NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS
Chapter 4
"MUKHANG MAGALING ka talagang yaya, Aimie. Saludo na ako sa'yo. Biruin mo, napatulog mo iyang kambal ng ganito kaaga. Alam mo ba no'ng unang mga araw na dinala ni Don Bill ang mga bubwit na iyan dito sa mansion ay halos magkaroon na ng mga anak ang eyebags ko sa puyat at stress. Partida wala pang dalawang linggo iyon." Mahinang sumbong ni Rita kay Aimie.
Hanga ito sa kanya dahil nang pumasok ito sa nursery room ay tulog na ang kambal. Ang lalo pa nitong ikinamangha ay maayos ang tulugan ng mga bata, hindi kagaya nang nakaraan na animo ay dadaanan muna ng ipo-ipo ang nursery room bago mapagod ang dalawa sa kakalaro.
Ang nursery room ay dating isa sa mga guest room ngunit kagyat na ipina-renovate ni Don Bill para sa kambal na mga apo sa tuhod nito.
May dalawang toddler's tufted bed na mayroong day bed bilang partition sa gitna. Nabanggit sa kanya ni Rita na mayroon pa raw macrame chandelier sa itaas ng bawat tufted bed pero sa ikalawang araw daw sa mansion ng kambal ay pinatanggal ni Don Bill dahil si baby girl ay nakagiliwang batu-batuhin iyon. Baka raw makadisgrasya pa.
Neutral lang din ang kulay ng nursery room. Black and white tapos may electic gold accent. Kalahati ng nursery room ay play space na. Ang daming laruan. May mga books pa tapos may wall mounted flat screen na telebisyon. Mayroon ding dueling rockers na sakto lang ang taas para sa kambal.
Talagang pinaghandaan at ginastusan ang silid ng kambal. Ang daming arti pero malaking kaginhawaan para kay Aimie ang makitang mabuti ang lagay ng kambal sa mansion ng mga Bancroft.
"May kasama rin hong pananakot iyong taktika ko para makinig sila sa akin. Lalo na sa baby girl. Sabi ko hindi kami maglalaro bukas ng bubbles kapag hindi sila matulog ng maaga kaya tadaaan! Peacefully sleeping na ang mga minions."
"Laking pasasalamat ko nga kay Don Bill at ikaw ang nakuha niyang nanny ng mga bata. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit kailangan ka pang i-briefing ni Sir Battalion."
"Ah... Ano, hindi ko nga rin alam, Ate Rita." Napakamot ng ulo si Aimie. Naroon sila sa bahaging malapit sa pinto ng silid.
Bago niya sinamahan paakyat sa nursery room ang kambal ay ibinilin niya kay Rita na kung maaari ay ito muna ang maiwan saglit sa nursery room kasi nga ay kailangan niyang pumunta sa library para ma-interview ng ubod sa kaestriktuhan na ama ng kambal.
"Basta, Aimie ayusin mo lang iyong mga isasagot mo kay Sir Battalion. Naku, kailangan mong tandaan na ubod ng sungit iyong si Señorito natin. Sobrang maselan sa mga tinatanggap na empleyado lalo na sa mag-aalaga ng kambal n'ya. Pomormal ka sa harapan n'ya, Aimie. Ayaw ni Señorito sa madaldal."
Napangiwi si Aimie. Mahirap yata iyon para sa kanya dahil mula yata sa unang baitang niya sa elementarya ay palagi siyang nakalista sa noisy. Likas siyang madaldal.
“Atsaka kung ano mang itatanong niya saiyo kailangan ay tapat kang sumagot, Aimie. Kailangan mong maging siyento porsyentong honest kung gusto mong matanggap ka ni Señorito Battalion at nang magtagal ka rito.”
Mahinang tumango si Aimie at hindi ipinahalata ang kaba na umahon sa dibdib niya.
"Sige ho, Ate Rita. Babalik ako kaagad pagkatapos kong kausapin ang Señorito Battalion."
Palabas na si Aimie nang may maalala pa siyang itanong kay Rita. "Ah, nga pala, Ate Rita. Curious talaga ako, bakit Battalion iyong pangalan ni Señorito? Parang ano. . .maangas naman siya pero mas bagay sa kanya ang pangalang Hades, Hitler mga gano'n. Nakakakilabot kasi ang tingin."
