Dinala nga si Rebecca sa ospital ni Shanice. Dalawang mortal na magkaaway na ngayo'y nag-iiringan sa loob ng private room. Mabuti na lamang at hindi professional gun user si Shanice at puro daplis lang ang natamo na tama ni Rebecca sa dalawang binti. "Damn you!" inis na asik ni Rebecca kay Shanice. "Humingi na ako ng tawad, ano pa bang gusto mo?! Pasalamat ka nga at daplis lang 'yang tama mo, e." "At nagyabang ka pa?! Dahil sa ginawa mong bruha ka hindi ko tuloy naabutan ang asawa ko!" "What?! Gaga ka ba! Next week pa ang flight ni Zards, kaloka ka. Re-schedule. Magtatanong ka kung ba't ko alam?Siyempre hindi ako pahuhuli sa mga latest chicka sa buhay ng lalaking mahal ko na inagaw mo!" Sa sobrang inis ni Rebecca ay binato niya ng isang apple si Shanice na dala nito kanina, mabuti n