KEEP READING AT YOUR OWN RISK. NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS Chapter 16 HILONG NAPASANDAL SI Aimie sa isang poste sa may portico ng mansion habang hinihintay na makaalis ang sasakyan nina Vasco at Gigi. Hindi niya masabi kung nalasing ba siya sa alak na tinira nila ni Gigi o nahilo lang siya dahil sa paglabas ng kakulitan at kadaldalan ng babae nang malasing ito. Kanina pa niya naririnig ang reklamo at mura ni Vasco dahil sa pagkalasing ng kasamang babae. At dahil sa espiritu ng alak kung kaya ay nagkaroon ng lakas ng loob si Aimie na bantaan si Vasco. Kakalbuhin niya ito oras na pinabayaan nito si Gigi. And she meant it. Few seconds after Vasco’s car drove away, Battalion took a prominent strides towards Aimie with his expression darkened. She let out a gasp when Battalion caug