"Likas nang ganiyan iyan si Señorito Battalion. Trese años na akong naninilbihan sa mansion na ito pero walang character development iyang si Señorito. Tahimik, istrikto, metikuloso sa lahat ng bagay, woman hater pa 'yan! Puwera lang ngayon nang dumating ang mga bata kasi medyo dumadalas na ang paglalagi niya rito tapos nabawasan ng kaunti ang kasungitan. At tungkol naman sa pangalan n'ya, wala akong ideya e. 'Wag na nating alamin baka mapasama pa tayo." Napakamot sa ulo ang kasambahay.
"W-woman hater si Señorito? 'Di nga? Ibig sabihin walang séx life 'yon? Pa'no s'ya, puro j***l na lang gano'n?" Walang preno niyang satsat.
Woman hater pala. Kaya naman siguro masungit kasi tigang, konklusyon ni Aimie sa isip.
"Kasumpa-sumpa talaga iyang katabilan ng dila mo, Aimie. Harujusko kang bata ka! Ayusin mo lang talaga ang mga lumalabas diyan sa bibig mo kung nasa harapan ka ni Sir Batallion. Pinapaalalahanan kita. S'ya, ako na muna rito."
Dahil sa mga sinabi ni Rita ay nadagdagan pa tuloy ang pagkabalisa ni Aimie habang tinatalunton niya ang tahimik na pasilyo. Tutungo siya sa library.
Paano kung matapos ang pagsisiyasig ni Señorito Battalion sa kanya mamaya ay bigla itong magpasya na ipatapon siya sa labas ng mansion? Kahit na boto sa kanya at nagmamalasakit sa kanya ang Don Bill ay nasa kamay pa rin ni Battalion ang huling desisyon. Ito ang maghahatol kung pasok siya sa bahay ni kuya o hindi.
Hindi siya maaaring pumalpak sa panunuri ni Señorito Battalion. She had to stay in that mansion no matter what. Kung kailangan niyang luhuran si Battalion Bancroft ay gagawin niya with feelings pa.
Pilit niyang pinalakas ang loob pero dyahe naman! Parang hindi nakakatulong sa relaxation ng sistema niya ang paligid.
Kung bakit kasi ang laki-laki ng mansion na iyon gayong dadalawa lang naman sina Don Bill at Senorito Battalion ang nakatira maliban siyempre sa mga kasambahay. Nakakalula sa lawak ang mansion. Tapos pakiramdam pa niya ay may mga ibang elemento pang nakatira roon bukod sa mga buhay.
Tapos ang dami pang pinto! Kaliwa't kanan. Nakakahilo. Nakakakilabot pa.
Pero tinandaan niya ang pinto ng library ayon na rin sa instruksyon kanina ni Rita.
It is in the far end of the hallway. Pinakasulok na parte na sa ikalawang palapag. Ito iyong bahagi ng mansion na kahit kantahin pa niya ang 'I will survive' ng pasigaw ay walang makakarinig sa kanya na ibang tao sa mansion na iyon.
Napabuga ng hininga si Aimie nang sa wakas ay nasa harapan na siya ng dambuhalang pinto ng librerya. Double door iyon na ang taas ay halos triple yata sa height niyang 5'7".
Battalion was expecting her presence anytime kaya hindi na siya kumatok dahil duda siyang maririnig iyon sa loob. She just pushed the right door. Namangha pa siya dahil hindi naman pala mabigat.
"Ay gago. . ." napasinghap si Aimie sa bumungad sa kanya. Siyempre library iyon kaya napapalibutan ng mga aklat pero hindi iyon kagaya sa city library sa bayan nila na creepy at hindi ganoon kaliwanag tapos bakbak pa iyong tiles.
Ang library sa Bancroft mansion ay sobrang gara. The interior is designed classically. Satinwood shelves are all around. May parang mezzanine at living room pa sa sentro! Hindi lang mga libro iyong naroon, may mga paintings at articrafts din. Ang dambuhalang chandelier ay gawa sa capiz. Ang gara! May dalawamg tufted love seats pa bukod sa French empire chairs at English regency table na ilang libong dolyares tiyak ang mga halaga.
"So,"
"Ay p**e ng gorilya!" Napatili si Aimie sa gulat dahil bigla na lamang dumating si Battalion mula sa kung saang parte ng library.
Eksaheradang sinapo ni Aimie ang dibdib at nginiwian ang Señorito sa mansion na iyon.
The man walked passed her without even glancing at her. He sat in one of the French empire chairs, far enough away from Aimie that it would be easy for Aimie to mumble a profanity without even bothering that he might hear her.
