Kabanata 1

1118 Words
Nagising si Rebecca sa liwanag na nanggaling sa balcony ng kwarto. Napasapo siya sa kanyang ulo sabay ngiwi ng maramdaman ang kirot sa pagitan ng kanyang hita. What the! Saka niya naalala ang nangyari kagabi. Problemadong napatulala si Rebecca. Hindi siya makapaniwala sa sarili, nang ganoon lang, Rebecca? Are you out of your mind? Sh-t! Bumangon siya mula sa kama at saka tinungo ang banyo para maligo. Nagbabad siya sa bathtub na naroon. Naalala niya ang nangyari sa kanila ni Zards. This is not right. Pilit niyang inaalala kung gumamit ba ang binata ng proteksyon. F-ck! Eksaktong paglabas niya ng banyo ay siyang pagbukas ng pintuan ng kwarto na inukopa niya. And there he is, Zards. Pansin nitong hindi siya ngumingiti dito, may dala itong tray na sa tingin niya'y para sa kanya. Inilapag nito iyon sa bedside table. "I want you to buy me some dress and undies, I don't wear boxers I'm not comfortable wearing that thing," saad ni Rebecca sa binata habang inaayos ang suot na roba, naupo siya sa harapan ng salamin at saka sinuklay ang kanyang buhok. "Alright, please eat your breakfast," ani ng baritono nitong boses, sumulyap siya sa binata. His gaze directly into her brown hazelnut eyes. Iniwas niya ang tingin dito, muling ibinaling niya ang tingin sa salamin at pinulot ang hairdryer. "Stop staring at me, I'm not comfortable," pagdakay turan niya sa binata na sa tingin niya'y ngayon lang nakakita ng magandang dilag. Pinipigilan niyang mapangiti. "You can't blame me, you're beauty is like a goddess," diretsahang sagot ng binata sa kanya. Tumaas lang ang kilay ni Rebecca sa sinabi iyon ng binata. Hindi niya akalaing bolero pala ito. "Really? I don't think so," sinuklay ang tuyo niyang buhok, tumayo siya at lumapit sa pagkain na nasa bedside table. Natakam siya sa Croque Monsieur, crunchy Bacon Chicharon, Grilled Cheese sandwich with tomato soup, with the best Champorado, patok sa kanyang panlasa. Napangiti siya. Delicious. Narinig ni Rebecca ang pag-bukas ng pinto hudyat na lumabas na ang binata. Saka lang siya nakahinga ng maayos. Naibaling niya ang tingin sa may balcony, hiling niya na sana hindi magbunga ang isang gabing may nangyari sa kanila. Pagkatapos niyang kumain ay tumayo siya mula sa malambot na kama at saka lumabas ng kwarto. Inilibot niya ang tingin sa malaking bahay na sa tantiya niya'y isang mansion. Makikita na ang lahat ng mga dekorasyon ay pawang antiques. Tinungo niya ang veranda. Napangiti siya nang sumalubong sa kanya ang preskong simoy ng hangin. "Here's your clothes," narinig niyang tugon ni Zards. Lumingon siya sa binata, mabilis na kinuha niya ang paper bag na dala nito. "Salamat," walang ngiting sagot niya dito, sinilip niya ang laman niyon. Lihim siyang napangiti at saka muling sumulyap sa seryosong mukha ng binata. "Tell me if you've done so I can ride you home," tipid nitong saad, walang-sagot na natanggap si Zards sa dalaga. Tumunog ang kanyang cellphone, si Shantal ang nasa kabilang linya, medyo nagulat siya roon. "Yes? Why are you calling, Shantal?" sagot niya sa tawag na iyon ng dalaga. Umigting ang panga ni Zards. Halos magdikit na ang kanyang makapal na kilay nang marinig ang sinabi ng nasa kabilang linya. Lihim namang nakikinig lang si Rebecca, katatapos lang niyang magbihis. She was wearing a floral dress and her white flat sandals. Sino si Shantal? Malamang girlfriend nito, well she don't care at all. Pero bakit tila may munting kirot siyang naramdaman ng marinig niya mula kay Zards ang katagang 'please' sa kausap nito? No way! Don't tell me nanghihinayang siya? For what reasons? Damn it! Nang matapos ang tawag ay saka lang lumabas si Rebecca. Pansin niyang tila wala sa mood ang naturang binata. Is it because of that Shantal? "Drive me home," tipid niyang saad sa binata, sumulyap sa kanya si Zards pagdakay muling binalingan ang sariling cellphone at nag-send doon ng mensahe. "I'll apologize, but maybe Mang Dindo will be the one who will drive you home, I've gotta go," nagmamadaling tugon ni Zards sa kanya at saka ito umalis. Naiwang naiinis si Rebecca, for her, hindi siya sanay sa ganoong pagtrato. What the heck! Damn that Shantal girl! Gano'n ba kaimportante ang babaeng 'yon sa binata? At ano namang pakialam niya? It's none of her business, though. She crossed her arms in her chest. Pero aminin man niya o hindi sa sarili, naiinis siya sa Shantal na iyon. Nagpakawala nang malalim na buntong-hininga si Rebecca. Lumapit sa kanya ang isang matandang lalaki at malugod na nagbigay galang sa kanya, tumango lang siya bilang pagtugon. Iminuwestra siya nito sa kotse. Agad na pumasok ang dalaga sa loob at sinabi niya dito ang address ng kanyang condo unit. Wala siya sa mood na umuwi ng mansion. LUMIPAS ANG ilang araw hindi pa rin sinasagot ni Rebecca ang mga tawag ni Zards sa kanya. Honestly natutulig na ang kanyang tenga sa panay miss calls nito. Paano ba naman kase tumatawag lang ito sa tuwing nasa kalagitnaan siya ng meeting with the board of directors. Mabuti nalang at naka-silent ang phone niya kung hindi ay baka mapagalitan pa siya ng kanyang kapatid na si David Montenegro na siyang presidente ng Montenegro Clothing Brand Inc. While she was the CEO. Nang matapos ang meeting ay nauna nang lumabas si Rebecca. Inis na tiningnan ang sariling cellphone. Sa totoo lang iniiwasan niya si Zards. Hindi niya alam kung bakit ang kulit pa rin nito gayong tinapat na niya ito na ayaw niyang makipagkita dito. She tell him to get rid of her. Tinungo niya ang kanyang kotse sa garage para makipagkita sa kaibigang sina Rosette at Dahlia. May bar hopping sila ngayon since it was Friday. Ika nga, girls nights out. She needs to unwind also. Sumulyap siya sa kanyang wristwatch eksaktong alas singko y medya na, may oras pa siyang magpaganda. "Rebecca," narinig niya ang baritonong tinig na iyon ng kapatid na puno ng awtoridad. Tamad na napalingon siya dito at saka ito hinarap. "Kuya, what is it?" walang ganang sagot niya sa kapatid. "Kailangan mong umuwi ng mansion, may importante daw tayong pag-uusapan nina Mama't Papa, don't you dare break my rules," bakas sa anyo ng kapatid ang nakakatakot na aura nito. Tiklop siya 'pag si Kuya David na niya ang sumisita sa kanya. "Alright, I'll be there kuya," sagot na lamang niya dito. "Make it sure, see you there," sagot nito at saka ito pumasok sa sarili nitong kotse at pinaharurot ito ng takbo. Binuksan ni Rebecca ang pintuan ng sariling kotse at saka siya pumasok doon. Nagpakawala muna siya ng marahas na hininga bago pinaandar ang kanyang Bugatti papuntang mansion. Lihim siyang nagtataka, ano na man kayang importanteng pag-uusapan? Ipinilig na lamang niya ang kanyang ulo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD