CHAPTER 2: The Agassi

1503 Words
Tibor Madrid “MALAPIT na tayo, boss!” ani Macoy. Kasalukuyang sakay ako ng private jet ng mga Agassi. Nilingon ko ang maliit na bintana para pagmasdan ang Kamaynilaan. I’m still pissed because I have to recuperate after the bombing incident caused by Adrian Falcone, Mr. Z’s underboss in Europe, and a fvcker! Bumilog ang kamay ko. Masyado akong nagpakakampante kaya kasalanan ko rin ang bagay na iyon. Nagtungo ako noon sa isang Italian restaurant to meet a spy, Rino, under his group. Hindi ko akalain na pinaghihinalaan na rin pala siya ni Adrian kaya ilang araw na siya nitong binabantayan. Nakuha ko naman ang impormasyon, I never thought Mr. Z has a mafia princess that could be found in the Philippines! Sobrang dulas ng gago sa loob ng mahigit dalawang taon na pinaghahanap ko siya matapos makatakas at magpanggap bilang Dr. Macasaeg! Nabigla na lang ako nang paulanan ng bala ang restaurant ng grupo ni Adrian. Naging alerto naman ako, pero putang ina! Hindi ko napaghandaan ang bomba na inihagis sa loob ng restaurant. I almost died in that incident. Bukod sa namamagang sugat ay nadaganan din ng haligi ng gusali ang binti ko kaya kailangan kong magpahinga sa trabaho. Ipinaalam sa akin ni Torin na binebenta ang bahay na katabi ng mansion ni Madam Estella. I grabbed the opportunity to buy it. Sa sobrang lalim ng iniisip ko, namalayan ko na lang ang pagsadsad sa lupa ng gulong ng sky jet. Kasunod niyon ang pag-ring ng cell phone ko. I see Torin’s name on the screen. “Yes?” “I hope you had a safe flight,” aniya. “Oh, fvck that! You know I hate how clingy you are. Hindi ba nagseselos sa ‘kin ang asawa mo?” Noong nakaraan pa niya ako tinatawagan. I get it! Nag-aalala siya sa lagay ko bilang kaibigan. “No! Sinisigurado ko na nakukuha niya ang pagmamahal mula sa ‘kin, lalo na sa gabi. She’s not the jealous type.” “Fvck you! Tinawagan mo ba ako para inggitin sa relasyon mo kay Angela?” Kita ko na napalingon si Macoy at naiiling. Halatang may ideya siya na si Torin ang kausap ko. “Not really. Pero gusto kong malaman mo na dalawa ang inaanak mo sa akin. They are all waiting.” I hate this fvcker! He basically introduced everyone in his family just by asking how my flight was. Kung narito lang siya sa tabi ko, nabigwasan ko na ang mukha ng siraulo. Maayos kaming nakababa ng eroplano. I’m rolling my wheelchair to the van waiting for us. Tulad ng inaasahan, nakasandal sa hood ng sasakyan niya si Torin at naghihintay. Ngising-ngisi ang siraulo at halatang natutuwa sa pagkaasar na nakalarawan sa aking mukha. “Two years din tayong hindi nagkita,” aniya, tinapik ako sa balikat. “Gusto man kitang saktan, ayokong lasunin ng asawa mo. Saan tayo?” He grinned widely. “Sa bahay muna. Naghihintay si Angela at siniguro na dalhin kita sa kanya. She wants to check your wound. Gusto niyang tingnan kung gaano kalala ang sugat mo. Pwede rin siyang makatulong.” Hindi na ako sumagot. Gusto kong gumaling agad para makabalik sa misyon ko at hanapin si Mr. Z, o kahit si Adrian Falcone. Pumasok ang van ni Torin sa gate ng tahanan ng mga Agassi. Ilang saglit pa ay may nakita akong batang babae na sumulpot sa pintuan. She was too small. Napalingon ako kay Torin. Kita ko na gumaan ang kanyang pakiramdam nang makita ang batang iyon. “Anak n’yo ni Angela?” kaswal kong tanong. “That’s Greta, my baby girl.” Mabilis na bumaba si Torin ng sasakyan para puntahan ang kanyang anak. “Daddy! Hug!” Inangat nito ang dalawang braso. Hindi maikakaila na anak siya ng kaibigan ko. “Why are you here?” ani Torin. Kinarga niya ang kanyang anak. There was too much softness on Torin’s face as he looked at his daughter. Fvck! I couldn’t stand it. Torin used to be one of the dangerous members in my group. Pinagulong ko ang wheelchair sa likuran papalabas ng van. Nakarinig kami ng pagkabasag ng kung ano sa loob ng bahay. Sinilip iyon ni Torin, pagkatapos ay napamura. “Pahawak muna kay Greta.” Hindi na ako nakatanggi pa nang iupo niya sa akin ang batang babae at mabilis na pumasok siya sa loob ng bahay. Taimtim na nakatitig sa akin si Greta. Para siyang