CHAPTER 3: As Nurse

1820 Words
Agatha “PWEDE mo bang sabihin sa akin kung ano ang ginagawa ko rito?” nakakunot noo kong tanong sa lalaking may kalakihang katawan. Ngunit imbes na matakot ako sa kanya ay may kung anong kapayapaan akong naaaninag sa kanyang mata. He has dark gray eyes, which is unusual for Filipinos, of course. “Are you afraid?” tanong niya sa akin. His voice was deep and cold. There were no expressions written on his face. “No. I knew Torin Agassi. He has reputation. Isa pa, sayang ang danyos na binayad n’yo para sa ninakaw na painting kung plano n’yo lang din naman akong patayin.” My fist balled after thinking about it. “Nevertheless, I don’t even care if you kill me. Huwag lang ang r@pe…” My fist tightened even more. I’ll make sure they suffer! The people who insulted me and Riggs—my ex-boyfriend who brought me to jail! Siguro iyon ang dahilan kung bakit nagtiwala ako kay Torin Agassi at sa lalaking katabi ko. I don’t have anything or anyone right now! Torin helped me get out of jail means he was even more human than the people I had two years ago. I’m back to zero! Napakislot ako nang hawakan niya ang kamay ko na halos madurog na sa pagkakabilog nito. “Don’t hurt yourself,” aniya. May kung anong mahika ang kanyang tinig, ang kanyang mata, at ngayon naman ay ang kanyang haplos na nagpapagaan sa aking kalooban. Agad ko iyong binawi. Tumikhim siya. “You are right. May kapalit ang pagtulong ni Torin sa ‘yo.” Bigla kong naisip ang mas malalang bagay. Sa palagay ko ay nasa treinta pataas na ang lalaki sa aking tabi. Hindi kaya… “I”m not a prostitute,” I said. “Ganoon ba kataas ang halaga ko? Milyon?” Bahagyang nagtaas ang kilay niya. “Hindi ako bumibili ng babae, Miss Agatha… Bago pa mapunta sa kung saan itong usapan natin ay magpapaliwanag na ‘ko. Your dad worked in the U-Lab as a scientist. Torin has been looking for your father for almost three years. Ngunit kailan lang niya nalaman na nasa kulungan ka nang may magsanla ng kuwintas mo sa isang pawnshop.” I gritted my teeth once again. Una, dahil sa pagkakabanggit niya sa aking ama. Ikalawa, dahil sa kuwintas. Akala ko ay maitatago ko iyon sa loob ng selda, ngunit nakita iyon ng warden at pilit na kinuha sa akin. Nais ko siyang sampalin matapos maisip na isinanla niya iyon. “Kailangan ng gagabay sa ‘kin. I am currently recuperating.” Napatingin ako sa kumot na nakatakip sa kanyang binti. “Nalaman ni Torin na isa kang medical student bago ka, you, know, nakulong. Kaya’t naisip niya na kunin ka bilang nurse ko. We helped you as much as we needed your help.” “Why do you care about my missing dad?” I asked suspiciously. “Because the formulas in U-Lab are confidential. Your dad stole files in my company,” said Torin, who was sitting at the front. Hindi na niya napigilan na sumabad. Lumingon siya sa akin. “Pero bakit mo ako tutulungan, isang ex-convict? My dad also did the same thing.” “Because you are his daughter! He would return once he found out you work under me,” said Torin. Hindi ako pupuntahan ng daddy ko kahit pa malaman niya na nasa poder ako ni Torin. He was missing. Noong nasa kulungan nga ako ay hindi ko nakita ang anino niya, iyon pa kayang nasa poder ako ng CEO ng U-Lab? Sinarili ko na lang ang lahat. However, every picture is in place. Nakikita ko ang dahilan ni