Chapter 2
“QUÉ SUSTO! Ano’ng ibig mong sabihin? Dalawang apo kaagad ang saiyo?” The old woman and the matriarch of Alkaides exclaimed. Nasa biyahe ito tungo sa kung saan para makipag-date sa Abuelo ni Bozz Battalion na si Bill.
“Tama ang narinig mo, darling Agatha. Kambal ang mga apo ko sa tuhod kay Battalion. Isang lalaki at isang babae.” May ngiti sa labing wika ni Bill Bancroft.
Donya Agatha Alkaide is the grandmother of one of Bozz Battalion’s fratmates. Makapangyarihan din at kilala sa alta sociedad katulad ng pamilya ng mga Bancroft.
“Then I guess I have to see the kids myself. The sooner the better, Bill. Gusto kong malaman kung sino ang kamukha.” Naroon ang excitement sa mga mata ng Donya Agatha. “I am so excited to find out kung kanino nagmana ang mga apo mo. Sana nama’y may detalye sa mga mukha ng kambal na nakuha nila sa mga Bancroft. Ang apo mong si Battalion kasi’y halos wala namang namana sa inyo. Although we couldn't deny the fact that Battalion is one of those I've known who has a dignified appearance and charisma.”
Hindi napansin ng Donya ang pagdaan ng hindi mapangalanan na emosyon sa mga mata ng matandang Bancroft. “That is because my dear grandson Battalion inherited almost all his traits from her mother. Gayunpaman ay namana naman nito ang pagiging risk tolerance at extraversion sa ama niyang si Brandon.” Depensa ni Bill Bancroft. Tunay na nailang ito sa paksang iyon.
“Those characteristics aren't heritable, my dear. Sinasanay ang ganoong kaugalian lalo pa at nasa prevalent society tayo.” Donya Agatha simply reasoned out. “Bueno, ano ang pakiramdam na sa wakas ay nagkaroon ka ng instant great grandchildren sa nag-iisang apo mong woman hater?” Donya Agatha became playful.
“Sweetheart, Battalion is not a woman hater.” Malumanay na pagkontra ni Bill Bancroft sa Donya. “Sadyang tutok lang sa negosyo ang apo kong iyon at nawalan na ng oras makipag-date. We all know how obsessed my grandson is to his work and he would go all day without leaving his executive chair with just a cold beer filling his stomach.”
“He is impossible. Alaric was also very dedicated to our business before he got married to Saoirse pero alam ko ay pumapasyal-pasyal naman iyon noon sa El Sacramento.”
Nagkibit ng balikat si Bill Bancroft. “Hindi na mahalaga iyon basta’t masaya ako at labis na nagpapasalamat sa nag-iwan ng mga apo ko sa mausoleum. Pakiramdam ko nga’y mas bumata ako at lumakas buhat nang makumpirma namin na tunay ngang galing sa apo kong si Battalion ang batang iniwan sa Mausoleum.”
“Sana all.” Donya Agatha scoffed. “Bueno, kung pakiramdam mo nga’y lumakas ka at bumata ay kailangan mo iyong patunayan sa akin, my dear Bill.” Nanghahamon ang tono ni Donya Agatha.
“Why not, darling? Pinaghandaan ko rin naman ang gabing ito para sa ating dalawa.” The old Bancroft enunciated with a mischievous smile.
“Ibig mong sabihin ay susubukan na nating gawin iyong mga posisyon na pinapanood natin sa pōrn site?” Donya Agatha giggled.
“Alin doon ang ibig mong unahin natin, sweetheart?”
“Unahin natin iyong cowgirl na muna dahil hindi na ako nakakapag-zumba at 220 calories din ang mawawala sa akin sa position na iyon. Kuwarenta naman saiyo. Subukan din natin iyong upstanding citizen para ma-ensayo pa iyang mga tuhod mo.”
“We will do it whatever you want, my Agatha.”
Kinuha nito ang kamay ni Donya Agatha at akma nang hahalikan nang biglang pumreno ang kotseng sinasakyan ng dalawa.
Nagkagulatan ang dalawang matanda sa backseat.
“Por los clavos de Cristo! What was that?” Bulalas ng Donya at eksaheradang sinapo ang dibdib.
“Minandro, what's wrong?”
“Pasensiya na ho kayo, Don Belarmino, Donya Agatha.” Hinging paumanhin ng chauffeur ni Bill Bancroft, hindi ito magkandatuto sa pagtanggal ng seatbelt nito. Bakas ang nerbiyos sa mukha nito. “M–may nabangga ho tayong babae.”
“Santa Madre de Dios! Porque no!”