"Stop mumbling and take any seat where you think you will be comfortable." He said roughly using his authoritative bored tone on her.
Ang sungit ngang talaga ni Ser.
Aimie calmed herself and decided to take the seat across where he was sitting. Magkaharap sila na nasa parehong dulo ng lamesa. Hindi talaga nito matatapunan ng tingin si Aimie dahil may pinag-aaralan itong mga papeles.
Kunot na kunot ang noo nito. Hindi tulad kanina sa dinner, ngayon ay may suot itong eyeglasses. Mistulan itong modelo na nakikita niya sa social media na kunwari ay professor sa photoshoot at maskulado.
Ilan kaya ang abs nito? Mabibilang niya kaya ang ugat nito sa kamay sa malapitan?
Maingat ang pagkakaupo ni Aimie. Ang kintab ng lamesa. Halatang hindi biro ang kalidad at pagkakayari. Pasimple niyang dinaanan ng middle finger niya ang armrest ng inuupuan niya.
Aba naman! Walang kaali-alikabok.
Gagawin niya rin sana iyon sa lamesa nang sitahin siya ni Battalion.
"What do you think you are doing?"
Dahil sa paninita nito ay nasuspinde ang middle finger niya sa ere. Nagmukhang pinapakyuhan niya ang masungit na Señorito.
Taranta niyang ibinaba at itinago sa gitna ng mga hita niya ang burarang kamay. Makasalanan!
Lakas-loob niyang sinalubong ang mga mata ni Battalion. Her heart pounded, an erratic drumbeat that may clouded her thoughts if she doesn't hold herself and let herself swoon to that aurora icy blue eyes. It feels illegal to stare at his eyes but she couldn't resist.
She thought for a second that she was in love with his piercing blue orbs. Ang gaganda ng mga mata nito. Nagbabanta iyon ng peligro pero may mahika itong rumahuyo. Nanghahalina tungo sa panganib.
"May kalikutan iyang kamay mo." Ibinaba nito ang binabasa kaninang papeles upang harapin si Aimie.
Tensionado na nagpakawala ng tawa si Aimie. "Ah p-pasensya na kayo, Señorito. Medyo may kalikutan ho talaga itong kamay ko pero wala pong ibig sabihin 'to kung iyan ang inaalala n'yo. Hindi ho ako magnanakaw at lalong hindi ako nagfi-finger."
Binawi kaagad ni Aimie ang kanyang tawa nang pinaningkitan siya ng mata ng lalaki. "Is it really necessary for you to mention masturbatíon in this talk?"
"Hindi ho pero nasabi ko na ho, Señorito. 'Di ko naman po iyon mababawi. Narinig n'yo na kasi." Nag-iwas ng tingin si Aimie at napakagat sa kanyang pang-ibabang labi.
Minsan talaga ay ipinapahamak siya ng pagiging taklesa niya. Kung narito lang si Rita ay baka nakurot na siya ng babae sa singit kasi mukhang binalewala lang niya ang bilin nito.
"You don't belong here, then," he said again with his gravelly tone. May pinal sa tinig nito.
"H-ho?" Napamaang ang bibig ni Aimie nang lumipad pabalik sa mukha ng Señorito ang kanyang mga mata.
"I doubt that you know much about babysitting. Ilang taon ka lang ba? Nineteen? Twenty?"
"Twenty-five na kaya ako, Señorito. Maaga lang lumandi-este ano, sadyang nasa lahi lang namin ang pagiging baby face."
"Twenty-five then but it doesn't change a fact that I don't like you to be my twins' nanny." He really was cursed domineering! Kung magsalita ito ay pakiramdam ni Aimie ay parang hinuhusgahan na nito ang buong pagkatao n'ya.
"I don't like those set of words coming from your mouth. You seem to tell everything in your head without even thinking if it might make another person awkward or not,"
"Kas-"
"Do not speak when I'm speaking. It's rude. That's a basic etiquette you must know." She stiffened her shoulders when Battalion drawled at her as if talking to her is just a waste of time.
"Sabi ko nga, shut up muna ako." Pabulung-bulong na sabi ni Aimie.
"Nakakabahala lalo pa't sa maraming pagkakataon ay ikaw ang makakasama ng mga anak ko. Baka kung anu-ano ang matutunan ng mga bata mula sa'yo. My children are curious and they want to know everything in their surroundings. They'll always questions everything around them. They'll question your vulgar words. Jesus! Finger, really? Paano kung mas vulgar pa riyan ang masabi mo sa susunod na mga araw?"
“Pero madali lang naman lusutan iyon kung sakali, Señorito. S—sasabihin kong ano. . . kapag mangungulangot sila kailangan finger iyong gagamitin at hindi chopsticks. I-educate ko sila.”
“You’re funny,”
“Thank you, Ser.”
“And I don't like funny people. I still don't want to hire you as my children's nanny. Dismiss.” He finished and boredly pointed to the library's door.
Binawi na nito ang tingin kay Aimie at dinampot muli ang mga papeles na pinag-aaralan nito kanina.
Aimie’s mouth gaped for a couple of second. Ang antipatiko lang!
She drew a deep breath. Hindi na talaga siya pinansin pa ng aroganteng lalaki kaya inipon ni Aimie ang lahat ng lakas ng loob na mayroon siya at umalis sa kanyang inuupuan.
Battalion thought that she was leaving and quietly accept his decision of not hiring her to be a babysitter but he was wrong.
Dahil si Aimie ay lumapit kay Batallion at lumuhod sa gilid ng upuan nito.
“Ser, naman. Utang-na-loob, ako na lang ho ang gawin ninyong nanny ng kambal. Magpapakatino naman ho ako. Ser. . .Señorito, nagmamakaawa ho ako sa inyo.” Isinantabi na muna ni Aimie ang kanyang pride at kahihiyan.
Kailangan niya ng mapapasukan. Kailangan niyang nasa malapit lang siya ng kambal.
Humawak siya sa armrest ng upuan ni Battalion at patuloy na nagsumamo. May pasinghot-singhot pa siyang nalalaman.
“Malinis naman ho ako. Mabuti akong tao, Señorito. May NBI clearance ako, Ser. Mamaya ipapakita ko sa’yo. Kahit alilain n’yo ako, Señorito. Desperada lang talaga a— sandali! Ang bango mo, Señorito. Sht ka! Ang sarap pagpantasyahan ng amoy mo. Anong perfume mo po?” Kapagkuwan ay nag-angat ng tigin si Aimie at para siyang matutunaw sa talim ng titig sa kanya ni Bozz Battalion.
“Stop it,” he growled. Though his voice was low, it seemed to thunder in all corners of the library.
“Stand up!” Mabalasik nitong utos at kahit na lumaking matigas ang ulo ni Aimie ay wala siyang nagawa kundi ang sumunod. Mukha kasing nanganganib na masyado ang buhay n’ya.
At dahil malapit si Aimie kay Battalion ay malinaw na niyang nakikita ang kabuuan nito. Gusto pa niyang magmura. Hayup naman kasi! He is really tall and strongly built. Hapit sa katawan nito ang suot na polo shirts kaya nahahakab ang mga laman nito sa dibdib at braso na resulta malamang ng workout. Ang anino ng balbas sa panga nito ay nakadagdag lamang sa kaguwapuhan nito. He's not just a handsome man. He's dangerously handsome!
At bumaba ang mga mata niya sa braso at kamay nitong may hawak na papeles. Punyemas! At maugat nga, legit! Tiyak na malakas itong magbuhat. Kailangan niyang dumistansya rito baka mamaya ay ibalibag na lamang siya nito ng basta-basta. Mahirap na.
“Quit scanning me and get out now. I will let you stay here for tonight. I will not hire you as my twins’ nanny but I will try to find another job for you in one of our banks. Out.”
Gigil na gigil si Aimie nang makalabas siya ng library. Kumukuyom pa ang kamao niya sa inis. Lecheng lalaki ‘yon! Ipapatapon pa siya sa ibang trabaho at ano?! Ipapaalaga niya sa ibang nanny ang kambal?
Neknek nito! Hindi siya makakapayag na hindi siya ang makasungkit sa posisyon na iyon.
Kailangan niyang mag-isip ng plano upang manatili siya sa mansion na iyon dahil iyon lang ang paraan para makuha niya ang kanyang pakay.
Pabalik na siya sa nursery room nang tumunog ang kanyang cellphone na nasa kanyang bulsa at sa hindi niya inaasahan ay tumatawag ang isang taong matagal na niyang ibig kausapin.
Sa takot na baka nakaw na pagkakataon lamang ang mayroon ang kanyang caller upang siya ay makausap ay basta na lamang pumasok si Aimie sa isang pinto upang sagutin ang tawag.