Lihim na nagtatampo si Rebecca sa mga kapatid at magulang. Anong magagawa niya, siya ang kauna-unahang bumasag sa rules ng kanyang ama. Iba ang ugali meron ang kanyang ama, aminado naman siyang tama ang ginawa nito. Hindi kunsintidor ang kanyang mga magulang lalo na't mula pagkabata ay nakikita niya kung paano sila pinalaki, inaruga at minahal ng lubos ng mga ito. "Pwede ka na raw lumabas sabi ng doctor, here," si Shanice at inabot kay Rebecca ang ilang lista ng vitamins na ibinigay sa kanya ng doctor. "How about you?" tanong ni Rebecca kay Shanice. "Naghihintay lang naman ako kung kailan mo ako gustong ipadampot sa mga pulis," ani ni Shanice. "Kung plano kitang ipadampot sa pulis 'di sin sana'y kahapon pa kita isinuplong, baliw!" Nagulat si Shanice sa narinig mula kay Rebecca. Sa so