate Rita bilang bagong Nanny ng kambal? Siguro naman hindi ganoon ang dalawa. Baka iyong kambal na babae lang. Good boy naman siguro iyong isa.” She chuckled.
Rita glanced at her and asked, “Paano mo nalaman na babae at lalaki ang kambal, Aimie?”
Nag-aayos ng mga utensils set si Rita kaya hindi nito nakita ang kagyat na paglalaho ng ngiti ni Aimie at ang tension sa ekspresiyon niya.
“Ah oo nga pala. Marahil ay nabanggit na iyon saiyo ni Don Bill dahil nga’y siya ang kumuha saiyo bilang nanny no’ng kambal.”
Bumungisngis si Aimie. Ipinagpapasalamat niya na hindi nahaluan ng kaba iyong tawa niya. “Ganoon na nga, Ate Rita.”
“Kaya ikaw, kailangan mong ihanda ang sarili mo. Ngayon pa lang ay sinasabi ko na saiyo na sangkatirbang pasensiya ang kailangan mong ireserba sa pag-aalaga ng kambal ni Sir Batallion. Ubod ng kulit iyong mga bata, Aimie. Magagaslaw lalo na iyong batang babae, may pagkamaldita. Kita mo itong buhok ko, sa tanang buhay ko ay hindi ako nagpagupit ng ganito kaikli. Pero iyong si baby girl, ipinaglihi yata sa hairstylist at pinag-praktisan ang buhok ko.”
“Kaya naman ng power ko, Ate Rita. Kung hindi mo naitatanong—”
“Ha? Isa ka na bang ina, Aimie?” Gulat na putol sa kanya ni Rita.
Nawala ang ngiti ni Aimie. “Ha? Ah... h—hindi ho, Ate Rita.” To hide her nervousness, Aimie stepped forward and helped Rita out to set those utensils.
“A—ang ibig kong sabihin ay sanay akong mag-alaga ng bata. Sa probinsya namin ay tatlong beses akong naging babysitter. Oo... Iyon ‘yon, Ate Rita.”
“Mabuti kung ganoon. Kung sabagay ay wala naman sa hitsura mo ang mayroon ng anak, Aimie. Sa tunay lang ay parang isip-bata ka pa manalita at kung kumilos, may kakulitan pa.” Komento ni Ate Rita but she didn't feel offended at all.
“Tama ka diyan, Ate Rita. Sa true lang din ay nadede pa nga ako.”
“Baliw!”
“Ay totoo ha. Pero hindi tsupon, ti—”
“Rita, tapusin mo na iyan. Nariyan na sina Sir Battalion.”
Dumating ang isa pang kawaksi na nakilala ni Aimie kaninang si Ate Linda. Pinsan ni Rita ngunit hamak na mas matanda kay Rita. Ang common denominator ng dalawa ay kapwa single ang mga ito. Nagpapaligsahan sa pagiging matandang dalaga.
“Aimie, pinapatawag ka ng Don sa sala de bisita.” Sabi ni Linda kaya umayos si Aimie at tahimik na naglakad palabas ng komedor upang tumungo sa sala.
Hindi namamalayan ni Aimie na bumagal na ang kanyang mga hakbang nang marinig niya ang ingay galing doon. Ingay mula sa maliliit na boses ng kambal.
Parang may bumara sa lalamunan ni Aimie. Umiinit din ang gilid ng kanyang mga mata.
“Aimie Grace, come over here, hija. Narito na ang aking mga apo.” Masiglang tawag sa kanya ni Don Bill.
Aimie composed herself and walked on.
Nakaluhod ang kambal sa carpeted floor ng sala, nag-aagawan sa mga laruan bagong bili. Tinig ng batang babae ang nangingibabaw.
“Mga apo, awat na riyan. Look, we have a lady here. Narito ang magiging nanny ninyo mga apo.”
But the twins didn't care to listen at all. Aimie tucked her hair behind her ear and watched the twins quietly.
“Ako kita nito una kanina, ha. Akin ‘to.”
“Doll kasi sa’yo. Doll nga dapat sa’yo tapos akin itong espa-espada. Sabi mo kanina, ayaw mo ito tas ngayon gusto mo ulit. Ang gulo isip mo, kapatid.”
Pinag-aagawan ng mga ito ang laruan na espada.
Nag-backout ang batang babae at masamang tiningnan ang kakambal. “Sige iyo na ‘yan pero ‘di kita bati. Iwan kita mamaya para multo na kasama mo. Multo na din kapatid mo.” Pagmamaldita ng batang babae.
Mahinang napailing si Aimie but she forced a smile when she caught Donya Agatha watching her.
