"So, the witch is here?!" mataray na wika ni Dahlia nang makita si Shanice sa mismong bahay ng kaibigan. Pinukol lang siya ng matalim na tingin ni Shanice. "Kung bruha ako, mas bruha ka!" inis na tugon ni Shanice. Ang aga-aga binubwisit siya ng isang mataray na tisay na ito. "Stop! pwede ba 'wag nga kayong mag-away, naririndi ako sa inyong dalawa. Mabuti pa, samahan niyo akong habulin ang asawa ko, sino sasama sa'kin, maiiwan dito ang ayaw," ani ni Rebecca. "Ayokong sumama, makakaistorbo lang ako sa moment niyo." Tumaas ang kilay ni Dahlia nang marinig ang sinabi ni Shanice. "Me too, ayokong sumama, babantayan ko ang ahas na babaeng 'to." "Kanina ka pa, ina-ano ka ba? ba't ba ang init ng dugo mo sa'kin?" hinarap ni Shanice ang magandang tisay na kulang na lang ay umusok ang ilong nit