maiiyak habang nakatingala sa akin. Nagsisimula nang mangislap ang kanyang mata dahil sa luha. Napangiwi ako. “Hello! I’m your dad’s best friend.” Bigla siyang pumalahaw ng iyak. Oh, fvck it! Kaya ayoko ng bata sa buhay ko. Humahangos na lumapit sa akin si Angela at kinuha niya ang kanyang anak. “Wala akong ginawa sa kanya,” agad kong pagkakaila dahil alam ko kung gaano katinik si Angela. Baka mamaya ay isipin niya na minolestiya ko ang kanyang anak. “I’m sorry. Hindi siya sanay sa ibang tao,” aniya. Inilapit niya ang batang babae sa kanyang dibdib. Napangiwi siya matapos makita ang loob ng bahay. May bahid ng tsokolate ang marble tiles. Halatang may natapon na chocolate milk doon. “Pasensiya ka na kung ganito pa ang naabutan mo. Palilinis ko agad.” Pinatuloy niya ako sa loob. Nakita ko si Torin na hindi alam ang gagawin sa isa pang bata na naroon. Para itong taong grasa. Bigla tuloy napabalik ang tingin ko sa sahig. Sa palagay ko ay pinaglaruan niya ang tsokolate roon. “That’s Garet, our baby boy,” ani Angela. Naiiling na lang ako. Sinabi na sa akin ni Torin na kambal ang unang anak nila ni Angela kaya hindi na ako nagtaka. Hindi ko lang inaasahan na ganito kagulo ang buhay nilang mag-asawa dahil sa kanilang mga anak. Masasabi ko kaagad na mabait at simple si Greta habang pasaway ang kambal nito na si Garet. *** SINURI ni Angela ang binti ko sa ilalim ng matinik na mata ni Torin. Kailangan ko kasing maghubad ng sweat pants. Ikalawang araw na akong pinupuntahan ng mag-asawa par doon. He’s watching to make sure Angela wouldn’t touch anything aside from my legs. A fvcking protective husband. “Hindi ko alam kung gaano katagal bago gumaling itong sugat mo. I checked your x-rays at may mga butong hindi talaga maganda ang lagay. Mabuti na lang at may sariling tissue ang katawan natin para ibalik iyon sa normal. At ikaw na rin ang may gusto na ayaw mong magpaopera.” Napangiwi ako nang kapain niya ang binti ko na para bang inaalam niya ang lagay nito base sa x-ray. “I need to come here every day, so I can clean your wounds,” seryosong wika ni Angela. “No! I won’t let you,” mabilis na tanggi ni Torin tulad ng inaasahan. Bahagya lang nagtaas ang kilay ko sa sinabi niya. “Why? Lilinisin lang naman ang sugat niya, and I have to inject antibiotics.” “I already found a person who would help Tibor for the job. You already have Greta and Garet to take care of everyday.” “Plus the fvcker!” Tinuro ko siya mismo. Pinukulan niya ako ng masamang tingin. Naiiling si Angela na nakahalata sa totoong dahilan ng kanyang asawa. “Love, I am doing this job as a doctor. Isa pa, Tibor is a family.” “Yeah, right. And he’s wearing only underwear.” Angela shook her head. “Torin, I’m a doctor. I already saw hundreds of d!cks.” “What?” Hindi makapaniwala si Torin. “Hundreds? Akala ko ay ako lang.” Angela and I smirked. I chuckled. “Just admit that you won’t stand seeing your wife, seeing another man’s d**k! Natatakot ka na makita ni Angela na naka-brief lang ako. Huwag kang mag-alala. Hindi sisilip kahit ulo niya sa asawa mo.” Gusto ko lang siyang tudyuin. Wala akong plano na magpakita ng pagkalal*ki kay Angela. Ngunit kita ko na kung wala roon ang kanyang asawa, siguradong ginulpi niya ako kung ang pagbabasehan ay ang kanyang anyo na parang papatay na ng tao. “Fvck you, Tibor!” He growled. I could feel his tension. I laughed hard. “Come on, man. I won’t touch your wife! She’s all yours, alright? Ngayon pa lang tuloy ay iniisip ko kung gaano ka ka-protective kay Greta kapag nagdalaga na siya.” “Sigurado na itatago niya si Greta sa cabinet sa bahay. At posibleng si Garet din dahil ngayon pa lang ay malaki na kung magbigay sa ‘min ng problema.” Torin gave me an annoying look. “Huwag n’yo akong pagkampihan. Anyway, I’m serious. I already found a person who would watch over you.” “Who?” I asked curiously. “Agatha Serrano.” Sabay na umawang ang labi namin ni Angela. “Are you fvcking serious?” tanong ko. Siyempre pa ay pamilyar sa akin ang pangalan ni Agatha Serrano. “I am. I found her. She’s in jail.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD