NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS Chapter 15 HINDI UMALIS si Aimie sa lugar kung saan siya iniwan ni Battalion. Hinigpitan niya ang kapit sa kanyang cellphone na niyakap niya sa ibabaw ng kanyang dibdib. Parang naririnig pa rin niya ang iyak at pagsusumamo ng kanyang ina kahit ilang minuto nang natapos ang tawag. Nararamdaman pa rin niya ang kirot sa dibdib at sa wari ay hirap siyang huminga. Halos maipikit ni Aimie ang mga mata nang tinangka niyang tingalain ang kalangitan. Tirik pa ang araw dahil wala pang alas dos iyon ng hapon ngunit hindi iyon ang inaalala niya kundi kung paano siya makakauwi sa mansion. Mukhang hindi na siya babalikan ni Battalion. Walanghiya nga talaga ang ugali niyon at porque nagdrama lang siya ng kaunti ay hindi na nga siya binalikan. Nagbaba ng tingin si