“Kayo ho kasi, nadi-distract ho ako sa usapang ‘pōrn-pōrn’ n’yo. ‘Di ko tuloy napansin iyong babaeng tumatawid.” Rason ng chauffeur kaya nabato ito ng vintage folding fan ng Donya ngunit hindi na niyon naabot ang chauffeur dahil nakalabas na ito ng sasakyan upang daluhan ang babaeng nabundol nila.
“ARUUUSH... Nadurog yata ang balakang ko.” Hindi pa rin tumitigil sa pagdaing si Aimie Grace hanggang sa makarating sila sa emergency room ng isang malaki at prestihiyosong ospital. Saktong nagbalik ang malay ni Aimie nang maisugod na siya sa ospital ng nakabundol sa kanya.
“Hija, hija, listen. Huwag kang mamamatay ha? Utang-na-loob, don't die.” Himig nagmamando ang matandang babae na nabungaran ni Aimie sa kanyang tabi. The old woman is still beautiful despite her unhidden wrinkles against her forehead and skin. Naka-makeup ito ngunit hindi katulad no’ng mga matatanda na nakikita niya sa mahjong-an na hindi na nag-evolve ang make-up style mula noong dekada sesenta. Aimie couldn't help but get fascinated by the old woman's beauty.
“Ho? Bakit naman ho ako mamamatay?” Baling ni Aimie sa matandang babae. Bagaman at dumadaing siya sa sakit sanhi ng pagkakabundol sa kanya’y hindi niya maiwasang punain pati na ang pabango ng matandang babae. Perfume pa lamang nito ay alam niyang dolyares na ang presyo. Tapos hindi pa masakit sa ilong.
“Did we hit you hard? Tumalsik ka ba?” Usisa ng matandang babae kay Aimie. The old woman was restless and real worried.
Gusto nang mapangiti ni Aimie dahil kahit muntik na siyang makipag-eyeball kay San Pedro nang mabundol siya kanina’y mukhang hindi naman masasamang tao ang nakadisgrasya sa kanya. Halatang mayayaman pa.
“Hindi naman ho. Ano, kaunting hard lang naman. Semi-hard, parang ganoon. Hindi rin ako tumalsik. Hindi ko maalala e. Baka kayo, alam ho ninyo dahil kayo naman ang nakadisgrasya sa akin. Ang sakit lang talaga ng balakang ko pero hindi naman siguro ako malulumpo.” Sabi ni Aimie. “Iyong mukha ko, ma'am. May gasgas ho ba?”
The old woman blinked. Ngunit tumigil din ito para i-check ang mukha ni Aimie. “Nothing. There are no visible bruises, no wounds and external bleeding but we can't ignore it. You still have to undergo some tests to make sure you're not dying. Tinatawag pa ni Bill ang doktor.”
“Sino hong Bill? Iyong tatanga-tangang drayber na bumunggo sa akin?” Tahasang tanong ni Aimie.
Pinakiramdaman pa niya nang mas maigi ang sariling katawan. Wala naman siyang ibang iniinda kundi ang kanyang balakang. Ngunit kahit na. Ayaw niya pa ring makampante. Baka mamaya niyan ay sa loob pala ang injury niya at baka malagutan na lamang siya ng hininga nang hindi siya handa. Igigiit niya talaga na magpa-admit at tiyaking walang problema sa loob niya.
Hindi na rin kasi niya matandaan kung nauntog ba ang ulo niya kanina dahil nawalan siya kaagad ng malay matapos siyang bundulin.
“Bill Bancroft is my boyfriend. Hindi siya iyong nagmamaneho kanina.” Paliwanag ng Donya.
“Boyfriend? Ang tanda-tanda n’yo na, nagbo-boyfriend pa kayo.” Walang gatol na komento ni Aimie na ikinalaki ng mga mata ni Donya Agatha.
The old woman looked horrified. “Shut up! Everyone has the right to be in a relationship kahit ano pang edad mayroon ang isang tao. Age is just a number.”
Ngumisi si Aimie. “Alangan namang maging letra iyong age, Lola. Ano na palang magiging edad n’yo kung isusunod sa alphabet yung katandaan n’yo?”
“Madre mía! Kay bastos ng bunganga mong bata ka.” Sinamaan ng tingin si Aimie ng matanda at lumakas ang pagpapaypay nito sa sarili kahit na ang lamig-lamig naman ng hangin na ibinubuga ng air-conditioning system sa emergency room.
Pumasok ang isang matandang lalaki na bagama’t may hawak nang tungkod ay matikas pa rin naman ang tindig, wearing casual shirts with one button undone in a neutral color and trousers tapos may maliit na hikaw pa sa kaliwang tainga nito.
Aimie poked the old woman's side. “Siya ho iyong boypren n’yo, Lola?”
“Yes and God! Stop calling me Lola. Please!” Donya Agatha hissed at Aimie.
Kasunod nito ang isang matangkad na lalaki at sa angking kaguwapuhan nito’y muntik nang makalimutan ni Aimie na isa siyang pasiyente sa ospital na iyon at gusto na lang niyang maging tagahanga ng bagong dating na lalaki. Amoy expensive ang mga taong nakapaligid sa kanya.
“Earth, please conduct all the necessary tests for her and assign your best brain and bone specialists to make sure she's going to be all fine.” Narinig ni Aimie na bilin ng matandang lalaki sa kasama nitong guwapong lalaki na hindi naman nakasuot ng lab coat ngunit nakapinta naman sa aura nito na isa itong alagad ng medisina.
“That is for sure, Abuelo.” Magalang at pormal na tugon ng lalaki.
“At baka kailangan din nitong pasiyente ang psychiatric assistance mo, Eliazar kasi parang siraulo e. Mapang-asar ang batang ‘to.” Donya Agatha reprimanded, throwing a hard gaze at Aimie.
“Oy, asar-talo naman ang Lola.” Pagbibiro ni Aimie.
“Díos mío! Nakaka-stress itong batang ‘to.”
“She seems so fine. Nakakapagbiro pa.” Magaan na komento ng lalaking tinawag na Earth at Eliazar ng matatanda.
Lumapit ito kay Aimie kasunod ang isang nurse na kukuha ng vital signs ni Aimie.
Naipilig ni Aimie ang kanyang ulo nang titigan siya ng Doctor.
“You look familiar, Miss.” Doctor Earth Eliazar said. Dahil sa sinabi nito ay naging kyuryuso ang mga mata ni Donya Agatha at Don Bill Bancroft.
Tumikhim si Aimie at pilit na tumawa. “Oo nga po pala. Pamilyar na pamilyar din ho pala kayo sa akin.”
“Oh. Yeah, I remember you back in X’s restaurant. You are one of the kitchen staff if I recalled it correctly.”
Si Xique Xerxes ang tinutukoy ng doktor. Totoong doon nagtatrabaho si Aimie ngunit wala pang dalawang linggo ay napatalsik na siya dahil sa maling paratang sa kanya ng mga inggiterang crew sa restaurant ni X. Sa halos isang buwan niya buhat nang dumating siya sa Maynila ay iyon ang unang trabaho na nahanap niya. Laking panghihinayang ni Aimie na napatalsik siya sa restaurant.
“Sisante na nga ho ako. Salbahe kasi si Boss X. Hindi man lang ako pinaniwalaan na wala naman talaga kaming relasyon no’ng isa pang crew doon. Iyong crew lang naman ang panay dikit sa akin, never naman akong lumandi pabalik. Alam ko namang bawal ang relasyon sa trabaho pero hindi siya naniwala. Sama ng taong iyon. Ekis ang ugali.”
Tumangu-tango si Earth matapos ang mahabang litanya ni Aimie.
“Tapos minalas pa at nabunggo ako... nila.” Lumabi si Aimie at itinuro ang dalawang matanda. “Wala na nga ho akong trabaho at nasipa pa sa inuupahan ko tapos dito naman ang bagsak ko sa ospital. Ah, Doc baka gusto n’yo ho akong ampunin? Hindi ho ako matakaw at masipag naman ho ako.”
Eliazar chuckled awkwardly. “You’re funny.”
Kumunot ang noo ni Aimie. He was not taking her words seriously. “Hindi naman ho ako nagbibiro, Doc. O baka gusto niyo ng aso, tumatahol din ako.”
“See? She's crazy.” Donya Agatha spoke. “And she will be needed a more thorough tests. Baka nagkaroon ng concussion ang utak niyan kaya kung ano na lamang ang nasasabi.”
“Sobra naman kayo, Lola. Ang init ho ng dugo n’yo sa ‘kin.” Ani Aimie sa nagtatampong himig.
Samantalang ang matandang Bancroft naman ay tumikhim matapos ang ilang minutong pananahimik. Masyado kasing nakatuon kay Aimie ang atensiyon ni Donya Agatha at Eliazar kung kaya at hindi napansin ng mga ito ang kanina pang paninitig na ginawa ng matandang Bancroft sa babaeng nadisgrasya ng mga ito. Bill Bancroft remembered someone important from his past life from the way Aimie smiled. Ngunit sinikil kaagad ng matanda ang alaalang binuhay sa ilalim ng isip nito ng magiliw na dalaga.
“Kung tunay ngang kailangan mo ng trabaho, then I'll provide you with work, hija. At sabi mo nga’y wala ka na rin namang matutuluyan.”
Napatuon ang atensiyon ng lahat kay Bill Bancroft.
“Kailangan namin ng magbabantay sa mga apo ko.”