Torin kaya tinanggap ko ang sagot niya. “In any case, alam ko naman na sasama ka pa rin sa ‘min,” anang lalaki na nasa tabi ko. “Yeah. You already paid the Marianos for the missing painting. Wala rin akong pupuntahan,” bulong ko. Hinawakan muli ng lalaki ang aking kamay. Pinisil iyon. “But I still want to hear it. Are you accepting the job as my nurse?” Again, I looked at his calm eyes. “Not unless you tell me your name.” *** TIBOR MADRID. That was the man’s name. Ayon sa kanya, may nagbomba sa restaurant kung saan siya nagpunta para sa misyon sa Italya. Kung ano ang misyon? Hindi ko alam. Hindi siya nagpaalalay sa akin at mag-isa niyang pinipindot ang buton ng kanyang wheelchair. Pagkababa naming dalawa ng sasakyan ay umalis na rin si Mr. Agassi para umuwi sa tirahan nito. Katabi lang daw nitong tirahan ni Tibor ang tirahan ng mga Agassi. Papupuntahin niya raw ang kanyang asawang si Angela Madrigal-Agassi para ipaliwanag ang trabaho ko. “I have two guards bukod sa ilang maids na mula sa bahay ni Torin. Nagpupunta sila rito para maglinis o kaya ay magluto,” ani Tibor. Inikot ko ang paningin ko sa kanyang bahay. Ang unang napuna ko ay walang masyadong gamit sa bahay na iyon. Hindi kumpleto ang mga kasangkapan kaya may kaluwagan, ngunit hindi ako nagkomento. “I am using this room.” Itinuro niya ang nag-iisang silid na sa palagay ko ay library talaga. “I have four rooms upstairs. Gamitin mo ang pinakamalapit sa hagdan para kung sakaling kailanganin ko ang tulong mo ay hindi ako mahihirapan na hagilapin ka. Pinaayos ko na rin iyon kahapon.” “Huwag kang mag-alala. Dito lang ako sa baba sa maghapon.” Saglit siyang natahimik. His eyes found mine. Cold. No emotions. “Don’t watch me as if I’m a toddler, Agatha,” aniya na para bang nababasa niya ang nasa isipan ko. “Oh, no! Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Wala rin naman akong gagawin sa itaas.” Tumango siya. “I’m here!” Sabay kaming napalingon sa pintuan nang marinig namin ang tinig ng isang babae. Isang magandang babae na sa palagay ko ay matanda lang sa akin ng ilang taon ang bagong dating. “Angela. She’s Agatha.” Nakakunot ang noo ng babae na pinasadahan ako ng tingin. Ramdam ko na pinag-aaralan niya ako. Pagkatapos ay tumango-tango siya. Lumapit siya sa akin at pagkatapos ay inabot niya sa akin ang dalawang paperbag. “Nasabi sa akin ni Torin na wala kang gamit kaya nagdala ako ng mga damit. They are clean. About the underwear, you don’t have to worry, they are new. If ever you need more clothes, I can provide, just let me know.” “Thanks…” Humigpit ang hawak ko sa handle ng paper bags. Bigla ay nakaramdam ako ng hiya. Wala akong dinala kahit isa sa mga gamit ko na naroon sa kulungan. Nais kong iwan na ang lahat ng bakas ko roon. Ang kasuotan ko nga sa kasalukuyan ay gusto kong sunugin pagkatapos kong makapagpalit. “You can take a shower in your room, Agatha. Makapaghihintay pa si Angela ng ilang minuto,” ani Tibor. Inangat ko ang paningin ko sa kanilang parehas. Nakangiti na sa akin si Angela. Wala na ang pader na nararamdaman ko sa kanya kanina. Seryoso naman ang mukha ni Tibor na pinag-aaralan din ako. “Tibor was right. I can wait,” ani Angela. Kinapalan ko na ang mukha ko na umakyat sa itaas na palapag ng bahay. May kalakihan ang silid na naroon sa malapit sa hagdan tulad ng bilin ni Tibor. May kama sa gitnang bahagi. Halata rin na bagong ayos iyon dahil sa amoy ng silid. Simple lang ito, ngunit mas maayos iyon ng ilang milya kumpara sa higaan ko kagabi. Pumasok ako sa loob ng palikuran na naroon sa silid. Walang mantsa ng kung anong dumi ang mga gilid ng tiles. Malaki ang toilet bowl. Kahit sa mansion ng mga Serrano ay mas maganda ang palikuran na iyon. Inaaya ako nitong maligo. Hinubad ko ang aking kasuotan at saka tumapat sa ilalim ng shower head. Hindi ko napigilan na maiyak nang lumapat sa aking balat ang tubig. Humahalo ang aking luha sa malinis na tubig na bumubuhos sa aking uluhan at naglalandas sa aking pisngi. Dalawang taon. Dalawang taon akong nasa bilangguan dahil sa kasalanan na hindi ko ginawa! Naligo ako ng burak, ihi ng tao at kung ano pa na hindi kanais-nais sa pakiramdam. Kung makaligo man ang isang tulad kong inmate ay masuwerte na. Ngayon, heto ako, malayang dinadama ang malinis na tubig. Isang mabangong amoy ng shower gel ang ipinahid ko sa katawan na naroon lang din sa gilid. May conditioner, shampoo, toothbrush at lahat na malaya ko lang nakukuha. Hindi ko napigilan na humagulgol dahil naranasan ko na namang maging tao. Tibor Madrid at Torin Agassi. Hindi ko alam kung gaano kalaki ang tulong na inaasahan nila sa akin, pero sa aking pananaw, sila ang mga taong nagbigay sa akin ng bagong buhay. No more cries, Agatha! Pinigilan kong umiyak. Kapag namula ang mata ko, sigurado na magtataka sila. Isang malinis na bestida mula sa mga damit na dala ni Angela ang isinuot ko. Taimtim kong pinagmamasdan ang sarili ko sa salamin habang gamit ang hair dryer. Ang babae sa salamin—dalawang taon ang nakaraan ay wala siyang kamuwang-muwang. Isang mahinang nilalang! Ngayon na binigyan ako ng pagkakataon na bumangon, hindi ko na hahayaan pa na bumalik ako sa mundo na mayroon ako dati. Lalaban ako! Riggs! Nadine! Janice and Marissa! Marcus! Tita Berta! Tito Ramon! Babawiin ko ang bagay na ipinagkait n’yo sa akin—respeto! Isang mahinang katok sa pinto ang gumambala sa aking isipan. Binuksan ko ang pintuan at bumungad sa akin si Angela. “Sorry. Natagalan ako.” “Ayos ka lang?” aniya na nakatingin sa aking mukha. Pinunasan ko ang mga natira kong luha sa gilid ng aking mata. “Pasensiya na. I’m just overwhelmed.” Ngumiti siya sa akin. “Bahay mo ito sa loob ng ilang buwan kaya ngayon pa lang ay sanayin mo na ang sarili mo. May gusto ka bang malaman o kailangan?” “Gusto ko sanang malaman kung may bagay na ayaw si Tibor. He’s my boss. Ayokong magkaroon ng problema sa kanya.” Napangiwi siya. “He’s cold and I don’t like his mouth.” “His mouth?” “Yeah. Madalas siyang magmura. My son has recently been using the word fvck and d**k because of Tibor’s curses. Napagalitan ko na siya at nagpasensiya na siya sa akin. Still, I hate it! Anyway, to sum it all, he’s an asshole! Well, personal na opinyon ko lang naman iyon. Sa tingin ko naman ay magkakasundo kayong dalawa.” Hindi ako sigurado kung ano ang reaksiyon ko sa bagay na iyon. I haven’t heard him cursing. Pero nagpasalamat ako kay Angela. “Thank you!” “That’s nothing. Halika na. Tibor is ready in his room.” I once again took a glance at my room. Hindi pa rin maipagkakaila na binigyan ako ng respeto ni Tibor Madrid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD