Kabanata 3

3022 Words
"Rebecca, wake up sweetie. It's almost 3PM in the afternoon, Zards is waiting. Come on," ginising ni Levi ang anak, hindi na siya nag-abala pang pumasok sa kwarto nito dahil alam naman niyang gising na ito, tinamad lang bumangon. Napanguso ako ng marinig ang boses na iyon ng aking mama Levi. Paniguradong pipilitin na naman ako nitong makipag-date sa bwisit na Zards na iyon. Damn! Imbes na bumangon at maligo ay mas pinili kong magbingi-bingihan, Niyakap ko ang aking throw pillow at ibinaon sa aking mukha. Muli'y nakarinig ako ng katok sa aking pintuan. Hindi ko pa rin iyon pinansin dahil alam kong si mama lang iyon. Ngunit nang marinig ko ang pag-bukas ng pintuan ng aking kwarto, kasabay ng hindi pamilyar na yabag ay napabalikwas ako ng bangon. "Ikaw?! At ano'ng ginagawa mo dito sa kwarto ko, who give you the permission to be here?!" bulalas ko nang makita si Zards. Damn. He was so hot in his white shirt polo. Pinipigilan kong 'wag mapanganga sa gwapong nilalang na nasa harapan ko ngayon, never in my wildest dream na manginsay sa bwisit na lalaking 'to. "I was here to pick you up, don't you remember our merge of company? This is the best thing we could do. Getting to know each other, Rebecca." "Wow, at talagang pinanindigan mo talaga? Come on, Mr. Razon. Trabaho mo bang gisingin ako at puntahan ako sa sarili kong kwarto? Your trespass, asshole!" gigil na asik ko sa lalaking kaharap, mas lalo pa akong nainis nang lumapit ito sa malambot kong kama at naupo doon. "I'm not here to argue with you, I was here to pick you up. Let's just say, for the sake of our both company, and I want also to get to know you more, Rebecca." Halata sa boses ni Zards ang pagpakumbaba sa malditang Montenegro. Samantalang si Rebecca ay seryosong nakatitig lang sa mukha ng binatang kaharap, tinatantiya ang senseridad sa sinasabi nito. Tumaas muli ang mataray na kilay ng dalagang Montenegro. "Huwag kang plastic Mr. Razon dahil hindi ako madadala sa mga walang kwenta mong katwiran. Get out in my room at maliligo lang ako, hintayin mo ako sa living room." Tumayo si Zards at saka tinungo ang pintuan ng silid ni Rebecca. Naiiling siya sa asal nito. Gayunpaman, naaaliw siya sa tuwing namumula ang mukha nito sa galit. At dahil sa sobrang inis ni Rebecca ay ibinatao niya ang throw pillow sa pintuan ng kanyang silid, she was still sleepy, damn it! Inis na tumayo siya mula sa kanyang malambot na kama. Araw ng Linggo, and this is her rest day, madaling araw na sila nakauwi sa girl's night out kasama ang kaibigan niyang si Dahlia, until now she felt a mild headache. Pagkatapos niyang maligo ay tinungo niya ang kanyang wardrobe para pumili ng maisusuot. Napili niya ang black maxi dress para ipalabas na nagluluksa siya sa date nilang iyon ng binata. Pinili niya talaga ang kulay itim na bag at flat black sandals. Tingnan lang niya kung gugustuhin pa nitong makasama siya. Ngumisi ng nakakaloko si Rebecca. Muli'y nakarinig siya ng katok sa kanyang pintuan, agad niyang kinalma ang sarili, sigurado siyang hindi si Zards iyon, kabisado na niya ang kanyang ina. Damn! "Come in." "Don't you check the time, Rebecca? Kanina ka pa hinihintay ni Zards sa living room," halata sa boses ng kanyang ina ang pagka-irita. "I'm sorry, mama." "Black, ba't kulay black lahat 'yan, don't you think nababagay sa'yo ang kulay black? Come on, Rebecca. Ano'ng ibig mong palabasin? Akala ko ba maliwanag na sa iyo ang lahat ng napagkasunduan, you'd agreed, right?" "This is where I was comfortable, mama." "You can't lie to me, I know you hate, Zards but you can't change the fact that he's still the one you will marry, ayusin mo iyang ugali mo, Rebecca." Inis na kinuha ni Levi ang black na maxi dress at itinapon iyon sa gilid ng kama ng anak, siya na mismo ang pumili ng maisusuot nito, hindi siya papayag na insultuhin ng sutil niyang anak ang napakabait na si Zards Razon. She needs Zards to change her daughter's attitude. Walang nagawa si Rebecca kundi makinig sa sinasabi ng kanyang mabait na ina. Damn! Takot lang niya dito, iba magalit ang kanyang ina. Tiklop ang mataray attitude niya pagdating dito. "This would be fit on you, this Chiffon Empire Waist Dress. Here, 'yan ang bagay sa'yo at siguraduhin mo lang na 'yan ang isusuot mo. Tandaan mo, Rebecca. Huwag mo kaming ipapahiya ng iyong papa kay Zards, respetadong tao si Zards kaya ayusin mo iyang ugali mo. Walang Montenegro na walang paninindigan. Alalahanin mo ang kompanyang ikaw din naman ang maka-benefits. Use you damn brain, set aside that nonsense behavior of yours." Napayuko ako nang marinig iyon mula sa bibig ng aking ina. Kinuha ko ang bestida at isinuot na iyon. "We can decline the wedding if you don't sure enough to marry, Zards Razon. Hindi ka namin pinipilit, hinihintay lang namin ang mismong pinal na desisyon mo habang maaga pa. Sabihin mo lang sa akin at hindi ka naming pipilitin ng papa mo." "No! Magpapakasal ako kay, Zards mama. Honestly, I hate his guts. And it was irritating me whenever he is around. As your daughter, I'll do my best to be a good businesswoman like my brothers." "My point here, Rebecca is to settle you down, and Zards is the perfect man for you. I know, that this is not right, but you have to listen to us, as your parents we do our best for you to give all the best. You're my unica hija and my obligation as your mother is to give you the best." Niyakap ni Rebecca ang ina. Alam niya iyon, at wala siyang nakikitang mali. At alam rin niyang mabait na tao si Zards, nasa kanya lang na man ang problema. Hindi siya katulad ng ibang babae na hindi sinasabi kong ano'ng nais niyang sabihin. Sinasabi lang naman niya ang nais niyang ipunto, prangka siyang tao kumbaga. "Someday, love will bloom in your heart, sweetheart. The right time will come na matutunan mo rin siyang mahalin. Matagal na naming kilala ng papa mo si Zards, at mabait ang mga magulang ni Zards, sweetie. And I know that, Zards will be a good husband to you," hinaplos ni Levi ang buhok ng kanyang unica hija. She loves Rebecca so much, but Isaac was her favorite dahil sa ugali nitong na mana nito sa kanya, likas nga lang na mapang-asar. Matapos kong magbihis ay sinipat ko ang aking sarili sa aking paboritong salamin na iniregalo ni mama sa akin, ang Venice mirror, it was a Venetian large wall mirror. A passionate modern and giant mirror for a contemporary interior. At nagpasya na rin akong bumaba para harapin ang lalaking kinaiinisan ko. Napansin ko ang labis na paghanga sa anyo ni Zards. Sumulyap ako sa aking ina. Lumapit ako kay mama at humalik sa pisngi nito, saka nagpaalam dito. Ang kaninang ngiti sa aking mga labi ay biglang napalis nang magtagpo ang paningin namin ni Zards. Awtomatikong tumaas ang isa kong kilay. I need to behave, ayokong ma-disappoint si mama. Ngumiti lang si Zards sa inasal ko. Ipinulupot ko ang isang braso sa braso nito. Lumingon muna ito sa kinaroroonan ng aking ina para magpaalam. Umikot ang eyeballs ko sa kaartehan ng bruho. Duh! "You look gorgeous," puri ni Zards sa dalaga. "I know, you don't have to remind that to me," sarkastikong sagot ko sa sinabi nito. "Are you mad at me?" "Answer you own questions," inis na asik ko dito. Binuksan ni Zards ang pintuan ng kanyang kotse sa may front seat for Rebecca to get in. Nang tuluyan ng makapasok ang dalaga ay umikot agad si Zards sa may driver seat. "I don't like the smell of your car, don't you use Ultraluxe Candlemaker Diptyque air freshener?" reklamo ko at napaubo, honestly, I don't like the smell of it. "I can't afford that, Rebecca. Too expensive to buy that thing. Mas pipiliin ko na lamang na ibigay sa charity ang pera kay sa ibili ng ganong kamahal na air freshener," tugon ni Zards sa maarteng dalaga. "Too expensive sa mga taong kuripot. At bakit napunta ang usapan sa charity? I'm just talking about the air freshener," inis na pakli ko sa bwisit kung kaalit. "I'm just giving an example," sagot ni Zards sa dalaga na halata na ring naiinis. "Example, really? Ang tanong, ginagawa mo ba? O baka naman, hanggang salita ka lang, ang paggawa ng mabuti ay may kalakip na paggawa, Mr. Razon. Hindi lang sa salita," prangkang tugon ko sa lalaking kasama ko. "Don't judge me, Ms. Montenegro. You don't know me well," may diing tugon ni Zards sa sinabing iyon ng dalaga. "Then, don't be guilty," diretsahang sagot ko kay, Zards. "Why should I be guilty?" Hindi nakasagot si Rebecca sa sinabing iyon ng binata. Dahil sa labis na inis niya ay nawalan na siya ng sasabihin. Huminto ang kanilang kotse sa isang Starbucks. Lihim siyang napangiti, this is her favorite spot lalo na 'pag hapon. Sumulyap siya sa kanyang wristwatch, 4:30PM. Pinagbuksan agad siya ni Zards ng pinto. Pagbaba pa lang niya mula sa kotse ng binata ay takaw pansin sila halos ng mga tao doon. Nagulat si Rebecca nang may biglang lumapit sa kanyang bading. "Argh! Don't touch me," asik ko sa bading na humawak sa akin at dali-dali kong kinuha ang hand-sanitizer sa sarili kong bag. "Excuse me, do we know you?" tanong ni Zards sa naturang bading na halatang professional ang dating, maarte lang talaga ang babaeng kasama niya kaya ang mismong bakla ay nagulat sa inasal ni Rebecca. "I'm glad that you notice me, sir, Razon. But, honestly I'm a model scouts looking for a tall, fresh-face, natural beauty with great personalities. And this woman in front of me will fit in," maarteng sagot ng bakla kay Zards habang ang tingin ay nasa maamong mukha ni Rebecca na ngayo'y busy sa paglalagay ng sanitizer sa kamay. "I'll apologize, but your approach is not in a proper way, it's better for us to come inside, malay mo, Rebecca will grab that chance," narinig ni Rebecca na sagot ni Zards sa bakla. "Excuse me, and who told you that I'm interested in modeling, Mr. Razon?" mataray na tanong ko sa lalaking nasa harapan ko ngayon. "Oh, I guess I already know her answer, sir. I guess I need to exit, now," singit ng bading bago pa mag-away ang dalawang couple dahil sa kadaldalan ng kanyang matabil na dila. Gosh, hindi niya akalaing napakaganda pala talaga ni Rebecca Montenegro sa malapitan. Ilag ang ilan sa dalagang Montenegro, nasa malayo ka pa lamang ay nakataas na ang kilay nito, ibang-iba ang dating ng awra nito, sumisigaw sa awtoridad, ka-elegantehan at napaka-sopistikada naman kasi ng dating ng naturang dalaga, kahit sinong babae ay mapapataas ang kilay dahil sa kakaiba nitong dating. Nagmamadaling umalis ang bading dahil sa takot, nang makilala nito na si Rebecca Montenegro pala ang babaeng kasama ng gwapong CEO ng Garment Apparel Inc, malabong i-grab iyon ng maganda ngunit mataray na Montenegro, dahil kilala sa larangan ng negosyo ang pamilya nito. Kaya alam niyang wala ng pag-asa. Wala sa dugo ng mga ito ang pumasok sa larangan ng showbiz. Halata iyon dahil business minded ang pamilyang Montenegro. Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Zards. Damn it! Kunti nalang at malapit na siyang mapuno sa kaartehan at sa kamalditahang ugali meron si Rebecca. Ang hirap pala talagang espelingin ang katarayang taglay nito. "Let's go inside, Rebecca," tugon ni Zards sa dalaga at mabilis na inalalayan ito sa loob ng Starbucks.  Hindi na ako pumalag pa sa nais ni Zards, ramdam ko rin na napipikon na ito sa akin, at ano namang pakialam ko kung napipikon na ito. Nagpakatotoo lang naman ako, never in my vocabulary na sumabak sa pagmomodelo, gosh. Mababaliw talaga ako sa bakla na bigla na lamang humawak sa akin, ayaw na ayaw ko pa naman na hinahawakan ako ng kahit na sino. Argh! Si Zards na ang nag-order, at napili kong maupo sa may round table. Sa totoo lang, I'm bored right now. I want to chill again, malapit na akong matali sa bwisit na lalaking ito, kaya I need to enjoy my life. Plano ko sana after this date, tatawagan ko si Dahlia para mag-bar hopping. Nang dumating si Zards ay bigla akong natakam sa Chocolate Croissant, at Shot Latte. Hindi ko napigilang mapangiti, these are my stress reliever. Nang ilapag nito ang order namin ay agad ko iyong nilantakan. At nang i-angat ko ang aking tingin, nagtama ang paningin namin ni Zards, ramdam ko ang biglang pagsikdo ng aking puso. Damn it! Ano iyon? Sa totoo lang, bago sa akin ang kakaibang pakiramdam na iyon. Tumaas ang aking kilay at agad na binawi ang tingin mula dito. Pinipigilan ko ang aking mga kamay na huwag manginig, ilang mura din ang pinakawalan ko dahil sa banyagang damdamin na iyon. F-ck! "Do you like it?" tanong ng binata kay Rebecca. "What do you think?" mataray kong sagot sa tanong na iyon ni Zards sa akin, duh! Tinatanong pa ba iyon? He was so annoying. Inilibot kung muli ang aking paningin sa kabuuan ng Starbucks, kanina pa ako naiinis sa mga babae dito dahil napapansin kong kanina pa ang mga ito nagpapa-cute sa kasama ko. "I'm just asking, Rebecca. Can't you answer me properly?" bakas sa boses ni Zards ang pagka-iritado. He was starting counting Rebecca's behavior. Kunti na lang at susupilin na niya ang dalaga.  "What kind of answer do you like to hear from me?" sarkastikong sagot ko sa lalaking kaharap. "A formal answer, act like a professional woman, stop being childish." Napansin ko ang pag-igting ng panga ng aking kaharap. Seriously, galit na ba ito sa akin? Damn it! Hindi ko akalaing napaka-hot pala ng gago na 'to kung magalit. Well, I like it. Parang ang sarap lang asarin ang seryosong si Zards. Napa-isip tuloy ako kung paano kaya magalit ang isang Zards Razon? "Don't you dare command me, Mr. Razon," kunway sinalubong ko ang salubong nitong kilay. Damn it! Hindi ko akalain na napaka-gwapo pala ng bruho. His captivating dark mesmerizing eyes, perfect greek nose, thin lips, and his damn perfect defining jaw. And his hot body that every girl dying to touch. Agad kong ipinilig ang ulo at kunot noong sinalubong ang mapang-akit nitong mga mata. "I give you one last chance, Rebecca. Don't try me. I'm just giving you a warning." May halong pagbabanta sa boses na iyon ng binata. "I'm not scared of you, asshole! And who do you think you are?" Medyo tumaas na rin ang boses ko dahil sa sobrang inis na nararamdaman para sa lalaking kaharap ko. Damn, this man. "I'm gonna be your husband in the future, Rebecca. And I'll make sure that you will obey me." "You wish! Damn you!" asik ko sa kay Zards. Tumayo ako at mabilis na nilisan ang lugar na iyon. Damn! "Rebecca!" Hindi ako huminto sa paglalakad at mas lalo ko pang binilisan para hindi ako maabutan ng bruho. Sobra akong nainis sa pinagsasabi nito. Damn! Sino ba siya para pagsabihan ako? Wow, imagine, hindi pa kami mag-asawa may plano ng iba. No way!  Aba't magkakagiyera kami! Nagulat ako nang hilahin ako ni Zards sa isa kong braso para ipaharap dito. Sinalubong ko ang galit nitong mga mata. "And where do you think your going, woman!" Pumiksi ako sa kanyang hawak ngunit mas malakas siya sa'kin. At dahil sa inis ko ay sinampal ko siya sa kabilang pisngi. Naglikha iyon ng malakas na ingay. At saka lang ako natauhan, oh no! Nasa public place pala kami, damn it! Sapo ni Zards ang kanyang kabilang pisngi, kasabay ng pag-igting ng kanyang mga panga. F-ck! Sa inis niya ay marahas na hinapit niya sa bewang si Rebecca at kinumuyos ng halik sa mga labi. Marahas, nagpaparusa. Hindi na niya na-kontrol ang sariling galit. Pilit siya nitong tinutulak pero hindi siya pumayag. Naging alerto si Zards dahil alam niyang black belt sa karate si Rebecca. Pwes! Hindi iyon uubra sa kanya dahil isa siyang highest rank, he's a 9th Degree Black Belt, and that is the rank of the Grand Master. Kaya hindi siya tatablan ng karate nito. Nang ihinto ni Zards ang halik ay akmang sasampalin ulit siya ng dalaga pero agad niyang hinuli ang mapangahas nitong mga kamay. "I won't allow you to slap me again, Rebecca. Stop this, or else I'm gonna tell your mom about your goddamn behavior!" "Damn you, asshole!" "I don't care whatever you call me, you will listen to me and that's final!" "No way!" Wala ng nagawa si Rebecca, damn. Nagalit niya yata ng todo si Zards. Sh-t! Hinila siya nito palapit sa kotse nito, mabilis ang kilos ng binata at binuksan ang front seat. "Get in!" Hindi ako pumasok sa kotse. Damn, I'm totally angry. Gusto kong sapakin si Zards sa sobrang inis. At dahil nga sa inis ko ay mabilis na hinawakan ko ang dalawang braso nito para sana gamitan ng taekwondo moves, but I'm surprise of what I'm notice. Napaigik ako nang gumalaw si Zards. "You can't win against me, sweetheart," ani ni Zards sa dalaga at muli niyang inangkin ang mga labi nito. Nanlaki ang mga mata ni Rebecca. What the f-ck! Kanina pa nanghahalik ang lalaking ito sa kanya. Pero infairness, nakakapanghina ang halik ng binata. At nang ihinto ni Zards ang halik ay inis na muli niyang tinarayan ang naturang binata. "Let go of me, Mr. Razon!" "I will, just promise me that you will behave," seryosong sagot ni Zards sa nagpupuyos na dalaga. "Fine! Just let me go!" sigaw ni Rebecca na naging sanhi para bitawan siya ng binata. "Oh, you have also the Montenegro temper, huh?" Pumiksi si Rebecca mula sa pagkakahawak ng binata at mabilis na pumasok sa loob ng kotse nito. Sh-t! Hindi niya akalaing magaling pala ang bruho sa taekwondo. Ngumisi si Zards. At least nakahalik siya sa mataray na Montenegro. Not once, but twice. At saka siya umikot para tunguhin ang driver seat ng kotse.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD