Agatha
PINAG-ARALAN ko nang mabuti ang sugat ni Tibor habang pinaliliwanag ni Angela ang mga dapat gawin. Hindi kaaya-ayang tingnan ang kanyang binti. Masyadong sunog at nalapnos ang balat. May laman at kung ano pa na halatang bago pa lang ang aksidente. I saw hundreds of wounds in the past, but nothing I could compare to Tibor’s wound.
He flinched as I touched his legs.
“Close your fvcking mouth, Agatha,” Tibor said in a low and yet dominant tone.
Mabilis akong sumunod sa kanya. Bahagyag nagtaas ang kilay ni Angela at saka pinagalitan si Tibor. “Siguradong nabigla siya sa sugat mo kaya nakaawang ang labi niya.” Pagkatapos ay binalingan niya ako. “I think, three to six months pa bago tuluyang makatayo at makalakad si Tibor kaya pagpasensiyahan mo na lang muna kung mainit ang ulo niya.”
“Mabuti at hindi nabombahan nang direkta ang binti mo?”
“Haligi ng gusali ang talagang sumabog at dumagan sa binti ni Tibor pero hindi pa rin nakaligtas sa pagsabog kaya ganyan,” paliwanag ni Angela.
Malalim ang sugat at malala.
“Sigurado ako na hindi komportable sa pakiramdam ang sugat mo,” komento kong muli kay Tibor. Nakatitig sa akin ang malamig niyang mata kaya napalunok ako.
“Haaay… He’s so stubborn. Hindi siya aamin,” komento muli ni Angela.
Napangiwi si Tibor. “Ngayon ko iniisip kung ano ang nagustuhan sa ‘yo ng kaibigan ko. You’re so fvcking annoying!”
“Don’t test my patience, Tibor. I’m not annoying, and you are just so stubborn! Don’t you dare mention my relationship with my husband again! Hindi mo alam kung ano ang tinuturok kong gamot sa ‘yo.” Halatang naiirita na rin si Angela.
Tibor stubbornly crossed his arms over his chest. “Sorry. You are right. I shouldn't have crossed the line.”
Sa maikling oras ay nakilala ko nang bahagya ang pagkatao ni Tibor. Wala siyang emosyon sa tuwing titingin siya sa akin. Tulad din ng sinabi ni Angela, walang preno ang kanyang bibig sa pagmumura. Hindi siya namimili ng magandang sasabihin kung iyon ang nararamdaman niya. Sa kabilang banda, naiintindihan niya kapag may nasabi siyang masama o mali sa isang tao.
Nagpaalam din naman si Angela pagkatapos niyang maipaliwanag sa akin ang lahat. May isang refrigerator doon para sa mga gamot ni Tibor. Babalik ulit ang doktora pagkatapos ng isang linggo para suriin muli ang sugat ng lalaki.
Nang sumapit ang gabi, may dumating na dalawang kasambahay sa bahay ni Tibor. Nagluto ng pagkain ang isa at naglinis naman ang isa pa. Hindi pa ako sanay sa presensiya ng ibang tao kaya naman inayos ko lang muna ang mga gamot niya sa ref.
Matapos naming maghapunan, mag-isa na lang ako roon sa silid niya para linisin ang kanyang sugat, walang Angela para tumulong sa akin. Tila ba may elepante sa loob ng kanyang silid na pumapagitna sa aming dalawa. Napapalunok ako habang dumadampi ang kamay ko sa kanyang balat. Maingat kong pinapahiran ng gamot ang kanyang binti.
Ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi kapag hindi ko naiiwasan na tumingin sa kanyang dibdib. Malapad ang katawan ni Tibor. Wala siyang pang-itaas kaya naman malinaw sa aking paningin ang kanyang eight-packs, ang matikas niyang mga braso na bahagyag nangingislap kapag natatamaan ng fluorescent lights.
I have never felt these feelings before, even to Riggs. ‘Yong pakiramdam na nais ng mga daliri ko na maglandas ang mga iyon sa kanyang dibdib. Napakislot ako nang marahang dumampi ang daliri ni Tibor sa aking pisngi. Even those fingers were nice touching my cheeks.
“You are blushing.”
Sa sinabi niya ay mas lalo akong namula. “N-no!”
Bumuntonghininga siya. “Do you want me to cover my chest? I’m sorry. Mainit kasi ang panahon at pakiramdam ko ay parang mas nangangati ako dahil sa klima. Hindi dapat ako humarap sa ‘yo nang nakahubad.”
“No, it’s alright. I-I mean, this is your home. You can do whatever you want,” agad kong sabi.
Tumango siya. I looked at his packs again. It was a pleasant sight, and I didn't mind seeing it bare. God, Agatha!
“Pwede kang mag-online shopping para sa iba pang kailangan mo. I know Angela gave you some of her dresses, but I also know that those aren’t enough.”
“No need. I can wash the clothes and wear them again after.”
“I was told you liked online shopping in the past, o kahit mag-shopping.”
Mabuti na lang at tapos na akong maglinis ng sugat ni Tibor kaya naman bumilog ang kamao ko. Hindi na ako ang prinsesa ng mga Serrano na pinaliliguan ng pera ng daddy ko noon.
“Noon ‘yon. Wala na akong karapatan ngayon,” sabi ko kay Tibor. Hinarap kong muli ang abuhing mata niya kung saan nakikita ko ang kapayapaan.
“Agatha, you have all the fvcking right! Put that in your mind." Again, his voice was low, yet there was dominance behind it.
Umiling ako sa kanya. “No.”
Humigpit ang hawak niya sa braso ko. Galit ba siya? Hindi ba niya alam na lamang ng isang daang beses ang kasuotan ko ngayon mula kay Angela kumpara sa mga sinusuot ko sa kulungan?
Online shopping? Shopping?
Nababaliw na si Tibor kung iisipin niya na gagawin ko ang kung ano ang ginagawa ko mahigit dalawang taon na ang nakalipas. Kahit piso nga ay wala ako! Ngunit hindi ko maisatinig ang mga iyon dahil mas lalong nakakababa ng pagkatao.
Tila nahimasmasan siya at lumuwag ang pagkakahawak niya sa braso ko. “Again, I’m sorry. You are now mine, Agatha. Ako ang kumuha sa ‘yo kaya naman sisiguruhin ko na maayos ang lagay mo sa poder ko. I have enough money to provide everything for you.”
You are now mine… He sounded like… a husband providing the wife’s needs. I shook my head. I am crazy thinking about those things.
“I’ll tell you if I need something,” sagot ko sa kanya. Pakiramdam ko kasi ay hindi siya tatangap ng no.
I saw relief in his eyes.
“Pagpahinga ka na. Kailangan mo ‘yon.”
Tumango ako at saka lumabas ng kanyang silid. Tahimik ang kanyang bahay at bahagya nang madilim. Umakyat ako sa silid na gagamitin ko simula sa gabing iyon. Pinagmasdan ko ang queen size bed na naroon sa silid. Malambot iyon at mabango, ngunit alam ko na hindi ako makakatulog doon. Kinuha ko lang ang comforter nito at saka iniladlad sa sahig. Kahit ang makapal na unan ay hindi ko pinag-aksayahang gamitin.
Tumitig ako sa kisame habang dinadama ang matigas na sahig sa aking likuran. Mas mararamdaman ko lang ang lungkot kung sakali na hihiga ako sa kama at ipinangako ko na sa sarili ko na hindi ako iiyak kaya naman magtitiyaga ako sa bagong kong tulugan—kung saan sanay naman talaga ako.