“What now, lady? You have a chance to make a final decision now. Can you handle the job or not? If you doubt you can, well, the door's open.” Nagdududang sabi ni Donya Agatha na tila siya lang ang nakarinig.
Nginisihan ni Aimie ang Donya. “Easy peasy, Donya A. Watch me.”
Humakbang pa si Aimie para saklolohan si Don Bill na mukhang hindi na alam ang gagawing pag-awat sa nagtatalong kambal.
Tumikhim si Aimie at lumuhod para maipantay ang mukha sa kambal. Pinulot niya ang isang bubble wand stick toy at doon lang niya nakuha ang atensiyon ng kambal.
“Bubbles bubbles na lang sa’yo, baby tapos kay Kuya muna iyong espa-espada. Ganito, bukas laro tayong three. Gawa tayo ng many many bubbles tapos pahabol tayo kay Kuya. Masaya ‘di ba?”
Natulala kay Aimie ang dalawang bata. Titig na titig ang mga ito sa mukha niya, ni hindi kumukurap.
Maging si Don Bill at Donya Agatha ay nanahimik din, tila naghihintay sa reaksiyon ng kambal.
Matamis na ngumiti si Aimie. “Friends tayo, okay? Ako na magiging yaya n’yo. Ako mag-aalaga sa inyo. Maganda ba ako? Gusto n’yo ba akong maging friend?”
Nabitawan ng batang lalaki ang espada. Samantalang ang kambal na babae ay lumambot ang mukha. The kids were eyeing Aimie like she came from the other world. They were studying her face cautiously like she was an object under a microscope.
Sandali pa ay nagkatinginan ang dalawang kambal, their expression was confused. Tapos bumaling ulit kay Aimie.
While Aimie, on the other hand, was hardly praying that the twins wouldn't say a thing that will probably scared her.
No... They shouldn't recognize her! Malilintikan s’ya.
“Ai-ai?”
Halos atakihin sa puso si Aimie nang marinig niya ang pagbuka ng bibig ng batang babae at ibinulong iyon.
“Pero hindi ka Ai-ai.” Pagbawi ng batang babae, umiling.
“Hindi nga siya Ai-ai kasi Mama Ai-ai natin ganda-ganda ‘yon parang princess tas walang gasgas sa mukha ni Ai-ai. Siya meron o. Tapos si Mama Ai-ai, malambot ang hair, ganda-ganda siya. Ito s’ya hindi maganda ang hair. Pang-bruha hair mo po, Ate.”
Ang daldal talaga ng baby boy. Dinaig pa ang kambal nitong babae.
“Aray naman! Puwede namang dahan-dahan sa discrimination mga bata. Tao ako, ha? May damdamin, marunong masaktan.”
“Why, the kids are just being honest, lady. Huwag mo silang tuturuan na magsinungaling. That’s bad.” Biglang komento ni Donya Agatha.
Isa ka pa!
“Hala. Hindi naman ho, Donya A. Siyempre tuturuan ko ho sila ng magandang asal bilang nanny nila. Una ko hong ituturo sa kanila ay kung paano gumalang sa mga matatandang kagaya ho ninyo.”
“Madre de díos, Bill! Tingnan mo iyang—”
“Abuela, what's the matter? You sounded a bit frantic.” A deep, raucous voice of a man said.
Her body shivered at the sound of the man's voice. A voice rough and rich, touched at the edge by a sexy accent she couldn't fathom. Mabilis na lumipad ang paningin ni Aimie sa may-ari ng boses na kadarating lang sa sala de bisita.
She felt a cold frisson of anxiety down her spine at the sight of a tall, dashing man a few meters away from where she was. He was wearing casual shirts and trousers. You wouldn't say that his outfits were simple because it looked expensive on him. He looked expensive.
The man tilted his head and caught her eyes. Nervousness coiled on her gut as he held her eyes like they're his captive. Fathomless! Iyon ang description ni Aimie sa mga mata nito. He is strongly built, ang kisig ng tindig nito. He's dark and hard all over, parang si Hades sa sarili nitong kaharian sa underworld. Sobrang seryoso, stoic, dangerous. Ito iyong amo na hindi siya magkakamaling gumawa ng kapalpakan sa harapan nito kasi baka ma-choke me daddy ang drama niya.
“Ah nothing, hijo. Mapang-asar lang itong nanny na kinuha ng abuelo mo para sa mga anak mo.” Kumalmante ang Donya. “And by the way, hijo, make your own interview and a precise briefing on this lady before you totally hired her.”
The man eyed her sternly. Napalunok si Aimie.
“Will definitely do that, Abuela.”
“Pero, apo...” Aalma pa sana ang Don nang naunahan na ito ni Battalion na mariin pa rin na nakatitig kay Aimie.
“See me in the library before you go to bed.”