Kabanata 2

1041 Words
Pagdating niya sa mansion ay pansin niya ang tatlong bagong Bugatti sa kanilang garage. May bisita ba ang kanyang mga magulang? Saka niya naalala ang sinabi ng kanyang kuya David, ang importanteng pag-uusapan. Nakasalubong niya ang isang kawaksi at tinanong niya kung may bisita ba ang kanyang mga magulang, maagap itong tumango sa kanya, tinungo niya ang living room. Napahinto si Rebecca sa paglalakad. There he was talking with her mom and dad, Zards. Hindi niya alam kung tutuloy ba siya o aatras. Pero matalas ang pang-amoy ng kanyang kuya David at ang ama niyang si Mike Montenegro. Wala siyang choice kundi lumapit sa mga ito. Hindi niya alam kung anong pakay ni Zards sa mga magulang. Huwag niya lang mababalitaan na sinabi nitong may nangyari na sa kanila at mapapatay niya ang lalaking ito. "Well, there she is. Come here, Rebecca, I would like you to meet our guest, Mr. Zards Razon," nakangiting tugon ng kanyang ama. Ramdam ni Rebecca ang kakaibang tingin na iginawad ng kanyang ina sa kanya, tila nanantiya. Pormal na lumapit si Rebecca sa mga ito na tila hindi niya kilala ang naturang binata. Si Zards man ay nagtaka sa kanyang ikinikilos. Mabuti nalang at agad nitong nasakyan ang kanyang nais. Humalik muna siya sa pisngi ng ina at ama, pagdakay sa kanyang kuya David. "Be nice," may diing bulong ng kanyang kuya David sa kanyang tenga. "Nice meeting you, Mr. Razon," kunwari'y tugon niya sa binata. "My pleasure, Ms. Montenegro," tugon ni Zards, bago nito tuluyang binitawan ang kanyang kamay ay naramdaman ni Rebecca ang pasimpleng pagpisil ng binata sa kanyang kamay. Hindi siya makapag-react dahil nandiyan ang kanyang ina na si Levi at ang kanyang kuya David, sa dalawa lang naman siya may takot. Talo kase siya 'pag heto nang dalawa ang bumabara sa kanya. "Well, since nandito na si Rebecca. So, let's proceed to our main agenda," umpisa ni Levi. Alam niyang mali ang gagawin, but Zards is the best man for her one and only daughter. Kilala niya si Rebecca, when it comes to business she will take a risk for the sake of it, at iyon ang sinamantala niya. Inilatag ni Mike ang sinasabing agenda na siyang ikinagimbal ni Rebecca. What the! Really? Tama ba ang dinig niya? Hindi naman tama iyon. No way! Hindi niya pwedeng makasama si Zards sa iisang lugar. The heck! "Really, Papa? Pero bakit kailangan pang mag-merged ang kompanya natin sa kompanya nila?" halata sa boses ni Rebecca na against siya sa nais ng mga magulang. "Rebecca, could you please listen for a while?" sita ng kanyang ina na si Levi. Itinikom niya ang bibig at saka pormal na hinarap si Zards. Hindi niya magawang mapa-irap dito dahil nakamasid sa kanya ang ina. Damn it! "They are many reasons why a business would acquire or merged with another business, Rebecca," narinig niyang saad ng kanyang Kuya David. "The most common factor is the potential growth of the business. We can reduce the cost of developing business activities that will complement for our comapany's strength," pagpapatuloy ni Zards. Ni hindi man lang inaalis ang titig nito sa kanyang magandang mukha. Batid ni Zards na na-mana ng dalaga ang gandang taglay ng ina nitong si Levi. Kahit may edad na ang magandang Ginang ay napakaganda pa rin nito. "Merged are considered to be a more friendly corporate restructing strategy. This is because we are voluntary and mutually beneficial for both companies involved," segunda naman ng ama niyang si Mike Montenegro. Wala na siyang choice kundi tanggapin ang naturang napagkasunduan. Saka siya nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. Ngunit ang labis na ikinagulat ni Rebecca nang magsalita na ang kanyang ina. "To close this agenda, you have to marry Zards Razon," pinal na tugon ni Levi habang ang mga mata'y nakatitig sa anak. Napalunok si Rebecca. Gusto niyang mag-object sa sinasabi na iyon ng ina pero hindi niya magawa. Tinitimbang niya at pinag-iisipan niyang mabuti kung ano nga bang dapat gawin. Ngunit sa huli'y natagpuan na lamang niya ang sarili na sumang-ayon sa sinasabi ng ina. Ngunit hindi maialis sa kanya ang lihim na pagkamuhi kay Zards. Ni hindi man lang ito nag-reklamo sa sinasabi ng kanyang ina. Damn it! May choice ito para mag-object sa kasalang sinasabi ng ina. Kung heto mismo ang hihindi may pagkakataon pang hindi matuloy ang kasalan. Ano ba talagang gusto ng bwisit na lalaking 'to? Hanggang ngayon naiisip niya pa rin that Shantal girl. Sino si Shantal sa buhay nito? "IS THAT TRUE? OMG! Imagine, you are marrying the hottest Zards Razon," kinikilig na turan ni Dahlia sa kanya. Sa inis ni Rebecca ay binato niya ng throw pillow ang kaibigan. Tinawanan lang siya nito. "Damn you, Dahlia. Kinikilig ka na sa balitang iyon?" tugon niya at saka uminom ng lemonade. "Of course! Don't tell me hindi mo alam na maraming babae ang nagkakandarapa sa kanya para lang mapansin ng isang tulad niya, at isa na 'ko do'n, bruha!" sagot nito sa kanya, saka ito kumuha ng pizza na nakalagay sa bedside table. "Gustuhin ko mang umayaw, but I can't, alam mo naman 'pag business ang pag-uusapan I will do everything for the sake of it," saad niya sa kaibigan. "Hindi ka naman lugi kay fafa Zards no! He was so damn hot, Rebecca. Ano pa bang hinahanap mo sa isang lalaki, look, you're 23 years old but still no boyfriend, isa pa, lahat ng boys takot sa aura mong 'yan, iyang pagka-mataray mo kaya ilag sa'yo ang mga lalaki, e," palatak ni Dahlia sa kaibigan. Biglang natigilan si Rebecca, naalala niya ang gabing may nangyari sa kanila ni Zards. Yes, it's true na wala siyang boyfriend, pero hindi na siya virgin. Zards took her virginity that night. That amazing night, she gave herself to him, her whole being with the man she hate the most. Hiling niya lang sana'y huwag iyong magbunga. "A penny for your thoughts, come on, Rebecca, spill the beans!" pukaw sa kanya ng kaibigang si Dahlia. Sumulyap siya sa kaibigang si Dahlia, she can't tell her that thing, though. Hindi naman sa hindi mapagkatiwalaan ang best friend niya. Maybe, this is not the right time na sabihin niya sa kaibigan. "Nothing," saka siya muling nagpakawala ng marahas na hininga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD